Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko sa sinabi nya.
"Stop crying na. Wait until you meet her and my dad! Sigurado dalawa silang tatawag ng anak sa'yo. Gusto pa naman ng mom ng anak na babae kaya lang they had a difficult time with me kaya hindi na sila nag-adopt ulit."
M POV
Wait lang! Ampon sya?
Tumango sya na tila nabasa ang mga katanungan sa isip ko.
"Yup! Adopted lang ako. Iniwan ako ng nanay ko sa shelter for single moms pagkatapos nya manganak sa akin. Mom and Dad are one of their benefactors and that's where they got me."
"I was a problem child. I had difficulty trusting people. Pero si mom at dad pinagtyagaan nila ako. Pinakita nila sa akin na worthy ako of being loved. That it wasn't my fault my biological mom left me. Kaya rin siguro takot ako magmahal ng totoo at maiwan dahil doon."
Hinawakan nya ang pisngi ko.
"Wag mo akong iiwan ha? Magkasama natin palakihin ang mga magiging anak natin. Mahal na mahal kita Mommy Yan Yan!" sabay halik sa labi ko.
Ramdam kong may iba sa halikan namin ngayon.
Punong-puno ito ng pagmamahal na may halong pangungulila.
All my doubts, fears and hesitations are gone now.
I can finally, confidently and wholeheartedly say that we made love that night.
Iba pala talaga yung pakiramdam kapag alam mong mahal ka ng taong mahal mo.
It doesn't just feel like sex or baby making for that matter.
It was a meeting of two souls.
Pagkatapos ng ilang beses na pagniniig namin ay nakatulog na sa wakas si Dominic.
Habang ako ay tahimik na pinagmamasdan ang maamo nyang mukha.
Tiningnan ko rin ang singsing na ibinigay nya sa akin.
Sino ba mag-aakala na eto ang mangyayari?
Anak lang naman ang hiniling ko dahil ang buong akala ko ay hindi ako mapapansin at mamahalin ng isang Dominic Royce Barton.
Pero sobra-sobra pa ang binigay ni Lord.
May bonus pa na supportive future in-laws!
Hinalikan ko ang labi ni Dominic at saka umunan sa braso nya.
After 10 months
"Inhale...exhale...relax..."
"I can't! Kinakabahan talaga ako!"
"Dominic Royce Barton! Will you please calm down? Ako ang manganganak pero ikaw itong parang hindi maka-ire!"
"Eh kasi naman mommy Yan Yan..."
"Shhh...kaya ko 'to! Just hold my hand."
And he did.
Naipanganak ko ng maayos si Dominique at Marionne kahit na hinimatay ang daddy nila.
Nang matauhan sya ay maluha-luha syang lumapit sa amin.
"I love you so much Mommy Yan Yan! You and our twins." sabay halik sa pisngi ng kambal at huli sa noo ko.