webnovel

MMK: MAMAHALIN MO KAYA?

Dear Sharo,

"Argh! Nakakainis toh! Hindi ko alam ang spelling ng pangalan nya!" dahil sa inis ko'y nilukot ko ang papel na sinusulatan ko at tinapon sa bintana ng aking kwarto kasama ang ballpen ko.

"ARAY!!!!"

Nakarinig ako ng boses mula sa labas. Patay, may natamaan ata. Dali- dali kong dinungaw ang bintana sa pangamba na baka si Rodie ang natamaan ko. Si Rodie yung gwapo naming kasubdivision na araw-araw nagjojogging pero mainitin ang ulo at natatakot ako sa kanya. Kaya halos madapadapa ako makarating lang sa bintana.

Sa panahong dumungaw ako dito ay agad na napasimangot ang mukha ko. Wala na, sira buong araw ko.

"HOY! Tafiana, hindi isang ballpen ang makakapatay sa kin. Tsk" then he smirk.

"Alam ko unggoy ka! Nagsisisi na nga ako kung bat ballpen tinapon ko, sana kutsilyo na lang!" sigaw ko sabay talikod. Hmph! Sana magkabukol yang Unggoy na yan. His pissing the hell out of me. Ganyan palagi ginagawa nya kapag nagkukrus landas namin. At minalas ako, kasi isang taon na kaming pinagsasama kasi classmate ko sya.

"Ang bobo mo talaga! CHARO! HINDI SHARO! C! AS IN CAT! HINDI S! AS IN SHARO-ON," sigaw nya bago pa sya tuluyang umalis.

Ako naman nakatayo dun nanginginig ang buong katawan sa inis. Sasakalin ko na ang taong yun kapag hindi ako nakapagpigil.

Dearest Sharo,

Kung may tao mang nagngangalang ganuon. Sana po bukas hindi ako inisin ng Ungtang yun habang binabasa ang aking liham. Sana manahimik siya kahit isang oras lang, kung pwde sagarin nyo na at patahimikin sya habang buhay. Kasi marami na ho akong nagawang kahihiyan sa harapan nya. Katulad na lang ng siya ho ang nakakita ng una kong tagos . Nadapa ako sa harapan nya at may nakita rin syang kuto nung first year ako sa ulo ko. Ang pinagtataka ko lang e bat may kuto run e wala naman po ako nun? Ngayong fourth year na kami nalaman kong kagagawan lang pala nya yun. Ang nakakahiya pa e nung grade five nagconfess ako sa kanya at inaya ko pa syang magpakasal sa marriage booth nung first year pa kami. Umiyak nung second year kasi ang mokong nagkaroon na ng girlfriend at natigil lang ang kahibangan ko sa kanya nung foundation day na inaway ko ang girlfriend nya at kasabay nun ang pangbabasted nya sa akin sa harap ng maraming tao. Kaya sikat ako sa school bilang no.1 admirer ng Unggoy na yun. Pero dalawang taon na kaya ang lumipas hindi ko na iniisip yun kasi masama lang sa kalusugan ang mga kahihiyan ko.

Kaya po please ayoko na hong gumawa ng isa na namang bagay na pagtatawan nya. Tulungan nyo po ako.

Lubos na umaasa,

Tafiana.

·················

Dyos ko! Hindi Maalaala mo kaya ito! Kundi Confession ng mga torpe sa araw ng Valentines Day.Ang raming feelings na ang naisharengayong araw na toh. Yung iba nagpropose na at ang iba e nagkatuluyan na. TAKTE! Nagtatake advantage ang mga mokong. Hindi naman sinasaway ni Maam. Kilig nakilig na nga e.

Nagbabasa ng pangalan si Maam para sa susunod na mag-aala Charo, habang binabasa ang own na liham.

"Cindy Espanola?"

"Maam" she raised her hand and look at my direction. Bigla na lang syang nagsmirk sa kin tas rumampa na feeling model sa harap ng klase.

'Madapa ka sana.' I roll my eyes mentally. Sya, sya ang EX girlfriend ni Unggoy. 3 months lang ang itinagal nya. Ewan kung matagal na ba yun. Agad naman syang pinalitan ni Bella ang campus barbie doll. At marami pang sumunod sa kanila, di ko na mabilang. Yeah, nagbibilang ako.

"Dear Cindy,

Mahal pa rin nya ako at nararamdaman ko pa rin yun~~~"

0__________0

Ganto reaction naming lahat. That's very catchy for an introduction, dear. Napatawa na nga yung iba kong classmate ang iba naman nagpipigil lang. Ako~~~ wala. Tinitingnan lang ang reaksyon ng Ungta. Pero concentrate lang sya habang nakayuko at tinitingnan ang papel nya.

Grabe, hindi man lang nagspare kahit ilang seconds lang para makinig sa short-live-love-story nila ng kanyang ex Cinderella.

As if on cue, parang nafeel nyang may nakatingin sa kanya ay nag-angat na rin sya ng tingin and caught me staring.

'Stupid Tafiana! Mag-iwas ka ng tingin.' but I didnt do it. Nakipagtitigan lang ako sa kanya. Biglang lumakas ang pintig ng puso ko.

Noon, hindi ko nagagawa ang bagay na toh. I cant look at him in the eyes kasi parati lang akong panakaw sumulyap sa kanya. Ang ganda pala ng mata nito. Napalunok ako. 'Kinakabahan ka lang.' I convince myself eventhough kabisado ko na ang feeling na toh.

I saw him smirk at dun ako na ang unang nag-iwas ng tingin. Nakakaasar, hindi ko sya matalo-talo.

"Tafiana Tuazon."

Sheyt! Ako na! Tapos na pala ang ex ng unggoy na yun. Hindi man lang nagtext.

Hindi naman talaga ako kadalasang kinakabahan sa mga group reporting o mga oral na ikaw lang mag-iisa ang magsasalita sa harap ng maraming tao. Pero, nakatingin kasi si Unggoy sakin ng sobrang seryoso. Bwisit na toh, alam kong pinagtatawanan na nya ako. Mamaya pagnatapos ako susuntukin talaga kita.

I exhaled a deep breath and clears my throat. Ito na, nanlalamig na ang kamay ko at pinagpapawisan na ako ng bongga.

Peste kang ungta ka, bat ang seryoso mo? I can feel his scrutinizing gaze burning holes onto me. Hindi ko sya tiningnan nung umupo ako sa gitna, nasa backside lang sya kaya nag-ingat talaga ako na hindi sya matapunan ng tingin.

"Dear Sharo,"

I heard everyone's chuckle. Oo hindi ko na binago. Nasa amin lang naman daw kung kaninong pangalan gagamitin e. Basta about sa mga naaalala namin sa nakaraan ang laman ng liham.

"Itago mo na lang ako sa pangalang Tafiana~~~" and my classmate doubled in laughter.

Inaamin ko, ang hirap pigilan ng sarili ko na di tingnan sya. So I search for the familiar looking face. He's smirking, as usual. Pero hindi yung parang may pinaplanong masama o yung katulad dati na nang-iinis. He is smirking na parang aliw na aliw sya.

"At proud akong sabihin na hindi na ako ang no.1 admirer ng taong nilink sakin dati. At mas proud ako kasi tanggal na ako sa fans club niya, matagal na"

I am still looking at him at sya rin habang binabanggit ko ang mga katagang yun. Sa di malamang kadahilanan nagbago ang expression ng mukha nya. Parang gulat, na parang nasasaktan?

" Kahapon nainis ako kasi may unggoy na natamaan ang matalino kong ballpen. Idagdag pang nasa stage ako ng kalungkutan kasi namatay ang rabbit ng kapitbahay namin." tumawa na naman sila.

Oo, nonsense ang laman ng liham ko. Wala akong makwento e. Ang totoo, ayoko lang magshare ng kwento. Tyaka, useless lang kung magkwe-kwento ako about sa love story ko kasi alam naman lang nila lahat yun. Sikat nga ako diba? Sikat sa katangahan ko sa Unggoy na yan.

"Tyaka Sharo naalala kong Valentines Day pala ngayon kaya nagdecide akong makipagdate mamaya. Kasi inlove ako sa, sarili ko. Kaya magdadate akong mag-isa. Naalala ko na kada Valentines Day noon nag-eexpect akong bigyan ng chocolates nya. Nung grade five naman ako, nagconfess ako sa harap nya mismo sa Valentines Day rin."

I wasnt reading my script anymore.

"Inlove ako e~~~~"

Imbes na tawanan ang marinig ko sa kaengotang ginawa ko, wala akong narinig.

"Masyado akong papansin sa kanya. Siya naman, wala dedma. Kaya nung nalaman kong nagkagirlfriend na sya. Masyado akong nasaktan kaya sinugatan ko yung kamay ko nung nutrition month nun habang naghihiwa ng sibuyas tyaka umiyak ng umiyak," napangiti ako habang inaalala ang mga nangyari.

"Kada sasapit ang Valentines Day nagpapakabitter ako habang yung unggoy naman na yun iba-iba ang girlfriend. Memorize ko nga mga pangalan nila kasi pinangako ko na someday pagnakahanap na ako ng boyfriend ko, paglalawayin ko sila lahat."

Nakita ko na ang mga kaklase ko na parang nalulungkot habang nakikinig sa kin. Nakakatawa kaya ako, bat nalulungkot sila?

"Pero, hindi pa dumadating si Right guy e, kaya ako muna maglalaway mag-isa ngayon.

Wagas na nagto-throw back,

Tafiana "

Tyaka tumayo na ako and I heard my classmates clap. Ngumiti lang ako. Nung nakaupo na ako, tinapik ako ng bestfriend ko.

"Bat wala akong alam sa sibuyas part na yun?" she pouted.

"Shunga!" I chuckled, pero parang may nakadagan na mabigat sa puso ko. Ang sakit kasing alalahanin ang lahat ng yun,

"Tyrone Tan"

Napalunok ako. Necessary talagang isunod sya sakin? Nakayuko lang ako kasi baka ano na namang ipagsasabi nya. Knowing how his mind work. Ipapahiya na naman ako nito.

Bigla na lang naghiyawan ang buong classroom. Nagkagulo na parang kinikilig. Ako? Wala, consume sa sarili kong mga saloobin. Nirereview ang mga salitang binanggit kanina. Pero napatigil ako kakaisip nung may nakita akong pares ng sapatos sa harapan ko.

My heart beat instantly leap. Imposibleng kinakabahan ako, tapos na kaya akong magbasa.

I continued to stare down sa pares ng pamilyar na sapatos na yun.

"Dear Engot," at mas lalong nagwala ang puso ko. Parang nawawalan na ng oxygen ang baga ko. Kasi yung boses na yun at ang katawagan na yun.

"Itago mo na lang ako sa pangalang Tyrone."

Narinig ko na mas dumoble ang hiyawan ng nga kaklase ko sa tuwing magsasalita sya. Kaya naaakit narin ako na tumingala para makita ang mukha nya. At ginawa ko lang ang sinabi ko. Iniangat ko ang paningin ko at natulala na lang din.

"Kagaya mo, inlove din ako. Matagal na panahon na."

Napalunok ako at naramdaman ang pag-iinit ng mga mata.'Talagang ipapamukha mo na naman sakin na may mahal ka ng iba,ano?' I spit inside my head.

"Engot bagay talaga sayong tawagin ng ganun. Kasi ikaw na ang pinakadense, slow poke at pinakamanhid na babaeng nakilala kosa buong buhay ko. And to think, ang lahat ng yun ay binigay sayo. Kaya tama lang na Engot ang itawag sayo. Engot, havent you ask. What if he stares at you everytime you look away?"

He paused. Ano bang pinagsasabi nya? Ipapamukha na naman ba nya? Oo, nagsinungaling ako. I tried hiding my feelings for him sa loob ng dalawang taon. And in just a split seconds he is trying to dig again?

"Engot, hindi mo ba alam ang style namin? Magpapapansin kami, iinisin kayo just to get your attention. I was jealous sa pagiging bold mo about your feelings for me."

'Pupuriin mo ako, later you'll break my heart again.'

"Pero dahil nga engot ka."

'Ito na nga bang sinasabi ko.' I didnt notice that there was a drop of tear na nakawala sa mga mata ko. Shitness! Umiiyak na naman ako sa harap ng lahat.

"I need to man up and tell you directly~~~~~"

"I love you Engot." walang patumpik tumpik nyang sabi.

Please watch out for the whole book. :)

ivy_tecsoncreators' thoughts