webnovel

Chapter 1

JUSTINE AISHA GREEN

MY EYES are glued at the book I am reading, nang maramdaman ko ang presensya ng isang tao na papalapit sa aking kinauupuan habang patuloy ako na nag ri-review para sa mid-term examination na paparating.

"Hey gorgeous, why don't you take a break first?" Aaron said nang lumabas siya mula sa kusina ng aming bahay. "Kanina ka pa nag aaral, mag pahinga ka na muna."

"Where does Cinnamon goes?" Tukoy ko sa endearment niya sa akin habang naka taas ang isa kong kilay na tanong sa kanya, at mula sa librong aking hawak ay ibinaling ko sa kanya ang aking tingin.

"Syempre ikaw pa rin naman ang cinnamon ko, kaya lang sobrang ganda mo kasi kaya natawag kitang gorgeous." He flash his boyish smile as he stood in front of me.

"Asus! Nambola pa ang duck ko. Halika ka nga dito, tabi tayo." Naiiling kong sambit nang ilapag ko ang aking libro sa center table at hilahin ang kanyang palapulsuhan para maupo sa tabi ko.

Sumimangot naman siya nang marinig ang endearment na ginamit ko.

"Can you please stop calling me duck? Hindi naman ako pato my loves." Naka simangot pa rin niyang reklamo nang tinukoy ang endearment ko sa kanya, kasi naman palagi siyang naka nguso kapag nagtatampo sa akin.

"Okay, hindi na po. Pero kasi ang cute mo kapag naka nguso ka na parang pato, kaya duck ang tawag ko sa'yo my loves." Malambing kong sabi.

"Ay nako Justine alam mong mahina ako sa paglalambing mo kaya ganiyan ka. Hindi mo ako madadaan diyan ngayon." Naka ngiti niyang sambit habang hinahawi ang ilang hibla ng aking buhok na tumatabing sa aking mukha.

"Mag miryenda ka na lang muna dahil panigurado ako na gutom ka na. Here I made us a sandwich and hot coffee." Inabot naman niya sa akin ang isang slice ng sandwich na ginawa niya at saka inipod ng bahagya ang tasa ng kape na nasa center table, kasama ng isang plato ng sandwich.

"Sorry ha, movie date dapat natin ngayon, kaso dahil sa akin hindi na natuloy." Mapakla akong ngumiti, habang ang aking mga mata ay nakatuon lamang sa sandwich na hawak at marahan iyong muling ibinalik sa plato.

Bigla ay tumayo si Aaron na siyang ikinakaba ko, ngunit ang inakala kong pag wo-walk out niya bigla ay nauwi sa pag upo niya sa sandalan ng sofa sa aking likuran. Nakaupo siya sa sandalan paharap sa akin.

"Hindi mo kailangang humingi ng tawad." Malumanay niyang sabi ng maramdaman ko ang kanyang daliri na nasa aking ulo at bahagya iyong minamasahe.

He's always like this since our relationship began, few weeks ago. Sa tuwing magkasama kami kapag nag aaral ako, bigla na lamang ay lalapit siya sa akin at marahang mamasahihin ang aking ulo upang ma-relax at nang sa ganoon ay mas maintindihan ko ang aking mga pinag aaralan.

"Okay lang naman sa akin kung hindi natuloy ang date natin may iba pa namang pagkakataon at oras para sa movie date. Ang mahalaga ngayon ay ang makapag review ka dahil alam kong mapu-frustrate ka lang kapag hindi mo naabot ang target mong grade sa huli."

Mahina siyang natawa sa huli niyang sinabi kaya naman hindi ko napigil ang hampasin siya sa kanyang paa. He really knows and understands me. He knew my attitude and traits very well, he knew and understand my priorities over him.

Marahan niyang itiningala ang aking ulo upang magtapat ang aming mga mata. His expressive brown eyes was locked into mine.

"I understand our situation clearly, kaya wala kang dapat na ika-lungkot o dapat na ihingi ng tawad sa akin, okay ba?"

Hindi ako naka imik sa sinabi niya, tila nahi-hipnotismo ako ng kanyang mga mata. Sandali pa kaming nanatili sa ganoong posisyon ng ako na ang unang nag bawi ng tingin at tumungo, as I took a small bite of sandwich first bago ko muling ibinaling sa kanya ang aking tingin.

"Thank you." Matipid ang ngiti sa labi kong sabi.

"I love you." Sa halip ay sagot niya bago ako kantilan ng mabilis na halik sa noo at labi nang muli kong naramdaman ang kanyang kamay na minamasahe ang aking ulo.

"I love you too," I whispered but enough for him to hear nang hawakan ko ang isa sa mga kamay niya na nasa aking ulo.

"I know." He said as he stopped from massaging my head. "Sige na mag focus ka na diyan sa pag ri-review mo." Aniya pa nang bumababa na siya sa mula sa sandalan ng sofa at maupo ng maayos sa aking tabi. "Malinaw pa sa akin ko kung gaano ka ka-bugnutin kapag halos sapat lang sa passing score ang nakukuha mo sa exam. You even once ignored me and Keith for days because you just reached the average score on one of our mathematics exams during our first year in junior high school." Natatawa niyang sabi nang muli niyang sariwain sa isipan ang huling taon ng kabataan namin na mag kasama.

"Huwag mo nang i-kuwento Aaron." Naiiling kong sabi, as I rolled my eyes at him before focusing my attention back into reviewing.

Dahil sa tuwing na-aalala ko ang pagiging super immature ko at pagiging over conscious ko over my grades during high school ay natatawa na lamang ako sa sarili ko. Hindi ko mapigilang i-kumpara ang ako noon sa ako ngayon, maraming nag bago sa akin sa pagitan ng mga taon na lumipas. Noon, parte ako ng track and filed varsity at club, pero mula nang magising ako ay hindi na ako muling tumapak pa sa oval upang mag ensayo o kaya naman ay lumaban sa isang kumpetisiyon. My former doctors forbid me from joining any sports competition or activities, dahil hindi na tulad ng dati ang kondisyon ng katawan ko, lalo na ang mga paa ko.

Hindi lamang ang kondisyon ng katawan ko ang nabago dahil sa mga nangyari, dahil maging sa pag uugali at kilos ay may mga nabago na rin, at tulad ng sinabi sa akin ng aking mga doktor ay normal lamang daw iyon sa kaso ko, lalo pa at ilang taon akong walang malay at pansamantalang nabura sa aking memorya ang ilan sa aking mga alaala na dala na rin ng trauma at stress.

Though I might still be over conscious of my grades until now, that was only because I want to have good records lalo pa at wala naman na akong extracurricular

activities na sinasalihan maliban sa ilang writing activities at various inputs sa campus journal. At kung may maganda mang naidulot sa akin ang mga nakalipas na taon, iyon ay ang mas naging mature na ako ngayon. My way of thinking and point of view in life has changed and I am putting that into a positive side. Nasaktan man ako ay nagawa ko namang bumangon at narito na nga ako kasama si Aaron.

"Opo, hindi na po." He said that cut me off from my trance. "Huwag ka ng high blood diyan, ang cute mo kaya kapag nagiging bugnutin ka." Natatawa niya pang sabi nang kurutin niya ang magkabila kong pisngj. And seconds later he wrapped his arms around my waist as he rests his chin on my shoulder.

"Sige na mag review ka na." He leaned closer his head on my shoulder making my body shiver as bolts after bolts of electricity run through my whole body.

Marahan kong isinarang muli ang librong hawak bago bumaling sa kanya't marahang haplusin ang kamay niyang nasa aking bewang.

"Paano naman ako makakapag review kung may isang damulag na koala ang naka yakap sa akin? Hmm?"

"Don't mind me, I just wanna cuddle and hug you. Kaya mag review ka na lang diyan. Hindi kita guguluhin." Kapagkuwan ay kinalas niya ang braso niyang naka-yakap sa akin at hinila ako pa-upo patalikod sa kanya. "I can even help you kapag may hindi ka na-i-intindihan diyan sa binabasa mo." His legs are parted apart and I am sitting in between it, habang ang kanya namang mga kamay ay muling naka-yakap sa aking bewang, his chin was resting on my right shoulder as he lean his face into mine. While my back was leaning on him.

"There, this was better." Bulong niya.

"Inaantok ka ba?" Tanong ko nang maalala na halos abutin na siya ng hating-gabi kagabi sa opisina, dahil may tinatapos siyang trabaho.

"Nah, I'm good." He said shaking his head a bit. "Sige na mag review ka na. Kainin mo na din 'yong miryenda, baka malamig na ang kape."

At dahil ayaw pasuway ni Aaron sa pag yakap sa akin ay hinayaan ko na lamang siya. Maging sa pag yukod ko sa tuwing kumukuha ng sandwich o sa pag abot sa tasa ng kape ay naroon pa rin siya at nakayakap sa akin. Kung hindi ko pa isusubo sa kanya ang sandwich ay hindi siya kakain. That's why I ended up feeding myself and him at the same time habang nag aaral. At hanggang sa matapos na at lahat naming mag miryenda ay naka-yakap pa rin siya sa akin, tila walang balak na bitawan ako, kaya hinayaan ko na lamang siya. Inihilig ko na lamang ang aking likod sa kanyang dibdib, at saka ko muling ipinag patuloy ang aking pag aaral, habang nasa kanyang mga bisig.

Minutes later ay narinig ko na ang mahina niyang pag hilik. Kaya naman hindi ko napigilan ang mapa-ngiti habang naririnig ang munti niyang hilik, ngunit ang mga braso niya'y mahigpit pa ding na naka-yakap sa akin.

"Hindi daw ina-antok, pero tingnan mo naman naghihilik na." Bulong ko nang bahagya ko siyang lingunin.

Ang kanyang ulo ay kumportable nang naka hilig sa aking balikat. "Obvious naman na pagod ka na pero pinipilit mo pa rin ang sarili mo na samahan ako, imbis na mag pahinga ka na lamang. Tingnan mo nga iyang mga maleta mo sa mata, ang laki na." Bulong ko pang muli habang pinag mamasdan ang maamo at guwapo niyang mukha.

Hindi na ako nag abala pa na gisingin siya upang palipatin ng puwesto, para naman mas maging kumportable ang tulog niya. Dahil alam ko na oras na magising siya ay hindi na siya magbabalak pa na bumalik sa pag tulog. He need to take a rest, masyado na siyang babad sa pag ta-trabaho this past few days.

I never imagined that the mischievous but smart young boy I once knew will be this successful. Hindi ko inakala na sa ganitong field of work at propesyon siya papasok. Ibang-iba na talaga siya sa Aaron na nakilala ko noon, sa Aaron na kababata ko. He has changed for the better, and I am proud of him. Proud ako sa lahat ng achievements na natatamo niya at sa nararating niya, kaya naman mas nagiging inspirado ako na pag butihin pa ang lahat ng ginagawa ko para maabot ang mga pangarap ko, tulad niya.

Seconds turned into minutes, minutes turned into nearly an hour, and still mahimbing pa rin ang tulog ni Aaron, habang ako ay abala pa rin sa pag ri-review.

"I'm home! Ma-"

"Sshhh." I hissed at Simone nang dumating siya. Itinuro ko rin si Aaron na mahimbing na natutulog sa aking likuran.

"Sorry." She mouthed nang may pilyang ngiti ang sumilay sa kanyang labi.

"What?" I mouthed back, kunot ang noo dahil may ideya na ako sa kung anuman ang tumatakbo sa isipan nito ngayon.

"Nothing." She answered in a sing-song voice bago tuluyang mag lakad patungo sa kusina.

Hindi ko na pinansin pa si Simone, sa halip ay pinilit kong muling ituon ang atensyon sa pag ri-review kahit pa na sobrang na di-distract ako sa munting kiliting nararamdaman dahil sa mukha ni Aaron na nasa aking balikat.

Spending time like this was more than enough for me. Pareho kaming abala, siya ay sa trabaho samantalang ako naman ay sa pag aaral at part time job kaya naman kaunti at limitado lamang ang oras namin para sa isa't isa. Oo nga at nasa iisang kumpanya at iisang departamento kami, pero hindi naman kami nakakapag usap sa trabaho, dahil trabaho ang dapat na unahin sa loob ng opisina. And then, in no time ay ang OJT or 'On the job training' ko naman ang aalalahanin ko't aatupagin, mas mawawalan na ako ng oras sa kanya lalo pa at may mga thesis at report na naman akong aasikasuhin bukod sa nauna na naming thesis last semester. May pre-thesis na may final thesis pa. But still, kahit pa na magka ganoon ay gagawa at gagawa pa rin ako ng paraan upang makasama siya dahil alam kong ganoon din siya.

Sa ilang linggo simula nang maging opisiyal ang relasyon namin ay mas nakita ko ang efforts, ang pagiging sweet niya at pagiging maalaga niya sa akin. He became much more clingy than he is noong nanliligaw pa lamang siya. Bago pa lamang ang aming relasyon, and we might be both engrossed and focused in reaching our goals and dream, but as long as we both have our trust and understanding into each other, alam ko na makakayanan namin ito. We can make this relationship work and grow as we work hard to make and keep it stronger. We will walk hand in hand as we run towards our goals.

ตอนถัดไป