webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · โรแมนซ์ทั่วไป
Not enough ratings
133 Chs

Change? No, Death Is Coming!

Ayradel's Side

Lumipas ulit ang araw at Lunes na naman.

Tinignan ko ulit 'yong jacket ni Jayvee na pinahiram niya sa akin saka nakangiting inamoy. Grabe, sampung pack yata ng fabcon yung nilagay ko dito para maging sobrang bango 'pag binalik ko kay Jayvee. Ngumiti ulit ako pagkatapos ay inilagay na iyon sa bag.

Masaya at patalon-talon pa akong pumasok sa gate ng Tirona High kasi makikita ko nanaman yung Jayvs ko. Napatigil ako sa pagtalon talon noong narating ko yung Science Gardenㅡ Ito yung pinakafavorite kong spot ng school na nadadaanan ko kapag nagshoshortcut papuntang room ng Section 6A. Kumpara noong friday, may dinagdag muli na designs dito. Mas dumami yung bulaklak, tapos mas tumingkad yung pintura.

Mabagal akong naglakad para tignan yung mga bulaklak na nadagdag nang may napansin akong isang lalaking nakajacket na akmang pipitas ng rose.

"Wuy, kuya!" I said. Napaatras at napatingin siya sa'kin. Napakunot ang noo ko kasi ma-shady naman dito sa Garden dahil sa mga puno, bakit nakashades at naka-facemask siya?

Hindi kaya may nakakahawa siyang sakit?

Luminga siya sa paligid, pagkatapos ay itinuro ang sarili niya. Tumango ako.

"Opo, ikaw po. Bawal pong pumitas ng bulaklak. Nakasulat na po sa tapat mo." tinuro ko yung signboard.

Akala ko magsosorry siya pero napataas lang ang kilay ko nang tumawa pa ang loko, inalis yung eyeglass niya, pagkatapos ay humakbang ng isa palapit.

Napaatras tuloy ako. Ang creepy naman nito.

"Eh bakit? Sino ka ba? Ha?" sabi niya, na para bang pagmamay-ari niya ang lugar na 'to. Medyo malabo pa ang boses niya dahil sa facemask.

"A-Ako?" nagkunwari akong matapang kahit kabado na ako. "Ako ang estudyanteng nakaassign sa garden na 'to. Alam mo po bang pwedeng-pwede kitang ireport sa Science teacher any time? Anong pangalan mo? Anong year at section ka?"

Napalunok ako kasi tumawa na naman siya. Jusko, multo ba 'to? Bakit hindi siya natatakot na mapagalitan?!

"Ahhh. Ikaw ang nakaassign sa garden na 'to?" he took another step. I stepped back noong inalis niya yung facemask niya.

Agad na nanlaki ang mata ko.

"At ikaw din yung nangtisod sa'kin n'ong byernes diba?"

"H-ha?" Napatakip ako sa mukha ko saka tumingin sa buong paligid para maghanap ng matatakbuhan. "O-o-okay lang po palang pumitas ng bulaklak! Haha! Late na pala ako! Shocks! Kailangan ko nang umalis! Bye! Hindi kita isusumbong!"

Tumalikod na ako sa kanya. Halos lumalamig na ang bawat patak ng pawis ko habang sinisimulan ko na ang pagbibilang sa utak.

1...

2...

"Hahahaha! At alam mo rin bang ngayon, wala ka nang kawala?"

3!!!!!

"MAXIMOOO!"

AHHHHHHHHHHHH!!!!

Wala na akong pake kung madadapa ba ako o ano, basta ang mahalaga makalayo ako sa halimaw na 'yon! Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa mawala na sa paningin ko ang Science Garden.

Agad akong napa-sapa sa aking noo nang marating ko ang building namin. Mabuti na lang wala nang estudyante sa paligid. Humawak ako sa isang dingding habang hinihingal.

"Aish! Ano ba 'tong pinasok mo Ayra! Aish!"

Inalala ko ulit yung halimaw na 'yon. Ang nakakabwisit pa sa lahat ay narinig ko pa yung malakas na halakhak niya bago ako makalayo.

"Aiiiiiiiish! Sino ba 'yong artista na 'yon! Nakakainis!!!"

Hingal na hingal at pinagpapawisan nang makarating akong room.

Nakakairita talaga yung taong 'yon. Ayan, yung pabango ko tuloy wala na yata! Katabi ko pa naman si Jayvee! Tumalikod tuloy ako ng upo kay Jayvee at nagpanggap na may hinahanap sa bag para hindi niya makita ang mukha kong parang mantika. Ramdam ko ang titig niya kaya mas lalo akong pinagpapawisan. Sa kakahanap ko, di ko na makita, at talaga namang wala akong hinahanap.

"Eto oh," naapatigil ako sa ginagawa ko nang maramdaman ko ang tapik niya sa balikat ko. Humarap ako at tinignan siya, pero agad ring napayuko kasi baka tuluyan na siyang ma-turnoff sa mukha ko. "Panyo. Pawis na pawis ka. Saan ka ba galing? Hahaha!"

I let a shy laugh out. Tapos kinuha ko yung panyo nya.

"H-hinabol ako ng halimaw."

"Ha?" he frowned.

"I mean, may nakasagupa akong halimaw tapos pinahabol nya ako sa mga negro niyang aso."

Tumawa lang siya at um-oo na lang sa pinagsasabi ko.

"S-salamat sa panyo ah? Labhan ko na lang."

Ngumiti lang siya, at pagkalipas ng sandali ay dumating rin si Ma'am.

"Ahm, supposedly, I am with someone, pero medyo may dinaanan muna siya bago siya dumiretso sa ating room, kung kaya naman ay ibang announcement muna ang sasabihin ko,"

tahimik na nakinig lang kaming lahat.

"Since kayo ang Section A at ang pinakamataas na Grade, ang Top 5 students from this class ay magkakaroon ng special task for the sake of our school. Napansin niyo naman siguro sa last result ng tests na bumaba ang scores ng mga nasa lower sections ninyo, diba? Our school reputation is high, so we need your help, Einsteins! Kaya naman... Rank 5, Mr. Jayvee Gamboa?" dumako ang tingin ni mam kay Jayvs.

"Yes, ma'am?"

"I'll assign you to be a sit-in student sa Section 4J. Doon ka muna upang maging katulong ng adviser nila sa pagpapaintindi ng lessons,"

What?!?! 4th year at last section? Yung malayo yung room dito sa room namin? Parang nasa kabilang ibayo pa 'yong building nila e.

Nakaramdam ako ng lungkot lalo na nung sinabi ni ma'am na ilang weeks sila doon. Hindi ko na nga naintindihan pa yung iba pang inassign ni ma'am sa iba ko pang mga kaklase.

"Sige na, sa lahat ng tinawag ko, ito na ang starting day niyo. Inaabangan kayo ng adviser ng class na nakaassign sa inyo kaya maaari na kayong pumunta doon ngayon." yun na lang ang narinig ko sa mga sumunod na sinabi ni mam.

Naramdaman ko na rin ang pagtayo ng lalaking katabi ko. Tumango siya bilang paalam.

I let out a small smile, at unti-unti iyong naging sigh habang tinitignan ko silang apat na palabas ng room. Ano ba naman yan, ilang linggo yata akong walang seatmate. Ilang linggo kong hindi makakatabi, or worst, hindi makikita si Jayvs my love so sweet!

Hay, ang hirap talagang mapabilang sa Rank 5. Pero, speaking of....? Bakit sa akin walang inassign? Bago pa ako magtanong ay nagsalita na si Mam.

"And about you Ms. Bicol, mas espesyal ang binigay naming task sa'yo." Napalunok naman agad ako sinabi ni ma'am. Nagawi ang tingin ko sa direksyon ni besty saglit at nakita kong kunot na rin ang noo niya sa pagtataka. "And this is no joke. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan naming kayang ma-handle 'to dahil we know na you have such a great patience."

Kumunot ang noo ko sa tono ni ma'am. Para siyang nangwa-warning na ewan.

"Patience, Ms. Bicol. PATIENCE. Alam kong mapagkakatiwalaan ka dito kaya naman sana makaya mo ang task na itㅡ"

"At sinong nangangailangan ng patience para sa aming young master?"

Bago pa niya maipagpatuloy ay napalingon na siya sa taong dumating sa pintuanㅡ na sa pwesto ko ay tanging anino lang ng nasa labas ang kita. Narinig ko ang mahihinang bulung-bulungan at napansin ang pag-iba ng ekspresyon ni mam.

"Oh, patience, there he is!" masiglang sabi ni ma'am habang nakangiwi. "Wala ho iyon, Ginoong Maximo...He he he..."

Agad na nagpanic ang sistema ko nang marinig ko ang pangalang 'Maximo'.

M-Maximo? Sinong Maximo?

Agad na nanlaki at naghabulan ang hininga ko nang maalala ang boses ng halimaw na yon kanina

"MAXIIIMOOOOOO!"

Ipinilig ko ang aking ulo.

"P-Pasok ho, pasok."

Unti-unting lumakas ang bulungan sa buong room, samantalang napakapit naman ako sa upuan habang tinatanaw kung sino yung mga taong nasa labas.

Automatic na napatungo ako para maitago ang mukha ko sa armrest nang tuluyan nga silang makapasok. Gumapang ang high voltage na kaba sa dibdib ko.

Omaygad! Omaygad! Wait!!? Anong ginagawa ng taong yan dito?!?!?!?

Omaygad!?

"So class... Please welcome, si Ginoong Maximo. At siyempre si Mr. Richard Lee..."

Nabingi na yata ako sa sigawan nila pero mas nangibabaw sa pandinig ko ang pangalan ng halimaw na nasa harapan.

Richard Lee?

Pusanggalang Richard?!

LEE?!

Feeling ko iiyak na ako habang nakatungo sa armrest na 'to!!!!

"Siya ang mago-observe sa school natin, ang nagi-isang anak ni Mr. Alfred Lee."

At that moment, alam ko na....

Death is coming.