webnovel

Prologue

"ahhhh!!! Waaahh!! Sana all!!" sigaw ko habang binabasa ang bagong story ng favorite author ko.

(hinding hindi ko ulit hahayaan na mawala ka sakin, dahil this time sisiguraduhin ko na kahit saan ka magpunta kasama mo ako) sabi ni jeron sa binabasa ko.

"halaaaaa!!! Ako nalangg! Huhuhu! AKIN KA NALANG TYL---" naputol ang pagsigaw ko ng biglang sumigaw si mama.

"ARIES! GABING GABI NA SIGAW KA PA NG SIGAW DYAN! MATULOG KA NA! "

"OPO MAMA! "sigaw ko din pabalik. At nagtaklog ng kumot para di masyadong maliwanag, habang nagbabasa ako.

Isang chapter nalang talaga! Sabi ko sa sarili ko. ('patawad Tyler' kailangan kong iwan ka. Ang mundo natin ay masyadong magkaiba,hindi tayo na babagay sa isa't isa. At sa pangalawang pagkakataon ay nilisan ko ang bahay ni Tyler ng walang paalam, sa pagkakataong ito, hindi na tayo dapat na magkita pa. Dahil sa susunod baka di ko na kayanin na iwanan ka) pagbabasa ko, lintik na luha yan huhuhu!

"Lily! Naman! Huhuhu! Ayos na eh! Bat di mo ba magawa na ipaglaban sya? Tyler akin ka nalang!" pabulong kong sabi habang umiiyak!.

Hays! Kung makikita lang ako ng pinsan ko ngayon aasarin na naman ako nun! Na ang baliw ko! Kesyo bat daw ako umiiyak sa binabasa ko? O kaya naman ipadala na daw ako sa mental! Oo na! OA na! Eh ano magagawa ko eh yun ang nararamdaman ko!.

Hays! Tyler sana akin ka nalang! Mamahalin kita ng sobra pa sa pagmamahal mo! Di kita iiwan. Aalagaan at Iingatan kita. Ipaglalaban kita kahit ano pa ang mangyare.

Yung iba kong kaibigan, nababaliw sa Captain ng Varsity na si Lion na gustong gusto nila, samantalang ako daw baliw kay Tyler. Kesyo no chance daw na magustuhan ako nun kasi di naman daw buhay yun di kagaya ni Lion.

Hays! Ano magagawa ko? Eh...

'I'm madly inlove with that Fictional character'

ตอนถัดไป