webnovel

I'm Dating the Star

BlackStar is the legendary car racer in the country, nobody know her identity but everyone adore her and her skill in racing. Pero isang araw bigla siyang nag laho at iniwan ang kanyang gang and nobody knows kung babalik pa siya para ipag patuloy ang kanyang legacy. Sa kanyang pag babalik ay magpapakilala na kaya siya sa mga tagahanga niya o mananatili siyang nakatago hanggang sa mag sawa siya sa pakikipag karera? Lex Cruz is a newbie in term of car racing but because he got the potential and ability to become one of the top car racer in the country, will he able to defeat the legendary BlackStar?

BlacXtar · แฟนตาซี
เรตติ้งไม่พอ
8 Chs

Chapter 7

LEX

And we all just confirmed it, na siya nga ang totoong Black Star. All theories and speculation about Black Star? I saw it all this evening and it's all fascinating to witness. Hindi ko alam kong anong klaseng tao siya pero Black Star is actually a genius. I can't wait till I beat him or her, tsk whatever!

"Ang galing naman ng Black Star na iyan, sure ba tayo na makakaya natin silang matalo?" Jarvis ask. Hindi ko na nagawang lingunin si Jarvis dahil sa pag dating ni Thomas.

Harurot ang takbo niya at halos mapudpod ang gulong nito sa ginawang biglaang pag preno. Balagbag ang kotse nito upang hindi tumama sa likuran ng sasakyan ni Black Star.

"Nangangamoy away!" Kumento ni Haldrin. I'm sure hindi matatanggap ni Thomas ang pagkatalo niya. Hindi siya mananahimik nang hindi nakakasakit ng member ng Vortex.

Bumukas ang pinto ng kotse nito at niluwa nito ang driver na si Thomas. Padarag niyang sinara ang pinto ng kotse at lumapit kay Justin.

"That was cheating!" Dinuro pa nito ang na nanahimik na lalaki. Though wala pa ding pag babago sa expresyun ni Justin.

"That wasn't the real Black Star!" Muli niyang dinuro ang mukha nito. Everyone was shock nang tabigin ni Justin ang kamay ni Thomas na ikinainis nito lalo.

"Really Thomas? Kami pa ang cheaters?" Pumagitan na din si Violet.

Tinulak naman agad siya ni Thomas na ikinainis ko. Sinong matinong lalaki ang mananakit nang babae? Lalapit na sana ako dahil hindi ko na matiis ang ginagawa ni Thomas pero pinigilan ako ni Mhiya.

"Hindi natin to gulo Lex, stay calm."

"Bakla kaba, Thomas? Bakit nananakit ka ng babae?" If I remember it right he was Shone. Tinulungan niyang tumayo si Violet.

"Shut up and just admit na hindi yan ang totoong Black Star!" Muli nitong agsik sa mga members ng Vortex.

"At ano naman ang patunay mo na hindi sya si Black Star? How sweet naman na kilalang-kilala mo si Black Star para masabi mong hindi sya yan!" Pang-aasar ng isa pang lalaking member ng Vortex.

"Tumahimik ka kung ayaw mong bibig mo ang una kong dirugin!" Banta pa ni Thomas. This is a sore in the eyes. Ayuko nang panuodin ang kagaguhang ginagawa ni Thomas. Kung hindi ako allowed na makialam, aalis nalang ako.

Tumalikod na ako para umalis nang hawakan ni Jarrus ang balikat ko.

"You will miss this chance boss." Aniya. I don't know what he was saying but this scene is so pathetic.

The next thing I notice tumahimik na ang mga tao. Muli kong nilingon ang kalsada kung nasaan ang mga nag laban kanina.

May isang babaeng nakatayo sa bukas na pinto ng kotse ni Black Star and she looks so familiar to me. Sinara niya ang pinto ng kotse na para bang siya ang nag mamay-ari ng kotse.

Lumapit siya sa mga nag kakagulong karerista, she walks like she was the queen, mabagal, nakakatakot. Pati ang nag wawalang si Thomas ay natahimik dahil sa pag lapit sa kanila ng babae.

Kahit ang mga tao ay hindi makapaniwala sa nakikita nila, or maybe they are also afraid of the presence of the woman.

But the Vortex gang? Hindi sila nagulat sa paglabas nang babae sa kotse ng Leader nila. Hindi din sila tutol dito na para bang alam nila at planado nila ang mangyayari. Is she the Legendary Black Star?

"A...anong ibig sabihin nito?" Nabubulol na tanong ni Thomas, halatang hindi din sya makapaniwala sa nakikita at hindi niya naiintindihan ang nangyayari.

"Can't you tell? You should me honored, nang dahil sayo nag pakita na si Black Star." Pang-aasar ni Violet kay Thomas.

"Stop bullshitting me! You stupid b!tch!" Hindi na talaga maganda ang tabas ng bibig nang lalaking yun! Nakakainit siya ng ulo. I want to punch him right now.

"What did you just call my member?" Her voice was cold and really scary. Hindi lang ang mukha niya ang pamilyar sakin, ngayun pati boses niya.

"HOY IKAW BABAE! WAG KANG MAKIALAM DITO! PALABASIN NINYO SI BLACK STAR CAUSE I'M CHALLENGING HIM TO A COMBAT FIGHT!" Halos maputol na ata ang litid ni Thomas sa pag sigaw.

"Are you stupid?" The woman ask him nonchalantly.

"What did you just say?" Hindi makapaniwala si Thomas sa sinabi ng babae. Kaya marahan siyang lumapit dito.

"Hindi mo ba ako kilalang babae ka?" Dinuro ni Thomas ang babae nang makalapit siya dito. Pero hindi pumayag ang babae na bastusin siya ni Thomas.

Hinablot nito ang daliri ni Thomas at agad na binali, dahil sa katahimikan ay kinig na kinig namin ang paglagatok ng mga nabaling buto nito kasunod ang pag sigaw ni Thomas dahil sa sakit. Pati ang mga manunuod ay natakot at nagulat sa narinig nilang palahaw ni Thomas.

"I am BLACK STAR!" Sigaw ng babae sa mukha ni Thomas na ngayun ay naka luhod na habang hawak pa din niya ang daliri nito.

"BITCH!" sigaw ni Thomas na naging dahilan ng pag litaw ng ngisi sa labi ng babae. Hindi kami ganon kalayo kaya kitang kita namin kung gaano ito nakakakilabot. Tinadyakan niya si Thomas kaya naman tumilapon ito.

What I heard is malakas talaga sa Combat fighting si Black Star now I think I'll believe that this woman is Black Star.

Nang makatayo si Thomas ay agad niyang inutusan ang mga members niya na sugurin si Black Star. Tumabi naman agad ang member ng Vortex and they let their leader handle the situation o baka naman natatakot silang makialam.

Nilagay ni Black Star ang kamay niya sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon. Even that, feels so familiar to me.

Inilagan ni Black Star ang lalaking nag flying kick at dahil doon nasaktan nito ang sarili nya *so stupid. Ang kasunod na lalaki naman na susuntukin sana siya ay muli niyang inilagan syaka niya sinipa. Sa lakas ng sipa niya ay tumilapon ito. The next two guy? Sinubukan lang naman nilang sabay na sugurin si Black Star pero tumalon si Black Star at mag kasabay silang sinipa na para bang nag split siya sa ere. That was so cool.

"Wait! Sya yong babae sa London!" I stated out. Nasabi ko ito ng malakas imbis na sa isip lang.

"You know her?" Bulong sakin ni Mhiya.

"Sort of!" Sagot ko nalang.

Hindi na naka bangon pa ang gang ni Thomas. Agaran siyang nilapitan ni Black Star at sa takot nito ay napaluhod muli si Thomas at nag makaawa sa babae.

"I'm sorry!" He said.

"husssh!" Pag papatahimik sa kanya ni Black Star. Yumuko si Black Star upang mag tama ang mata nila at syaka muling tumayo ng maayos.

"I'm Black Star, and being the leader of the rank 1 car racer in GS1. I declare that Thomas's gang is now eliminated from this System. Hindi na kayo maaring tumapak sa course na ito at makipag karera sa lahat nang nasa system ko. And being the winner of this match ay kukuhain namin lahat ng kotse ng buong Gang ni Thomas at lahat ng pusta nila. From money to objects. And lastly being one of the founder of Gang System hindi na kayo muling makakasali sa kahit na anong Gang system upang makipag karera!" Muli niyang nilingon si Thomas after that long monologue.

"If I ever see your face... Ever again? I will kill you!"

To be continued...