webnovel

High School Zero

Author: AlesanaMarie
วัยรุ่น
Completed · 747.2K Views
  • 56 Chs
    Content
  • 4.9
    38 ratings
  • NO.200+
    SUPPORT
Synopsis

Tammy Pendleton has three goals. 1. To become King 2. To bring honor to her school 3. To find her childhood friend, Blue This is Tammy Pendleton's adventures to become number one! *Written in Filipino/Tagalog language*

Tags
5 tags
Chapter 1Chapter One

The whole place was eerily creepy. Iyon ang unang mapapansin ng sinoman na mapapadaan sa school ng Pendleton High. Kahit na napapaligiran ang eskwelahan ng fifteen feet tall na bakal at anim na gwardya, mukhang kulang parin iyon para maramdaman ng mga tao sa labas na ligtas sila mula sa mga estudyante nito. Kilala ang Pendleton High bilang school na tumatanggap ng mga delinquents. Hindi rin sikreto na sumasali sa mga underground tournaments ang mga estudyante nito. At dahil doon kaya ito kinatatakutan ng mga tao. Makikita ang ebidensya non sa mga murang renta ng apartments na malapit sa lugar. Ngunit ang hindi alam ng nakakarami ay may tatlong rules ang eskwelahan. Rules na kapag nalabag ay may mabigat na kaparusahan.

Unang araw ng klase mula sa mahabang bakasyon. Mararamdaman ang tensyon sa loob ng mga classrooms. Hindi iyon dahil sa naganap na away kanina sa school ceremony. Hindi rin dahil sa nabalitaan nilang estudyante na lumabag sa rules at ngayon ay pinaparusahan.

Ang tensyon sa paligid ay dahil sa balitang kumakalat simula palang noong summer break. At iyon ay ang banta sa lahat ng Kings ng Pendleton High.

Sa eskwelahan na ito ay may apat na kinikilalang Hari. Hawak ng mga Kings ang mga Alpha. Alpha ang tawag sa leader ng isang klase. At sa bawat year ay may apat na Alpha. Ang sistemang ito ang paraan para mabawasan ang gulo sa loob ng paaralan. Sa pamamagitan ng lakas, doon nasusukat kung sino ang magiging pinuno. At walang magagawa ang mga nasa ilalim kundi ang sumunod. Kung sinoman ang hindi masaya sa kanyang pwesto, maaari niyang hamunin ang Alpha o King. Ginagawa ito kada taon sa pamamagitan ng mga tournaments. Ito ang batas ng Pendleton High.

[Class 2-B]

"Do you think it's true?" tanong ni Mara sa kanyang mga kabarkada. Nakuha niya ang atensyon ng mga babaeng busy sa kani-kanilang cellphones. "Na nandito ang taong 'yon?"

"Naniniwala ka ba sa naka-post sa forum?" umiiling na sagot sa kanya ni Kyla.

"Kung totoo man 'yon, gusto ko siyang makita," sabi ni Tanya. "Matagal na akong interesado sa pamilya nila. Curious ako. Ano nga ba ang nangyari sa kanila?"

"I heard na nag-tago sila sa America," sabi ni Jinny.

"Ano'ng pinag-uusapan ninyo?" tanong ni Alex, ang Alpha ng 2-B. Lumapit ito sa girlfriend nitong si Kyla. "Tungkol ba sa'kin?"

"Tungkol sa bagong Alpha at King ng mga first years. Wala pa sila, hindi ba?" nakangiting sagot ni Tanya. "Siguro magpapakita ang—"

"Imposible 'yan," singit ni Lau, kaibigan at Beta ni Alex. "Wala kaming nakita kanina. At kung nandito man siya, dapat ay alam na ng buong school. Pero wala naman hindi ba?"

"Pero kung sakali man na mag-krus ang landas namin," ngumisi si Alex at naramdaman nila ang uhaw nitong lumaban.

"Walang may gustong palagpasin ang pagkakataon na makalaban siya," sabi ni Lau. "Kaya kung nandito man siya, mag-tago na siya. Dahil first year man o hindi, siguradong hindi siya mawawalan ng hamon. Lalo na sa mga Hari."

"I bet ten thousand, that person is here," sabi ni Mara. "Malakas ang kutob ko na this year papasok ang Prince."

"Pustahan?" usisa ni Joel sa kanila saka tinawag ang pansin ng mga kaklase nila. "Oi! Pusta kayo dyan! Ano pusta ninyo? Nandito ba si Pendleton o wala? Lagay na kayo ng pusta!"

At naging abala ang ang mga estudyante sa pag-pusta. Hanggang sa dumating ang kanilang guro, doon lamang sila natahimik.

***

Binabasa ni Reo ang mga messages sa kanyang cellphone habang nakapasak sa kanyang mga tenga ang earphones niya. Nakahiga siya sa kama sa infirmary at doon nakatambay. Mula summer vacation hanggang ngayon, hindi parin namamatay ang usapan tungkol sa posibleng pagpasok ng prinsipe. Ang tagapag-mana ng mga Pendleton.

Sa totoo lang, wala naman halaga sa kanila kung gaano kalaki ang mamanahin nito at kung gaano na ka-makapangyarihan sa business world ang pamilya nito. Mas interesado sila sa taong ito dahil ito ang anak ng pinuno ng Lucky 13. Ang pinaka-nirerespetong gang sa distritong ito noon. Bukod pa roon, ang bawat myembro ng gang ay tinitingala na ngayon sa kani-kanilang posisyon at larangan na kanilang tinahak. Tanging ang pinuno lang ng mga ito ang nawala. Nangyari iyon, labing limang taon na ang nakakaraan. Matapos ang isang assassination attempt sa pamilya nito.

May humawi sa kurtinang tumatakip sa kanyang kama. Nakita niya ang school nurse. Halata na hindi ito masaya na makita siyang nagtatago roon.

"Tumunog na ang first bell, bakit nandito ka pa?" malamig na sabi nito.

"Hinihintay ka," nakangiting sagot ni Reo. Inalis niya ang earphones sa tenga at ibinulsa ang cellphone. Tumayo siya sa kama at mabilis na lumapit sa school nurse.

"Reo," sabi ng nurse saka lumayo sa kanya. Umupo ito sa harap ng mesa nito at may binasang dokumento. "Pumunta ka na sa klase mo."

"So cold," aniya saka mabilis na siniil ng malalim na halik ang nurse.

"Reo!" tulak nito sa kanya, namumula ang mukha. Inayos nito ang salamin sa mata at tumingin sa pinto. Sinisigurado kung may nakakita ba sa kanila.

Tumawa si Reo. "Babalik ako mamaya."

Lumabas na ng infirmary si Reo. Mag-iisang taon na rin silang dalawa pero kung minsan ay hindi niya maiwasan na makaramdam ng lungkot sa relasyon nila. Lalo na at alam niyang mas importante rito ang trabaho kaysa sa kanya.

Nagulat si Reo nang makasabay niyang maglakad pabalik sa classroom si Jam, ang kanyang ex.

"Reo, are you still going out with that school nurse?" nakataas ang isang kilay nitong tanong sa kanya. Kapansin pansin ang makapal nitong pulang lipstick.

"You're still asking me that even though you already know the answer?"

Nag-kibit balikat ang babae. "Call me when you're done playing with him."

"I'm not going back to you, Jam."

"Ha-ha! You think seryoso siya sa'yo. He's a guy, and ten years older than you."

Nag-init ang ulo ni Reo at di niya na nagawang pigilan ang sarili nang maitulak ang babae sa pader. Itinuon niya ang isang kamay sa gilid ng ulo nito at pinakatitigan nang mabuti. Ngunit imbes na matakot sa kanya si Jam ay ngumisi lang ito.

"What? Hit a nerve?" anito saka tumawa. "You're just his toy. Hindi rin magtatagal at magsasawa rin siya sa'yo! Itatapon ka rin niya. But don't worry, I'll give you a pity f*ck when that happens, my poor Reo."

Nasuntok niya ang pader, sa gilid ng ulo nito. "Watch your tongue, I'm still your Alpha," nagbabanta niyang sabi.

Doon lang nawala ang ngiti ng babae. Napalunok ito. Pinakawalan niya ito nang makita ang takot sa mga mata nito.

"I'm sorry," nakayuko at mahina nitong sabi saka mabilis na naglakad.

Pinanood ito ni Reo na pumasok sa classroom nila. Huminga siya nang malalim at saka mabigat ang mga paang pumunta sa room ng 2-A.

***

Napatigil ang mga tao sa paligid nang makita ang isang estudyante na naglalakad. Tumigil ito saglit sa gilid ng kalsada saka tumawid. Hindi nito pansin ang mga atensyon na nakukuha sa mga nakakasalubong.

'Turn left and then go straight.' Ang nakasulat sa papel na hawak niya.

Gusto sana niyang magtanong ng direksyon sa mga taong nakakasalubong niya pero naiilang siya sa kakaibang tingin ng mga ito sa kanya. Dahil ba ito sa uniform na suot niya?

Wala na siyang oras pa. Kanina pa nag-umpisa ang klase. Siguradong late na siya. Pero ganon pa man, gusto parin niyang pumasok. Matagal na niyang gustong makita ang Pendleton High.

Nang maka-liko na siya sa kaliwa, nakita na niya ang hinahanap niyang school. Sa harap niya at ilang hakbang ang layo, ay nandoon ang Pendleton High. Mabilis siyang nag-lakad at huminto sa nakasaradong gate ng school.

Tiningala niya ang mataas nitong itim na gate. Nakalagay doon ang Pendleton High at sa itaas ay disenyo ng isang wolf. Humawak siya sa itim na bakal at pinagmasdan niya ang school building mula sa labas. Dalawa ang building ng school, at may tig-tatlong floors ito. Malawak ang harap ng school, may lawn at mga puno. Napangiti siya sa nakita. Ito ang school na papasukan niya. Ito ang Pendleton High.

"State your business here."

"Huh?" gulat na napa-atras siya nang may biglang mag-salita. Tumingin siya sa paligid ngunit wala siyang nakitang tao.

"Are you a student here?"

Nakita niya ang isang intercom sa gilid ng gate. Doon nanggagaling ang boses na naririnig niya. Lumapit siya roon at nagsalita.

"Yes, I am."

"Do you have your ID?"

"Yes, I do."

"Place it in front of the scanner and wait for the gate to open."

Kinuha niya ang kanyang ID at itinapat sa scanner sa ilalim ng intercom. Nakarinig siya ng beep at bumukas ang gate sa harap niya.

"Good luck. Try not to get killed," pahabol ng boses.

Nang makapasok siya sa loob ng paaralan, kaagad niyang naramdaman ang pag-iiba ng hangin. Na para bang nasa ibang mundo ang school na ito, hiwalay sa mundo sa labas ng gate, kahit na isang hakbang lang ang pagitan ng mga ito.

Nagmadali na siyang pumasok sa school building nang maalala ang oras. Tumatakbong hinanap niya ang kanyang classroom. Mabuti nalang at nasa first floor lang ito. Class 1-A.

Nang malapit na siya sa pinto ay bigla iyong bumukas at lumipad palabas ang katawan ng isang lalaking estudyante. Natigilan siya sa nangyari.

"Shitty brat! Sino'ng tinawag mong matanda, hah?!" galit na tanong ng isang babaeng teacher na lumabas galing sa classroom. Pinagmasdan nito ang nakalupasay sa sahig na lalaki. Hindi ito gumagalaw.

Biglang nabaling sa kanya ang atensyon ng guro. Matalim ang tingin nito sa kanya. Napansin niya ang suot nitong black suit and tie. Standard uniform ng mga teachers dito.

"You're late!" sabi nito sa kanya.

"Ah, yes. I'm sorry po."

Ilang segundo pa siyang pinagmasdan ng guro bago tumalikod. "Come in."

Sumunod siya sa loob ng classroom. Alam niyang magulo sa Pendleton High, pero nagulat parin siya nang makita na mukhang dinaanan ng bagyo ang loob ng classroom. Magulo ang mga silya. Ang ibang estudyante ay mga nakatayo. Para bang may away na naganap. Kaya ba may lumipad na estudyante kanina?

"Listen you shitty brats, nandito kayo dahil itinapon kayo ng mga magulang ninyo rito! Hwag ninyong ipagmalaki kung sino ang ama o lolo o kung kaninong poncho pilatong dugo meron kayo dahil sila rin naman ang dahilann kung bakit kayo nandito! Pare-pareho lang kayong ipinadala rito para patinuin! Mga estudyante kayo ng paaralan na ito, at kayo lang ang makakatulong sa mga sarili ninyo rito para maka-graduate! You either sink or swim here! Try to survive, you damn babies! Dahil kung hindi kayo makakatagal dito, hwag nyo nang isipin na kakayanin ninyo ang buhay sa labas, you weaklings! Naiintindihan ninyo, stupid brats?!!!" humihingal na sabi ng teacher. Tahimik ang mga estudyante. Pero kita sa mga mukha ng mga ito na naintindihan nila ang sinabi ng guro.

"YOU!" muling nabaling sa kanya ang atensyon ng teacher. "Hanggang kailan ka tatayo dyan sa may pinto? Are you joining?" tanong nito.

"J-join?" turo niya sa sarili.

Itinaas ng teacher ang papel. May mga nakasulat na pangalan doon. Attendance sheet? Biglang tumunog ang bell.

"Damn it. I'll leave this here. You, Sakuragi," turo ng teacher sa lalaking may pulang buhok. "Ilapag mo to sa table ko sa faculty mamaya," sabi nito saka iniwan ang papel sa mesa. Mabilis itong lumabas ng classroom.

Nilabas niya ang ballpen niya mula sa bag. Nilagay niya ang pangalan niya sa attendance sheet.

"Hey, why ka nag-join? Stoooopid~" biglang tanong ng babaeng lumapit sa kanya. "You have a death wish?"

"Are you suicidal? Is that why you're here?" tanong ng isa pang babae.

"Eh? Hindi ba 'to attendance sheet?" tanong niya.

"Stoooopid~ para sa tournament 'yan next month."

"Tournament?" ulit niya.

"For the position of Alpha and King."

Oh.

"Wait, is this... your real name?"

"Yup!" nakangiti niyang sagot.

TAMMY PENDLETON

Gulat na napatingin sa kanyang ang dalawang babae matapos mabasa ang pangalan niya.

"PENDLETON?!!!"

You May Also Like

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · วัยรุ่น
4.7
303 Chs
Table of Contents
Volume 0 :Auxiliary Volume
Volume 1

ratings

  • Overall Rate
  • Writing Quality
  • Updating Stability
  • Story Development
  • Character Design
  • world background
Reviews
Liked
Newest
nurimurifuri
nurimurifuriLv5
Leonika
LeonikaLv10
Awesome_Night
Awesome_NightLv1
Stephanie_Menieda
Stephanie_MeniedaLv2
samzzkey_
samzzkey_Lv1
clarisse_del_mundo
clarisse_del_mundoLv1

SUPPORT