webnovel

Walang Kapantay na Doktor (2)

Editor: LiberReverieGroup

Nanigas si Lei Chen sa kaniyang kinatatayuan. Labis itong nasurpresa sa kaniyang nakita. 

"Lin Palace? Ang Lin Palace na nag ko-command sa Rui Lin Army?" Kahit na ang Yan Country ang pinakamalaking bansa, sa loob ng mahabang taon, hindi pa nangahas ang mga itong kalabanin ang Qi Kingdom. Maliit lang ang Qi Kingdom, pagdating sa lakas ng militar, hindi nila ito mapantayan. Sa kadahilanang mayroong Rui Lin Army ang Qi Kingdom.

Dumagundong ang pangalan ng Rui Lin Army sa pandinig ni Lei Chen.

"Oo. Tama." Tumango si Qiao Chu saka ngumiti ng malapad.

Bumakas ang pagrespeto sa mga mata ni Lei Che saka tumingin kay Jun Wu Xie. "Ikinalulugod ko ang iyong pagpunta, Miss Jun."

Tumango naman si Jun Wu Xie.

"Young Master Qiao, nang sinabi mong mahusay na duktor, ibig mong sabihin..." May pag-aalinlangan sa mga mata ni Lei Chen.

Sumagot si Qiao Chu: "Siya nga."

"..." Natigilan si Lei Chen. Ang inaakala niya ay ipapakilala siya ni Qiao Chu sa isang duktor na matanda na...pero hindi niya inaasahang isang magandang dalaga itoo.

"Young Master Qiao, hindi ito ang tamang oras para magbiro." Hindi makapaniwalang sagot ni Lei Chen.

"Hindi ako nagbibiro. Ang husay ni Wu Xie sa panggamot ay walang kapantay. Hindi kita bibiguin." Paninigurado ni Qiao Chu.

Naluluha si Lei Chen. [Ang Qiao Chu na ito ay napaakapranga pero hindi ito ang oras para magbiro. Seryoso ang mga pinsalang natamo ni Qu Ling Yue at ang pinakatanyag na duktor sa Yan Country ay ipinatawag. Maging ang Imperial Physicians ay nakabantay dito araw at gabi. Ngunit kahit na ganon, ay hindi nila napapabuti ang kalagayan ni Qu Ling Yue. Hindi na nila alam ang gagawin kay Qu Ling Yue.]

[At eto ngayon si Qiao Chu na mukhang nakkikipaglaro pa at may dalang isang magandang duktor.] Gusto nang matiyak ni Lei Chen sa tumatakbo sa kaniyang isipan.

[Kung huhulaan niya ang edad ni Jun Wu Xie, siguro ay nasa labing-apat o labing-lima pa lang ito. Kung nagsimula itong magsanay sa paggagamot sa murang edad, hindi pa rin ito makakapantay sa mga Imperial Physician.]

Hindi alam ni Lei Chen ang sasabihin niya sa oras na iyon. Natatakot siyang makapagbitaw ng salitang hindi magugustuhan ni Jun Wu Xie.

Nahalata naman ni Jun Wu Xie ang pagdadalawang-isip ni Lei Chen: "Pinagdududahan mo ba ang kakayahan ko, Kamahalan?"

Alanganing ngumiti si Lei Chen.

"Hindi ka dapat matakot. Ang katotohanang binanggit ko ang pamilya ko dito, ibig sabihin ay kampante ako. Kung hindi, para na rin akong nag-iimbita ng dalawang kaaway sa aking pamilya sa Lin Palace." Kalmado ang pananalita ni Jun Wu Xie pero may diin sa bawat pagbigkas niya ng salita.

Muling natigilan si Lei Chen ng ilang sandali. Humarap siya kay Qiao Chu.

Nagsalita naman ulit si Qiao Chu: "Si Jun Xie ang nagsabi saakin na imbitahan siya dito. Nabanggit niya saakin na si malaki ang maitutulong ni Miss Jun." Sa totoo lang, hindi maintindihan ni Qiao Chu kung bakit kailangan ilantad ni Jun Wu Xie ang kaniyang tunay na pagkatao sa harap ni Lei Chen. Pero sa nangyayari ngayon, mukhang gusto ni Jun Wu Xie na tanggalin ang anumang pagdududa ni Lei Chen. Para sa isang bata na gustong maniwala sa kaniyang talento sa Medisina, kailangan niya ng malaking dahilan para maniwala sa kaniya ang mga tao.

At ang buong reputasyon ng Lin Palace ang nakikita niyang dahilan.

"Gawa 'to ni Little Jun?" Nawala na ang kunot sa mukha ni Lei Chen. Kapag si Jun Xie na ang pinag-uusapan, malaki ang tiwala niya dito.

"Oo."

Napakagat si Lei Chen sa kaniyang pang-ibabang labi sakaa tumingin kay Jun Wu Xie: "Malubha ang sinapit ni Qu Ling Yue. Dahil naniniwala sa'yo si Little Jun, gagawin ko ang sa tingin niya ay tama. Magtitiwala ako sa'yo, Young Miss Jun na mapapagaling mo si Qu Ling Yue."