401 Spirit Healer (1)

นักแปล: LiberReverieGroup บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

Habang nasa lapag pa ang kanilang mga panga, hindi natinag si Jun Wu Xie. Dumating si Fan Jin para lang sabihin sa kanya na pinatatawag siya sa pakultad ng mga Spirit Healer sa susunod na umaga. Disipulo si Fan Jin ng pakultad ng mga may Beast Spirit at hindi niya masyadong alam ang patungkol sa pakultad ng mga Spirit Healer.

Gayunpaman, sa loob ng isang gabi lamang, kumalat ang pangalang Jun Xie sa Akademyang Zephyr at umabot sa tenga ng bawat isa.

Dahil ito sa siya lang ang iisang disipulong tinanggap sa pakultad ng mga Spirit Healer at ang dahilang iyon ang nagpaningning sa isang nimbo, na nagdala ng mga pag-usisa at mga pagtingin na may paghamak gawa ng mga umiikot na masasamang sabi-sabi.

Ang pagtingin ng lahat ay hindi laging magandang bagay at habang pabalik si Jun Wu Xie sa mga dormitoryo, karamihan ng mga titig na nanggaling sa lahat ng direksyon ay masama at may malisya.

Kinaumagahan, nagpunta si Jun Wu Xie sa pakultad ng mga Spirit Healer.

Kaunti lamang ang mga tao sa pakultad, ngunit napakalawak ng kanilang lugar, at hinding-hindi masasabing mas mababa sa iba pang dalawang pakultad. Makikita ana ang diin na linagay ng akademya sa pakultad ng mga Spirit Healer ay sing-importante lang ng dalawa pang mataong pakultad.

Sa loob ng mataas na gusali ng pakultad, may ilang nag-iisang anyo ang makikitang nakakalat sa lugar. Nakasuot sila ng uniporme ng Akademyang Zephyr at may suot na sagisag na gawa sa esmeralda sa kanilang mga dibdib

At bago niya marating ang pasukan, may nakita siyang kakilala niya.

May kausap siyang ibang disipulo nang nakita ni Yin Yan ang maliit na anyong pumasok. Tinaas niya ang kanyang ulo at nang makita niya si Jun Wu Xie, nagkakulay ulit ang kanyang namumutlang mukha. Hindi siya bumalik sa dormitoryo kagabi at maraming ginagawa sa pakultad. Hindi niya inakalang makikita niya si Jun Wu Xie sa susunod na umaga!

"Anong ginagawa mo dito sa pakultad ng mga Spirit Healer?" Tinanong ni Yin Yan ng may pagtataka.

Nagtaas si Jun Wu Xie ng isang kilay at agad na sinabing: "Tinawag ako."

Nagulat si Yin Yan at bago pa siya makapagsalita, tumuloy na si Jun Wu Xie sa kanyang pagpasok sa gusali ng pakultad. Nakita ng kausap ni Yin Yan na isa pang disipulo na nangitim ang mukha niya bago tingnan si Jun Wu Xie na paalis at sinabing: "Kilala mo siya?"

"Sino?"

"Jun Xie. Yung dumaan. Marami ka kasing ginagawa dito sa pakultad buong gabi kaya hindi mo siguro narinig na bago pa matapos yung unang araw nung bata dito, nakilala na siya sa buong akademya."

"Ano ang ibig sabihin niyan?" Tinanong ni Yin Yan na nagulat.

"Ang pakultad natin ng mga Spirit Healer, ay tumanggap ng isa lang na disipulo ngayong taon. Ang Senyor mismo ang nagpasya at si Jun Xie iyon."

Nanlaki ang mga mata ni Yin Yan. Hindi siya makapaniwala sa kanyang mga narinig!

"Ano'ng sinabi mo?! Disipulo ang batang 'yon ng pakultad ng mga Spirit Healer?"

"Tama….. Kapwa disipulo na natin siya magmula ngayon." Hindi napansin ng binata ang labanang nagaganap sa mga mata ni Yin Yan.

Kinuyom ni Yin Yan ang kanyang panga sa galit at naglakad patungo sa gusali ng pakultad.

Tama nga ang hula ni Senyor Ning. Ang handang pagtanggap at pagturo ni Fan Jin sa bata ay hindi madaling bagay.

Habang nagkakagulo sa isipan niya, nagkaroon ng ngiting may malisya si Yin Yan. Hindi na maipagkakaila kung paano agad na tinanggap ni Fan Jin ang pagturo kay Jun Xie. Alam na siguro niya na sa simula palang ay tatanggapin na ang batang iyon sa pakultad. Isang posibleng kandidato na pwedeng maging tunay na Spirit Healer….. Tama ang naging desisyon ni Fan Jin!

Ngunit…..

Hindi madali ang pagiging Spirit Healer.

Gusto talaga niyang makita, kung tama nga ba ang desisyon ni Fan Jin!

Isang malamig na kilabot ang umakyat sa mga mata ni Yin Yan ng makita ang maliit na anynong paakyat sa mga hagdaanan, patuloy ang silakbo ng malamig na malisya sa kanyang mga mata.

avataravatar
ตอนถัดไป