1086 Pagputol sa Lahat ng Ugnayan (4)

นักแปล: LiberReverieGroup บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

"Argh!!!!" napaluhod si Qu Wen Hao sa sahig, mahigpit na hinawakan niya ang balat ng hayop

dahil sa hinagpis, ang kaniyang mata ay puno ng luha at ang kaniyang pagtangis ay

nakakadurog ng puso sa sinumang makarinig!

Lungkot, matinding galit, kawalang pag-asa…

Ang tawa ni Qu Xin Rui at ang galit na panaghoy ni Qu Wen Hao ay umalingawngaw sa loob ng

Heavenly Cloud Chambers.

Ang hinabing iyak at tawa, sagupaan ng kawalan ng pag-asa at kalupitan, ay nagdulot sa buong

Heavenly Cloud Chambers na mapuno ng nakakasulasok na pang-aapi.

Nilisan ni Jun Wu Xie ang Fiery Blaze Clan Hall kasama si Jun Wu Yao. Hindi sila agad lumisan

ng Thousand Beast City at sa halip ay nanuluyan muna sila sa isang bahay-panuluyan sa loob

ng Thousand Beast City.

Inilapag ni Jun Wu Xie ang Sacrificial Blood Rabbit at si Lord Meh Meh sa higaan. Iyon ang

unang pagkakataon na nakipaglaban ang Sacrificial Blood Rabbit matapos magising ng

kapangyarihan nito at bagama't ang kapangyarihan nito bilang Guardian Grade Spirit Beast ay

nagawang iligtas si Lord Meh Meh upang makasama nila ay hindi pa rin maitatanggi na inubos

nito ang lakas niya. Nakahiga iyon sa kama at hapong mga mata ay nakatingin kay Jun Wu Xie,

at dahil doon ay nagawang gamutin ni Jun Wu Xie ang mga pinsala nito, napakamasunurin nito

na halos masakit makita ang kalagayan nito sa mga sandaling iyon.

"Kakalimutan mo na lamang ba ang lahat ng iyon ng ganoon lamang?" tanong ni Jun Wu Yao,

ang kaniyang mga braso ay nakakrus sa tapat ng dibdib habang nakatayo sa isang sulok at

pinapanood si Jun Wu Xie habang ginagamot ang pinsala ng Sacrificial Blood Rabbit, ang bakas

ng dugo mula sa balat at balahibo ng Sacrificial Blood Rabbit ay dumadaloy patungo sa malinis

na kubre kama at nag-iiwan ng pulang mantsa doon.

Hindi huminto ang kamay ni Jun Wu Xie sa ginagawa nito at walang alon ng emosyon na

makikita sa kaniyang mukha at sa kakaibang kalmadong tono ng boses ay sinabi niya: "Ang

mga bagay na kailangan ko ay hindi ko isusuko. Ang paghihiganti na nararapat ay hindi ko

malilimutan."

Ang pakikipagtulungan kay Qu Wen Hao ay natapos na ngunit hindi ibig sabihin na susuko na

siyang kunin ang mapa sa Thousand Beast City. Gagamit na lamang siya ng ibang paraan

upang makuha ang kaniyang kailangan ng walang tulong mula sa Thousand Beast City.

"Naisip ko na iyong lilipulin lahat ng naroon sa Fiery Blaze Clan Hall." saad ni Jun Wu Yao na

nakataas ang kilay. Mayroong katauhan si Jun Wu Xie na kung saan ay maghihiganti siya sa

lahat ng pagdaramdam na isinakripisyo at para sa iba na nagpakita sa kaniya ng kabaitan ay

tutuganan niya iyon ng higit pa sa sampung beses, ngunit sa sinumang makaisip na saktan siya

kahit bahagya ay siguradong dudurugin niya ang mga buto at ikakalat ang abo.

Ngunit sa pagkakataong iyon ay binigyan lamang niya si Qu Wen Hao nang isang tadyak at

hindi na gumawa ng kahit ano upang makaganti. Sa tingin ni Jun Wu Yao ay hindi iyon isang uri

ng paghihiganti.

Para kay Jun Wu Yao, kahit na hindi nito ginawang bugbugin iyon ay nararapat lamang na

paslangin ito at hindi maglaan ng lugar na paglilibingan.

Habang tinatahi ni Jun Wu Xie ang mga sugat ng Sacrificial Blood Rabbit ay kaniyang sinabi: "Si

Qu Wen Hao ay isang pawn lamang, at kahit na nais kong pantayin ang puntos ay hindi ko iyon

gagawin sa isang hamak na pawn lamang. Kung sinuman ang responsable sa lahat ng ito ay

siya ang nararapat parusahan."

Ang dahilan kung bakit biglang naging ganoon si Qu Wen Hao ay dahil sa utos ni Qu Xin Rui.

Bagama't si Qu Wen Hao ay hindi masasabing may kakaibang talino para sa isang Grand

Chieftain, kahit paano siya ay masunurin at patas. Maghiganti sa pinagmulan, ang isang Qu

Wen Hao ay hindi sapat upang payapain ang galit ni Jun Wu Xie. Ang may pakana ng lahat kay

Lord Meh Meh ay si Qu Xin Rui!

"Oh? Kung gayon ano ang balak mo gawin?" tanong ni Jun Wu Yao habang nakatingin kay Jun

Wu Xie. Bagaman tila siya ay kalmado sa panlabas na anyo, ay napansin niya ang galit sa tono

ng boses nito habang nagsasalita.

Ang pinagdaanan ni Lord Meh Meh at ng Sacrificial Blood Rabbit ngayon ay talagang

nagpasiklab ng galit kay Jun Wu Xie!

Sumulyap si Jun Wu Xie sa gilid at tiningnan ang walang malay na si Lord Meh Meh sa higaan.

Sa sandaling makabalik sila hanggang ngayon, si Lord Meh Meh ay nasa estadong walang

malay at nanag makita ni Jun Wu Xie ang Spirit Taming Bone Flute sa kamay ni Qu Wen Hao ay

alam na niya kung ano ang ginawa nila kay Lord Meh Meh, malinaw na napagtanto kung ano

ang hinahanap ni Qu Xin Rui.

"Ang sinumang naghahanap sa kamatayan ay natural lamang na tutuparin ko." saad ni Jun Wu

Xie, ang mga mata ay naniningkit. Dating pagkakautang at bagong puntos, maghintay ka Qu

Xin Rui at makikita mo!

avataravatar
ตอนถัดไป