Agad agad akong pumunta sa Silid kung saan Yung tinuro Ng Doctor. Isang babae na naka upo sa gilid Ang aking natadnan.
"Ma'am ano pong problema? Ayos lang Po ba kayo?" Tanong ko sa kaniya ngunit di man lang siya tumingin sa akin.
"Ma'am?" Paulit kong tawag sa kaniya. Balak ko sana Siyang tawagin ulit at Kunin Ang kaniyang atensyon Ng biglang pumasok Ang Isang nurse.
Pupuntahan ko sana Siya sa kaniyang pwesto Ng biglang pumasok Ang Isang nurse.
"Maling kwarto daw sabi ni Doc. Wala na daw Kasi Yung pasyente dito kaya asikasuhin mo Muna daw Yung Pasyente sa kabilang kwarto" Sabi Ng Isang nurse at umalis na Siya.
Nanigas Ako sa aking pwesto Ng marinig ko Ang sinabi niya.
Panong walang pasyente..... Bumaling Ang tingin ko kung saan nakapwesto Ang babae kanina ngunit bigla itong nawala.
Lalabas na sana Ako Ng kwarto Ng biglang may nagsalita.
"Bakit ganito" Ngunit Ako na lamang Ang tao sa silid.
Sa sobrang kilabot ko lumabas na Ako at sinunod Ang utos Ng doctor sa akin.
Baka sa sobrang pagod ko lang ito. Umupo Muna Ako para magpahinga Ng unti.
"Nurse Dela Cruz, pinapabigay ni Doc paki summarize daw Po, thank you" Kinuha ko Ang papel na hawak niya. Ito Yung room kung saan Ako pumunta kanina.
Kahapon pa daw patay yung pasyenta. Di daw alam kung anong rason, bigla na Lang itong nawalan Ng hininga.
Naaksidente Ang pasyente pero di naman daw ganun kalala Ang kundisyon niya para mamatay.
Wala Rin daw lumabas na test na nakainom ito. Kaya parang Suicide Ang nangyari.
"Nakalimutan ko Pala nurse Yung kamag anak Ng guardian is Yung nasa Room 4". Siya Yung matanda na binigyan ko Ng gamot kanina.
Binasa ko Ang binigay sa akin Ng nurse kanina walang nakalagay na guardian. Sinabi din Ng nurse kanina na puro 'Lola' Ang laging sambit Ng pasyente.
Pero bago daw ito namatay may sinabi ito na halos lahat daw Ng nurse ay Hindi maintindihan. 'Mortem' ito daw Ang salitang sinabi Ng pasyenta Bago mamatay.
Di Rin daw kumakain ito lagi lang daw Siya nakatingin sa Bintana. Kaya't kulang kulang Ang impormasyon na nakuha Nila sa Babae.
Hanggang ngayon daw, di pa Rin kinukuha Ang katawan Ng namatay na pasyente. Tinawagan na daw Ang mga magulang na ito pero di daw mareach.
Pumunta Ako sa Room 4 para kumuha Ng impormasyon para sa namatay na pasyente. Tinanong ko kung ano relasyon Nila.
"Siya Ang apo ko".
"Ang Kaisa isahan Kong apo"
"Sabi ko wag niyang galawin iyon"
Naguguluhan Ako sa mga sinasabi niya. Ano Ang bahay n iyon?. Ano Ang Hindi dapat galawin?
"Ano po Ang Hindi pwedeng galawin? Ano po Ang bagay na ito?" Ngunit di Siya sumagot at Ang kaniyang tingin Kay nakabaling laman sa pader.
"Hindi dapat"
"Pinagbawalan ko siya"
"May sumpa iyon"
"Hindi"
"Hindi!!"
"Lola kalma Po Muna kayo" Sabi ko habang hawak ko Ang kaniyang mga kamay upang pakalmahin Siya. Pero patuloy niyang binubulong Ang salitang 'Zagan'.
Tumawag Ako Ng Isang nurse upang tulungan Ako. Sinaksakan Nila Ng pangpatulog Ang pasyente upang mapahinga ito.
"Siguro nabigla Siya sa pagkamatay Ng apo niya" Ani Ng nurse na isa sa mga Kasama ko dito sa silid.
"Siguro nga" sambit ko at nag stay Muna Ako sa silid na ito upang bantayan Ang pasyente.
"Ap-o-o"
"A-ap-o k-k-o"
Nagising Ako sa boses na iyon. Pinagmasdan ko Siya na parang may kinakausap Siya sa Bintana.
"Lola sino Po kinakausap niyo?"
"A-n-ng a-po-o ko" Sagot niya habang umiiyak Siya.
"Lola pahinga Po muna kayo, inom Po Muna kayo Ng tubig" binigyan ko Siya Ng Isang
basong tubig.
"Napakabait Ng aking apo, diko alam kung bakit nangyari ito".
"Ang alin Po".
"Zagan" iyon lamang Ang narinig ko sa kaniya. Tinanong ko ulit Siya ngunit di na Siya sumagot.
Diko alam kung anong Meron sa salitang iyon at patuloy na itong binabanggit. Pero alam kong may kakaiba sa salitang iyon.
"Is the patient fine?" Pumasok sa silid si Doc.
"opo, kumalma na Po Siya?"
"Call me if anything happened, I'll be going now" Sabi ni Doc at lumabas na Ng Silid. Kumuha Ako Ng Tubig at gamot upang ipainom ito.
Dahil Maya Maya ay kukunan Yung pasyente Ng dugo upang icheck ito. Pagkabigay ko Ng gamot Lumabas Muna Ako upang magpahing dahil sa stress.
Zagan... Naalala ko ring binanggit ito Ng aking Lola. Pero diko Maalala. Anong Meron sa salita na iyon.
Sa sobrang antok ko natulog Muna Ako sa headquarter. Nagising Ako bigla ng may kumakalampag sa desk ko.
Akala ko Yung ibang nurse lang iyon. Binaling ko Ang atensyon sa kaniya ngunit nawala ito bigla.
Tinanong ko Yung ibang nurse kung may napansin ba sila pero Wala naman daw.
Nagmasid masid Ako pero nawala ito. Chineck ko Ang Oras at malapit Ng natapos Ang shift ko kaya nag ikot ikot Muna Ako at chineck Ang iba pang mga pasyente.
Palakad lakad lang Ako Ng may nabunggo Ako. Pero patuloy lang Siya sa paglalakad.
Kaya di ko na ito pinansin. Pupunta sana Ako sa Children's ward Ng biglang tumunog Ang aking telepono.
Tumawag sa akin si Mica Ella dahil magpapasabay daw Siya at nasira Ang kaniyang sasakyan. Pupuntahan ko sana Siya sa 3rd floor Ng biglang tumakbo Ang Isang nurse sa akin.
"S-s-si" hingal na hingal siya.
Kaya pinakalma ko Muna Siya Hanggang sa Hinila niya Ako sa 3rd floor at doon nadatnan ko Si-
_____________________________
-Follow me on Twitter for more updates
@missviolet1025
-Leave your comment about my stories