webnovel

Prologue

Asher's P.O.V.

Tinignan ko ng masama ang boteng umiikot sa gitna naming mga magkakaklase. Ipinagdadasal ko kasing matapat ito sa akin.

"Paano ba yan Asher! sayo natapat" sabi ni James.

"Truth or Dare?" tanong naman ni Jinky na nakangisi pa.

"Dare!" sabi ko dito dahil nakaplano na ang mga susunod na mangyayari.

"Ilibre mo ako ng recess ngayon!" sigaw ni Biel na nakangisi.

"halika na!" sabi ko dito sabay tayo.

"hoy paano naman kami! and daya naman" angal ni James na hindi natutuwa sa nangyayari dahil kanina pa ito balagoong.

"wala! its a dare eh!" sabi naman ni Biel at tuluyan na kaming umalis ng kwartong iyon.

Bumaba na kami ng Canteen at napaatras dahil nakita namin ang aming supervisor na si Mrs. Cruz.

"Bakit kasi ngayon pa? second subject pa lang natin kasi ngayon eh!" sabi ko dito.

"magpasalamat ka na lang kasi hindi ka makakaalis sa walang kwentang laro na iyon!" sabi nito sa akin na kinataas naman ng aking kilay.

Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari. Biglang bumagsak si Biel sa sahig. Nataranta ako at tinulungan ko itong bumangon.

"Diyos ko po! anong nangyari diyan sa kaklase mo?" tanong ni Mrs. Cruz

"Hindi ko po aaahhhhhh...!" napasigaw ko dahil sa kurot ni Biel.

"Bumagsak po siya eh! kanina pa po kasi ito nahihilo!"

"Dumiretso na kayo ng Clinic!" utos nito kung kaya kaagad kong tinayo si Biel.

Imbes na dumiretso kami sa Clinic ay dumiretso kami sa Canteen.

"Siraulo ka talaga akala ko kung ano nang nangyari sayong kumag ka!" sabi ko dito sabay tawa.

"Pero ayos naman atleast nalusot natin" pahabol ko ditong sabi.

"Oh andiyan na naman yung may mga crush sayo!"

"wag mo nang pansinin!" sabi ko sabay tingin dito nang seryoso.

Pagkatapos naming dumiretso sa isang bakanteng lamesa sa canteen ay  ako na ang bumili ng pagkain namin.

"Ate pabili po nang..." napatigil ako at halos mapamura sa mga nangyari.

"Sorry!" sabi ng isang lalaki matapos nitong mabuhusan ako ng juice.

"ano ba yan! hindi mo ba ako nakita? ang laki laki ng espasyo dito sa pila eh!" sumbat dito.

"pahiramin na lang kita ng extra kong white t shirt!" sabi nito.

Pinunasan nito ang damit ko ng panyo na kinagulat ko. Natulala ako matapos makita ang mukha nito sabayan pa nito ng kabog sa dibdib ko.

"Kuya! anong bibilhin mo? may mga nakapila pa oh?"

"KUYA!" sigaw nito na kinagulat ko na.

"sorry po ate! kuha mo na lang po ako ng dalawang Combo Meal C!" sabi ko dito para matahimik na.

Inabot sa akin ng lalaki yung phone niya at hinihingi ang phone number ko.

"Tristan nga pala! tawagan na lang kita mamaya!" sabi nito sa akin sabay alis.

Kinuha ko na yung order ko at dumiretso na sa table namin ni Biel.

"Ang tagal mo naman tol!"

"May nangyari kasi eh!" sabi ko dito na tinawanan niya.

"Ang lakilaki mo na tanga ka pa rin!"

"Hindi ako ang may kasalanan!"

"oh tissue pinapaabot ng SECRET ADMIRER MO!" sabi nito na ginamit ko naman dahil nanlalagkit na ako sa uniform ko.

Pagkatapos namin kumain ay pinauna ko nang bumalik ng room si Biel. Maya maya pa ay biglang nagring ang phone ko.

"Hello..."

"yes?"

"Si Tristan ito! yung kanina, nandito na ako sa may second floor sa Bldg. C dala dala ko na yung pinangako kong Tshirt!" sabi ko na binabaan ko lang ng cellphone.

Dumiretso ako sa kinaroroonan ni Tristan at kaagad ko namang natanaw ito.

"Oh nandito ka na pala!" bungad nito sa akin sabay bato ng Tshirt niya.

"Wow! Salamat sa PAGABOT ng tshirt mo ah!" sarkastiko kong sabi dito.

"Pasalamat ka nga pinahiram ko pa yang Tshirt ko sayo eh!"

Biglang nagdilim ang paningin ko sa mga sinabi niya at parang gusto kong sapakin. Pasalamat na lang ito at nasa corridor ito kung hindi nahataw ko mukha nito.

"dapat lang naman talagang pahiramin mo ako dahil ikaw tong TANGA na nakatapon sa akin ng Juice!"

"Balik mo yan bukas ah! Mas mahal pa yan kesa sa baon mo!" sabi nito sabay talikod.

Nilabas ko na lang sa kabilang tenga ko yung narinig ko dahil ayaw ko nang palakihin pa ang simpleng natapon na Juice. Sa totoo lang ay banas na banas na ako ng mga oras na iyon.

Dumiretso ako ng Cr at doon ay nagpalit.

Mas okay na ito kesa naman pinairal ko ang pride ko kanina at sure akong nabato ka lang rin sa kanya ang Tshirt niya