Chapter 2
"Why are you looking at me like that, Miss?"
Para akong nabuhusan ng napakalamig na tubig nang tanungin ako ng lalaking nasa aking harapan at tila ba nagising ako mula sa isang panaginip at bumalik sa reyalidad.
"Huh?" Iyan lang talaga ang lumabas sa bibig ko.
Napansin kong bahagyang naningkit ang kanyang mga mata ngunit nanatiling walang emosyon ang kanyang mukha.
"Kanina mo pa kasi ako tinitingnan," diretsahang sabi niya. "I'm just wondering if you got a problem with me."
Napakunot noo ako. "Problem?" ulit ko.
"Yeah," sagot niya kaya umiling ako. "Then what? What's your reason for staring at me like that?"
Naramdaman kong nag-init ang magkabilang pisngi ko. "H-hindi n-naman..." I paused for a while to clear my throat. Ako mismo ay nahalata ko sa sarili kong tinig na kinakabahan ako. "Hindi naman ikaw iyong tinitingnan ko," agad na palusot ko.
Naningkit ang mga mata niya, "Hindi ako?"
"I w-was actually looking at that s-sign board," nauutal na sabi ko sabay turo sa karatula na tinitingnan ko naman talaga bago ko siya nakita.
Tumingin siya sa karatula at tumaas ang isa niyang kilay nang ibalik niya ang kanyang paningin sa akin. "Really?"
Napalunok ako. Mukhang hindi benta ang palusot ko pero pinanindigan ko na ito.
"Oo kaya!" I said with a firm tone to make it more convincing.
Walang nagbago sa facial expression niya. He looked so intimidating but still so attractively handsome. Walastik talaga! Nawawala 'yong konsentrasyon ko sa pag-iisip ng mas magandang palusot dahil sa kagwapuhan niya.
Pigil na pigil ang hininga ko habang hinihintay ang sasabihin niya pero siyempre hindi ko ito pinapahalata. Kunwari kalmado lang ako, ngunit ang totoo, kabadong kabado ako.
Isinuksok niya ang kanyang mga kamay sa magkabilang bulsa ng jacket niya. One corner of his lips lifted up in a grin. Pero naging seryoso rin agad ang kanyang mukha. "Fine," walang emosyon na sabi niya. "You say so."
Bigla siyang tumalikod at umalis na nang gano'n gano'n lang. Wala akong nagawa kundi ang tumitig sa likod niya habang naglalakad palayo hanggang mawala na siya sa paningin ko.
Ang tanga ko dahil nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Napanguso ako at napahilamos sa aking mukha. "Kainis!"
Pumara na ako ng taxi pauwi sa apartment na tinutuluyan namin ni Nica. Nagmadali akong nagtungo sa tapat ng pinto namin nang makababa ako ng taxi.
Halos hindi ko mahanap ang susing nasa loob lang ng maliit kong shoulder bag dahil sa pagmamadali ko. Nang mahagilap ko ito ay mabilis kong binuksan ang naka-lock na pinto ng aming apartment.
Kulang na lang ay madapa ako sa pagkaripas ko sa pagtakbo marating ko lang agad ang bedside table ko sa kwarto. Binuksan ko ang drawer at inilabas ang isang maliit na kahon kung saan nakalagay ang holen na iniregalo sa akin ng ama ko.
I sat down on my bed and put the glass-like marble on top of my palm to stare at it. Naaaliw talaga akong pagmasdan ang kumikinang at gumagalaw na likido sa loob nito. Nagpapalit pa ito sa iba't ibang klase ng kulay at hindi ko alam kung paano 'yon nagagawa nito.
Huminga ako ng malalim at ipinikit ang aking mga mata. Kinakabahan ako pero gusto kong masiguro kung tama ba talaga ang iniisip ko, na ang lalaking ipinakita sa akin ng holen na ito five years ago at ang lalaking nakita ko sa tapat ng coffee shop kanina lang ay iisa, kaya kailangan kong gawin ito.
Ramdam na ramdam ko ang bahagyang panginginig ng aking kamay na nakahawak sa holen habang dahan-dahan ko itong inilalapit sa aking dibdib hanggang tuluyan na nga itong dumikit sa akin.
Mayamaya ay may naaninag akong liwanag na humikayat sa akin upang imulat muli ang aking mga mata. I slowly opened my eyes and saw a familiar place. It was the same as the one I saw the last time I put this marble on the same spot on my chest.
The man in a blue formal suit with a gold crown on his head approached me and he kneeled in front of me just as exactly as what the marble has shown me before. Naulit lang iyong nakita ko noon.
Ang pinagkaiba lang ay ngayon ko lang napansin na nakasuot pala ako ng magarang puting gown. And it's a wedding gown. Kaloka! Parang wedding day yata namin itong eksenang ito.
Biglang naagaw ang atensyon ko sa suot ko nang inilapit pa lalo ng lalaki ang kanyang mukha sa akin. Grabe, para nanlalambot ang mga tuhod ko dahil sa ganda ng ngiti niya sa akin.
Mistula akong naging parang estatwa nang unti-unti niyang inilapit ang kanyang mapupulang labi sa akin at para bang mabibingi ako sa sobrang lakas ng tibok ng aking puso.
Just before his lips touch mine, I heard a cluttering sound which made me looked away and noticed our surrounding. A strage white smoke started appearring from everywhere, slowly blocking my vision from seeing the things around me.
Tumingin muli ako sa lalaking kaharap ko kanina ngunit unti-unti na rin siyang binabalot ng puting usok habang tahimik na nakangiti at nakatitig pa rin sa akin.
Sinubukan ko siyang hawakan ngunit hindi ko na siya naabot pa dahil inilayo na siya ng puting usok sa akin. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib at para akong naluluha habang nakikita siyang unti-unting naglalaho sa aking paningin.
Bakit ganoon? Bakit ako nasasaktan sa pagkawala niya at bakit natatakot akong hindi na siya muling bumalik pa sa akin?
Mayamaya ay parang may humigop sa akin mula sa kinaroroonan ko. I can't explain how it exactly happened. The next thing I know was that I'm back at my room.
Napabalikwas ako at para bang nagising lang ako sa pagkakaidlip. Dito ko na lang din napagtantong nakahiga pala ako sa kama ko.
Bumangon ako paupo. Sinubukan kong alalahanin ang mga pangayayari at sinuri ko ang aking paligid. Gusto ko kasing alamin kung sa oras ba na nakadikit ang mahiwagang holen sa aking dibdib ay naglalakbay din ang aking buong katawan sa ibang lugar o nasa isipan ko lamang ang lahat ng ito.
Wala naman akong napansin na kakaibang nangyari o nagbago sa kwarto ko maliban sa may kaunting lukot ang aking bedsheet kung saan ako ay napahiga kanina.
Napansin ko rin na nasa kama ko na ang holen na kanina ay hawak-hawak ko lang. Hinayaan ko lang ang holen sa kinalalagyan nito at nag-isip ako habang nakatitig dito.
Sa tingin ko ay nakaidlip nga ako kanina kaya napahiga ako sa kama habang naglalakbay ang aking isip sa lugar na iyon.
Nang lumalalim na ang aking pagkakaidlip ay bigla kong nabitawan ang holen kaya ito marahil ang dahilan kung bakit parang may humila na sa akin palayo sa mahiwagang lugar na iyon.
"Amery?"
Halos mapalundag ako nang may marinig akong nagsalita kasabay ng malakas na katok. Napatingin ako agad sa pintuan kung saan ko narinig ang tinig. Nakatayo roon si Nica habang nakatingin sa akin.
"Bes, nandito ka na pala," sabi ko agad sa kanya. Ni hindi ko namalayan ang pagdating niya. "Matagal ka na ba diyan?"
"Hindi naman gaano," sagot niya at naglakad siya papalapit sa akin. "Hindi nakasara 'yong pinto kaya sumilip na ako."
"Ah..." wala sa sariling sagot ko. I'm out of words and I don't know why. I slightly scratched my head and chuckled. "Nakalimutan kong isara kanina."
Naupo si Nica sa tabi ko at mukhang may bakas ng pag-aalala sa kanyang mukha. "Actually, pati 'yong pinto sa sala ay nakabukas din. Akala ko nga may ibang nakapasok, but I was relieved when I see you here."
Nanlaki ang mga mata ko. "Hala! Talaga?" I scratched my head again. "Sorry, Bes, ah. Nagmamadali kasi ako kanina."
"That's fine, Bes. Ang importante ay hindi ka pinasok nang kung sino rito." Bahagyang ngumiti si Nica. "By the way, if I may ask..." She hesitated for a while but continued anyway. "What is the result of your interview?"
"Ayos naman, Bes. I didn't even feel that I was having an interview with the boss." I smiled. "Ms. Alvarez is so nice and very accommodating."
"Nice!" napatango siya habang nakangiti. "That's a good news then." Yumakap pa siya bago ako binati. "Congrats, Bes!"
"Thank you, Bes."
Humiwalay sa pagkakayakap si Nica sa akin at saka tahimik na tumitig na tila ba may gusto siyang itanong pero nag-aalangan siya.
"Uhm... what happened after that?" seryosong tanong niya.
"H-huh?"
"Alam mo kasi, Bes..." panimula niya. "Naabutan kasi kitang tulala diyan. Tapos kung hindi pa ako nagsalita at kumatok, hindi mo pa mapapansing may ibang tao na rito sa unit natin." Malumanay na nagpaliwanag si Nica.
"T-tulala?" nauutal na ulit ko. "Tulala ba talaga ako kanina? Nag-iisip lang naman ako kas-..."
"Huwag ka nang mag-deny diyan, Bes!" putol niya sa sinasabi ko. "Nag-aalala lang naman ako sa'yo eh. Hindi ka naman kasi nagkakaganyan unless may matindi kang prino-problema. Mukha ka kayang wala sa sarili mo kanina!"
"Ay grabe! Wala agad sa sarili?"
She chuckled, "Oo kaya! Kaya ikwento mo na 'yan."
"Well, uhm..." I took a deep breath. "It's like this..." I bit my lower lip. "I, uhm..."
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sasabihin ko.
"Sige, Bes, kaya mo 'yan." She looked at me with her full attention. "Kahit buong gabi pa ang gugulin mo sa pagkwento, hindi ko tutulugan 'yan."
I rolled my eyes. "O sige na. Pero baka hindi ka lang din maniwala sa akin."
Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Bakit, Bes, hindi ba kapanipaniwala 'yang ikwekwento mo? Is it about ghosts? Aliens? Or magical creatures maybe?" sunod-sunod na tanong niya. "What?"
I sighed and picked up the marble from the bed. I handed it to her and said, "Here."
Nagtataka siyang kinuha ito mula sa kamay ko. "Malaking holen?" she asked with a confused face. "Anong kinalaman nito sa ikwekwento mo?"
Bigla kong naalala ang reaksiyon ni Tita Celia, limang taon na ang nakalipas, nang sabihin ko rin sa kanya ang tungkol sa holen. They have the same initial reaction. At nang masabi ko na kay Tita Celia ang buong kwento tungkol dito ay sinabihan akong huwag itong babanggitin sa iba dahil baka pagkamalan daw akong nababaliw.
Tumingin ako kay Nica at mukhang inaabangan talaga niya ang sasabihin ko. Pagkamalan kaya niya akong nababaliw kung sasabihin ko sa kanya?