webnovel

Fool, Frail Heart [ Tagalog ]

She used to be the dugyot at parang kulang sa paligo before. That was five years ago. Kaya nga wala siyang napala sa crush na crush niyang campus heartthrob dati na si Stephen Stonward. On that certain day she confessed her feelings towards him but all that she got was embarrassment and rejection sa gitna ng maraming matang nagmamasid sa kanila. She got judged big time. Labis siyang nasaktan sa pangyayaring yun to the point that she even decided to follow her parents who is currently residing in States by that time. Stephen was her first love, though he's just loving him from afar. But he's also the first man who broke her fragile heart. After five years, she came back to the Philippines. She's no longer the ugly duckling Shania before. Meet the gorgeous 21 year old Shania Lorraine Gomez. Who still have a resentment towards her ex-crush. She came back to take her revenge. Napakababaw man kung iisipin, pero yun ang nais niya. Gusto niyang ipaghigante ang sakit at pagdurusang naranasan niya sa loob ng higit limang taon. Gagawa siya ng bitag na siguradong mahuhuli niya si Stephen. Isang bitag na kapag nahuli niya ang lalaki ay hahayaan niya lang itong makatakas na may baong sakit at pagdurusa. Ngunit pano kung mismo siya na gumawa ng bitag ay mahulog rin sa matinik at malalim na butas nito? What if her plan backfires in the middle of the process? Kakayanin niya bang umahon sa pagkakahulog ng hindi mangangapa at magdurusa? Kakayanin niya bang isantabi ang pagmamahal na unti-unting nabubuhay sa puso niya para lang maisakatuparan ang paghihiganteng ninanais niya? Kakayanin niya ba? O susuko na lang siya?

FebruaPiscium · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
15 Chs

CHAPTER SEVEN [ Part 1]

Nagmamadali at namumula ang mukhang bumaba si Shania galing sa kanyang kwarto. Gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa katangahan na naman niyang nagawa.

Pagkadating sa  kusina ay agad siyang dumiretso sa fridge para kumuha ng tubig, she needs to freshen herself. Kasi pakiramdam niya ay parang sasabog na ang buong mukha niya sa sobrang pamumula nito. Idagdag mo pa yung puso niyang kanina pa nagwawala sa loob ng dibdib niya. Hindi man lang niya nahahalata na sobrang lapit niya na kay Stephen kanina.

Napahawak siya sa kaliwang dibdib niya kung nasaan ang puso niya, pinakiramdaman niya ito tsaka siya tumingin sa kwartong pinanggalingan niya. Nang maalala niya na iniwan niya pala si Stephen sa kwarto niya ay nilukob agad siya ng kaba.

Wala kaya akong kalat sa kwarto? Baka may panty akong nakabulagta sa sahig? Tanong niya sa sarili habang nakapameywang yung kanan niyang kamay at yung kaliwa naman ay nasa baba niya. Tila nag-iisip ng malalim.

Mukhang wala naman.

Kampanteng sagot niya rin sa sariling tanong. Nailigpit na niya kaninang umaga bago siya naligo lahat ng undergarments niya at iba pang mga bagong labang damit niya.

Ibabalik na niya sana ang isang pitcher ng tubig nang mapansin niya ang mga pagkaing nakahanda na sa mesa. Sa itsura pa lang nito, ay parang masarap na. Hindi niya tuloy maiwasang matakam at gutumin. May adobong manok at sinigang na baboy ang nasa mesa. Isa-isa niya itong tinikman at parang mas lalo pa ata siyang natakam sa sobrang sarap nito.

Siya ba nagluto nito? Akala ko ba tinatamad siyang magluto, kaya nga dumayo pa siya dito sa unit ko. Pero baka naman nag-order lang siya at pinadeliver dito. Kibit balikat niyang ani sa sarili.

Akmang kukuha na sana siya ng kanin para ilagay sa plato niya nang mapansin niya ang pagbaba ni Stephen at pag-upo nito sa upuang nasa harapan niya. Yung kamay niyang may hawak na kutsara bago pa dumating si Stephen, ngayon ay nasa ilalim na ng mesa.

Naiilang siya, nahihiya lalo na ng tumingin ito sa kanya. Nag-iwas siya ng paningin.

As much as possible, she don't want their eyes to meet again this day. Nahihiya pa rin siya sa kung ano ba ang iniisip ngayon ng binata patungkol sa kanya.

"K-kain ka na." Napaangat at naagaw ang pansin niya nang magsalita si Stephen habang naglalagay ng kanin at ulam sa plato niya.

Nagtataka siya kung bakit parang acting so cool lang si Stephen, pagkatapos nung muntikang kiss na nangyari sa kanila. Nagkibit balikat na lang siya at nagsimula ng kumain nang mapagtantong lalaki nga pala ito at parang pabor pa rito kung sakali mang may natuloy kanina. Siya lang pala ang apektadong-apektado sa oras na yun.

What did she expect?

Stephen was known to be the chickboy in their university before, together with his two friends. Kabi-kabilang mga babae ang lumalapit at nagpapapansin sa kanila dati. Inaaya sila palagi sa isang date na hindi naman tinatanggihan ng huli.

She should be extra careful with her actions next time, whenever she's with him. At baka mapahamak na naman siya dahil sa katangahang likas na ata sa kanya.

"How's the taste?" Pag-uuntag na naman ni Stephen sa kanya kung kaya't  napapaangat na naman ang paningin ni Shania sa binata.

Seryoso itong nakamasid sa kanya habang hinihintay ang maging sagot niya.

"Maalat." Pagsisinungaling niya na ngumingiwi pa, kahit ang totoo ay nasarapan naman talaga siya.

She just want to see his reaction, kung si Stephen man ang nagluto ng mga kinakain nila ngayon.

"A-ah g-ganun ba." Nakitaan niya ang binata ng isang ekspresyong pagkadismaya, kabaliktaran sa ngiting ipinataw nito sa kanya. Nakokonsensya tuloy siya.

"I-ikaw ba ang nagluto ng mga ito?" Pagtatanong niya sabay isa-isang itinuro yung nasa mesa.

Nakatungo lang sa plato niya si Stephen habang nilalaruan ang isang hiwa ng adobong manok. Hindi alam ni Shania kung ano ang ekspresyon nito gayung hindi niya kita ang mukha nito.

Tumikhim muna siya ng isang beses bago niya marahang tinabig ang paa ng binata na nasa ilalim ng mesa. Nung mag-angat ito ng tingin sa kanya ay nginitian niya ito ng matamis.

"Tatanungin kita ulit, ikaw ba ang naghanda ng lahat ng ito?" Pag-uulit niya. It's just that, gusto niyang manggaling mismo kay Stephen yung sagot.

"O-oo." Tila nahihiyang turan nito sa kanya tsaka nagbawi ng tingin.

Parang bata. Cute.

Inabot niya ang isang kamay nitong nasa ibabaw ng mesa kaya bumalik na naman ang paningin ng binata sa kanya, kasunod sa kamay niyang nakahawak sa kamay nito.

"Masarap. Masarap yung pagkain. Magaling ka pala magluto eh." Puno ng sinsiridad na ani niya.

Hindi naman maiwasan nung isa ang pamulahan ng tenga, ulit. Dahil sa sinabi ng dalaga at dahil na rin sa kamay nitong nakapatong sa kamay niya.

"T-totoo ba yan? O, sinasabi mo lang yan para gumaan yung loob ko?" Naninigiradong pagtatanong ni Stephen pabalik kay Shania.

What if, hindi pala totoo na masarap talaga yung luto niya? At binobola lang pala siya ng dalaga.

"Totoo nga. Mukha ba akong hindi nagsasabi ng totoo, ha?" Nanghahamon na turan ni Shania kay Stephen.

"Geez." Napakagat-labi nalang si Stephen, sabay himas sa noo niya.

Nagpipigil siya ng ngiti nung hinarap niya ulit si Shania. He don't know why, pero sobrang saya ng puso niya.

Yung paghawak ni Shania sa kamay niya, yung pagngiti nito sa kanya, at yung pagpuri nito sa luto niya, damn men! Parang hinahaplos yung puso niya sa saya at....kilig?

'Nababakla na ata ako.'

He is suppose to say his thanks to Shania for her compliment, when his phone rings. Someone is calling. Tiningnan niya muna ang caller ID nito, sinagot niya ito agad nang makitang ang kaibigan ang siyang tumatawag.

"Zup?" Bungad niya sa kaibigan.

["Nasaan ka ba, Stephen my boy? Bakit wala ka dito sa unit mo?"]

"H-ha? M-may pinuntahan lang.... P-pauwi na rin ako bro."

["Huli ka, manoy! Babae na naman yang pinuntahan mo no? Nauutal ka pare! Ano nakakaistorbo ba ako? Hahahahaha!"]

"Ulol!"

["Sige, bro. Tapusin mo muna yan. Hahahhah! Teka lang, gumagamit naman kayo ng proteksyon, diba? Kung wala man, 'wag mo na lang iputok sa loob, bro! Withdrawal ka muna! HAHAHA!" ]

Pinatayan na lang niya ng tawag ang kaibigan niyang puro kabastosan ang laman ng utak. Totoo namang babae ang pinuntahan niya, pero nungkang sasabihin niya sa mga kaibigan niya kung sino.

Ayaw niyang mapahiya kay Shania at ayaw niya ring mapahiya ang dalaga. Hindi sa kinakahiya niya ito, ngunit, alam na alam niya ang ugali ng mga bugok niyang kaibigan. Puro kalokohan at kabulastugan lang ang nasa isipan.

Bumaling siyang muli kay Shania para magpaalam na aalis na siya.

"Raine, I gotta go. Bumisita yung kaibigan kong si Ivan eh." Tatayo na sana siya mula sa pagkakaupo nang itulak siya ng Shania pabalik dito.

"Sit. Dadampian ko lang muna saglit ng yelo yang bukol mo. Namumula na eh."

'Yung bukol ko? Namumula? Tsk. Bukol sa noo Stephen, hindi yung bukol sa ano.'

Naghila si Shania ng isang upuan palapit kay Stephen, sinigurado niyang hindi yung sobrang lapit ang magagawa niya. Tsaka niya idinampi sa noo ni Stephen yung ice pack na may lamang yelo.

Lingid sa kanyang kaalaman na tinititigan na naman siya ng binata habang abala siya sa pagdampi ng ice pack sa noo nito.

"Oh, ayan. Mukhang ayos na, hindi na masyadong namumula." Masayang pahayag ni Shania nang makitang medyo ayos na ang bukol sa noo ng binata sabay angat niya ng tingin dito.

Ngunit ganun na lang ang pagkagulat niya nang bumungad sa kanya ang namumungay na mga mata ng binatang nakatitig rin sa mga mata niya. At ang labi nitong parang kulang isang pulgada nalang ata ang layo sa mga labi niya.

She can't help herself but to stare back at his fascinating, drowning eyes.

Biglang dinumog ng kakaibang kaba at sensasyon ang sistema niya, para siyang nakipagkarera sa isang matuling kabayo sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Nanlalamig siya. Para siyang natatae na, ewan, at the same time ay para ring may kumikiliti sa tiyan niya.

Napahigpit ang paghawak niya sa ice pack na ginamit niya kanina, at wala sa sariling ipinikit ang mga mata nang makita ang dahan-dahang paglapit ni Stephen sa kanya.

Shit! Is he really going to kiss me?

Pigil hininga at parang nai-excite niyang hinintay ang pagtatagpo ng mga labi nilang dalawa. This is going to be her first kiss, if ever. At kung sa isang gwapong nilalang na nagngangalang Stephen niya ito maibigay, siguro naman ay hindi niya iyon pagsisisihan.

Lumipas ang ilang segundo ay hindi niya pa rin naramdaman yung pagdampi ng labi ni Stephen sa labi niya.

Nagitla si Shania sa biglang pagtunog ng cellphone ng binata kaya naimulat niya agad ang kanyang mga mata. Nakita niya pang mariing napapikit si Stephen at rinig rin niya ang malalim na buntong hininga nito bago binalingan ang kanyang cellphone.

"Fvck you, Ivan! Can't you just wait your hella ass right there? Asshole!" Bad timing. Galit na bungad niya sa kaibigan na siyang tinawanan lang ng huli.

Kung kailan naman isang kisapmata nalang at yun na, matutuloy na sana, ay tumawag naman ang bugok niyang kaibigan.

Binaling niya ulit ang paningin sa dalaga. Nakita niya itong napakagat-labi at nakaiwas ang tingin sa kanya. Napapalunok si Stephen ng kusang napunta ang paningin niya sa mga labing kagat-kagat ng dalaga. Damn, temptation!

'Maybe, One single steal kiss can't kill me, right.'

"Raine?" Tawag niya sa dalaga para mabaling nito ang paningin sa kanya, at para na rin maisagawa ang pinaplano niya.

He quickly crash his lips through her luscious lips, the moment she turn her gaze  at him. Call him a kiss stealer, he don't care! He just can't control himself while looking at her biting her lips.

It turned him on. It is just a five seconds quick, smack kiss. He then let go of her lips while an impish smile drawn to his face.

'Shit! What an addictive soft lips she got!'