webnovel

Fall For You, My Gangster

Author: Jannmr
สมัยใหม่
Ongoing · 6.2K Views
  • 1 Chs
    Content
  • ratings
  • N/A
    SUPPORT
Synopsis

Tags
3 tags
Chapter 1Chapter 1

Hanna's Pov

I'm here at the library, I have to review coz we're having a long long long quiz in our English subject. Sarry! Medyo oa ang long, long, long quiz lol! I liked it here coz its quiet?! Yah! Of course, it's a library after all, right?! Ang totoo nakapagreview naman na ako kagabi pero para ma-refresh yung pinag-aralan ko idi ni-review ko ulit, ayaw ko syempre makulelat sa long quiz kasi sabi pa naman ni sir na kapag pasado ka sa long quiz may reward daw syang ibibigay. Oh di ba?! Sino bang hindi gaganahan mag-aral di ba?! Oh sige na magrereview na ulit ako.

Aw! Teka lang, I haven't introduce myself yet, right?! I'm Hanna Estrella. Oh sige bye.. hehe hindi joke lang. Uulitin ko ako nga pala si Hanna Estrella, isang estudyante sa paaralang Sole University oh naiisip nyo ba ang naiisip ko?! B1, B2?! Hahaha sorry na! Joke ko talaga laging waley hahaha.. Pero ang iniisip ko talaga eh sounds like Seoul University.. tama ba ako?! Hehe.. Speaking of Seoul, mahilig din ako sa kpop at kdrama, sigurado ako kayo din noh?! Aminin! Hehe.

***

Meet Hanna Estrella

Anyways, seryoso na.. Ehem.. I'm studying here as a Management Accounting student, nasa first year college ako. Ang totoo gusto ko talaga maging Engineer or Architect kaso si Tatay kasi ang may ayaw. Eh ano bang magagawa ko?! Idi wala! Haha.

Kasi sino daw ba ang magpapatakbo ng negosyo namin na toy factory kung hindi business ad ang kukunin ko?! Lalo na kung hindi na nya kaya ang magtrabaho kesyo mag-reretire na daw sya.. Hindi lang yun kailangan ko rin magmasteral pagdating ng panahon. Haist Tatay talaga. Bakit kasi nag-iisang anak lang ako.. I don't want you to feel bad about me but my Nanay died because of me. Namatay sya ng pinanganak nya ako. You know complications about pregnancy. I'm glad that my Tatay understands that what had happened was not really my fault or else maybe hindi kami okay habang lumalaki ako or worst baka sa akin nya isisi ang nangyari. The most important is that my Nanay leave a legacy and a most precious remembrance, and that's me. Kaya sobra-sobra pasasalamat ko sa Diyos, and I'm doing my best to follow my Tatay's guidance, reminders and strive hard to improve in everything. Hindi naman mahigpit si Tatay, actually ako lang 'tong nagpupumilit. Sabi ko kasi, ayaw ko sila madisappoint. I want them to see that and feel that I treasured them alot. I love them, him and respect them.

But yes tama ang narinig este nabasa nyo may-ari kami ng isang toy factory, The Estrella Toy Factory as in pagawaan ng mga laruan.. pero hindi yong ordinaryong toys lang ah kasi ini-export pa namin sa iba't-ibang bansa yon tulad ng Canada, US, UK, Japan, South Korea, Singapore, France, Italy at Spain. Minsan na nga ako nakadalaw sa main factory namin dito sa Pilipinas hindi ko akalain na gano'n kalaki ang aming negosyo, sayang lang dahil wala na si Nanay. Nanay is the reason why they build a toy factory, laking hirap si Nanay. Never sya nagkaroon ng mga laruang pambabae, like barbie, so para ma-experience ni Nanay magkaroon ng mga laruan tinayuan sya ni Tatay ng toy factory dito sa Davao. Ang sweet ng Tatay ko. Everything about my Nanay ay nakwento na lahat ni Tatay, of course kahit wala na sya, I need to get to know her. Habang lumalaki ako every little thing about Nanay ay kinwento na ni Tatay. She's loveable, no wonder why, my Tatay fell in love with her.

Sabi ni Tatay kapag ako na daw ang magmamanage ng negosyo chances are baka monthly nagtra-travel ako para bisitahin ang sampung toy factory namin sa iba't-ibang bansa na nabanggit ko kanina. Sabi ko nga nakakapagod pala yun kahit iisipin ko palang, paano na lang kapag dumating na ang araw na ako na ang namamahala? Feeling ko tuloy hindi na ako magkakalovelife, saklap naman! Wag naman sana. Hehe. Feeling ko magkakasakit ako kakaisip tungkol doon. Joke. Hindi mangyayari yun kasi never pa naman may nanligaw sa akin.

They often think that I'm just a timid girl, fragile, vulberable, I dunno but most of the time nagsasalita lang ako when needed, especially kapag hindi ko kilala yung tao. Madaldal naman talaga ako at bungisngis pero doon lang sa mga taong kilala ko.

(Drrrrriiiiiinnngg...) Ringing bell.

Opps, five minutes to go.. Ganito kasi sa university may first bell means may five minutes left at ang second bell means time's up. English class here I come. Inayos ko na agad ang mga notes ko, nilagay sa bag at nagmadaling umalis sa library papuntang classroom. Sa sobrang pagmamadali at sa paghahanap ng aking cellphone nabunggo ako sa isang malaking pader este sa isang matigas na katawan pala! Uh oh.. Ung ulo ko ay nakadikit sa kanyang tyan kasi medyo nakayuko ako, eh di ba hinahanap ko ang cellphone ko sa bag ko tapos ang dalawang libro ko ay nalaglag sa paanan nya, pag-angat ko ng aking ulo do'n sa nakabunggo ko ay nakita kong magkasalubong ang kanyang mga kilay at may nakakatakot na mga mata kung tumingin. Uh oh mukhang galit sya. Sorry naman. Hindi ko sinasadya.

"Sorry, sorry, hindi ko sinasadya." Sabay baba ulit ng ulo ko tapos agad na pinulot ang aking dalawang libro na nahulog sa paanan nya. Siya naman ay nakatayo lang, walang kibo, walang imik at magkasalubong talaga ang dalawang kilay nya. 'No ba naman to nakakatakot tumingin. "Pasensya ka na.." Sabi ko ulit matapos ko pulutin ang mga libro na nahulog, at agad na umalis sa harap nya.

"Haist! Kinabahan ako do'n ah!" Sabay buga ng hangin sa kawalan. Akala ko aawayin ako no'n eh." Sabi ko sa sarili ko habang ang kanang kamay ko ay nasa dibdib ko.

In fairness sa kanya gwapo pero nakakatakot ang aura, sana lang hindi na muli magkita ang aming landas. Mukhang gangster. Eeeee..

Pagpasok ko sa classroom ay sobrang ingay, obviously hindi pa nagsisimula ang klase at wala pa ang prof namin akala ko kasi mali-late na ako eh dahil do'n sa naka-bunggo ko. Naupo na lang muna ako sa respective seats namin. Hanap-hanap parin ang ang aking cellphone, kanina ko pa kasi hinahanap dahil may itatanong ako kay tatay, haist naiwan ko ata sa bahay ang cellphone ko, engot! Boring tuloy hindi ako makakapagsoundtrip.

Palinga-linga na lang ako sa loob ng classroom, lahat sila busy hanggang sa napansin ko na naman tong mga bakanteng upuan palibot sa aking kinauupuan, kasi mula nang magsimula ang second sem namin ay hindi ko man lang nakikita maski anino ng kung sino nakaupo dito sa mga bakanteng upuan. Tsk. Meron nga kaya o wala!? Di bale na nga lang pakialam ko ba?! Sheesh.

"Ready na ba kayo sa long quiz?" Itong si sir talaga bigla na lang kung sumulpot parang kabute.

Sumagot naman ako ng mahina, "Handa na sir." Pero yung ibang kaklase ko hindi pa nga nagsisimula ang long quiz reklamo agad sila na wag daw masyadong mahirap ang tanong, sabi nila kay sir. Sabi ko naman sa isip ko, psh kung nag-review kayo paniguradong hindi mahirap ang tanong na yon..

Bumukas ang pinto at pumasok ang apat na lalaki na cool lang kung maglakad papasok sa classroom. Hindi man lang binati si sir. tsk Mga walang respeto. Sino naman kaya sila? Ngayon ko lang sila nakita ah? Bulungan naman ang mga kaklase ko ng kung ano-ano pero hindi ko masyadong maintindihan dahil nasa likuran ako nakaupo at do'n ko napagtanto na apat pala ang bakanteng upuan sa classroom, engot ko naman ngayon ko lang napansin. Apat na upuan ang bakante na nakapalibot sa akin at hindi nakakapagtaka na naupo silang apat sa row na kinauupuan ko.

"Oh Adoracion, Aurello, Gallejo, Veil mabuti at naisipan nyong pumasok ngayon sa klase ko kasi meron tayong long quiz.

"Oh my gee, himala na nandito ang Grim Reaper.."

"Nandito ang Grim Reaper.."

"Swerte naman nya, malapit sa kinauupuan nya nakaupo ang Grim Reaper." Narinig kong sabi ng mga kaklase ko. Hala sinong swerte? Teka ako lang naman ang nakaupong babae na malapit sa apat na mga lalaki ito?! So ako ang tinutukoy nila? Bakit naman swerte yun?! Grim Reaper who?

"Okay class quiet, magsisimula na ang long quiz natin."

Sa likuran ko nakaupo ang dalawa sa kanila, isa sa kanan at isa sa kaliwa, oh di ba tama nga sila napapalibutan ako ng apat na lalakeng bagong dating. All of them are wearing black shirts and black shoes, vans ata.  Pero infairness sa kanilang apat ah napakagwapo nila. Tumingin ako sa aking kaliwa. Ooops nakatingin din ata sya sa akin tapos nagsmirked. Kumunot naman ang noo ko, agad na iniwas ko ang aking paningin. Tsk. Teka! Hala! Sya ba yung nakabangga ko kanina?? Aish! Kakasabi ko lang kanina na sana hindi na magkita ang landas namin tapos ngayon tsk mag-kaklase pa talaga kami. Nakakasura naman oh! Nagconcentrate nalang ako sa instructions ni sir hanggang saagsimula na ang long quiz.

_____

Wala naman naging problema sa long quiz, nasagutan ko naman lahat ng tanong pero iba tong nasa kaliwa ko natulog lang?! Imagine that! My gawd! Sana hindi na lang sya pumasok noh! Mabuti pa yung ibang kasama nya sumali sa long quiz kahit duda ako kung masasagutan ba talaga nila ang mga tanong eh hindi naman sila pumapasok sa klase kasi.

________

"Hi!" Bati sa akin ng isang babae bitbit nya ang pagkain nya na nakalagay sa tray. Lunch break kasi.

"Hi!" Bati ko naman pabalik sa kanya. Ang totoo nyan 9:30am ang simula ng klase ko, alam nyo naman iba na ang sched pagdating sa kolehiyo. Sunod na klase ko ay 1:30pm pa.

"Pwede maki-upo?!" Tanong ng babae.

Ngumiti muna ako tapos sabi ko, "Syempre naman, upo ka lang miss."

"Thanks. By the way, I'm Patricia Moreno. And you are?" Tanong nya sa pangalan ko.

***

Meet Patricia Moreno

"Hanna Estrella.."

"Oh my gee, as in yong may-ari ng toy factory?! The Estrella Toy Factory?" Hala ba't alam nya?!

"Ahm, yes?"

"Bakit dika sigurado?"

"Ahh, ehhh.. kasi, medyo nagulat lang ako na alam mo.."

"Eh kasi mga magulang ko nag invest sa toy factory nyo. Small world nakilala ko ang anak ng may-ari ng sikat na toy factory sa buong mundo.

"Ahh.. ehh.. hindi naman.. Sobra naman yung description mo." Winagayway ko dalawang kamay ko. "Saka hinaan mo naman boses mo.. shhh" Ayaw ko lang kasi i-broadcast, low profile kumbaga.

"Sus pa-humble pa to, sikat naman talaga sa buong mundo ang toy factory nyo as in.. Teka, ang ibig mong sabihin gusto mo na low profile lang ang status mo?" Tumango lang ako sa kanya. "Sorry, sige tikom ang bibig ko tungkol sa yo.. Pero halos lahat ng toys ko mula pagkabata ko, dyan sa Estrella Toy Factory binili ng parents ko.. hehe. Ano nga pala'ng kurso mo!?"

"Management Accounting, ang totoo nyan transferee lang ako dito sa Sole University.." Habang kumakain kami kwentuhan lang kami ng kwentuhan. Masaya naman din kausap tong si Patricia. Magaan loob ko sa kanya. At least may kakilala na ako dito.

"Oh bakit ka naman lumipat ng ibang university??!"

"Eh kasi gusto ko makasama si Tatay dito sa Davao, ang toy factory kasi namin nandito lang sa Davao ang main factory, kaya ayan.." Totoo yun, ayaw kong mapalayo kay tatay wala nangang nanay hindi pa kasama ang tatay kaya pinilit ko talaga si tatay na dito na ako sa Davao mag-aral hindi nagtagal pumayag din sya.

"Management Accounting din ako."

"Hala talaga?! Sana may subject tayo na magkaklase noh."

"Baka meron, hindi lang natin alam kasi ngayon lang naman kasi kita nakita dito. Ahhh.. so wala ka pa mga friends dito?!"

"Ganun na nga kasi second semester lang ako nag-transferred dito eh. Mga two weeks palang."

"Kung ganun, friends na tayo ah."

"Sure. Thank you pala, na-appreciate mo yung toy factory namin. Pwede kita i- tour sa loob ng factory, if you want?! " Maingay din sya ah hehe. Pero okay lang, masaya sya kausap kasi interesado sya sa toy factory namin.

"Oh my gee, talaga? Talaga? I-to-tour mo ako sa loob ng factory nyo? I can't wait!!! Thank you!" Sobrang ngiti na sabi nya. "Nga pala, nakapagtour ka na ba dito? Kung gusto mo ikutin natin ang buong university para maging familiar ka."

"Sige ba, sa ibang araw."

"Penge pala ng cellphone number mo?!"

"Sige, akin na cp mo.." Binigay naman nya cp nya sa akin at sinaved ko dun ang digits ko."

"Cellphone mo para ma-save ko rin number ko."

"Naku Pat, sensya na naiwan ko ata sa bahay ang cp ko pero wag kang mag-alala isusulat ko na lang dito sa notebook ko ang digits mo."

"Sige, i-dictate ko ah."

"Okay!" Sabi ko.

Pagkatapos tinititigan nya ako.

"Bakit may dumi ba ako sa mukha?"

"Hehe wala. Ang ganda mo lang kasi."

"Maganda ka rin naman."

"Kaya nga bagay tayo maging friends. Hehe."

"Ah wala ka ba ibang friends dito?"

"Meron naman. Pero kung tatanungin mo kung girls na friend, wala ako nun."

"Bakit naman?" Nacurious tuloy ako.

"Ayaw ko sa kanila. Mga plastik kasi, nakikipag-kaibigan lang sila sa akin dahil gusto nila mapalapit sa mga kababata kong lalaki. Kaya ayun ayaw ko sa kanila." Paliwanag ni Pat.

"Eh bakit ako, babae din naman ako pero kinaibigan mo?"

"Eh kasi, iba ka naman, at saka transferee ka malamang hindi mo kilala ang mga kababata ko."

"Eh sino ba sila?"

"Ah basta, pag nakita natin sila ipapakilala kita sa mga yun. Mga gwapo yun at mababait. Medyo bad boy nga lang, minsan lang pumasok sa klase. Paano ba naman kasi ang lider nila na si Ael ay anak ng may-ari ng university na to."

"Ah talaga?!"

"Oo noh."

_____

Third Person's Pov

Hanna Estrella looks like a modest, fragile, vulnerable, weak girl pero looks can be deceiving nga raw eh? Mabait kasi ang features ng mukha ni Hanna. Hindi rin sya ang type ng babae na basta na lang nagtataray o nagsusuplada kung kaya kapag titignan mo ay sobrang mahinhin at hindi makabasag pinggan. Mula pagkabata at the age of  seven, Hanna has been training martial arts like judo, kickboxing, and she also loves shooting range. Ayaw man ng Papa nya ang mga nakahiligan nya pero hinayaan na nya, tutal tama naman ang pagrarason ng anak nya na magagamit naman ito kapag nalagay sa panganib ang buhay nito o nila. Bago nagkolehiyo si Hanna, sa dati nyang school sa high school palagi ito sumasali sa mga tournament, nang minsan naaksidente ito, hindi na pinayagan ng Papa nya. Pero lingid sa kaalaman ng ama nya patuloy pala ito nag-eensayo ng patago kahit hanggang ngayon at kahit pa lumipat na ito sa Davao. She also secretly joining tournament, and habang tumatagal nagiging expert na sya sa martial arts, she just achieved the black belt a few months ago, and won lots of trophy and medals from the tournament.

______

Pagkatapos ng klase dumiretso sila sa lugar kung saan may kikitain sila.

"Ael!" Tawag ng kaibigan ni Ael na si Raf.

"Raf!" Nag-brofist sila bilang simbolo ng kanilang pagkakaibigan.

Dumating din ang kanilang dalawa pang kaibigan na sina, Rage at JV. Gano'n din ang ginawa, nagbrofist sila.

"Anong ganap mga bro?" Tanong ni Rage.

"Motor race bro." Tugon ni Raf.

"Anong taya?" Tanong ulit ni Rage.

Nandito sila ngayon sa isang abandonadong gusali, dito sila makikipagkita sa isang grupo din ng gangster para makipagkarera. Ang totoo nyan hinamon lang naman sila pero syempre pinagbigyan na lang din ng Grim Reaper. Kawawa naman kasi daw. Madami na kasing grupo ng gangster ang humahamon sa kanila, hindi lang sa pakikipagkarera kundi sa pakikipagbasag-ulo din. Kahit sila na yung umiiwas nilalapitan parin sila ng gulo, sino ba naman sila para tumanggi at saka higit sa lahat hindi sila papayag na masira ang kanilang magandang mukha at reputasyon kung saan sila ang palaging numero uno sa lahat.

Ang Grim Reaper ay isang grupo ng gangster, binubuo ni,

Ael.

Raf.

Rage.

JV.

Sila ang apat na dahilan kung bakit nabuo ang The Grim Reaper Gang..

"Isang townhouse sa Samal Island." Tugon ni Ael.

"Wow bro, ipanalo mo yan ah!? Para kapag naisipan mong magbeach ulit, sa Samal Island na lang tayo pumunta." Masayang suhestyon ni Rage.

"Tsk." Maikling tugon ni Ael.

"Tara na nga!" Pag iibang topic ni Raf. Alam kasi nito na madaling mabored at mairita 'tong Ael. Syempre bestfriend nya yan, mula grade school hanggang college magkasama na yan sila, kilalang kilala na nya ang kanyang kaibigan.

"Malamang naghihintay na ang kakalaban kay Ael." Sabi pa ni JV.

Makalipas ang 30 minutes dumating din ang Deep Purple Gang, sila ang grupo ng gangster na naghamon sa Grim Reaper.

"Kumusta Ael?" Mayabang na tanong nito kay Ael, sya si Arch, lider ng Deep Purple Gang.

"Ayos naman Arch.." Sabay ngisi ng nakakaloko ni Ael.

"Handa ka na bang umuwing talunan?" Pagyayabang ulit nito.

"Hindi ko kailangan paghandaan yan kasi ni isang beses hindi pa naman kami natatalo. Ikaw dapat humandang umuwing talunan." Nagsmirked na naman sya.

"Gago ka Ael!" Asik ni Arch. Sa puntong iyon alam na ni Ael na galit na si Arch. Pikon-talo kasi yun.

Akmang susugod si Arch para upakan si Ael pero nagsalita si Raf.

"Tama na yang sat-sat mo Archie Gavino. Magkarerahan na lang kayo ni Ael at patunayan mo yang sinasabi mo."

Hindi na tumuloy sa paglapit si Arch.

"Sige." Aniya.

May limang palapag ang abandonadong gusali, tahimik ang buong paligid kaya siguradong walang parak na huhuli sa kanila. Mula sa ikalimang palapag pababa sa unang palapag ang usapan ng karera, dadaan sila sa mga hagdan, hindi lang yun kailangan nila maging maingat dahil madaming pako at thumb tucks ang nakaharang sa dadaanan nila, ito ang nagsisilbing obstacles sa karera nila. Kung tutuusin madali lang ito. Pero yun ay kung hindi ka tatanga tanga sa dadaanan mo.

"Ready.."

May hawak-hawak na flag ang isang babae. Nasa gitna sya ng dalawang motor..

"Steady.."

Broom.. Broom.. Broom..

"Go.."

Mabilis na pinatakbo ng dalawa ang kanilang mga motor.

Nagsimula naman ibang kasama nila pumanaog mula sa ikalimang palapag papuntang unang palapag para doon maghintay sa mananalo.

Sa ikatlong palapag doon nagsisimula ang mga obstacles, tulad ng pako at thumb tucks na nagkalat sa floor, hanggang ikalawang palapag. At marami pang surprise obstacles.

Nasa ikaapat na palapag na sila, muntikan nang mapalo ng baseball bat si Ael pero nakailag ito. Hindi akalain ni Ael na meron pala itong bitbit na baseball bat buti na lang masikap si Ael at mabilis na nakaiwas sa hampas sana nito. Kapwa sila walang suot na kahit anong gear sa katawan kaya delikado kung mahahampas sya nito o kaya naman ay matumba sya. Mas lalong naging maingat si Ael dahil palapit na sila sa ikatlong palapag kung saan madaming pako at thumb tacks ang naka-kalat sa sementong sahig nito.

Tinangkang lumapit ni Ael kay Arch para sipain ito pero tulad kanina nakaiwas din ito.

Nagconcentrate na lang sya sa pagmamaneho ng motor para maunahan ang kalaban. Seryosong-seryoso na ang itsura nito, magkadikit ang mga maninipis na labi at magkasalubong ang mga kilay.

Sumulpot bigla si Archie sa likuran ni Ael.

"Hindi ka mananalo sa akin Ael."

"Go on dreamin' stupid!" Nilingon nya ito.

Akmang papaluin na naman sya nito ng baseball bat pero mabilis parin nakailag si Ael. Paulit-ulit syang sinusubukang hampasin pero mabilis talaga nakaiwas si Ael. Mabilis na pinaandar ni Ael ang kanyang Harley habang nasa likuran nya si Archie malapit na sila sa hagdan papuntang unang palapag, sa hindi inaasahan bigla na lang din nawala si Archie sa likuran nya at nakita nya itong natumba at na-flat ang gulong ng motor nito.

"Serves you right." Bulong nya sa sarili nya. Balak pa naman nya sana habang hinahabol sya nito bibilisan nya ang pagmamaneho ng motor kapag sobrang lapit na nila sa hagdan dahil siguradong hindi mapapansin ni Archie na pababa na sila sa hagdan ang naisip nya dederetsong mahuhulog ang motor nito kapag walang kontrol ang pagbaba nito at siguradong titilapon sa motor si Archie pero dahil sa katangahan nito natusok naman ng pako ang kanyang gulong kaya siguradong sya parin ang mananalo.

"Nandyan na si Ael!" Sigaw ng isang babae, yung humawak ng flag kanina. Ang totoo nyan sya sana ang premyo kapag nanalo ang kalaban ni Ael pero sa nangyari kanina sigurado nang si Ael ang nanalo.

Tumigil sa harapan nila ang motor ni Ael.

"Congrats bro." Sabi ni Raf sabay brofist kay Ael.

"Congrats bro." Si Rage sunod na bumati.

"Congrats bro, hanep walang kupas, partidong walang practice yan ah." Sabi naman ni JV.

Huling lumapit ang babae na may hawak ng flag kanina.

"Babe, congrats!" Sabay yakap kay Ael.

"Thanks. Kelan ba ako natalo sa karera?! That was easy."

"Ang galing mo babe."

"Sakay." Utos nito sa babae. "Mauna na kami, kayo na ang bahala dito."

"Yumakap naman agad ang babae sa bewang ni Ael pagkatapos pinaandar ulit nito ang motor nya at mabilis na umalis sa abandonadong gusali.

Pagkatapos magpaalam ni Ael sa kanyang mga kaibigan dumiretso siya sa condo kasama ang babae kanina.

"Akala ko talaga babe na ipamimigay mo na ako do'n sa Archie na yon." Magkatabi silang nakahiga sa higaan nito na kapwa hubad pero nakatago ang mga katawan sa loob ng kumot. "Ang pangit kaya no'n noh! Walang hihigit sayo babe. Love you." Pagkatapos no'n hinalikan sya ng babae sa labi nito, nagpaubaya naman si Ael.

"You can go home now.." Kumuha ulit si Ael ng yosi at sinindihan ito.

"What?!" Gulat na tanong ng babae.

"I said go home now.. Hindi kita mahahatid, magtaxi ka na lang."

"Hindi ba pwedeng dito na lang ako matulog? Please babe?" Pakiusap ng babae.

"No." Sabay buga ng usok nito mula sa yosi nya. "And by the way, break na tayo." Sabi nito na parang wala lang.

"What?! No! You can't be serious! Babe!" Lumapit ang babae sa kanya at yumakap ng mahigpit. "Gagawin ko lahat ng gusto mo wag lang tayo maghiwalay babe please, mahal kita."

"Will you stop? Kakasabi ko lang di ba, break na tayo kaya umalis ka na. Fuck!" Sigaw nito sa babae.

"I hate you! I hate you!" Sabay pasok ng babae sa banyo para magbihis. Si Ael naman ay nagtalukbong ng kumot at natulog na. Wala syang pakialam kung may masaktan man sya at mapaiyak na babae.

Bago umalis ang babae ay pinagmasdan sya nitong mabuti.

"Makakaganti din ako sayo balang araw, tandaan mo yan. Babalikan kita. Napakasama mo." Mahinang sabi nito sa kawalan, at tuluyan nang umalis.

To be continued..

You May Also Like

The Billionaire's Baby Maker

Lumaki sa hirap si Lyana Dela Merced kaya't maaga siyang namulat sa realidad. Hindi siya pinanagutan ng dating karelasyon at kapagkuwan ay namatay din ang anak niya dahil sa sakit. Mahirap mang tanggapin ang pagkamatay ng anak, pinilit pa rin ni Lyana na bumangon at huwag malugmok sa lungkot dahil sa kaniya umaasa ang kapatid na may sakit sa pag-iisip. Raket dito, raket doon-- lahat na ng trabahong maaari niyang mapagkuhanan ng pera sa legal na paraan ay natanggap na niya. Kaya naman nang isang gabi ay alukin siya ng kaibigang doktor ng trabaho para sa pamilya ng mga Tejada, agad niya itong tinanggap. Subalit mukhang nabahag ang buntot ni Lyana nang malamang hindi lamang simpleng trabaho ang inio-offer ng mga ito sa kaniya. Instead of being just a normal housekeeper, they want her to be a surrogate mother. Ayon sa kaibigang doktor, hindi magkaanak ang mag-asawa kaya't gusto siya ng mga itong kuhanin bilang surrogate. Would she accept the offer and be the billionaire's baby maker or just let the opportunity slip away because she's still longing for her child? Paano kung makalipas ang ilang taon ay muling pagtagpuin ng tadhana ang biyudong si Preston Tejada at ang naging surrogate ng anak nito na si Lyana Dela Merced? Maitatama kaya ni Lyana ang maling ginawa niya noon sa pamilya ng mga Tejada o unti-unti lamang mahuhulog ang loob niya sa binata? The Billionaire's Baby Maker written by: heatherstories

untoldjins · สมัยใหม่
Not enough ratings
30 Chs
Table of Contents
Volume 1

ratings

  • Overall Rate
  • Writing Quality
  • Updating Stability
  • Story Development
  • Character Design
  • world background
Reviews
WoW! You would be the first reviewer if you leave your reviews right now!

SUPPORT