webnovel

Diary ng Single

May mga single na gustong maging taken. May mga taken na gustong maging single. Pero meron ding mga gusto nalang maging forever single ang status.

hanarilee · สมจริง
Not enough ratings
23 Chs

Entry #7

"Class! Listen!"

Napabalik ako sa reyalidad matapos kuhanin ni ma'am Joy ang aming atensyon. Nag-iingay na kasi ang lahat. Walang nakikinig sa discussion at pati na rin ako, lumipad na ang isip sa W- ang Korean drama series na kakatapos ko lang panoorin kagabi. Masyadong boring ang reporting dahil binabasa lang ng mga classmates ko ang nasa powerpoint. It's pointless. Pwede naman naming basahin iyan sa libro. At isa pa, hindi namin maintindihan ang pinagsasabi nila.

Bilang project sa subject naming Group Dynamics, pupunta raw kami sa isang baryo at magco-conduct ng activities katulad na lang ng mga palaro para sa mga bata at isang mini seminar para sa mga residente nang sa ganun ay magkaroon sila ng awareness tungkol sa alcohol addiction.

Syempre, hindi mawawala ang pakain sa mga residente.

Napagdesisyonan na bawat grupo ay magdadala ng pagkain. Five persons per group at by friends raw, at ngayon, nagsimula nang gumala ang mga kaklase ko para buuin ang kanilang tropa. Habang ako ay kalmado lang na nakaupo. Iniisip ko kung sino naman ang magiging kagrupo ko.

Masyadong maingay at magulo. Karamihan, parang hindi naman project ang pinag-uusapan kung'di kung saan sila kakain mamayang lunch, saan sila gagala na magkakaibigan, may iba ring chismis nalang at assignment sa ibang subjects ang inaatupag.

Well, wala talaga akong ligtas sa project na ito dahil hindi naman pwedeng mag-individual. Haler, papagalitan ako ng nanay ko kapag ako lang mag-isa ang gagastos. Mahal pa man din ang pagkain. Baka atakihin nanaman yun ng pagiging praning tapos isipin niya na kumukupit lang ako.

Sa pagkakataong iyon, automatic akong napalingon kay Ailou, na seatmate ko sa subject na ito. "Grupo tayo," pag-aalok ko sa kanya. Kaagad naman siyang um-oo.

"Sino pa? Kulang pa tayo ng tatlo."

Inilibot ng aking tingin ang buong classroom para maghanap ng prospect. Wala akong matipuhan na kagrupo. Yung mga gusto ko ay mayroon na. Hindi ko sila pwedeng agawin kaya naghahanap ang mata ko, hanggang sa dumapo ang paningin ko sa isang babaeng chubby, may mabilog at kulay chestnut na mga mata, nakapony-tail ang mahabang mahabang buhok niya at may mapulang lipstick rin siya.

"Si Ate Wincelette?" suggest ko naman sa kanya. I would like to work with someone na kasundo ko ang ugali. Ayoko sa mga brat na akala mo kung sino maka-utos. Ayoko sa mga inconsiderate na maaarte. At least siya, madaling kausap. Yun ang gusto ko, para mabilis ang usad ng meeting, hindi yung puro pride o kalokohan ang pinapairal.

Tinawag naman niya si ate Wincelette na um-oo naman kaagad. Oh, diba. Madali siyang pakiusapan. Go siya kaagad, wala ng arte-arte.

"Psst! Mga madam!" tawag ni ate Wincelette kina ate Vanessa at Arnaisa pero hindi yata nila narinig. Nagtatanong-tanong pa rin kasi sila at naghahanap ng kagrupo. Yung feeling na, naghahabol sila sa iba kahit na ang hinahanap nila ay nasa tabi-tabi lang naman. Andito lang naman kami eh.

Nilapitan namin silang dalawa. There is no other way out dahil wala ng available group. Syempre hindi sila sasali sa boys. Sasakit lang ang ulo mo sa kanila. I swear, muntik ko na akong sumuko nung minsang naglead ako ng all boys tas ako lang ang babae sa kanila. Everytime I try to discuss the project and assign roles, they would just pinpoint each other and make everything a joke. Tuwang-tuwa pa sa tuwing pinapagalitan ko sila.

Atsaka, magkakasundo naman kami, may pinagsamahan, plus responsible, so saan pa sila? Edi dito na. Haha. I think we were meant to be for each other na maging groupmates!

Nag-ring ang bell at natapos ang period na wala pa rin kaming naiisip na i-contribute for our group's menu. Nagsimula na kaming magligpit ng mga gamit at dahil si Ailou ang pinakamalapit sa projector, siya ang inutusan ni ma'am na magbalik ng remote control sa office ng College of Education.

Pati rin ako, nadamay. Inutusan na rin ako ni ma'am na patayin ang aircon, ceiling fans, mga ilaw, i-check ang gripo, at magbunot ng mga nakasaksak. Nararamdaman ko talagang kami ang paboritong estudyante ni ma'am- paboritong utusan.

Everyone went outside, maliban sa aming dalawa na saka pa lang nagsisimulang magsukbit ng bagpack at magbitbit ng mga gamit.

"Saan ka pupunta, madam lou?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami palabas.

"Hatid ko muna 'to sa CED."

"Sige," sagot ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagrereklamo ng tiyan ko. Naramdaman ko rin na parang may kulang, yung pakiramdam na para siyang isang sisidlan na walang laman at gusto ko siyang punuin? "Gutom na'ko," naibulalas ko, habang itinataas ang nahuhulog kong salamin sa mata.

"Ako rin. Haha," she agreed.

Maayos naming naisauli ang susi, kasama ang remote control nito sa opisina ng CED. Paalis na sana kami, ngunit napahinto ako dahil may tumawag sa akin. Kinabahan ako, na parang ewan kasi lumukso ang puso ko nang marinig ko ang boses niya.

Hoy, kalma ka lang dyan, heart! Gutom lang iyan, okay? Naka-move on ka na!

"Uy, praningning!" bati sa akin ni Marc. He smirked, kagaya na lang ng ginagawa niya palagi. Mukha siyang badboy kahit na oo, bad naman talaga siya! Mapang-asar ang halimparot. Madalas pa akong pagtripan magmula noon hanggang ngayon.

Kumunot ang noo ko. Praningning nanaman? Bakit ba lagi niya na lang akong tinatawag na praningning? The last time na nakasalubong ko siya while wearing my eyeglasses, he also said that. Dati, Agnas ang tawag niya sa akin, ngayon praningning na. Daming alam.

"Stop that. Hindi ako si ningning." Siya ang kauna-unahang tao na nakapansin na parehas kami ng salamin ni Ningning. Horizontal oval ang shape ng lenses at kulay violet naman ang frame nito, parang eyeglasses ng mga lola.

Mas lalo siyang natawa at dahil doon, naningkit ang bilugan niyang mata. Kapag ganitong tawang-tawa siya ay mas lalo siyang gumagwapo. "HAHA! Bagay kasi sa'yo pen, praning ka kasi! Hahaha."

"Masaya ka na niyan?" I replied, sarcastically. Sana kung masaya siya, share niya naman, no. Hindi yung siya lang ang masaya. Natawa naman sina Ailou at ate Lyca pero siya talaga ang may pinakamalakas na tawa, eh. Anong nakakatawa dun? Di ko gets eh.

"Haha. Oo!" natatawa pa ring sigaw niya sa akin.

"Totoo yan?" tanong ni ate Lyca sa akin, habang tinitingnan nang maigi ang suot kong eyeglasses.

"Opo.75 ang grado sa right, at 50 naman sa left." Natatawa ako sa reaksyon ng mga tao. First time ko kasing magsuot ng salamin sa mata. Madalas akong tanungin ng mga tao sa paligid ko dahil akala nila nagsusuot ako ng salamin para sunod sa uso, yung bang nerdy fashion.

Aaminin kong cool ang pagsusuot ng salamin. Nakakadagdag ng confidence kasi feeling ko matalino ako at palaaral, although kahit wala yun, palaaral pa rin ako. Wala lang, feeler lang. Haha. Pero nakakairita at istorbo ang salamin, sa totoo lang. Kung hindi lang talaga ako nahihilo at nakakaramdam ng sakit sa mata, hindi ko ito susuotin.

Napansin ko ang mga papeles na dala-dala nila ng kanyang kasama. Si ate Lyca ito, ah, ang Governor ng College of Education samantalang Vice Governor naman siya. Nandito pala sila para magpasa ng proposal sa dean ng college nila. Nagpaalam na kami, since may appointment pa sila, at gutom na gutom na rin kami.

Besides, wala namang dapat pag-usapan. Anong pag-uusapan namin, ang nakaraan?

Sus, ang nakaraan ay nakalipas na. Ibinaon ko na sila sa limot. Ang ala-ala ay ala-ala na lamang. Hanggang dyan na lang tayo.

Ganun talaga. People come and go. He is one of those people who I chose to let go because he's not mine in the first place. Kasi sino ba ako sa buhay niya?

No one. I'm just someone from his past which exists at the present as his invisible someone.