Nagising ako sa isang puting silid. Napahawak ako sa ulo ko at naramdaman kong sumakit ito ng kaunti at may benda na naman pala ito.
Huling naaalala ko lang ay ang pagsakit ng ulo ni Damien, ang pagtulak nya sakin, at ang pagsakit rin ng ulo ko.
Sakit sa ulo talaga kami pareho nuh.
"Anak? Madelaine? Are you ok?"
"Saglit tatawag lang ako ng doctor" dali-dali namang umalis si dad
"What happened, mom?"
"You fainted. Ichecheck daw ni doc ang ulo mo. I'm so worried, Madelaine"
"Si Damien po? Kamusta sya? Anong nangyari sa kanya? Sumakit po ang ulo nya diba?"
Malungkot na tumango sakin si Mommy
Bakit?
May nangyari ba habang nahimatay ako?
Naku, 'wag naman sana...
"Anak, kinausap kami ng doctor tungkol sa kalagayan ni Damien"
"Ano pong sabi?" kinakabahan ako habang nakatingin kay mommy habang naghihintay ng sagot
"..hindi muna pwedeng ipaalala sa kanya ang mga nakalimutan nya dahil mas lalong lalala ang kalagayan nya. Sasakit ang ulo nya kapag nagpatuloy pa kami na ipaalala ka at ang iba nyong kaibigan. At sa tuwing ginagawa iyon ng Tita Dahlia mo, mas lalong lumalala ang sakit habang tumatagal kaya advice ni Doc Laurente sa amin ay huwag munang ipaalala ang lahat kay Damien"
I can't help but to cry in pain.
Bakit sya pa? Bakit ang pagkawala pa ng mga magagandang alaala namin ang nangyari?
"No..."
Niyakap na lang ako ni mommy saka pinatahan
Maya-maya rin ay pumasok na si Daddy saka ang Doctor.
"Hi, Madelaine. I'm Doctora Allyza Ramos. I was the one who checked you.."
Saglit pa ay chineck up ako ng doctor.
"We need to do a CT Scan for your head. I'll check the bullet kung nagalaw ba or kung nagkaroon ba ng internal bleeding"
Kumuha sila ng wheelchair para sakin saka iginiya ako sa Radiology Room.
"Here it is.." lumapit sila mommy at daddy kay doctora habang ako ay nakahiga lang dahil isinagawa nila ang Cranial CT Scan nila ang ulo ko.
"As you can see, the bullet is here.. hindi sya pwedeng magalaw dahil sobrang delikado nito. Maraming movement syang hindi pwedeng gawin lalo na ang pagtama ng ulo nya sa kung saan-saan"
"Do we need to bring her out of the country for her treatment?" my mom asked her
"Mrs. Laida Echavez, actually it's a great idea. I have a friend doctor at New York who can help Ms. Madelaine. Doon mas advanced ang technology. I can tell Madelaine's case to her para mapag-aralan na nya ito"
"We'll talk about that, doc" sagot ni dad saka sya tumingin sakin
I just gave them a little smile...
"Ok, Mr. Lance Echavez. Sabihan nyo lang po ako kung gusto nyong makausap doon si Dr. Gabriel para masabihan ko na rin sya about sa case ni Madelaine"
If they agreed, magkakalayo kami ni Damien.
Para sakin at sa amin din naman itong gagawin ko.
But not now, I just want to do something para makaalala sya. Unti-untiin lang ang mga pagpapaalala.
***
Pagkatapos naming pumunta sa Radiology para i-CT Scan ang ulo ko ay nagpumilit akong dalawin si Damien.
I want to see him.
"Sasamahan pa ba kita sa loob?" tanong ni mommy pagkabukas ko ng pinto. Mukhang walang tao
"Nasaan sila Tita Dahlia at Tito Clyde?"
"May inasikaso lang dito sa hospital para kay Damien. Maayos naman na kasi ang lagay nya kaya pwede na syang umuwi sa susunod na araw"
Napatango na lang ako saka nagpaalalay kay mommy na pumasok. Hawak nya kasi ang suwero ko.
"Tawagin na lang kita, mom, kapag tapos na ako. I just want to talk Damien" when I saw him, he's sleeping peacefully.
Parang walang problema at walang sakit na iniinda
"Sige, hihintayin ka na lang namin ng dad mo sa labas. May gusto ka bang ipabiling pagkain? Para makakain ka na pagbalik natin sa room mo"
"Ikaw na ang bahala, mom" tumango ito saka lumabas
Lumapit ako ako lalo kay Damien.
Sinuklay ko ang buhok nya gamit ang kamay ko.
He's still handsome. I'm so lucky to have him in my life.
Hindi man ganoong kaganda ang unang pagkikita namin, mahalaga pa rin ito para sa akin. Sobra.
Naaalala ko nun, ako pa mismo yung unang nagkagusto sa kanya pero sya naman snobber! Campus heartthrob kasi at Basketball Captain.
Noong una ay sobra talaga akong nagpapapansin sa kanya pero dumating yung time na nabwisit sya sakin at pinahiya nya ako. Sinabihan pa akong desperada. Kaya ayun! Simula nun ay hindi ko na sya pinansin at nagfocus na lang ako sa studies ko.
After days..weeks.. kinausap nya ako, hindi sya nakatiis hahahaha. At doon na nagsimula ang love story namin.
Talagang doon lang narerealize ng mga lalaki ang worth mo kapag wala ka na at hindi nagparamdam noh? Ang gulo nila minsan hahaha.
I traced my point finger from his forehead to his nose and to his lips.
I want to kiss him kaso baka magising hehehe.
"Alam mo love, I miss you so much! Hindi na kita madadalaw ng madalas dahil sa kondisyon ko. Alam mo bang nakakatampo ka? Bakit hindi mo ako maalala? Please, alalahanin mo naman yung mga memories natin together. And how you can't help falling in love with this naughty girl hahaha"
Naaalala ko nung mga panahong wala kaming time together dahil sa pag aaral namin. Ako nag aral ako kung paano ihandle ang restaurant business namin habang sya ay nag aaral para maging doctor.
Nauna akong naka graduate at hindi ko ineexpect na pupunta sya nun sa graduation namin.
And after years.. sya naman ang nakagraduate and that time sabi ko busy ako dahil may bagong bukas kaming branch sa tagaytay but hindi nya alam na isusurprise ko sya. Naghanda ako ng lunch date namin. Muntik na syang maiyak nun hahaha kasi akala raw nya nakalimutan ko na sya.
I hold his hand tightly and talked to him again
"Love. Pwede ba na umalis ako? I mean, dra. was right. Kailangan kong magpagamot sa New York dahil delikado pa raw ngayon ang condition ko. I don't want to leave you in this situation but I need to"
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.
"Magpapagaling ako. At sana pagbalik ko ay naaalala mo na ako. Itong Madelaine Echavez na maganda at makulit mong girlfriend"
I can't help it so i hugged him
"Mamimiss kita. I love you my Damien. You're always be my number one handsome dakter"
Lumayo na muna ako sa yakap sa kanya saka pinahid ang luha nya.
I called my mom to help me para makaalis na dito.
Dahil ayokong makita ako ni Damien na ganito ang lagay. Pero bago isarado ni mom ang pinto ay nakita kong nakadilat na si Damien at lumingon sa gawi ko.
Yumuko na lang ako at pagkatapos ay umalis na kami para bumalik sa room ko.
Nasa room 504 ang room ko habang ang kay Damien ay room 511.
Pagkahiga ko sa hospital bed ko ay inayos na agad ni dad ang mga pagkain namin.
But I want to talk to them kaya natigilan sila ni mom.
"Mom..dad. I think Dra. Ramos was right. Kailangan kong magpagamot sa New York"
Nilapitan agad ako ni mom and dad "Are you sure, anak?" tanong ni mom
"Yes mom. Para rin naman sa akin at sa inyo itong gagawin ko. Gusto kong maging maayos ang kalagayan ko. Yung walang iniindang sakit at inaalala"
"I'll arrange our flight, then" dad smiled at me
***
Nang matapos kaming kumain ay naisipan kong gumawa ng letter para kay Damien.
I'll miss him :((
Nagsulat ako para sa kanya about sa mga paalala ko na alagaan ang sarili nya..ang health nya at syempre tungkol sa mga memories na ginawa namin. Baka sakaling maalala nya.
Naisipan ko rin na samahan ito ng picture namin na nakalagay sa wallet ko. Inilagay ko rin ito sa maliit na envelope.
Maya-maya lang ay pumasok si Tita Dahlia at Tito Clyde sa room ko
"Hi Madelaine! How are you?" Tita Dahlia smiled at me
"I'm fine, tita"
"Oo nga pala, Clyde. Can you help me to arrange our flight to New York the day after tomorrow?" tanong ni dad kila tito at napakunot noo naman sila pareho ni tita
"Bakit? Aalis kayo?"
"Yes, tito. Doon po ako magpapagaling and nakausap po namin si Dra. Ramos na may kakilala sya doon na pwedeng tumulong sakin"
"That's good!"
"Yeah, magpagaling ka doon, Madelaine. Babalikan mo pa ang anak namin"
"Ahmm tita, tito, can you please give this letter to Damien?" Sabay abot ko ng letter na isinulat ko kanina
"Makakarating iha"
"Oo nga pala. Nasabi nya samin kanina na galing ka sa room nya kanina" napalingon naman ako sa sinabi ni Tito Clyde.
"And alam mo bang naalala nya ang name mo? He called you Annoying Madelaine! Like what he used to call you when you're in high school!"
"Really tita?"
Then kung unti-unti na syang nakakaalala, kailangan ko na talagang magpagaling.
Babalikan kita, Damien. Pangako.
-END OF FLASHBACK-