webnovel

Broken Trust | Completed

"I don't believe in promises but when you came into my life, I gambled. Eventually, natauhan akong mali pala na itinaya ko nang buong-buo ang tiwala ko sa iyo." -Jamilla Pagdating sa mga lalaki, may trust issues si Jamilla Mae Aravello dahil sa pag-iwan ng tatay niya sa kanilang pamilya noon. But when Oliver Ethan Lee came into her life, isinugal niya ang tiwala niya dahil sa pag-aakala niyang matinong lalaki si Oliver base sa isang sikat na istoryang binasa niya na isinulat nito, which entitled of I Catch Your Heart. Oliver is a famous mysterious author in the Philippines, at ang istoryang isinulat niya ay ang kinaadikan ni Jamilla. Isang istoryang totoong nangyari kay Oliver with his past girlfriend, named Angel. Naputol lang iyon dahil sa hindi inaasahan pangyayari na dahilan ng pagkamatay ng girlfriend niya. Masakit at nahirapan si Oliver para tanggapin iyon. However, when he met Jamilla. Ang kasiyahang hinahanap niya katulad noon sa past-girlfriend niya ay sa dalaga niya natagpuan. Pipilitin niyang magmahal muli at kalimutan si Angel. Bagong istorya ang isusulat niya kasama si Jamilla pero mabilis din natapos ito dahil sa maling nagawa niyang hindi niya ginustong mangyari. Dahil sa maling nagawa niya, puno ng pagsisisi ang dala-dala niya sa huli. - Follow me on Wattpad: Nick_Black02 Mas active po ako doon kaysa dito. Doon naka-published lahat ng stories ko po. :)))))

Nick_Black02 · วัยรุ่น
Not enough ratings
71 Chs

Chapter 15

Chapter 15: Chocolate

"Woah! Ang ganda!" Mangha kong saad habang nakasilip sa balkonahe ni Oliver dito sa Condo niya. Kakarating pa lang namin dito.

This is so perfect view I've ever seen although nakapunta na rin ako sa mga balkonahe ng mga hotels but not like this, napakaganda talaga. 'Yong tipong parang kitang-kita mo na ang buong Maynila kahit hindi. Actually nasa 20th floor kami ni Oliver kaya ang ganda talaga ng view. Kaso ang problema nga lang dito, nakakalula lalo na't ang lakas pa ng hangin, baka mamaya matangay pa 'ko dito, ang payat-payat ko kaya.

"Oliver!" Pumasok muli ako sa loob ng condo niya para hanapin siya, hindi naman ako gano'n nahirapan kasi nakita ko agad siya sa may kusina habang may kinukuha sa fridge.

"Bakit?" Tanong niya sa akin sabay lingon sa gawi ko.

"Can I have a favor?" Mahiya-hiya kong tanong. Duh! Nakakahiya kaya 'yong favor ko. Sana pumayag siya.

"Ano 'yon?" Sinarado muna niya ang fridge at saka lumapit sa akin.

"Hmm.. Pwedeng picturan mo ako sa balkonahe mo? You know? Pang-instagram lang? Pwede?" Ngumisi lang siya at biglang kinuha ang phone ko sa kamay ko. Jusko. Nagulat ako sa ginawa niya, akala ko mahuhulog na 'yong phone ko.

"Jusko naman Oliver, dahan-dahan!" Hindi niya ako pinansin at nagsimula nang mglakad papalayo sa akin papunta sa balkonahe. Wait? Have he said 'Yes'? Or I didn't just hear that he agreed? "Oliver pumayag ka ba na picturan mo 'ko?" Lumingon ulit siya sa akin at tinitigan ako nang deretso sa aking mga mata. Gosh! Ang gwapo.

"Why are you staring at me like that?" Masama ba 'yong tanong ko para tumitig siya akin nang ganiyan? Gusto ko lang naman i-klaro eh. 'Yong titig niya parang kakainin na niya ako anytime.

"Napakaslow mo talaga. Kukunin ko pa naman ito kung hindi 'di ba?" Matawa-tawa niyang saad. As of now, Jamilla's cells has been surrendered to find her brain. I hope once in a blue moon mawala na 'tong pagiging slow ko. Aba'y nakakasawa na rin. Nakakababa ng self-confident. Wala naman ako mararating dito sa pagiging slow ko, Lord please remove this from me.

Hindi ko na lang siya pinansin dahil sa kahihiyan ko. Diniretso ko lang ang paglalakad ko papunta sa balkonahe niya.

"Game! Oliver, picturan mo na ako." Sabi ko sa kanya at napansin kong bigla siyang umiling-iling at napapatawa. Minsan may pagkabaliw rin 'tong mokong na 'to, e. Wala naman nakakatuwa, tumatawa.

Nagsimula na ako mag-pose nang kung ano-ano. Actually, hindi ako comfortable sa mga pose na ginagawa ko. I'm ashamed with him. Biruin niyo isang sikat na author pinipicturan ako? For sure, kung sa ibang babae ito, this is would be their greatest day. As in greatest. Tapos kilig-kilig pa sila. Lol. Pasalamat ka Oliver, hindi ako gano'n.

"Patingin nga, baka pangit." Lumapit ako sa kanya para tingnan ang mga pictures ko. Kaso pagkatingin ko, ang pa-pangit nga. Ang ganda-ganda no'n background at ang ganda rin no'n babaeng nakatayo. Tapos blurd 'yon kuha niya. Gosh. Daig pa 'ata siya ng bata, eh.

"Blurd naman, eh. Ayusin mo naman!" Lumapit ulit ako sa balkonahe niya at tumalikod, nag-pose ulit ako na kunwari ay may tinatanaw raw ako sa malayo, stolen-shot ang peg ko. Ganern.

Lumingon na muli ako sa kanya para tingnan sana 'yong mga pictures ko. Umaasa na hindi na blurd na katulad kanina at inayos na niya ang pagkakapicture. Kaso pagkalingon ko ay wala na si Oliver, nakita ko na lang na nasa lapag na lang 'yon phone ko. Argh! Nakakainis ka talaga Oliver. Todo pose ako roon tapos tinakasan mo na pala ako.

Pinulot ko 'yong phone ko at hinanap siya. Bakit hindi ko manlang naramdaman na umalis na pala siya?

"Oliver! Nasan ka?! Nakakainis ka!" Nilibot ko 'yong buong condo niya, nahanap ko naman siya sa may sofa ng sala, nakita ko siyang tawang-tawa. Parang halos hindi na siya makahinga sa kakatawa. Pero gosh, ang gwapo. Jamilla you should to act that you mad at him. Don't be attracted!

"Nakakainis ka! Ang ganda-ganda ng mga pose ko tapos tinakasan mo lang ako? Nakakabwiset! Epic, eh!" Pinagbabato ko siya ng unan na malapit sa akin. Wala ako pakialam kung masaktan man siya basta ang gusto ko lang gawin ay makaganti.

"Hahahaha! Arte mo kasi." Matawa-tawa niyang saad.

Naubos na lahat ng unan na malapit sa akin dahil nasa kanya na pala lahat ngunit gano'n pa rin siya. Hindi pa rin siya tumitigil sa kakatawa. Gosh, how could I stop him?

"Nakakainis ka talaga." Sigaw ko sa kanya.

"Hahaha!" Tuloy niya pa rin sa pagtawa. Ngayon ko lang nakita kung paano siya tumawa nang malakas. Ang unfair talaga ng life. Ang gwapo niya pa rin, samantalang ako 'pag tumawa ako biglang na lang nagiging mukhang unggoy. Bwiset. "Hays." Hinga niyang malalim. "Okay naman 'yan pictures mo, eh. You are still pretty even it's blurd." Kalma niyang saad.

Bigla akong tumingin sa kanya nang may kasamang gulat. This is just a dream? Ngayon ko lang narinig iyon mula sa kanya, first time kumbaga. Gpsh, Jamilla. Baka nagkamali ka lang nang pagkakarinig. Alam mo naman na hindi niya sasabihin 'yon sa 'yo.

Pero hindi naman masama I-klaro 'di ba? "Wait, Oliver? May sira ba 'yong mga tenga ko?"

Tumingin ulit siya sa akin nang naka-poker face look. "Ako ba may-ari ng tenga mo para itanong mo sa akin 'yan?" Cold niyang sagot. Psh. Kanina tawang-tawa tapos ngayon magiging cold. Bipolar talaga siyang tao. Ang weird kaya.

Napasimangot na lamang ako dahil sa sinagot niya pero patuloy pa rin ako magtatanong, walang makakapigil sa akin. "So totoong ngang sinabihan mo 'ko ng pretty?" Pangungulit ko.

Nagsimula na siyang maglakad papunta sa kusina. Hindi pa pala kami kumakain. Gutom na nga pala ako kanina pero ngayon parang nawala. Mamaya na lang ako kakain, aabangan ko muna 'yong sagot niya.

"Malay ko." Kibit-balikat niyang sagot. Gosh. Ayaw niya pang um-Oo. 'Di naman ako magagalit, eh.

"Hindi ako nagkakamali, sinabihan mo 'ko ng pretty. Ulitin mo nga ulit." Sumunod ako sa kanya at umupo sa may upuan na malapit sa kanya. In-umpisahan mong ilabas ang pagiging makulitin ko, Oliver, mahihirapan ka na kalabanin ito.

"When I said it once. There's no will be a twice." Napasimangot na lamang ulit ako. Sasabihin lang naman niya ulit eh. Kanina hindi ako ready no'ng sinabihan niya 'ko ng gano'n. Ngayon 100% ready na talaga 'yong dalawa kong tenga.

"Bakit kanina sa mall? Sinabi mo pa rin 'yong mga hindi ko narinig sa 'yo?" Pagkakadahilan ko.

"Nasa Mall tayo kanina at nandito ka sa condo ko. See the difference?" So iyon ang basis niya? Napaka baduy naman. Porket nag-iba lang 'yong place, iba na rin 'yong susundin niya.

"Weird, sabihin mo lang madamot ka." Tumungo ako sa lamesa na malapit sa akin at pinikit ang mga mata. Paawa effect para maakit siya, at sabihan niya ulit ako ng pretty.

"Anong gusto mong kainin ngayon lunch?" Hindi niya manlang pipilosopohin 'yon sinabi ko?

"It's up to you." Naramdaman kong binuksan niya na ulit 'yong fridge niya, naghahanda na. Magluluto na yata siya.

"'Pag ba sinabi ko ulit iyon? Kililigin ka ba?" Muli kong tinunghay ang aking ulo and looked at him straigthly. Ano isasagot ko sa kanya? Hmm... Sabi ko nga normal lang ang kiligin kahit kanino pa 'yan. Pero shempre baka mag-assume siya 'pag sinabi kong, yes.

"Anong klaseng tanong 'yan, siyempre hindi." Iniba ko 'yong tingin sa ibng direksyon.

"You're still pretty even it's blurd." Bigla-bigla akong napapangiti dahil sa sinabi niya. Gosh, Jamilla. Hindi ka kinikig. Huhu, bakit parang ang sincere ng pagkakasabi niya ngayon kaysa kanina? "'Wag kang kikiligin, sabi mo kanina hindi 'di ba?"

Lumingon ulit ako sa kanya. "Hindi ako kinikilig, ah." Lumingon rin siya sa gawi ko at tiningnan ako nang mabuti. Pilit kong pinigilan ang hindi ngumiti kaso hindi ko talaga magawa. Gosh. Napapangiti lang ako pero hindi ko kinikilig, ha. Tama.

"Kinikilig ka eh." Pang-aasar niya sa akin. Ang kulit naman nitong mokong na 'to, eh.

"Hindi nga sabi! 'Wag kang makulit! Ano bang niluluto mo?" Lumapit ako papunta sa kanya para tingnan ang niluluto niya. Nagtanong ako ng iba kasi para naman maiba na ulit 'yon topic. Nahihiya na 'ko sa kanya. Para sa akin magkaiba 'yong pagngiti-ngiti at kilig. Hindi naman sila magkapareho.

Pagkatingin ko sa niluluto niya ay bigla na lamang ako nanglumo. Yuck, isda. I don't know what kind of fish it is, basta yuck. Eversince, hindi talaga ako nakain ng isda. Kahit ano pa 'yan, dilis man 'yan or whatsoever ay ayoko talaga. Hindi sa pagiging maarte, feeling ko kasi ay nasusuka ako.

"Fish? Ayoko niyan, hindi ako nakain niyan. Barbecue na lang Oliver."

"Naluto ko na eh, 'La ka nang magagawa." Lumayo-layo ako sa kanya dahil sa amoy no'n isda. Baka mag-amoy isda 'yon dress kong suot. Ayokong bumaho.

"E di hindi na lang ako kakain." Umupo ulit ako sa sofa niya sa sala. Kita mula rito 'yong kusina niya kaya mas minabuti ko na lang na dito umupo. Naramdaman kong tumingin siya sa akin pero hindi gano'n katagal dahil pinatay niya 'yon stove. Naglakad siya papalapit sa fridge at may kinuha rito. Yiee! Naawa 'ata si mokong. Maawain rin pala ito minsan eh, maloko lang talaga.

"Ito na mag-iihaw na po ako ng barbecue. Gusto mo po bang sauce?" Pang-aalok niya sa akin habang may hawak na lagayan na may marinade na karne. Taray, hindi naman siguro siya prepared.

"Of course." Napahinga ako nang maluwag dahil mabuti't natapos na 'yong kilig-kilig na topic na 'yan tungkol sa akin. Kahit 'di naman talaga ako kinikilig, e.

Kinuha ko ang phone ko para tingnan muli ang mga litrato ko kanina sa may balkonahe. Kaunti lang ang mga ito, kaya wala akong makitang okay. Halos lahat kasi ay blurd. Nakakainis talaga siya. Hindi ko na lang i-po-post ang mga ito. Magpapapicture na lang ulit ako mamaya. Maganda siguro dito 'pag gabi na. The lights from buildings is really attractive. Excited na 'ko.

After 30 minutes..

"Let's eat Jamilla!" Tawag sa akin ni Oliver. Pinatay ko muna 'yong phone ko and I started to walk toward him.

Hindi na 'ko makapaghintay para kumain. Masarap kasi ang ulam, barbecue. Favorite ko talaga 'to. Ito lagi ang ulam ko sa bahay. Nakaka-ilan cup of rice rin ako. Si mama kasi lagi ang nag-i-ihaw sa 'min nito kaya masarap talaga pero no'n bata pa lang ako ay si Papa 'yong laging nag-iihaw para sa amin ni kuya ngunit ngayon ay hindi na.

-

Tahimik lang kami kumakain. Infainess, parang nakuha niya kung paano mag-ihaw si mama. Masarap rin. Unti-unti kong nararamdaman na baka makaka-three cups of rice ako. Naku! Nakakahiya.

"Hmm.. Oliver pwedeng pahingi pang rice?" Mahiya-hiya kong tanong. Para kasing bitin 'yong kanin. Aw, ako kasi 'yong taong matakaw kumain pero never tumataba.

Ningitian niya muna ako ng loko bago naglakad pumunta sa kusina para kumuha pa ng rice. Ang sarap palang maging slave ni Oliver, parang ako pa 'yon nagmumukhang boss. Tapos siya 'yon nagiging slave. Astig.

Bumalik siya na may hawak-hawak na mangkok ng kanin. Tama nga 'yong sinabi niya kanina sa mall, bubusugin niya talaga ako.

"Masarap ba?"

"Okay naman, tama lang." Ayokong sabihin 'yes' kasi alam kong mag-aasume pa 'yan.

"I see." Simple niyang sagot. "Ah oo nga pala, if you're getting hungry just open the frigde and get what you want. 'Pag nainip ka naman, buksan mo lang 'yon TV or mag-computer ka. Feel at home, Jamilla." Ito 'ata ang pinakamasarap na narinig ng dalawang kong mga tenga. Busog na busog. Pag-sisihan mo na pinagkatiwala mo sa akin ang fridge mo, Oliver. Ang saya-saya naman dito sa condo niya.

"Sige." I said with a crazy smile.

-

Nakahiga ako ngayon sa sofa ni Oliver habang nanonood ng TV, kasama ko siya kanina pero nagpaalam muna siya sa akin na matutulog lang daw siya nang sandali. Hinayaan ko na lang siya. Mga ilang oras rin ang lumipas kanina pero walang asaran na naganap. Mabuti naman kung ganoon dahil 'pag sinagad niya pa 'ko ay baka may power punch siyang matatanggap mula sa akin.

Nang makaramdaman ako ng gutom, tumayo ako sa aking pagkakahiga at naglakad patungo sa fridge. Nakakaboring pa rin pala dito sa condo niya, kahit marami ka nang maaaring gawin, nakakainip pa rin. Pa'no kaya niya natitiis rito mag-isa. Wait? Mag-isa lang ba talaga siya dito? Matanong nga 'pag nagiging awkward na ulit 'yong atmosphere namin. May ma-i-topic lang.

Halos mapanganga na lamang ako nang buksan ko 'yong fridge niya. Ang raming pagkain at chocolates. 'Yong parang bawat space sa loob ay may mga laman, kahit maliliit na chocolates ay meron siya. Wow! Siguro, lahat 'ata ng chocolates sa buong mundo ay nandito na sa loob. Ang dami talaga, tutulungan ko siyang maubos ito. Hihi.

I get one Toblerone and then I closed the fridge. Ito lang muna ang kakainin ko since this is my first favorite chocolate, pangalawa ko 'yon Kisses. Kukuha rin ako mamaya no'n. Meron rin kasi siya.

Sisimulan ko na sanang buksan 'yong Toblerone na hawak ko ngunit may humila nito sa kamay ko. Lumingon ako sa kumuha nito para malaman kung sino, nakita ko si Oliver. Napansin kong inilagay na niya muli ito sa loob ng fridge. Problema niya? Gosh.

"'Di ba sabi mo kanina kung nagugutom ako ay pumunta lang ako sa fridge mo at kumuha ng pagkain?" Napasimagot na lamang ako. Huhu! Ngayon na lamang ulit ako makakain ng paborito ko, naudlot pa. Nakakainis.

"Except that chocolate." Madiin niyang saad. Nakita ko siyang kumuha ng isang basong tubig at ininom ito. Halata rito na kakagising pa lang dahil sa pamumula ng mga mata nito.

"Bakit naman? Favorite mo rin?"

"No, Expired na. Kumuha ka na lang ng iba." Hindi ko maintindihan, kung expired na pala ay bakit nakuha niya pa rin ito ibalik sa loob ng fridge? Ang gulo.

"Itapon mo na, expired na pala, eh. Nilagay mo pa sa loob." Binuksan ko ulit 'yong fridge at akmang kukuhanin ang Toblerone. Ako na ang magmamalasakit para itapon 'to. Dagdag basura pa 'to dito.

Mabilis na kinuha ulit ni Oliver 'yong Toblerone mula sa kamay ko at nilagay ulit sa loob ng fridge at saka sinarado."Hindi pwede, 'di pa 'ko handa." Luh? Itatapon lang hindi pa magawa? Hindi pa handa?

"Hindi kita maintindihan." Sabat ko.

"Hindi mo talaga maiintindihan kasi wala kang alam. Hindi porket expired na ay itatapon mo na. It's not easy to throw away the things that if you know you have a happy memories on here! Wala ka kasing alam, Jamilla! Hindi mo kasi alam 'yon mga nangyari sa akin." Cold niyang saad pero halatang meron itong diin. Naramdaman kong naglakad ulit siya papalayo sa akin at pumasok ulit sa kwarto niya.

Naiwan akong tulala. Hindi pa rin nag-si-sink in sa utak ko 'yong mga sinabi niya. Ba't parang pakiramdaman ko ay hindi lang basta-basta chocolate iyon? Anong happy memories 'yong sinabi niya? Gaano ba kahalaga iyon?