webnovel

BACHELOR'S PAD

Bachelor's Pad revolves around the men living on a five floor apartment (condo-type) building owned by Maki Frias, an elusive millionaire living at the top floor (But the people living in there doesn’t know he's a millionaire except one. They just know that he's a recluse, with a genius of a brain when it comes to information technology). It is located at the heart of the city but not as noticeable as other residential buildings. The building looks normal on the outside but it is high-tech and modern on the inside with very tight security. That’s why those who prefer extreme privacy and safety wants to live there. But there is a catch. This building is exclusively for men only at ang pwede lang tumira doon ay iyong personal na nirekomenda ng isang residente ng building. Bawal din magpapasok ng babae sa building. That is because Maki Frias is said to be a woman hater that he doesn’t want any woman inside his building. So when a man decides to live there, he must sign a contract that states that he abides that rule. But what if they fall in love?

MarickoYanagi · วัยรุ่น
Not enough ratings
104 Chs

Chapter 30

THERE was a raging emotion burning inside Charlie's chest. Mahapdi at nakakawala ng kontrol. Kagagaling lamang nila ni Vanessa mula sa isang importanteng meeting at niyaya siya ng babae na mananghalian. Sa totoo lang, ayaw sana niyang pumayag subalit dahil malaki ang naitulong ni Vanessa sa kanya nitong mga nakaraang linggo, naisip niyang pumayag para lamang ipakita ang pasasalamat niya. Kahit ang totoo, wala siyang ibang gustong gawin kundi ang puntahan si Jane dahil malapit lamang doon ang gusali ng negosyo ng pamilya nito. Dalawang linggo na mula nang huli niyang makita ang dalaga at araw-araw siyang hindi mapakali dahil gusto niyang makita ang mukha ni Jane, ang marinig ang tawa nito nang harapan, ang mahawakan at mahalikan.

Mabuti na lang pala at hindi nagpunta si Charlie, kung hindi ay nagmukha siyang tanga dahil naroon pala sa restaurant na iyon ang dalaga, may kasamang ibang lalaki at masaya pang nakikipagtawanan na para bang matagal nang ginagawa iyon kasama ang lalaki, who happened to be his co-resident at Bachelor's Pad. Ni hindi niya alam na magkakilala sina Jane at Art. Subalit nang mga sandaling iyon ay nawalan si Charlie ng pakialam tungkol doon. Natuon lamang sa tila asido sa kanyang sikmura habang nakikitang masayang nakikipag-usap si Jane sa ibang lalaki.

Jealousy. Hindi alam ni Charlie na makakaramdam siya ng ganoon para sa isang babae. Subalit hayun siya, tila ipinako sa kinatatayuan sa entrada ng restaurant, unti-unting nilalamon ng pagseselos. Hindi pa rin siya kumilos kahit nang kumapit sa braso niya si Vanessa at tinanong kung ano ang problema. Hindi niya inalis ang pagkakatitig kay Jane kahit napansin na siya ni Art. And then, at last she looked in his direction.

Sandaling bumakas ang pagkagulat sa mukha ni Jane. Pagkatapos ay may nakita si Charlie na kislap ng pait at hinanakit na hindi niya alam kung bakit dumaan sa mga mata ng dalaga. And then she turned away. Nakita niyang may sinabi si Art kay Jane at naikuyom niya ang mga kamay. Natagpuan niya ang sariling malalaki ang hakbang na lumalapit sa mesa ng mga ito.

"Charlie?" tawag ni Vanessa na nakaagapay sa kanya subalit hindi pinansin.

Ilang sandali pa ay nakatayo na sila malapit sa mesa nina Art at Jane. Nakangiting binati siya ni Art.

"Hey, Charlie. Long time no see. Dalawang linggo ka na raw hindi umuuwi, sabi ni Keith."

Sandaling pilit na inalis ni Charlie ang tingin kay Jane upang bumaling kay Art. "I've been very busy. I moved up all of my appointments for the next two weeks para malibre ako next week." Naramdaman niya na na-tense si Jane at dumeretso ang pagkakaupo pero hindi man lang siya tiningala. Lalong sumama ang kanyang mood at nagtagis ang mga bagang.

"Are you guys done eating? Can we join you?" biglang tanong ni Vanessa.

"Well…" Sumulyap si Art kay Jane na parang humihingi ng permiso.

Huminga nang malalim ang dalaga at marahang tumango na parang napipilitan lang.

"Great," bulalas ni Vanessa na tila natutuwa sa sitwasyon.

But again, Charlie did not pay attention to her.

Kikilos sana si Art upang tumayo at umupo sa bakanteng silya sa tabi ni Jane subalit hinawakan na kaagad ni Charlie ang silyang iyon at umupo roon. Nagulat sina Art at Vanessa at naramdaman niyang lalong na-tense si Jane subalit wala siyang pakialam. She was his fiancé, damn it. Bumaling siya kay Jane na hindi pa rin siya tinitingnan.

Hindi na nakatiis si Charlie. "Hindi mo pa rin ba ako babatiin, Jane?" seryosong tanong niya.

Marahang bumaling sa kanya ang dalaga at bahagya siyang nagulat nang makitang puno ng hinanakit ang mga mata nito.

"No," mahina ngunit mariing sagot ni Jane.

Muli, iyon ang unang beses na narinig ni Charlie ang tonong iyon mula sa dalaga. "No?"

Bahagyang tumango si Jane. Kahit ang kilos na iyon, mariin at tila nagpipigil. "Dahil kung tingnan mo ako ay parang ako ang may atraso sa `yo. Which is wrong. Isipin mo ngang mabuti kung sino ang may atraso sa ating dalawa?" mahina pa ring sabi ng dalaga.

Kumunot ang noo ni Charlie. Atraso? Anong atraso ang ginawa niya? That he worked like crazy so he could have next week free for her? Atraso bang matatawag iyon? "Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo."

Muli, may dumaang sakit sa mga mata ni Jane at pakiramdam ni Charlie, tumagos iyon sa kanyang dibdib. Bahagyang nawala ang galit niya at nagkaroon ng udyok na hawakan ang dalaga. Subalit bago pa iyon magawa ay inalis na ni Jane ang tingin sa kanya at bumaling kay Art na tahimik lang na nakamasid sa kanilang dalawa.

"Art, I'm sorry. I need to go to the washroom."

"Go on," tila nakauunawang sabi ni Art.

Tumayo si Jane at mabilis na naglakad palayo.

Tumayo rin si Charlie upang sundan ang dalaga ngunit hinawakan ni Vanessa ang kanyang braso.

Bahagyang nakangiti ang babae na tumayo rin. "Hayaan mong ako ang kumausap sa kanya. I think there's just been a misunderstanding. Kapag ikaw ang nagpaliwanag, baka isipin niya na nagdadahilan ka lang. Just stay here and try to calm down, okay?"

"Tama siya. You need to calm down, Charlie," sabi naman ni Art na bumuntong-hininga at sumandal sa backrest ng silyang kinauupuan.

Nakatiim pa rin ang mga bagang ni Charlie subalit muli siyang bumalik sa pag-upo. Tinapik ni Vanessa ang kanyang braso bago umalis at sumunod kay Jane.

"So, magkakilala kayo ni Jane," biglang tanong ni Art.

Muling tumiim ang mga bagang ni Charlie at tiningnan nang masama ang lalaki. "She's my fiancée," mariing sagot niya, aware na nag-tunog-possessive siya. Alam din niya na noong umpisa ay hindi niya gusto ang isiping iyon. Subalit iba na ang kaso ngayon. Hell, his whole point of view changed that day in his rest house.

Umangat ang mga kilay ni Art. "Wala siyang nasabi sa akin na may fiancée siya."

Nainis si Charlie. "Well, now you know," sikmat niya at sumulyap sa direksiyong tinahak nina Jane, hinihintay na lumabas doon ang dalaga.

"Sa pagkakaalam ko, wala kang balak mag-asawa. Palagi mo `yong sinasabi, hindi ba?" sabi ni Art.

Hindi iyon nakakalimutan ni Charlie. Pero wala siyang balak na magpaliwanag kay Art. Hindi ngayon, dahil nang mga sandaling iyon, si Jane lang ang gusto niyang makausap. Bumaling siya sa lalaki. "Art, let it go, okay?"

Ilang sandaling tinitigan lang siya nito bago itinaas ang mga kamay. "Okay. Fine."

Tumango si Charlie at inip na hinintay ang pagbabalik nina Jane at Vanessa.