webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · สมัยใหม่
Not enough ratings
131 Chs

C-98: THE PAIN IN MY HEART

AFTER TWO YEARS

Dalawang taon ang matuling lumipas at sa loob ng nakalipas na dalawang taon.

Umiikot lang ang buhay niya sa trabaho at sa kanilang mag-ama.

Hindi man sila buo ngunit sinisikap naman niyang punuan ang pagiging Ama at Ina para sa kanyang Anak.

Unti-unti nasasanay na rin sila sa tahimik na pamumuhay dito sa Alabang. Kahit madalas na silang dalawa lang ni VJ sa bahay at ang kasama lang ang yaya nitong si Didang bukod sa mga gwardiya.

Kahit parang routine ang lahat, trabaho bahay lang siya. Habang VJ naman ay bahay at eskwela.

Palagi na itong pumapasok sa school at nasa Grade two na ang kanyang anak. Talagang lumalaki na ang kanyang anak at kahit pa hindi ito kumikibo.

Batid niyang hinahanap hanap pa rin nito ang pag-aaruga ng isang ina.

Ang hindi lang niya alam, kung sino ba ang mas nami-miss nito

si Liscel ba o si Angela?

Hindi kasi ito nagsasalita o nagsasabi ng nararamdaman nito sa kanya. Parang napansin niya na nagiging tahimik na ito lately.

Habang lumalaki ang kanyang Anak para bang nakukuha nito ang ugali niyang iyon.

Hindi man niya gusto, ngunit tila mukhang ito pa yata ang namana nito sa ugali niya. Ang pagiging sensitibo nito sa mga bagay na personal.

Mahigit isang taon na rin sila sa ipinagawa niyang bahay.

A two storey house in unique modern structure.

Binubuo ito ng apat bedrooms isa sa ibaba at tatlo sa second flour. Sadyang pinaghalo niya ang moderno at makalumang disenyo.

Sinunod niya kasi ito sa disenyo ng bahay nila sa Batangas.

Pinalagyan na rin niya ito ng veranda sa itaas tulad rin ng sa Batangas. Dahil ito na rin ang ginagawa niyang tambayan.

Dahil gusto niyang palaging nakikita at natatanaw ang paligid sa labas ng bahay.

Bagama't hindi ito kasing laki ng bahay nila sa Batangas. Pero mas moderno naman itong tingnan.

Si Joseph rin ang namahala sa pagpapagawa nitong bahay sa tulong na rin ni Maru, ah' ni Amara na pala.

Napatunayan rin niya na maganda ang kombinasyon ng kaalaman ng dalawa. Talagang nasiyahan siya sa kinalabasan ng matapos na ito.

Kahit pa medyo natagalan ito bago natapos ng dahil na rin sa iba't-ibang kadahilanan. 

Ngunit sulit naman ang kanilang paghihintay at masaya siya sa magandang kinalabasan nito.

Maaliwalas rin ang paligid dahil sa fully ventilated ang kabuuan ng gate nito.

Dahil rin sa malikhaing isip at talento ni Amara, naging maayos at maganda na ngayon ang landscape ng kanyang garden.

Dahil sa wala naman sila sa highway kaya malaking bagay rin ito para makalanghap pa sila ng sariwa at masarap na hangin sa paligid. Kahit pa narito sila sa siyudad.

Naalala pa niya halos isang taon rin silang nakitira noon sa bahay ni Madi. Hindi kasi ito pumayag na lumipat pa sila.

Kaya malaking pabor rin talaga ang ibinigay nito sa kanya, siguro dahil na rin kay Joseph.

Sa nagdaang taon marami ang nangyari na hindi niya inasahan.

Bagama't nakakabigla pero dahil iyon naman ang totoo kaya dapat lang na mangyari.

Ngayon niya napatunayan na mahirap talagang magtago ng sekreto. Dahil sa bandang huli lalabas at lalabas pa rin talaga ang totoo.

Sabi nga walang lihim na hindi nabubunyag kahit na ano pang pagtatago ang gawin mo.

Lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan. Kahit pa nga sa pagkakataong hindi natin inaasahan.

Pero masaya siya para sa kapatid sa kanyang Kuya Joseph at sana maging tuloy tuloy na rin talaga ang kaligayahan nito.

Kahit pa naging kabiguan at kalungkutan naman ang sa kanya.

Para sa kanya ito pa rin ang nag-iisa niyang kapatid at mahal na mahal niya ito.

Bigla tuloy niyang na-miss ang kanyang pamilya. Kung bakit naman kasi sabay-sabay pa ang mga itong nagbakasyon.

Ang kanyang Papa kasama ng kanyang Ninong Darren na ngayon ay nasa England.

Habang sila Joseph at Amara naman ay nasa France. Mukhang nasarapan na yata ang mga ito sa bakasyon ah'?

Kasi naman isinasama sana sila ng mga ito pero tumanggi siya at mas pinili at ginusto pa niyang manatili na lang sa Pilipinas at magtrabaho.

Maging si VJ ay ayaw rin namang sumama, mukhang ayaw siyang iwanan nito. Kaya tuloy naiwan silang mag-ama na palagi lang nagsesenti sa bahay.

Every weekend naman sila kung umuwi ng Batangas para kahit paano naman hindi nila ma-miss ang Lugar.

-----

Parang kailan lang hindi niya alam kung ano ba talaga ang halaga ng buhay.

Dahil sinanay niya ang sarili na puro trabaho lang ang mahalaga sa kanya.

Paggising pa lang niya sa umaga kailangan na niyang i-analisa at isipin kung ano ba ang susunod niyang gagawin.

Bagama't alam niya ang kanyang ginagawa at sinisikap rin niyang mabigyan ng kasiyahan ang sarili.

Ngunit nananatili namang hungkag pa rin ang kanyang pakiramdam.

Tulad rin noong nasa Australia pa sila nagagawa at nakukuha niya ang lahat ng gusto niya.

Ngunit nananatiling maramot ang kaligayahan sa kanyang sistema.

Tinakasan niya noon ang mga alaala ng kanyang kabiguan ng lokohin siya ni Liscel. Pero mas madali siyang naka-move on.

Dahil ginawa niyang antidote ang kaabalahan sa trabaho. Ganu'n pa rin naman ang ginagawa niya hanggang ngayon. Pinipilit pa rin niyang abalahin ang sarili para makalimot.

Ngunit nakakalimot ba talaga siya, bakit hanggang ngayon hindi naman nababawasan ang sakit?

Tila hindi na yata mabuti para sa kanya ang antidote niya. Para kasing kulang na at hindi na rin ito tumatalab.

Nakakalimot lang siya habang abala siya ngunit naroon pa rin ito kapag siya na lang mag-isa. Dahil naiisip pa rin niya palagi si Angela.

Naroon pa rin at hindi pa rin mawala ang kagustuhan niyang makita itong muli.

Ang pananabik na mahawakan ito, ang mayakap at mahagkan na tulad ng dati noong sila pang dalawa.

Kahit ano pang kastigo niya sa sarili, ganu'n pa rin ang kanyang pakiramdam.

Hindi nabawasan kahit katiting man ang pagmamahal niya sa babaing hanggang ngayon gumugulo pa rin sa puso at isip niya ang nag-iisang nilalaman nito.

Kahit pa sa kabila ng lahat na batid niya, na hindi na niya ito maaangkin pa kahit kailan.

Dahil mukhang tahimik na ito at masayang namumuhay sa piling ng asawa nitong si Dustin.

Bakit parang hindi man lang sila nito naaalala o tuluyan na talaga sila nitong kinalimutan?

Pero kahit ano pa ang sabihin niya sa kanyang sarili. Hindi pa rin tumitigil ang puso niya na mahalin ito.

Kagaya nang hindi niya pagtigil sa pagkalap ng impormasyon kung nasaan na ba ito ngayon?

Ang totoo itinigil lang niya ang paghahap ngunit hindi naman ibig sabihin nu'n ay wala na siyang pakialam sa babae.

Dahil interesado pa rin siya sa mga bagay na may kinalalaman kay Angela man o Amanda.

Kung kailan lang nalaman niya na nasa London pala ito. Bigla niyang naisip, kung alam kaya ni Amara na halos magkapitbahay  lang pala silang magkapatid?

Sabagay tumigil na rin naman ito sa paghahanap magmula ng malaman rin nitong nag-asawa na si Angela.

Ang mahalaga lang naman daw dito ay ang malaman nito na nasa mabuti at maayos na kalagayan ang kapatid nito.

Kaya magmula noon iniwasan na rin nito na pag-usapan pa ang tungkol sa kapatid.

Marahil iniisip rin ni Amara ang damdamin niya kaya ayaw na nitong pag-usapan pa ang tungkol kay Angela.

Tama naman ito ayaw na rin naman talaga niyang pag-usapan lalo na sa harap ni VJ. Dahil nais rin niyang iwasan na maalala pa ito ng kanyang Anak.

Pero nitong huli parang hindi niya matanggap ang mga huling impormasyon na nalaman niya tungkol kay Angela at asawa nito.

Naisip niya na kaya naman pala inilayo ng walanghiyang Torres na iyon si Angela para malaya itong makagawa ng milagro.

"Walanghiya ka talaga Torres, ipinaubaya ko na nga siya sa'yo! Pero ano itong ginagawa mo?

'Hayup ka! Kapag napatunayan kong niloloko mo lang si Angela. Humanda ka, sisiguraduhin kong maaagaw ko rin siya sa'yo!

'Maghintay ka lang bu..."

Ngunit biglang naudlot ang iba pa niyang sasabihin ng bigla na lang.....

"Ma'am sandali lang, hindi kayo p'wedeng pumasok d'yan Ma'am sandali!"

"Bitiwan mo nga ako, sinabi nang akong bahala! Let me go, bitch!"

Naagaw na nang mga ito ang kanina pa, naglalakbay niyang diwa.

Kasalukuyan pa rin kasi siyang nasa opisina ng mga oras na iyon. Habang hinihintay niyang dumating si Russell.

Mukhang masisira na naman ang araw niya, bulong ng isip niya ng makita ang babaing nagpipilit na pumasok.

Kahit pa pilit itong pinipigilan ng kanyang sekretarya. Ngunit tila rin hindi ito pinakikinggan ng bagong dating.

"Ano na naman ang ginagawa mo dito?" Hindi na rin siya nakatiis na hindi ito sitahin.

"Sir, pasensya na po nagpipilit po siyang makapasok hindi ko na po napigilan." Hinging paumanhin pa ng kanyang sekretarya.

"Sige na, Lucille ako na ang bahala sa kanya!" Tugon na lang niya sa babae.

"See? Sinabi ko naman sa'yo eh' hindi niya ako matitiis. Sige na alis na!" Pagtataboy pa nito kay Lucille at dere-deretso na itong lumapit kay Joaquin pagkatapos.

"Hello babe sobrang na-miss kita, at saka dinalhan kita nito oh'."

Pagmamalaki pa nito sa bibit nito at saka nito itinaas ang bagay na iyon na nakalagay sa isang kahon.

"Ano bang kailangan mo hindi mo ba alam na busy ako?" Tuloy lang siya sa ginagawa at hindi man lang niya pinansin ang dala nito at inabala ang sarili sa kung anong mga bagay sa harap niya.

Wala naman nang bago du'n, lagi naman kasi itong nagdadala ng kung ano-ano sa kanya dito sa opisina.

Kung minsan nga sa bahay pa  nila ito pumupunta at kung ano-ano ring pasalubong ang dinadala kay VJ. Nakakainis na panay ang suyo nito sa kanilang mag-ama.

Kahit pa alam naman nito na, sa simula pa lang nilinaw na niya dito na wala itong aasahan sa kanya. Pero patuloy pa rin ito sa panunuyo sa kanila.

Nag-aaral pa daw itong magbake at pumasok daw sa Culinary school. Dahil gusto raw nitong magluto at para naman daw mas  maalagaan daw sila nito.

Ang akala yata nito ay porke ba ginagawa nito ang mga bagay na iyon ay maaari na rin nitong palitan si Angela sa buhay nilang mag-ama. 

"Babe, bakit ba napaka-hard mo, hindi mo ba talaga nakikita ang ginagawa ko sa'yo? Sana naman kahit paano ma-appreciated mo ang ginagawa ko sa'yo." Tila nagpapaawa pang saad nito.

"Hindi ko naman hiniling sa'yo na gawin mo 'yan at hindi mo rin ako kailangang suyuin pa o suhulan. Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa'yo na h'wag ka nang umasa dahil..."

"H'wag akong umasa kasi hanggang ngayon siya pa rin ang hinihintay mo, hindi ba?" Putol na nito sa sasabihin pa niya.

"Ano bang pakialam mo? P'wede ba Cloe umalis ka na nga!" Tugon niya na pilit nagpapakahinahon.

"Aminin mo na kasi na hanggang ngayon umaasa ka pa rin na babalikan ka niya. Dahil isa rin kang hangal!

'Kaya pareho lang naman tayong umaasa. At least ako, umaasa na sa huli sa akin pa rin ang bagsak mo.

'Eh ikaw umaasa ka lang naman sa wala. Dahil kahit kailan hindi ka na babalikan pa ng babaing iyon.

'Dahil tuluyan ka na niyang kinalimutan at baka nga hindi ka na rin niya naiisip pa. Lalo pa ngayon na may anak na sila!"

Awtomatikong napataas ang tingin niya sa babaeng kaharap, habang nakaupo siya sa swivel chair na katapat ng kanyang mesa. Bigla rin siyang natigilan sa sinabi nito.....

"Ano, a-anong ibig mong sabihin?" Tila ba hindi agad naproseso ng kanyang utak ang narinig.

Alam naman niya na posible naman talagang mangyari ang ganu'n bagay. Pero bakit parang hindi matanggap ng isip niya na nangyari na ito ngayon, na may anak na ito sa iba.

Kung p'wede nga lang sana uulit-ulitin pa niya ang tanong. Hanggang sa bawiin ni Cloe ang sinabi nito, na nagkamali lang ito na hindi pala iyon totoo.

Dahil kahit ilang segundo lang ang nakalipas, ngunit tila dekada pa ang kailangan niya bago pa ito maunawaan.

Hindi naman siya ganu'n katanga at lalong hindi rin naman siya inosente. Para hindi malaman ang nangyayari sa pagitan ng dalawang mag-asawa.

Ano bang nangyayari sa kanya natural mag-asawa sila kaya posible ring magkaanak. Ano ba ang malabo doon?

Nagising na lang ang kanyang diwa ng marinig ang pagtawa ng kaharap na lalo pang nakabagot sa kanya. Hindi niya naiwasan na lalo pang mairita.

Dahil tumawa muna ito ng nakakainis bago pa siya nito sinagot.

"Nakakatawa ka alam mo ba, na shock ka pa talaga? Natural lang naman na magka-anak sila, ilang taon na ba silang magkasama?

'Iniisip mo ba na hindi sila nagtatabi sa kama? Ano ka ba Joaquin sa itsura at porma ni Dust imposibleng matanggihan siya ng babaing iyon sa tuwing maglalambingan sila.

Sigurado rin ako na ang mga tipo ni Dustin ang mainit sa kama, hindi ba? Alam mo...."

"Tama na, tumigil ka na dahil nakakairita ka! P'wede bang umalis ka na Cloe? Kung wala ka namang magandang sasabihin umalis ka na!" Pigil ang galit na pagtataboy na niya kay Cloe.

Bago pa magdilim ng tuluyan ang isip niya at pilipitin niya ang leeg nito.

Parang gusto na niyang sumabog nang mga oras na iyon. Naroon na naman ang pakiramdam na gusto niyang magwala.

"Pero honey gusto ko lang namang sabihing....."

"Put***ina! Hindi ka ba marunong umintindi? Sinabing lumayas ka na, layaaass!" Hindi na niya nagawang pigilan pa ang sariling sigawan ito.

Tila natakot naman ito sa sigaw niyang iyon. Ngunit saglit muna itong tumingin sa kanya na may talim ang mga mata.

Hindi na niya batid ang laman at pagbabanta sa isip nito.

"Kung hindi ka rin lang magiging akin, sisiguraduhin kong hindi rin siya babalik sa'yo. Hindi na kayo magkikita pang muli. Dahil gagawin ko ang lahat para masira na kayo ng tuluyan!" Banta nito sa isip saka nagmadali nang umalis.

Pakiramdam ni Joaquin malapit na talaga siyang sumabog. Kapag hindi pa ito umalis ngayon.

Baka hindi na siya makapagpigil pa at dito niya maibunton ang lahat ng galit niya.

Kaya ng tuluyan na itong tumalikod sa kanya, saka lang kumawala ang tinitimpi niyang damdamin.

"Ahhhhh, fvck! Tang*** bakit ba ako nasasaktan ng ganito?"

Malakas niyang sigaw kasabay ng paghawi niya ng mga bagay na nakalagay sa ibabaw ng kanyang mesa.

Hindi niya alintana ang pagkalat nito sa sahig at pagtalsik ng mga gamit niya sa kung saan saang bahagi ng kanyang opisina.

Wala na rin siyang pakialam, kahit na lumikha pa ito ng samu't-saring problema sa kanyang trabaho.

Mabuti na lang dumating na rin si Russell nasalubong pa nito si Cloe na nagmamadaling umalis. Nagtataka man hindi na lang nito pinansin ang babae.

Hindi rin kasi nito gusto ang ugali ng babae. Nagtuloy-tuloy na lang ito sa paghakbang palapit sa private office ni Joaquin.

Kakatok na sana ito sa pinto ng marinig na may tila nabasag at nahulog na bagay sa sahig.

Kaya bigla itong natigilan at saglit na nanatiling nakatayo lang sa may pinto. Bahagya kasing nakaawang ang pinto kaya dinig nito ang nangyayari sa loob. Kahit sounds proof pa ang opisinang iyon.

Para kasing alam na nito ang nangyayari.....

_____

Gustong magwala at sumigaw ni Joaquin baka sakali kahit paano maibsan ang nararamdaman niyang sama ng loob.

Bakit ba ang sakit sakit pa rin ng kanyang pakiramdam. Hindi ba dapat tapos na, dapat matagal na niyang tinanggap ang kabiguan niya kay Angela.

Bakit hanggang ngayon ganu'n pa rin ang sakit? Hindi pa rin matanggap ng isip niya na may iba na sa buhay nito.

Sa tuwing naiisip niya na may ibang kahalikan at kayakap ang babae. Gustong gusto niyang magwala, nag-iinit ang dugo niya hindi pa rin niya matanggap na may iba na itong kaulayaw.

Tang*** mura niya sa isip ang pakiramdam niya paulit-ulit siya nitong niloloko.

Kahit malinaw naman sa isip niya na matagal na itong wala, matagal na silang malabo at matagal na siya nitong iniwan at ipinagpalit sa iba.

Pero ganu'n pa rin walang nabago, ang sakit pa rin ng kanyang pakiramdam.

"Tang*** naman..." Tuluyan na nitong sinipa ang lamesa.

Kasama na ring nahulog ang computer at ilang mga gamit na tinamaan nito.

Ilang beses pa ba siyang dapat magmura para lang maibsan ang galit sa kanyang dibdib. Para kasing hindi siya makahinga.

Dahil sa sama ng loob hindi na rin niya napigilan ang sariling patuloy na magwala.

Pinagsusuntok pa niya ang  ding-ding sinisipa ang masayaran ng paa binabalibag ang bawat mahawakan ng kamay.

Wala siyang pakialam dahil sounds proof naman ang kanyang opisina.

Kahit naman marinig pa siya sa labas wala na rin siyang pakialam. Sigurado ring sasamain sa kanya ang sino mang magtatangkang pumasok.

Wala rin naman silang pakialam kung gusto niyang magwala. Gagawin niya kung anong gusto niya.

Kahit alam rin niyang kabaliwan ito at hindi rin magiging maganda sa tingin ng kanyang mga empleyado.

Pero wala na siyang panahon pa para isipin ang mga ito. Siya naman ang responsable sa lahat.

Handa rin naman siyang bayaran ang lahat ng mga nabasag at nasira niya.

Kaya niyang palitan ng bago ang lahat at ibalik sa dati. Kaya rin naman niyang ulitin ang mga files, documents at ang mga bagay na pinaghirapan rin niya ng ilang araw.

Lahat 'yun kaya niyang palitan at ibalik tulad ng dati o baka mas higit pa.

Pero hindi ang sakit sa puso niya at ang patuloy na pagkawasak nito. Dahil sa pagkabigo niya sa babaing pinakamamahal.

Kaya ano bang pakialam nila kung gusto niyang magwala. Gusto niyang magwala kahit ngayon lang, magwawala siya hangga't gusto niya.

Dahil ito lang naman ang alam niyang paraan upang malayang ilabas ang sama ng loob.

Kaya nagpatuloy lang siya hanggang sa mapagod at padausdos na naupo na lang sa sahig.

Walang sino man ang mag-iisip na magiging ganito pala siya kamiserable pagdating sa pag-ibig.

Ang isang tulad niya na nirerespeto at iginagalang ng lahat. Kilalang matalino at may mataas na pinag-aralan.

Ngunit nawawalan ng silbi ang lahat ng iyon pagdating sa babaing mahal niya.

Tama si Cloe isa rin siyang hangal na umaasa na p'wede pang bumalik sa buhay niya si Angela. Pero ngayon paano pang mangyayari 'yun?

Hindi lang ang lalaking iyon ang kalaban niya. Dahil nadagdagan pa ito ng isa at alam rin niya na sa puntong ito.

Pinaka-mahirap kalaban ang isang Anak. Tila ba lalo lang lumabo ang kanyang pag-asa...

Pero ano nga ba ang aasahan niya sa babaing matagal na siyang inabandona at nag-iwan lang ng sakit sa puso niya.

Siya lang naman itong hindi makaintindi at hindi matanggap. Siguro nga kung hindi lang dahil sa kanyang anak.

Kung hindi lang niya iniisip si VJ marahil ginusto na rin niyang itigil ang paghinga.

Para hindi na niya maramdaman pa ang sakit ng kalooban.

Hindi na niya alintana pa ang kalagayan niya ng mga sandaling iyon. Habang gumagawa na rin ng landas ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

Hindi na rin niya pinag-ukulan pa ng pansin ang pagbukas ng pinto at iluwa noon si Russell.

Napailing na lang ito ng makita siya at mapagmasdan ang paligid na daig pa ang binagyo.

"Boss, o-okay ka lang ba?" Nag-aalalang salita nito ng makalapit na sa kanya.

"Ayoko nang ganito, gusto kong maging manhid pero ramdam ko pa rin ang sakit. Bakit ba hindi ko siya makalimutan?"

"Dahil minamahal mo pa rin siya hanggang ngayon. Kahit alam mong masasaktan ka lang..."

"Ano ba ang gagawin ko, kung narito pa rin siya at ayaw pa ring mawala. Sinusubukan ko naman talaga na h'wag na siyang isipin pa, pero hindi ko magawa.

'Ang akala ko nga okay na ako at hindi na ako masasaktan pa, na balewala na sa'kin ang lahat.

'Pero narito pa rin pala ang sakit, parang mas tumitindi pa. Habang iniisip ko na may kasama siyang iba.

'Hindi ko pa rin matanggap na hindi na siya babalik sa'kin.

'Dahil ang totoo gusto ko pa ring balikan niya ako at siya pa rin ang pinapangarap kong mahalin wala nang iba."

"Boss....."

"Ikaw na ang bahala dito ayusin mo na lang bumili ka ng bago. Bahala ka na, pasensya na kung palagi ka na lang naglilinis ng mga kalat ko.

'Huwag kang mag-alala huli na ito, hindi na ito mauulit pa..."

Tumayo na siya at saglit na inayos ang sarili. Bago lumakad palapit sa pinto.

"Sandali lang Boss! Saan ka ba pupunta? Pinakakaba mo naman ako." Nag-aalalang tanong nito.

"H'wag kang mag-alala okay na'ko gusto ko lang sumagap ng hangin." Tugon niya para hindi na ito mag-aalala sa kanya.

"Pero Boss hintayin mo ako sasamahan na lang kita."

"H'wag kang mag-alala hindi ako gago, baliw lang ako sa babaing 'yun! Pero matino pa naman ang isip ko. Saka hihintayin ko pa rin siya, alam kong babalik rin siya dito. Pagdating ng araw na iyon sisiguraduhin kong babalik rin siya sa akin!"

"Pambihira!" Napailing na lang itong muli ng dahil sa mga sinabi niya.

Hindi siya ganu'n kadaling sumuko. Baliw na kung baliw pero hihintayin pa rin niya ito.

Hahanap pa rin siya ng paraan kung paano niya ito babawiin sa lalaking iyon.

Ano ngayon kung may anak na sila, p'wede ko rin naman siyang anakan kung gugustuhin ko.

Nagawa ko na siyang angkinin at sisiguraduhin kong magagawa ko rin iyon ulit.

Kapag nangyari 'yun sisiguraduhin kong ako na talaga ang pipiliin niya.

Dahil hindi na ako papayag na sa huli ako na naman ang magiging talunan.

Hindi na.....

Hindi na mangyayari pa iyon, kahit kailan!

________

"A-anong nakatakas na naman siya? Punyeta! Bakit n'yo siya hinayaang makatakas, buwisit na 'yan!

'Nalintikan na! Baka matunton niya si Amanda. Hindi maaaring mangyari 'yon, hindi ko na hahayaang masaktan pa niya ulit ang kapatid ko.

'Kailangang makabalik na agad sa Pilipinas si Amanda. Para masiguro kong ligtas siya at kailangan ko siyang protektahan sa walanghiyang iyon!

'Hindi na maaaring mangyari pa ang nangyari noon ng tangkain niyang ipa-patay ang kapatid ko.

'Kapag ginawa pa niya 'yun ulit, talagang mapapatay ko na siya...

'KAHIT SIYA PA ANG AMA KO!"

*****

By: LadyGem25

     (03-31-21)

  

Hello Guys,

Here again....

Ang bago nating update sana magustuhan n'yo ulit ito.

Malapit na malapit na talaga silang magkita.

Baka next episode na?hahaha

Kaya pab'wenas nmn d'yan need nating ma-inspire!hahaha...

VOTES, COMMENTS, REVIEWS AND RATES MY STORY GUYS..... PLEASE!

MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT.

KEEP SAFE PALAGI AND GOD BLESS PO SA ATING LAHAT.

THANK YOU, THANK YOU!

MG'25 (03-31-21)

LadyGem25creators' thoughts