webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · สมัยใหม่
Not enough ratings
131 Chs

C-88: MOVING ON?

ALQUIZA RESIDENT

Almost 3 months na ang  nakalipas magmula ng umalis si Angela. Pero ipinatigil na niya ang paghahanap dito.

Magmula ng malaman niya ang totoong dahilan kung bakit ito umalis. Kung bakit sila iniwan nito ng walang paalam.

Bakit pa niya ito hahanapin kung magmumukha lang naman siyang tanga?

Kusa itong umalis at sinadya sila nitong iwan. Kaya bakit pa niya ito pag-aaksayahan ng panahon?

Kalokohan na isipin pa niya ang kalagayan nito. Baka nga masaya na ito kasama ang lalaking iyon.

"Put***ina nila magpakasaya sila hangga't gusto nila! I don't care, I don't really care. Magsama sila wala akong pakialam!"

Sigaw ng isip niya sabay bato ng malakas sa boteng hawak niya. Tuloy tuloy itong tumama sa ding ding at nabasag.

Ilang gamit na rin ang nasira at nabasag niya. Dahil sa ilang araw na rin siyang nagwawala. Walang sino man ang makapigil sa kanya kahit ang kanyang Papa.

Kaya hinayaan na lang siya ng mga itong magmukmok sa kanyang kwarto. Naging ilag tuloy ang mga tao sa kanya sa bahay maging ang kanyang anak nitong mga huling araw. Kaya hindi na rin ito tumatabi sa kanya sa pagtulog. 

Kanina pa siya umiinom nang mag-isa sa loob ng kanyang kwarto.

Habang nakaupo sa sahig at nakasandal sa gilid ng kama. Napaka-miserable rin niyang tingnan, ngunit wala na siyang pakialam. 

Ito na ang huli na iisipin pa niya ang babaing 'yun.

Dahil magmula ngayon aalisin na niya ito sa kanyang sistema sa isip niya at maging sa puso niya. Kalilimutan na niya ang lahat lahat sa kanila. Hindi na niya ito iisipin pa...

Ito ang kusang lumayo sa kanila para ipagpalit sila sa lalaking iyon. Katulad rin pala siya ni Liscel, wala silang pinagkaiba ng kulay.

Manggagamit, manloloko, sinungaling at walang kwenta! Magsama sila ng lalaki niya...

Muli na naman niyang naalala ang sinabi ni Cloe. Ayaw sana niyang maniwala sa babae, dahil na rin sa karakter nito.

Ngunit isinisigaw ng isip niya ang katotohanan at hindi niya basta mapalagpas lang... Lalo na at napatunayan niya nitong huli, na totoo ang lahat ng sinabi ni Cloe tungkol sa lalaking iyon.

Kahit anong pilit niya sa sarili niya, na h'wag maniwala. Ngunit hindi niya mapigilan ang sarili na hindi magduda.

Tang***! Mas pinili niyang sumama sa lalaking iyon kaysa sa akin, sa amin ni VJ. Dahil ba alam niyang mas magaling ang lalaking iyon kaysa sa kanya?

Himutok pa niya sa sarili.

Ito ang kasama nitong pumunta ng Cebu at ngayon masaya na rin ang mga itong magkasama. Ayon sa isang source ng magazine, magkasama ang dalawa ngayon  sa Honeymoon nito sa Maldives pa ha'. Pagkatapos ng lihim na pagpapakasal ng mga ito.

Paano ba siya hindi maniniwala kung nasa kanya ang lahat ng ebidensya?

Ang mga pictures na ibinigay sa kanya ni Cloe. Dahil daw hindi sinasadyang makita ito ni Cloe sa Airport. Habang naghihintay ng Domestic flight papuntang Cebu.

Ipinakita sa kanya ni Cloe ang mga kuha nito na may kasamang lalaki habang masayang nag-uusap at magkayakap.

Bukod doon nagawa pa ng mga itong magpakasal. May maitatago bang lihim sa mga kilalang tao? Lalo na kung sila talaga ang palaging sinusundan ng mga tao.

Ayaw man niyang maniwala pero nasasaktan siya sa katotohanang iyon. Pinatunayan rin ni Cloe ang lahat ng mga bagay na may kaugnayan sa kanila.

Kilala ni Cloe ang lalaking iyon, dahil isa itong Big-time at kilalang Business tycoon sa Bansa.

Dahil nasa Business World rin siya kaya naririnig na rin niya ang pangalan nito. Ngunit hindi niya ito kilala ng personal.

Fishing and manufacturing business ang linya nito. Bukod du'n nagmamanage din ito ng mga seafoods restaurants at Resto Bar sa iba't-ibang panig ng Bansa.

Kaya ba nagustuhan ito ni Angela dahil mas higit itong may kalidad pagdating sa negosyo kaysa sa kanya. Dahil aminin man niya o hindi, maaaring mas matatag ang pundasyon nito pagdating sa negosyo.

Hindi tulad niya kahit pa marami na rin siyang natulungang mga negosyante para mapalago ang mga negosyo ng mga ito. Ngunit hindi naman ito masasabing kanya.

Maliban sa mga Hotel, Resort at Restaurant na minana lang naman niya sa kanyang Lolo at sa kanyang ina.

Hindi katulad ng lalaking iyon na batid ng lahat na nakapagpundar ng negosyo sa sarili nitong pagsisikap. 

Kahit pa nga milyon din naman ang kinikita niya. Hindi pa rin ito sapat para lang masabi niyang mas may matatag na siyang pundasyon sa buhay.

Dahil binabayaran lang naman siya para gawin ang trabaho niya.

Bakit ba parang bigla na lang yata siyang nagkaroon ngayon ng pag-aalinlangan sa kanyang sarili?

Kahit na hindi naman niya dapat ito maramdaman. Ano ba itong nangyayari sa kanya ngayon?

Bigla na lang nakakaramdam na siya ng insecurities, na dati naman hindi niya nararamdaman. Oo marami siyang pera, may talino at abilidad, subalit nanatili pa rin siya kung saan siya nagsimula. Ginagamit niya ang talino niya para sa pundasyon ng iba, subalit nalimutan niya na kailangan rin niyang magkaroon ng sariling pundasyon. Bigla rin niyang naisip ni wala nga siyang sariling bahay. Nitong huli pakiramdam niya sumisikip ang dibdib niya.

Lalo na nang malaman niya na nagpakasal na ng lihim ang mga ito kung kailan lang...

Bago pa man ito lumabas ng Bansa at ang isipin kung ano ang ginagawa ng mga ito ngayon?

Parang tinotorture ang utak niya at nilalagare ang puso niya sa sobrang sakit.

Habang paulit-ulit niyang binabasa ang isang column sa isang magazine.

Ang lihim na pagpapakasal ni Dustin Ruffert Torres sa isang babae na bagama't hindi nito ipinakilala sa publiko.

Ngunit madalas marinig ng lahat na tinatawag ito ng lalaki sa pangalang Angel or Angela.

Para itong bomba na bigla na lang sumabog sa kanyang ulo at hindi niya napaghandaan.

Kaya sobrang sakit sa kanyang pakiramdam. Kung bakit nagawa ito sa kanya ni Angela ay hindi talaga niya maintindihan?

Kulang pa ba siya o hindi pa ba siya sapat para dito. Kaya naman naghanap pa ito ng iba?

PUT***INA! MASAHOL PA PALA SIYA KAY LISCEL.....

Ang mga huling salita na paulit ulit na  isinisigaw ng kanyang isip. Bago pa siya tuluyang nakatulog dahil na rin sa sobrang kalasingan.

_______

Kinabukasan...

"Kumpadre totoo bang ipinahinto na ni Joaquin ang paghahanap kay Amanda?"

Si Dr. Darren habang nasa kabilang linya ng telepono at kausap ni Liandro. Nag-long distance call ito mula sa Europe.

Kung saan biglaan ang naging byahe nito kasama sila Dorin at Amara. Dahil biglang isinugod sa Ospital si Dr. Amadeus Ramirez. Ang ama nila Darren at Darryl kaya naman nasa France ang mga ito ngayon upang daluhan ang matandang Ramirez.

Nagka mild-stroke ito bago pa man ito bumiyahe pauwi ng Pilipinas. Kaya imbes na ito ang umuwi sila ang bumiyahe papuntang France.

"Ikinalulungkot ko kumpadre ngunit ayaw na ni Joaquin na makita pa si Angela. Dahil sa mga nalaman niya tungkol dito."

"Pero nakasisiguro ba siya na totoo lahat ng iyon? Bakit hindi na lang muna natin siya hanapin, kapag nakita na natin saka pa lang natin malalaman kung totoo nga ang lahat ng iyon?"

"Ayaw ko rin sanang maniwala Darren pero kilala mo naman ang inaanak mo. Sobra na naman siyang nasasaktan dahil sa mga nalaman niya. Inaakala niya ngayon na niloko lang siya ni Angela. Nasaktan na naman siya tulad ng ginawa sa kanya ni Liscel noon. Ayoko na sanang maulit ang nangyari noon. Ilang araw na nga siyang nagwawala sa loob ng kanyang kwarto. Kaya nag-aalala na ako!"

"Okay sige ako na ang bahalang maghanap kay Angela sa oras na makabalik kami d'yan. Sobrang nag-aalala na rin kasi si Amara sa kapatid niya hindi naman kami makauwi agad. Dahil naman sa kalagayan ni Daddy ngayon. Pero sana maasahan ko pa rin ang tulong mo?"

"Oo naman, ayoko lang malaman ni Joaquin na patuloy pa rin kami sa paghahap. Kahit naman si Joseph gumagawa pa rin ng paraan. Kahit paano kilala ko si Angela naniniwala ako na hindi niya magagawa ang ganu'ng bagay. Maliban na lang siguro kung may dahilan. Hindi kaya nobyo niya talaga ang Ruffert na iyon? Noong wala pa siyang Amnesia at ngayon na posibleng bumalik na ang alaala niya. Hindi kaya naisip niya lang na balikan ulit ito?"

"Malalaman lang natin iyan sa oras na bumalik na siya, oo nga at naroon ang posibilidad. Pero kahit ako ang Doctor niya hindi pa rin ako sigurado sa kondisyon niya ngayon. Tanging siya lang kasi ang makapagsasabi kung talagang nagbalik na nga ang mga alaala niya sa kanyang nakaraan?"

"Kung ganu'n kailangan talaga natin siyang makita?"

"Yeah! But don't worry pare once na maging stable ang kalagayan ng Papa. Ako na mismo ang personal na mag-aasikaso ng paghahanap sa pamangkin ko."

"Kumusta na nga pala si Tito Amadeus, okay lang ba ang kalagayan niya? Pasensya na hindi ako makapunta d'yan. Dahil na rin sa kalagayan ngayon ng mga anak ko!"

"It's okay don't worry, my Dad will gonna be okay soon. Just take care of your sons there and I'll take care of my Dad's here okay?"

"Okay, okay I won't bother you so much, just don't take so long to come back. Once your Dad is okay and we hope that, a totally recovery soon. Okay bye!"

Matapos itong makapagpaalam pinatay na rin nito ang linya ng telepono.

Magsisimula na sanang kumain ng almusal ang maglolo ng biglang sumulpot si Joaquin sa dining.

Humalik pa ito sa noo ni Liandro na ikinagulat pa nito. Bago tuloy tuloy na naupo sa tabi ni VJ, matapos halikan din sa pisngi ang anak.

"Good morning Papa, good morning my little buddy!" Masigla at masayang bati ni Joaquin sa maglolo na halatang nagulat at napatanga na lang ang mga ito sa kanya. 

"Hey Buddies don't stare me like that, just eat okay! Mukhang masarap ang luto ni Nay Sol ah', ginutom ako." Sabay subo nito ng bacon.

Bago ito humingi ng pinggan kay Manang Soledad na nakahanda na rin siyang bigyan.

Bakas pa sa mukha nito ang tuwa sa nakikitang kasiglahan niya ng umagang iyon. Kahit pa ramdam pa rin niya ang pananakit ng ulo sa dami ng nainom niya kagabi.

Pero pinilit talaga niyang bumangon ng maaga at ipakita sa lahat na okay na siya. Lalo na at para ito sa kanyang anak.

Gusto kasi niyang makasabay ito sa almusal ngayong umaga. Ang pakiramdam niya nawala na sa kanya ang lahat.

Dahil sira na naman ang lahat ng pinapangarap niya. Ngunit hindi niya hahayaan na pati ito ay mawala rin sa kanya. Hindi!

Dahil sa kanya lang si VJ dugo at laman niya ito. Magmula ngayon dito na lang niya ipo-focus ang buong atensyon niya.

Matagal na niyang pinagsisihan ang ginawa niyang pagtanggi dito noon. Kaya hinding-hindi na siya papayag na mawala ito sa kanya ulit.

"Ah' Papa isasama ko nga pala si VJ gusto n'yo bang sumama sa aming mamasyal?" Maya-maya ay tanong pa nito sa Ama.

"Mamasyal po tayo Daddy?" Kahit mababakas pa rin sa mga mata nito ang lungkot. Kahit paano nagkaroon ng ngiti sa labi nito ng magtanong.

"Oo Anak gusto kong bumawe sa iyo sa mga nagdaang araw na hindi na kita naaasikaso. Sorry ha' medyo naging sad lang si Daddy this past few days. Pero okay na tayo ngayon hindi ba?" Wika nito sabay kabig ng yakap sa Anak at halik sa noo nito.

"Pero paano po si Mama hindi na ba natin siya hahanapin?"

Inosenteng tanong nito at deretsong tumingin sa kanyang mga mata.

Napahugot muna siya ng malalim na paghinga. Bago pa siya nakasagot.

"Anak, baka kasi matagal pa bago bumalik ang Mama mo kaya tayong dalawa na lang muna ha'. Okay lang naman na tayong dalawa lang hindi ba? Saka nariyan naman si Lolo at si Tito Joseph mo." Wika niya kahit hirap ang kalooban.

"Pero babalik pa rin si Mama, hindi ba? Babalikan pa rin niya tayo Papa, alam ko uuwi din si Mama kasi sabi niya Love niya tayo." Saad pa nito na tila may katiyakan sa sarili.

Napalingon siya sa kanyang Ama na kanina pa nakikinig lang sa pag-uusap nila. Tila hinahayaan lang muna sila nito na mag-usap.

"Ah' siguro Anak, hindi ba alam mo naman na may sakit si Mama mo? Baka, baka gusto niya muna na magpagaling. Baka kapag m-magaling na siya saka siya uuwi. H'wag kang mag-alala Anak, kami na lang muna ang mag-aalaga sa'yo. O-okay lang naman tayo hindi ba?" Ngayon niya na-realize na hindi pala niya kayang makita na nasasaktan ang kanyang anak.

Kaya kahit ang magsinungaling dito ay kaya na niyang gawin, h'wag lang itong masaktan.

Pilit naman nitong inabot ang kanyang mukha at kasabay ng paghaplos nito sa kanyang pisngi...

"Papa... H'wag ka nang mag-sad ha'? Babalik din si Mama kasi love na love niya tayong dalawa. Promise ni Mama hinding hindi niya tayo iiwan kahit kailan, kaya uuwi din 'yun Papa."

Pakiramdam niya lalong piniga ang puso niya ng mga sandaling iyon.

Until he found himself nodded to make sure that his son's won't hurt and never let him to cry. He wouldn't let his son's feel the same, what he feels now.

Napakabata pa nito para masaktan, nasanay ito na palaging kasama si Angela.

Alam niyang umaasa pa rin ito na makakasama pa rin nila ulit si Angela. Ayaw na muna niya itong biguin ngayon.

Time will come, when his son's accept the fact that Angela's wouldn't come back.

Maiintindihan din nito ang kanilang sitwasyon. Ngunit hindi pa lang sa ngayon.

Ano ba 'yung magsinungaling muna siya ng konti? Kung para naman sa kabutihan ng kanyang Anak, sasakyan muna niya ang nais nito ngayon.

Sooner or later, my son and I will gonna be alright, I promise it...

Bulong niya ito sa sarili ng muli niyang marinig na magtanong ang kanyang anak.

"Papa, love mo pa rin ba si Mama ko, ha' Papa?" Tila bigla siyang natigilan sa tanong na iyon.

Tanong na pinaka-ayaw muna niya sanang marinig ngayon.

Ngunit batid niya na naghihintay ng sagot ang kanyang anak. Dahil hindi nito inaalisan ng tingin ang kanyang mukha partikular ang kanyang labi.

Batid niyang hinihintay nito ang kanyang magiging tugon. Isa lang din ang alam niyang inaasahan nito.

Hindi niya sana gustong sagutin ang tanong na iyon. Ngunit ayaw niya na bigyan ito ng alalahanin.

"Ha' ah' o-oo naman anak, mabuti pa tapusin mo na agad ang pagkain mo. Dahil mamasyal pa tayo hindi ba, saan mo nga pala gustong pumunta? Gusto mo ba kumain tayo sa labas o kaya punta tayo sa Mall. Bibili tayo ng kahit anong gusto mo, okay ba 'yun? Buong araw tayong magkasama ngayon anak. Kasi baka magwork na ulit ako at gusto muna kitang makasama bago ako bumalik sa trabaho. Kasi sigurado akong mami-miss ko ang buddy ko!" Sabay pindot niya sa ilong ng anak kasabay ng pinasayang ngiti.

Gesture na palagi niyang nakikita na ginagawa ni Angela kay VJ. Bagay na ikinagulat pa niya sa kanyang sarili. Bakit ba niya ito ginagawa? 

"Talaga po Daddy?" Namimilog pa ang mga mata nito habang nakangiti.

"Oo naman anak saan mo ba gustong pumun..."

"Talaga bang love mo pa rin si Mama, hindi ka na galit sa kanya ha' Papa?" Naipagkamali niya ang pagtugon dito, ang akala niya ang plano nilang pamamasyal ang ikinatuwa nito ngunit hindi pala.

Kaya muli siyang natigilan...

"H-hindi na..."

Hindi ko na siya mapapatawad anak, iyon sana ang gusto niyang sabihin.

Subalit hindi niya magawa hindi niya gustong makita ang kabiguan sa mukha nito sa nais nitong marinig.

"Yes! Hindi na galit si Papa kay Mama. Halika na Papa paliguan mo na ako punta na tayo sa Mall ibibili ko ng bagong aprons si Mama. Kasi luma na ang mga aprons niya dito sa bahay eh'."

Wika nito kasabay ng masaya nitong ngiti. Matapos nitong ubusin ng mabilis ang kinakain. Humalik lang ito kay Liandro at nagpatiuna na sa pagpanhik sa itaas ng bahay. 

Naiwan siyang natitigilan pa rin at hindi agad nakakilos.

"Hayaan na lang muna natin siya Anak napakabata pa niya hindi pa niya maiintindihan ang lahat." Sabay tapik nito sa kanyang balikat. Dahilan para muli siyang mapalingon dito.

"Ang akala ko, magiging madali lang para sa amin na kalimutan siya, ngunit hindi pala. Dahil mukhang mahihirapan akong gawin 'yun?"

"Hindi mo kailangang madaliin Anak, kung p'wede namang dahan-dahan lang alam kong nahihirapan ka rin. Kahit hindi mo pa sabihin alam kong nahihirapan ka, Anak."

"Gusto ko nang kalimutan siya Pa ayoko na siyang isipin pa. Gusto ko nang makapagmove-on. Kung nagawa niya kaming kalimutan, magagawa ko rin 'yun Papa!"

Napailing na lang ito sabay tapik sa kanyang balikat.

____

Makalipas ang ilang araw naging maayos at normal naman ang buhay ng mag-ama.

Sinigurado ni Joaquin na hindi siya nagkukulang sa kanyang Anak kahit pa bumalik na siya ulit sa kanyang trabaho.

Plano na niyang mag-stay na lang dito sa Pilipinas at dalangan na lang ang pagbiyahe. Para naman mas mapangalagaan niya si VJ.

Kung p'wede nga lang sana niya itong isama sa b'yahe. Ayaw rin kasi niyang basta ipaubaya lang sa Yaya ang pag-aalaga sa Anak.

Kung sakaling isasama niya ito, mas mabuti pa rin dito dahil katuwang niya ang kanyang Papa. Kaya't kailangan niyang isakripisyo ang ibang trabaho.

Dahil mas priority pa rin niya ang kanyang anak. Higit kanino o sa kahit sa ano pa man.

Iyon naman talaga ang una niyang plano, nagbago lang dahil sa binalak nila ni Angela na umalis muna ng Bansa. Ngunit hindi naman ito natuloy, kaya't ang nauna na niyang plano ang susundin niya ngayon.

Mabuti na lang back to school na rin ang anak niya. Kahit paano kasi malilibang ito kasama ng mga kaklase.

Grade one na rin kasi ito ngayon kaya't kailangan mas focus na ito sa klase. Mabuti na lang aktibo at bibo ang kanyang Anak. Hindi ito nagtatantrum sa klase kahit iwan sa room.

Hindi tulad ng ibang bata kapag pumasok na sa unang baitang ng klase. Hindi na ito kailangang samahan sa room, sinusundo na lang ito ni Didang at ng driver. Kapag patapos na ang klase nito.

Isa lang naman ang hindi nito nakakalimutan sa tuwing uuwi ito galing ng eskwelahan.

Palagi itong dumeretso sa kusina at tila may hinahanap. Kapag hindi nito nakita magbubuntong hininga kasabay ng pagbulong...

"Wala pa rin siya?" Palagi ng may lungkot nitong pahayag.

Ngunit saglit lang muli rin nitong pasasayahin ang sarili na parang walang nangyari. Alam kong hinahanap pa rin nito si Angela, ngunit tila nauunawaan nito kung bakit wala ang ina-inahan.

Matalino ang kanyang anak alam nitong hindi si Angela ang tunay nitong ina. Ngunit umaasa pa rin ito na babalikan sila ni Angela.

Dahil sa pagmamahal nito sa kanila. Ngunit hindi niya nakita minsan man na nagtanim ito ng galit kay Angela.

Hindi tulad ng nararamdaman niya ngayon. Dahil sa bawat araw sa tuwing nakikita niya ang kalungkutan sa mga mata ng kanyang anak at sa tuwing aasa ito at mabibigo sa pagbabalik ni Angela.

Lalo lang nadaragdagan ang hinanakit niya sa babae. Kaya't inaasahan na niyang hindi magiging ganu'n kadali ang lahat.

Ngunit kahit ano pa man ang mangyari gagawin niya ang lahat para mapasaya ito. Kahit pa nga silang dalawa na lang...

___

Isang araw, isang tao na hindi nila inaasahan. Ang bigla na lang dumating at muling nagpakita...

"Sir Liandro may naghahanap po sa inyo at kay Sir Joaquin sa labas, papasukin ko po ba?" Tanong ng isang guard na nakapuwesto sa gate ng kanilang bahay.

Linggo iyon ng umaga kaya nasa bahay ang mag-aama, maliban lang kay Joseph na nasa Maynila ng araw na iyon.

Katatapos lang nilang kumain ng agahan kaya't kasalukuyan silang nagpapahinga sa Garden shed ng oras na iyon.

Nagkatinginan pa muna silang mag-ama bago pa nakasagot. Si Liandro ang unang tumugon at nag-usisa.

"Sino daw sila?" Tanong ni Liandro sa guard.

Ngunit hindi na ito nakasagot, dahil ang bisitang tinutukoy nito ay tuluyan nang nakapasok.

Dahil sumunod din pala ito sa guard pagpasok ng maluwang na bakuran. Dahil kabisado naman talaga nito ang residente ng mga Alquiza. Kaya't hindi na nito kailangan ng guide.

Bukod pa sa alam nitong may posibilidad na hindi siya papasukin ng mag-ama. Kaya't naglakas loob na itong sumunod sa gwardiya.

Lalo na nang makita nito na dumeretso ang guard sa direksyon ng Garden. Hindi na ito nagdalawang isip pa...

"Papa..." Malumanay na wika nito. Ngunit kalakip nito ang samu't-saring emosyon.

Takot, pangamba at malalim na kalungkutan. Subalit kalakip din nito ang determinasyon.

Sapat din ang boses nito upang agad na mapalingon si Joaquin sa kinatatayuan nito ngayon...

"WTF! Who the hell give you permission to go inside?!" Malakas at matatag nitong saad na bahagyang ikinagulat ng kaharap.

Bigla rin kasing naalarma si Joaquin at napatayo. Pagkakita niya sa babaing kaharap.

Sabay kabig niya kay VJ palapit sa kanyang tagiliran. Hindi siya magkandatuto, kulang na lang itago niya sa loob ng kanyang katawan ang kabuuan ng kanyang anak.

Dahil sa hindi maipaliwanag na tensyon at pangamba na nadarama ng sandaling iyon.

Bakit kailangan pa niyang bumalik? Bulong ng isip niya.

"Joaquin, please forgive me!" Pakiusap ng babae na halatang sinusubukan nito na pakalmahin siya.

"NO! If I were you, you should never try to come back!"

"Please give me a chance, I've changed."

"Ha' at sa tingin mo dahil d'yan mababago mo pa ang pagkakilala ko sa'yo? Get lost and get out of here! Yun ang pinaka-maganda mong magagawa. Kaya umalis ka na..."

"Pagbigyan mo naman ako kahit alang-alang man lang sa ating Anak!"

"Anak, nagpapatawa ka ba? You have never had a child here! Put into your mind, na sa'kin lang ang Anak ko, naiintindihan mo? Now get lost, leave as alone and never ever come back!"

"Please Joaquin, can you hear my explanation first and try to, to understand my sides, please?!" Muli pang pakiusap nito.

"I said no, go away!"

"NO, I CAN'T LEAVE WITHOUT MY SON!" Buo at may katatagan nitong saad.

"WTF?"

*****

By: LadyGem25

Hello Buddies,

Narito na po ulit ang bago nating update at sana magustuhan n'yo ulit ito.

Pasensya na delayed na nmn ang ating updated. Bukod sa nagdaang okasyon naging bc din sa ibang gawain.

Medyo sumama din ang pakiramdam ko nitong huli kaya ngayon lang natapos sa updated.

Pero natutuwa ako at nagpapasalamat sa inyong suporta. Thank you po!

GOD BLESS PO SA ATING LAHAT AND HAPPY NEW YEAR!!

DON'T FORGET TO: VOTES, COMMENTS REVIEWS AND RATES MY STORY GUYS!

SALAMUCH!

MG'25 (01-05-21)

LadyGem25creators' thoughts