webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · สมัยใหม่
Not enough ratings
131 Chs

C-28 "GOOD BYE LOVE, SEE YOU SOON!"

As I see it.. Bakit ba parang sinasadya ng pagkakataon na pahirapan ako? Hindi ko naman ginusto na malagay sa ganitong sitwasyon at lalong hindi ko gustong pasinungalingan ang lahat. Pero nangyari na, ano ba ang dapat kong gawin?

"May problema ba sa 8th floor?"

"Ha! Ah wala naman.." aniya.

"Akala ko kung ano na? Para kasing namumutla ka, okay ka lang ba?" Tanong nito na nag-aalala.

"Ha? Okay lang ako, hindi pa lang siguro ako nakakabawi ng pagod? Kasi nga hindi ba sumali ako sa kompitisyon kaya lang na-disqualified din ako. Pero nakabawi naman kasi ako din 'yun napili nila na gumawa ng occasion cake." Aniya

"Wow! Bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin 'yan? Dapat pala magcelebrate tayo, ang galing naman hindi ba anak ng Prime Minister 'yun celebrant? Pero sandali, bakit ka naman na-disqualified? Alam ba nila Papa 'yun?" Tanong nito.

"Sana sasabihin ko pag-uwi ko konting problema lang naman 'yun naayos ko na rin kaya okay na. Sana rin iti-treat ko na lang kayo pag-uwi ko para s'yempre magkakasama tayo." Sabi n'ya dahil 'yun naman talaga ang plano n'ya.

"Talaga, promise mo 'yan ah? Teka mag-iisip ako, kung mag-out of town kaya tayo pag-uwi mo? Matutuwa si VJ nu'n, ituloy na natin 'yun promise ni Papa sa Disney Land. What do you think?" Tuwang sabi nito, sandaling nawala sa isip nito ang pag-aalala.

"Pwede rin, pag-usapan natin 'yan pag nasa Pilipinas na ako." Aniya.

"Well, that's good! Pero okay ka na ba talaga? H'wag ka na lang kayang magduty samahan mo na lang kaya ako dito sa itaas. Para makapagpahinga ka rin?" Mungkahi nito. Nagulat pa s'ya ng mapagtanto n'yang palabas na pala sila ng elevator at nasa eight floor na sila. Nalibang yata s'ya ng husto.

"Hey!" Napansin nito na natitigilan s'ya at nag-aalangan sa paghakbang. Bago pa n'ya naisip ang sinabi nito.

"Anong sabi mo?" Sabi n'ya habang humahakbang at palinga-linga sa paligid.

Napaparanoid na yata s'ya

"Sino bang hinahanap mo?" Tanong nito ng mapansin nito ang ikinikilos n'ya.

"Ha! Wala, baka lang kasi nandito ang isa man sa superior ko mahirap na malapit na ako umuwi ayokong magkaproblema pa no?" Naisip n'yang idahilan. 

"Okay lang 'yan, malakas ako dito hindi ka nila pwedeng ibagsak!"

"Alam ko.. ah! Ibig kong sabihin kahit na ayoko ng ganu'n!" Bigla bawi n'yang sagot.

"Alam ko naman 'yun at saka alam ko papasa ka kaya h'wag kang mag-aalala, okay? Mabuti pa halika na, doon na tayo sa room ko. Kung maghaftday ka na lang kaya, mamaya ka mag-in. Kahit isang oras lang pahinga tayo." Mungkahi nito. Habang binubuksan nito ang pinto. Pagbukas nito nauna pa s'yang pumasok.

"Pambihira takot ka ba talaga sa superior mo o may pinagtataguan ka?" Bigla  na naman s'yang kinabahan sa tanong nito. "Hindi ka naman siguro nangungutang dito tama?"

"Ha? Ano ka ba, bakit naman ako mangungutang?" Nawala ang kanyang kaba sa huling sinabi nito. Kahit alam n'yang maaaring nagdududa na ito sa kanya.

"Para ka kasing balisa d'yan, siguro nga pagod ka lang? Halika maupo muna tayo dito." Sabi pa nito. Inakay s'ya nito at pinaupo sa sofa, sinunod naman n'ya ito at umupo sa tabi nito.

Like the old times, muli s'yang nakatagpo ng kapanatagan. Habang nakahilig ang kanyang ulo sa balikat nito. Kaya paano ba n'ya ito iiwan at sasaktan?

"Kung doon kaya tayo sa room ko? Para makapagpahinga ka ng mabuti." Suhestyon nito.

"Hmmm, may binabalak kang masama ano?"

"Grabe to alam mo namang good boy ako pagdating sa'yo. Anong iniisip mo d'yan ha?" Sabi nito.

"Hmmm, good boy eh bakit namumula ka?" Turo pa n'ya sa mukha nito na pulang pula sa hiya. Kahit alam naman talaga n'yang mabait ito.

"Pambihira ka ano bang sinasabi mo d'yan? Aha! Ikaw yata ang malisyosa ah? Anong iniisip mo ha?" Balik tanong nito sa kanya.

"Hoy! Mark Joseph tumigil ka nga, baba na ako." Aniya.

"Hmmm, ikaw talaga ang lakas mong mang-asar pero ang bilis mong mapikon." Sabi nito.

"Hindi kaya!"

"Halika nga payakap nga ulit, na miss ko 'yun ganito tayo. Sayang wala dito si Papa at si VJ."

Napatango s'ya sa sinabi nito. Totoong na-miss din n'ya ang ganito. Bakit nga ba kailangan pa n'yang lumingon sa iba? Kung tutuusin ito lang sapat na. Pero bakit ganu'n may sumisingit na iba sa puso n'ya?

Maraming dahilan para maging masaya sila. Dahil marami silang pinagkakasunduan nito.

Kahit nga sa simpleng pag-inom lang ng kape, magkasundong magkasundo sila.  Hindi katulad ng isa d'yan, hindi s'ya kayang sabayan maski na ang magkape.

Kung para sa kanila ni Joseph "coffee is life." Subalit para dito "coffee is deadly" kaya paano ba niya nagawang ibaling dito ang kanyang pagtingin. Kung na kay Joseph na ang lahat ng gusto n'ya?

Bakit sa sandaling panahon lang, naligaw ang puso n'ya? Pati ba naman ang puso n'ya may amnesia na rin? Hindi tuloy n'ya mapigilang pangiliran ng luha at sa sandaling s'ya ay napikit tuluyan na itong nalaglag mula sa kanyang mga mata.

"Hey, bakit ka umiiyak?" Umiling lang s'ya at patuloy na umiyak, iniyuko pa n'ya ang kanyang ulo sa balikat nito.

Hinayaan lang s'ya nitong umiyak sa balikat nito. Ganito naman ito palagi, hinahayaan lang s'ya nito kapag ayaw n'yang sumagot. Palagi s'ya nitong binibigyan ng privacy, hanggang sa kusa s'yang magconfess kung meron man s'yang nagawang mali.

Siguro nga dahil malaki ang tiwala nito sa kanya. Kaya nga lalo s'yang nagi-guilty ngayon. Dahil nagsisinungaling s'ya dito at hindi n'ya alam kung paano sasabihin dito ang lahat ng hindi ito mag-aalala.

Bakit ba napaka komplikado ng lahat? Hindi naman n'ya gusto malito. Pero sino ba ang pipiliin n'ya? Ayaw n'yang may masaktan, pero kailangang mayroon s'yang bitiwan.

Hindi na rin s'ya pumasok sa araw na iyon. Itinuloy na n'ya ang pagde-day-off, nagpaalam na lang s'ya sa admin office.

Ibinigay n'ya kay Joseph ang buong panahon n'ya gaya ng nais nito.

Pinuntahan s'ya nito kahit pa alam n'yang may trabaho ito ngayon. Kahit gaano pa ito ka busy lagi itong naglalaan ng oras para sa kanila ni VJ. Kaya ano ba naman 'yung sa pagkakataong ito s'ya naman ang maglaan ng kahit konting oras para dito?

Kahit ngayong araw lang ibigay n'ya dito. Tutal gaya ng nasa isip n'ya hindi naman ito magtatagal uuwi na rin ito bukas ng umaga.

Pumunta lang talaga ito upang makita s'ya, kaya bakit n'ya ipagkakait dito ang konting panahon na hinihingi nito sa kanya?

Matapos silang makapagpahinga, bumaba na sila at lumabas ng Hotel. Ginugol nila ang buong maghapon sa pamamasyal. Nilibot nila ang buong St. Mark square at Venice. Sumakay din sila ng bangka, kumain at s'yempre hindi rin nila pinalagpas ang pagkakataon na makapagkape sa isang sikat at kilalang coffee shop sa Venice.

Naging masaya sila sa buong maghapon, magkahawak kamay sila habang naglalakad. Masayang nagkukwentuhan ng mga araw na hindi sila magkasama.

Masaya s'ya kapag kasama n'ya si Joseph, napapatawa s'ya nito kahit sa mga simpleng jokes nito.  Nagkakasundo talaga sila, kaya naman panandaliang nalimutan n'ya ang anumang alalahanin at problema.

Gusto n'yang samatalahin ang pagkakataon na marelax ang isip n'ya, kaya bakit hindi n'ya gawin.

Dahil sa pagbalik n'ya sa Hotel, alam n'yang magbabago na ang lahat. Dahil kailangan na n'yang magdesisyon at kailangan na rin n'yang mamili. Sino man ang piliin n'ya kailangan n'yang panindigan at bitiwan ang isa.

Kahit pa masakit ang maging desisyon n'ya. Kailangan n'yang maging masaya.

Para sa ikabubuti ng lahat kailangan na n'yang magdesisyon. Ayaw na n'yang madagdagan pa ang kasalanan n'ya.

Kay bilis ng mga oras, halos madilim na ng makabalik sila sa Hotel. Dahil na rin sa hiling ni Joseph na samahan n'ya itong matulog sa Hotel. Kaya naman dumaan lang sila sa apartment upang kumuha ng gagamitin n'ya kinabukasan. Sumama na s'ya dito pabalik ng Hotel.

Hindi naman s'ya nag-aalala, dahil kabisado naman n'ya ito. Hindi naman ito ang unang beses na nakasama n'ya ito na matulog sa iisang kwarto o nakatabi sa pagtulog.

Kung tutuusin maraming beses na rin kung minsan kasama pa nga nila si VJ. Pero kahit minsan hindi nito sinamantala ang pagkakataon. Nirerespeto at iginagalang s'ya nito.

Kaya naman isa ito sa hinahangaan n'ya sa pagkatao nito. Dahil dito malaki ang tiwala n'ya kay Joseph.

Pagpanhik nila sa 8th floor, hindi na nila napansin ang isang anino na labis na nagulat sa kanilang presensya. Mabuti na lang at mabilis itong nakapagkubli sa madilim na bahagi ng hallway.

Gusto man nitong sila'y lapitan, subalit hindi nito magawa. Hindi rin nito gustong gumawa pa ng eksena. Kaya naman sinikap nitong pigilan ang sarili. Kahit pa may tila punyal na tumatarak sa dibdib nito ng mga oras na iyon.

Panibugho na pilit nitong pinaglalabanan, habang patuloy silang pinagmamasdan patungo sa isang kwarto, isang kwarto din ang pagitan mula sa sarili nitong kwarto. Lalo na at nahulaan na nito na dito n'ya balak matulog.

Labis man ang panibugho na nararamdaman ni Joaquin. Wala s'yang nagawa kun'di panoorin lang ang mga ito. Lalo na ng tuluyan na silang nakapasok sa kwarto.

Kahit pa sa pagkakataong iyon, gusto n'yang magwala at hilahin si Angela palayo sa kanyang kapatid. Pero ano ba ang magagawa n'ya wala naman s'yang karapatang gawin iyon.

Kaya kahit nato-torture ang utak n'ya sa isiping magkakasama ang mga ito sa iisang kwarto sa buong magdamag, wala pa rin s'yang nagawa.

Muli n'yang napagbalingan ang alak, upang kahit paano mamanhid ang kanyang utak o hindi kaya'y makatulog s'ya sa magdamag at nang hindi  na n'ya maramdaman pa ang sakit.

Kinabukasan..

Maaga silang gumising at pumunta ng Airport para ihatid naman si Joseph. Mabuti na lang balikan na ang binili nitong ticket kaya hindi na nito problema ang pagbalik ng Pilipinas.

Pagdating nila sa Airport nagpaalam na si Joseph sa kanya, ilang sandali na lang kasi aalis na ang eroplanong sasakyan nito pabalik ng Pilipinas.

"Paano uuwi na ako hihintayin ka na lang namin sa Pilipinas. Mag-iingat ka palagi dito ha? Kahit gaano ka pa ka-busy sikapin mong kumain ng maayos at nasa oras, okay? H'wag mong  alalahanin kahit tumaba ka pa maganda ka pa rin at mamahalin pa rin kita. Basta ingatan mo ang sarili mo palagi, h'wag mo ring kalilimutan inumin ang mga vitamins mo, okay?" Mahabang bilin nito sa kanya. The same Joseph na iniwan n'ya sa Pilipinas. Wala pa ring pinagbago kaya nga mahal n'ya ito.

"Opo tay, tatandaan ko po lahat." Nakangising biro pa n'ya dito.

"Sira!" Natatawang sabi nito. "Pagbalik mo ng Pinas baka nasa Batangas na rin kami. Pipilitin ko ng tapusin 'yun Project namin sa Cebu sandali na lang naman 'yun. Para pag-uwi mo nasa Batangas na rin kami ni Maru', isasama ko na rin s'ya sa atin. Alam mo bang pumayag na rin ang Papa na doon na rin s'ya tumira at s'ya pa mismo ang nagsuggest nu'n, ah!"

"Wow! Talaga? Kaya nga lalo akong nasasabik na makilala na  s'ya. Mukhang nakuha n'ya pati ang loob ni Papa." Aniya.

"Pag-uwi mo magkikita at makikilala mo na rin s'ya." Sabi nito.

"Sana nga magkasundo talaga kami no? Pero alam mo naisip ko, mas okay siguro kung naging babae pa s'ya no? Para naman ma-experience ko rin na magkaroon ng kapatid na babae." Aniya na nasa mukha ang panghihinayang.

"Mabuti na lang hindi."

Pagsalungat nito sa sinabi n'ya na tila nag-iisip.

"Ha! Bakit naman?" Gulat n'yang tanong.

"S'yempre sigurado maganda 'yun kapag naging babae s'ya. Hindi ko naman maipapangako na good boy pa rin ako pagdating sa iba. Alam mo na, lagi pa naman kaming magkasama?"

Iiling-iling at nangingiting sabi nito sabay kindat pa nito sa kanya.

"Hmmm! Eh, di subukan mo lang.. umuwi ka na nga!"

Tumawa lang ito sa pagtataboy n'ya.

"Ako pa nga ang kinakabahan nito, baka pagnagkita kayo nu'n makalimutan mo nga ako. Mahilig ka pa naman sa cute."

Sabi pa nito.

"Hindi nga cute ba talaga?" Aniya na nakangiti pati mga mata.

"Nakita mo na, mabuti na lang hindi ako gaanong seloso at malaki ang tiwala ko sa'yo. Bukod pa sa alam kong mas gwapo naman ako sa kanya."

Tila kunwari'y nagtatampo ang tono nito na biglang napalitan din naman ng ngiti.

"As if naman ipagpapalit kita, ikaw pa?"

"Talaga?" Tanong nito.

Ngunit sabay pa silang nawalan ng kibo ng biglang mag-announce ng passengers boarding.

Kaya kinailangan na talaga nitong tuluyang magpaalam sa kanya.

"Paano na 'yan kailangan ko na talagang umalis. Mamimiss na naman kita. Uuwi na ako, gusto ko pa sanang magtagal kaya lang hindi na pwede, sige na!" Bigla tuloy itong nalungkot.

"Uy! Magkikita pa tayo no?"

Sabay halik n'ya sa pisngi nito at ngumiti upang kahit paano pawiin n'ya ang kalungkutan nito.

"Pwede bang magrequest? Sana next time torrid kiss naman ang ibigay mo sa'kin." Bigla s'yang natawa sa sinabi nito, alam naman kasi n'yang nagbibiro lang ito.

Kasi madalas s'ya ang nagsasabi nu'n at sasagutin lang naman s'ya nito palagi ng "gusto mo ba?" Saka sila magtatawanan. Nayakap tuloy n'ya itong bigla ng maalala ito.

"Hey! Okay na baka hindi na ako makauwi nito." Sabi nito at masaya ng ngumiti.

"Tama, sige na nga uwi ka na.. ba-bye na!" Paalam na n'ya dito.

Tumalikod na nga ito, ngunit pagkatapos ng ilang hakbang muli itong humarap..

"Good bye, love.. See you soon!"

Itinapat pa nito ang ang tatlong daliri sa gilid ng sintido at pataas nitong isinaludo sa kanya. Pagkatapos ay dere-deretso na itong tumalikod at umalis.

Hanggang tuluyan na rin itong nawala sa kanyang paningin.

* * *

By: LadyGem25

Ooop! Hello po ❤️,

Medyo natagalan na naman ang ating updated. Kaya maraming salamat sa mga naghihintay pa rin d'yan? Medyo busy lang po talaga lalo na at Christmas season na..

Pero bawi po ako, may susunod pa pong updated! Promise!HAHAHAHa

Kaya libre ang votes at comments

SALAMUCH!❤️

LadyGem25creators' thoughts