webnovel

Chapter 3

............... PARTNER..................

I took a short bath dahil tinanghali ako ng gising, hindi ko alam kung anong problema ng alarm clock ko at hindi tumunog. Nakakainis!

Masyado kasi akong maraming iniisip de joke, si Crush lang! Loyal 'to!.

Sana all Loyal!

Pagkatapos kong magbihis ay agad akong nag-almusal, wala na sila Mommy siguro ay nasa trabaho na sila. "Mukhang puyat ka yata Shennel? Para kang zombie, hay nako! mga bata talaga!" iiling-iling na sabi ni Yaya Leticia habang nagpupunas ng lamesa.

May katandaan na rin si Yaya Leticia, nasa mid's 50 na siya at may mangilang-ngilan puti na rin ang kanyang buhok, ang kaniyang mga balat ay kumulubot na rin dahil sa katandaan at dala na rin marahil ng kaniyang kasipagan. Hanga ako sa katulad ni Yaya Leticia dahil kahit single parent na lang siya dahil namatay ang kaniyang asawa sa aksidente ay nagagawa niyang itaguyod ang kaniyang mga anak at ang panganay niyang anak na si Ms. Pontilla ay napagtapos niya na, kung hindi ako nagkakamali ay tatlo ang anak niya at kung hindi rin ako nagkakamali ay parehas kami ng school ng pangalawa niyang anak.

"Hindi naman po, Ya! Hindi po kase ako makatulog kagabi." sabi ko habang kumakain.

"Baka may taong iniisip ka! Nako! dalaga ka na nga talaga, samantalang dati ay kinakalong pa kita dahil napakaiyakin mo. hahahaha" natatawang sabi ni Yaya.

"Sino naman pong mag-iisip sakin, e wala naman pong nagkakagusto sakin." sabi ko habang pinapaikot ang tinidor sa spaghetti.

"Wala manlang nanliligaw? Ay malelate ka na pala, oo, bilisan mo na. Nagsabi si AJ na uuna na siya pumasok dahil may report pa daw siyang gagawin." sabi ni Yaya Leticia at tumango na lang ako saka binilisang kumain.

************************************

"Shen! Anong pagmumukha yan?" tanong sakin ni Gold na sumalubong sakin. Napansin niya sigurong wala akong make-up, nagpalasalamat na lang ako at may sakit ang teacher namin kaya hindi ako napagalitan dahil late ako.

"Ba-bakit? Ano bang mali?" tanong ko sa kaniya.

"Mukha kang zombie, baka maturn-off niyan si Kuya Silver." sabi niya saka hinila ako sa pulsuhan.

Wala si Silver sa upuan niya kaya napamasid ako sa kabuuan ng classroom ngunit wala akong nakita ni anino ni Silver, nasaan kaya siya?

"Nasaan si Silver?" agad na tanong ko ng hindi ko siya nakita.

Umirap muna siya saka umupo, ako naman ay inilapag ko muna ang aking bag saka umupo, ang mga classmates ko naman ay may kaniya-kaniyang grupo at may sariling discussion.

"Magkasama sila ni Xress, kinausap sila ng adviser natin parang importante, kaya ikaw, magpaganda ka, baka matalo tayo ni Xress at hindi pwede 'yon!" simangot ni Gold saka kinuha ang make-up kit niya.

"Eh nasaan naman si AJ?" tanong ko sa kaniya ng hindi ko rin nakita si Aj.

Tumingin muna siya sakin saka binuksan ang make-up niya, "Gumagawa ng report, hindi daw kase tinapos noong ka-groupmate niya, sila pa naman magrereport mamayang hapon." sagot niya saka ako nilagyan ng foundation.

Napaatras naman ako sa ginawa niyang yon, "Teka, baka makapal 'yan! Ma- guidance pa ako!" angal ko sa kaniya pero ang bruha hindi nagpatinag.

"Tss! trust me!" sabi niya saka itinuloy ang paglalagay ng foundation sa mukha ko.

Matapos akong lagyan ng light make-up ni Gold ay sakto naman ang dating ng adviser namin na si Ma'am Elaine kasunod si Xress na makakapit sa crush ko ay kala mo linta. Hindi pwede!

"Class may I have your attention please? I have an announcement!" sabi ni Ma'am Elaine kaya mabilis pa sa alas kwatro ay nagsiayos ng upo ang mga kaklase ko. Kilala kasi si Ma'am Elaine bilang strict dahil ayon sa usap-usapan ng mga estudyante ay matandang dalaga si Ma'am at walang anak.

"Dahil malapit na ang ating King and Queen of Sunshine Academy na gaganapin next month, at dahil tayo ang  section A sa atin kukuha ng representative for grade 10, I hope na hindi niyo ako biguin. I would never accept defeat kaya pumili na kayo ng best representative natin." anunsyo ni Ma'am Elaine kaya nagsimula ng magbulong-bulungan ang mga kaklase ko.

"Ma'am I'll suggest po, si Silver and I na lang, I'd promise you na mananalo kami!" nakangiting asong suhestiyon ni Xress.

"If it's okay to Mr. Tan, Mr. Tan? is it okay to you?" baling ni Ma'am Elaine kay Silver.

Akmang magsasalita si Silver ng sumingit ang dakilang kambal nito "Ma'am, I suggest na dapat si Shen at kuya Silver since sila ang muse and escort natin diba? That would be much better dahil kung sila ang magiging representative natin, malakas tayo sa audience at plus points 'yon!" suhestiyon ni Gold kaya napalingon samin si Xress gamit ang masamang tingin.

"Pero Ma'am, if si Shen ang gagawing representative over me, baka hindi niya masagot ang questions ng tama dahil mahina ang utak niya. Dapat ako nalang Ma'am since that questions is a piece of cake for me." mayabang na sabi Xress.

Aba! Namemersonal na siya ah!

Hindi ako papatalo kaya tumayo ako at nakita ko ang gulat ng mga kaklase ko. "Well I think, Xress have a point...." tigil ko at tumingin kay Xress, nakita kong sumilay ang ngiti sa kaniya, akala niya yata mananalo siya sakin.

"I'm maybe not as smart as Xress, pero napag-aaralan naman ang mga questions but to gain an impact to your audience is harder than answering the questions, we know na 45% ang audience impact than answering a questions na 25% lang, but I will not push all of you to pick me as a representative, if you pick Xress as an representative, it's okay for me, my concern is the upcoming event. And with all your respect, dapat mas pagtuunan natin ang audience impact rather than Q and A." sabi ko saka umupo na kaya lalong nagkaingay ang mga kaklase ko.

"Si Shen na lang!"

"Si Shen ang muse e!"

"Siya naman talaga ang representative saka malakas ang impact niya sa audience"

"Si Xress na lang!"

"Si Xress kasi matalino siya"

"Si Xress, sure na mananalo siya"

Hati ang opinion ng mga kaklase ko, si Gold naman ay panay sana all. "Sana all pinag-aagawan." sabi ni Gold na nang-aasar kay Silver.

Dahil sa ingay ng mga kaklase ko ay napagpasyahan ni Ma'am Elaine na hayaan si Silver na magdecide kung sino ang magiging kapartner niya, Umasa ako na ako ang pipiliin niya. Parang hindi pagiging representative ang pinaglalaban ko kundi ang puwang sa puso niya. Sana piliin niya ako.

"Well, for me! I think....uhmm....si Xress na lang!" sabi ni Silver na nakapagbagsak ng balikat ko.

Gusto niya yata talaga si Xress, ayaw niya lang sabihin para hindi ako masaktan.

Nakita ko ang pagsilay ng matamis na ngiti ni Xress, mas lalong lumakas ang loob niya ngayon dahil pakiramdam niya ay mas pinapanigan siya ni Silver. Nadismaya ako, aaminin ko, umasa kasi ako na ako ang kasama ni Silver para maging representative, I really don't care about that King and Queen of Sunshine Academy, dahil mas pinagtutuunan ko ng pansin ang magkaroon ako ng puwang sa puso ni Silver just like before.

"Okay, Xress and Silver will be the representative for grade 10, that's final! You may take your recess break" anunsyo ni Ma'am Elaine kaya marami din ang nadismaya sa decision na 'yon at isa na ako doon.

Nagmumulumod si Gold na kalapit ko, umupo muna siya sa upuan ni Silver dahil wala naman ito dahil isinama siya ni Ma'am Elaine at si Xress siguro para pag-usapan ang upcoming event.

"Nakakainis, lagot talaga yan sakin si kuya, e wala namang ka taste taste 'yang Xress na 'yan e!" mulumod ni Gold sakin.

"Hayaan mo na Gold, atleast diba hindi ako mapapagod don?" pagchecheer up ko.

Kahit na ang totoo ay nagseselos ako, mas madalas silang magkakasama ni Xress, paano kung mainlove na siya ng tuluyan kay Xress?

Magreready na ba akong masaktan?

"Bakit ganiyan mga mukha niyo? Parang kayong namatayan?" clueless na tanong ni Aj habang kumakain ng potato chips. Umupo siya sa kaniyang upuan na nasa unahan ko, humarap siya sakin at tinignan ako na parang sinusuri pagkatapos ay tumingin siya kay Gold na parang nagtatanong.

"Si kuya Silver kase! Kapartner niya si Xress sa Mr. and Ms. Sunshine Academy." iritang litanya ni Gold.

"Di'ba dapat si Shen? Kase siya ang muse? Ganoom kasi sa ibang grade level?"takang tanong ni AJ

"E pinapili ni Ma'am Elaine si Silver kung sino ang gusto niyang kapartner, tapos pinili niya si Xress. Nakakairita, hindi ko siya titigilan mamaya." iritang sabi ni Gold.

Gusto ko 'mang magsalita pero pakiramdam ko kapag mas lalo ko lang dadamdamin ang nangyari masasaktan lang ako at matutuwa na naman si Xress dahil nalamangan niya na naman ako.

Nagulat kami ng biglang pumasok si Ma'am Elaine pero hindi niya kasunod sina Silver at Xress. Kinabahan ako ng palapitin ako ni Ma'am Elaine sa kaniyang desk ganoon pa man ay lumapit pa rin ako. "Mayroong pagbabago, in this year daw ay gagawing two pair representative each level, kaya Ms. Veloso isasali kita." sabi ni Ma'am Elaine sakin.

"P-po? Pero wala naman po akong kapartner."sabi ko na hindi makapaniwala.

"So katulad kanina, I'll let you decide kung sino ang gusto mong kapartner from your classmates pero I suggest to you ay kumuha ka ng kapartner from our scholars para malakas rin ang hatak ng pair niyo." sabi ni Ma'am Elaine at tumango ako.

"Pe-pero Ma'am, wala naman po akong kilalang mga scholars, kayo na lang pong mamili" sabi ko

"If it's okay with you, I suggest na si Drix Pontilla." sabi ni Ma'am Elaine.

Drix Pontilla?

"Sige po kayo po bahala." sabi ko at tumango lang siya at nagpaalam na aalis.

Bumalik ako sa aking upuan at nagulat ako ng pagkumpulan nila ako. "Anong sabi ni Ma'am?" tanong ni Shaira na president namin.

"Oo nga?" tanong naman ng kabigan nitong si Tonette.

"Ah, isasali pa rin daw ako sa King and Queen of Sunshine Academy pero yung Drix Pontilla daw ang kapartner ko." sabi ko sa kanila.

"Ha-hala! Si Drix?!" gulat na tanong ni AJ. Kilala niya na siguro 'yon, nakasama niya sa quiz bee e.

"Oo daw, kasi matalino daw yon?" patanong na sabi ko.

"Oo, pero napakatahimik saka shy type, pero mukha naman siyang mabait." litanya ni AJ.

"Okay lang 'yan Shen, basta support ka namin, kahit na hindi SHELVER ang magkapartner, pwede rin siguro 'yong SHENDRIX!" sabi ni Shaira.

"Maganda ah? Bagay! support ka namin ng buong section, ay except pala sa alipores ng bruhang bida bida." asar na sabi ng kaklase kong si Mariel.

"SHENDRIX! SHENDRIX! SHENDRIX!" pang-aasar nila pero agad na napatigil ng tumikhim si Silver na bigla bigla na lang sumusulpot.

Nagbigay daan sila kay Silver para makaupo ito, habang si Gold at bumalik na sa upuan niya kalapit ni Aj. Tinignan ako ni Silver gamit ang matatalim na ngiti at ganoon din sa mga kaklase kong nakapalibot sakin. Naramdaman kong ang pagkirot ng puso ko sa titig niyang 'yon.

"Ang init init nakapalibot kayo? Baka gusto niyong bumalik sa upuan niyo." mainit ang ulong sabi ni Silver.

"Ay, galit si papa Silver! Tara balik na tayo!" sabi ng kaklase kong bakla na si Jens.

Ramdam ko ang mainit na tingin sakin ni Silver pero hindi ko na lang 'yon pinansin, kailan ba siya hindi nagalit sakin?

Simula noong grade 7, noong inamin ko sa kaniya na gusto ko siya ay palagi na lang siyang galit sakin. Kahit wala naman akong ginagawa, pero wala e, mahal ko kase!

Nanatili akong tahimik hanggang sa pumasok muli si Ma'am Elaine kasunod ang isang lalaki, teka, siya 'yong? Siya 'yong nagsauli ng keychain ko..... okay na rin siguro?

"Ms. Veloso, this is Mr. Pontilla siya ang makakapartner mo sa King and Queen of Sunshine Academy, is it okay to you Ms. Veloso?" pakilala ni Ma'am Elaine.

Drix Pontilla pala ang pangalan niya, naka- side parted hair ang kaniyang buhok na bumagay sa kaniyang oblong shape face, makakapal ang kilay niya, katamtaman ang kulay ng kaniyang balat at nakasuot siya ng isang black nerdy glasses. Nanatili ang blank expression sa kaniyang mukha ngunit mahahalata mo ang panginginig ng kaniyang tuhod at ang butil butil na pawis niya sa mukha.

"Yes, Ma'am!" nakangiting sagot ko.

"Ma'am excuse me!" pagtawag ng attention ni Silver.

"Yes Mr. Tan?" litanya ni Ma'am Elaine

"I thought only one pair lang ang magiging representative per grade?" takang tanong ni Silver.

"Oh, hindi ko pala nasabi, nabago ang rules ngayon, they decided na gawing two pair representative per grade." sagot ni Ma'am Elaine.

"Mr. Pontilla, you can go now!" dagdag pa ni Ma'am Elaine at tumango lamang si Drix saka umalis na.

"Next week natin sisimulan ang pagpractice para sa upcoming event para naman makapagpahinga pa kayo sa mga school works.... yon lang! Wait for your next subject teacher, walang maingay!" sabi ni Ma'am Elaine at nagmartsa na palabas ng classroom.

A/N: Don't forget to vote and comment! Thank you!

Vote and comment are highly appreciated!

----------------End of Chapter 3----------------

ตอนถัดไป