webnovel

Chapter 2

................QUIZ BEE...................

Malungkot akong naglalakad sa may hallway, mag-isa akong pumasok dahil wala si Aj nasa ibang school at kasalukuyan silang lalaban sa quiz bee.

Hanggang ngayon ay hindi maalis sa isip ko ang kalokohan ko kahapon, shocks! Nagalit tuloy sakin ang Silver ko, ninakaw ko lang naman kasi ang first kiss niya. Yieee first namin ang isa't isa, shocks!

"Anong nginingiti mo diyan?" nagulat ako sa biglaang tanong ni Gold.

"Ay first kiss!" gulat na sabi ko

"First kiss, hmmm?" makahulugang tingin ni Gold kaya napakunot noo ako.

"Ginawa mo yung suhestiyon ko 'no? Sabi na e!" asar ni Gold.

"Hi-hindi naman, a-accidentally lang!" depensa ko.

Ngumisi siya sakin na para bang gusto akong asarin at tuksuhin. "So, talagang nagawa mo? Kaya pala inspired si kuya Silver na magreview, ngiting ngiti pa!" natatawang sabi niya kaya napasimangot ako.

"Hindi yata ako ang dahilan non, nagalit nga sakin e kahapon nung aksidenteng nahalikan ko siya sa labi." litanya ko ngunit nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"Wh-what? As in lips to lips?" gulantang na tanong niya.

"H-ha? Pe-pero aksidente lang naman, hindi ko talaga sinasadya." tarantang sagot ko.

"Hahahhahaha, kaya naman pala good mood si kuya Silver, sigurado mananalo 'yon kyaaahhhh!! Kinikilig ako!"  kinikilig na sabi niya.

"G-gold! Huwag mo na akong asarin, nakakahiya kaya! Tara na nga pumasok na tayo sa room." pag-iiba ko ng usapan namin at sumunod naman siya.

******************************

"Nakakabored kapag wala si Aj!" sambit ko kay Gold habang pinaglalaruan ang tubig sa pool nila.

Napagdesisyunan namin ni Gold na tumambay sa kanila since half day lang ang klase dahil sa quiz bee, nababagot din naman ako sa bahay. Tumingin siya sakin ng may kakaibang tingin kaya't napakunot noo ako.

"Si Aj nga ba? O si kuya Silver...yieeeee!"pang-aasar niya sakin.

"Hoy! Ikaw talaga! Si Aj kasi!" napasimangot ako sa sinabi niya.

"Sige sabi mo e, pero nagmessage sakin si kuya Silver na pauwi na sila, nasa biyahe lang!" pang iinform niya.

"Ano namang connect ko diyan, e galit naman 'yan sakin e" simangot na sabi ko sa kaniya ngunit tinawanan niya lang ako.

"Anong nakakatawa?" clueless na tanong ko. Sumimsim muna siys ng orange juice bago bumaling ng tingin sakin "Wa-wala naman!" makahulugang ngisi niya.

Kamusta na kaya sila Silver ngayon? Nakauwi na kaya si Aj? Nanalo kaya sila? Sana nanalo sila!

"Kuyaaaaa!" masiglang tawag ni Gold kaya agad akong kinabahan at napalingon ako sa gate nila ngunit agad na napabaling kay Gold ng wala akong nakitang pigura ni Silver.

"Wala naman si Silver ah?" takang tanong ko ngunit tumawa lamang siya ng pagkalakas-lakas.

"Hahahhahaha uyyyy! Inaantay mo si kuya Silver no? Yieeeee!" panunukso niya ngunit napasimangot ako.

"Pinagtitripan mo lang ako e!" singhal ko.

"Yieee, oh! Ayan na si kuya Silver!" masiglang sabi niya ngunit sinimangutan ko siya.

"Pinagtitripan mo na naman ako, tigil na Gold hindi mo na ako mauuto" iiling-iling na sabi ko.

"Gold!" pagbabanta ni... Silver? Kyaahh so totoo nga?

Agad akong kinabahan at pakiramdam ko'y naestatwa ako sa kinauupuan ko, Susme! Anong gagawin ko?.

"Kuya naman!" singhal ni Gold.

"Tss!" sambit ni Silver

"Sungit, nanalo kayo?" tanong ni Gold. Gold naman! Paalisin mo na si Silver, yung puso ko oh? Ayaw tumigil sa pagtibok!

"Tss!" sabi niya sabay alis para siguro ay magbibihis na siya.

"Tss!" panggagaya ni Gold sabay ngisi.

"Makauwi na nga, pupuntahan ko si Aj!" simangot na sabi ko kay Gold pero pinigilan niya ako.

"No need, papunta si Aj dito, panalo raw sila, and napag-usapan na pala nilang magcelebrate dito kasama yung Drix ba 'yon? Yung kapatid ni Ms. Pontilla?" litanya niya at tumango lamang ako. Pakiramdam ko kasi'y hindi ko kayang magtagal dito, dahil sa tuwing makikita ko si Silver naalala ko 'yong nangyaring kahihiyan ko kahapon.

Aksidente lang naman 'yon e!

Kailangan isipin ko na walang nangyari, kailangan kong mag-pretend na nakalimutan ko na 'yon. Na walang meaning 'yon sakin.

Nagkwentuhan muna kami ni Gold ng kung ano-ano at napasarap ang pag-uusap namin.

Gaano kasarap Shen?

Mga kasing sarap mo joke!

Hindi namin namalayan ang pagdating ng mga classmates at iilang teachers upang i-celebrate ang pagkapanalo nina Aj.

Nakita ko si Aj na papunta sa direksyon namin, suot ang isang black  peter pan collar and a pink yoke waist skirt at ang isang black jelly shoes, naka-ponytail naman ang kaniyang buhok kaya naman halos mapalingon ang ilang lalaking kaklase namin. Napaka-charming niya sa suot na 'yon. Kumapara sa height ay mas mataas ako sa kaniya ng kaunti. Her height is 5'3 at ako naman ay 5'5.

"Nandito lang pala kayo" masiglang bati niya. Siguro kanina niya pa kami hinahanap.

"Congrats!" bati ko sa kaniya at ngumiti lamang siya sakin "Thank you Shen!" pagpapasalamat niya.

Umupo siya sa bakanteng upuan saka kumuha ng chips na inilabas ni Manang Fely kanina para sa'min ni Gold.

"So kamusta naman ang quiz bee niyo?" excited na tanong ni Gold habang ngumunguya ng potato chips.

"Well, nakakaasar. Hindi manlang ako binigyan ng chance na makasagot. Pinerfect ni Silver, sabi ko tirhan ako ng questions e!" simangot na sabi niya.

Samang- sama ang loob girl?

"Hayaan mo na, inspired e!" makahulugang ngiti ni Gold sabay tingin sa akin kaya napakunot ang noo ko.

"Hayaan mo na, nanalo naman kayo diba?" pagpapagaan ko ng loob sa kaniya.

"Sabagay okay na rin, pero teka nga Gold, bakit naman inspired si Silver? May nangyari ba?" curious na tanong ni Aj kay Gold na nagpangatog ng binti ko.

Ako kaya dahilan kung bakit siya inspired? Yiee, asa ka pa Shen, galit nga sayo yung tao.

"Let's just say na, maganda ang gising ni kuya Silver, hahahaha" makahulugang tawa pa ni Gold.

"Damot, pa showbiz ka 'te!" singhal ni Aj.

"Hoy! Tawag ka 'daw ni Mommy, Gold!" biglang sulpot ni Silver.

"Bakit may 'daw'? Sus! Gusto mag-solo, Aj samahan mo 'ko may gift nga pala ako sayo." makahulugang sabi ni Gold sabay hila kay AJ at hindi na ito nakaangal pa.

Umupo siya sa harap ko at kumuha ng chips na nasa lamesa. Naging awkward moment para sakin na parang gusto ko na lang umalis at sumunod kina Gold pero may parte sa puso ko na nagsasabing magstay ako.

Ilang minuto kaming tahimik lang at ako na ang bumasag ng katahimikang 'yon. "Co-congrats!" nanginginig na sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Sino kino-congratulate mo diyan? Yung bangko? Humarap ka sakin" sarcastic na tanong niya kaya mas lalo akong kinabahan.

Unti-unti akong lumingon sa kanya at nagtama ang mga mata namin kaya hindi ko maiwasang kabahan. Yung puso ko! Ayaw tumigil! Aaaaccckkk!

"Ulitin mo yung sinabi mo!" sabi niya na hindi pinuputol ang tingin sakin.

"Co-congrats, Si-silver!" nauutal na sabi ko. Hindi ako mapakali, feeling ko'y nasa hotseat ako.

"Tss! Ano pa?!" tanong niya na parang may inaasahan pa siyang sasabihin ko na gusto niyang marinig.

"Uhmm! Crush na crush kita!" biglang sabi ko na ako mismo ay ikinagulat ko 'yon kaya napatakip ako ng bibig at ngumisi lang siya na parang ewan.

"Pasok ka na! May ibibigay si Gold sayo basta sabihin mo lang na hakdog, yan ang password." sabi niya kaya nagtaka ako at napakunot noo. Ano daw?

Hakdog ka daw Shen!

Pumasok ako sa loob ng bahay nila at agad na hinanap si Gold. Nang makita ko siya sa living room nila at nanunuod ng tv ay agad ko siyang nilapitan. "Gold, uhmm nasaan si AJ?" tanong ko dito sabay upo kalapit niya.

"Ahh, nasa kitchen sila or nasa garden, kasama si Mommy magkakainan sila e." sabi niya na hindi pinuputol ang tingin sa tv.

"Gold?" tawag ko ulit sa kaniya

"Hmm?" tanging sagot niya.

"Hakdog ka!" sabi ko at nagulat ako ng hampasin niya ako ng remote na hawak niya. Aray ha! Ang sakit!

"Aray!" angil ko sa kaniya.

"Anong hakdog ka diyang sinasabi mo?" asar na sabi niya.

"Sabi kasi ni Silver sabihin ko daw 'yon sayo? Password daw 'yon? Hayyy! Pinagtitripan lang pala ako, aray ko! Bumukol yata ah!" reklamo ko habang hinihimas ang parte ng ulo ko na pinukpok ni Gold.

"Ha-hala oo nga pala, sorry! Nawala sa isip ko! Sorry talaga, wait lang kukunin ko lang sa kwarto." paghingi niya ng paumanhin saka dali-daling umakyat papunta sa kwarto niya. Maya maya pa ay bumalik din siya na may dala-dalang pink at violet na box.

"Pinapabigay niya 'yan, huwag mong sasabihin kay AJ, secret lang namin 'yan! Pag nagtanong si AJ sabihin mo sayo 'yan naiwan mo lang!" sabi niya na ipinagtaka ko. Bakit naman bawal sabihin?

Secret nga diba? Utak mo Shen nasa talampakan.

Napakamot na lang ako at tumango na lang sa sinabi ni Gold.

Ano naman kayang laman nito? Saka bakit naman ako bibigyan ni Silver nito? Sa isang linggo pa naman ang birthday ko.

Mabuti na lang at hindi nag-usisa si Aj tungkol sa box na dala-dala ko. Sinundo naman pati ako ni Daddy at maging siya ay hindi rin nagtanong sa dala ko, marahil ay madami din naman siyang iniisip.

Pagkapasok ko ng aking kwarto ay agad kong nilock ang pinto at excited na tinignan ang laman ng kahon. Ano kayang laman nito?

Nang buksan ko ito ay nadismaya ako ng puro punit punit na papel de hapon ang laman ng kahon kaya napasimangot ako. Pinagtitripan mo na naman ako Silver!

Sa inis ko ay inihagis ko ang kahon at nagulat ako ng may nabasag kaya agad ko itong tinignan. Isang picture frame at kaming dalawa ni Silver ang nasa picture. Kuha ito noong pinagtripan kami ng classmates namin sa wedding both. Argh!

Bakit mo ba kase hinagis Shen?

Agad kong pinulot ang mga basag na salamin ng frame at dahil napaka- clumsy kong tao ay nabubog ako at agad agad itong nagdugo kaya sa sobrang taranta ko ay tinawagan ko si Aj para magtanong kung anong gagawin ko, natatakot kasi akong sabihin kina Mommy dahil OA sila magreact.

"Aj, paano ba gagamutin kapag nabubog ka?" natatarantang tanong ko kay Aj sa cellphone ko.

"Anong nangyari?" tanong ng baritonong boses kaya nagulat ako.

Dali-dali kong kinuha ang phone ko nanlaki ang mata ng makita ko na ang pangalan ni Silver ang natawagan ko. Ano ba 'to?

"Shen? Anong nangyari?" seryosong tanong niya.

"Ahh Wa-wala!" sagot ko

"Tell me!" galit na sabi niya kaya nagulat ako doon.

"Na-nabasag ko kase 'yong bi-binigay mo, hindi ko talaga sinasadya, a-akala ko kase pinagtitripan mo na naman ako dahil puro papel ang nasa ibabaw kaya hinagis ko....tapos....tapos narinig ko na lang na may nabasag kaya agad kong pinulot 'yong mga bubog" litanya ko.

"Si-silver?"tanong ko ng hindi siya nagsasalita.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago nagsalita. "May first aid kit ba kayo?" tanong niya sakin.

"Me-meron ako sa CR" sagot ko saka agad kong kinuha ang amg first aid kit sa aking CR.

Itinuro niya sakin kung paano gamutin ang nabubog kong kamay at nakahinga naman ako ng maluwag. Sana lang ay hindi magalit sakin si Silver dahil nabasag ko yung frame. Di bale babawi na lang ako sa kaniya bukas.

*****************************

"Patingin ng kamay mo" utos ni Silver sakin.

Nagulat ako sa sinabi niyang 'yon at tila hindi ako makahanap ng isasagot sa sinabi niya. Wala ang subject teacher namin ngayon dahil may meetings ang lahat ng teachers.

"Ah....o-okay na naman, nagamot ko na kagabi" naiilang na sabi ko.

Tinitigan niya ako habang nakataas ang kilay niya kaya nakagat ako ng labi dahil sa lalong pagkailang.

"Akin na!" pangungulit niya at pilit na kinuha ang kamay ko pero bago pa niya matuloy ang plano niyang kunin ang kamay ko ay dumating agad si Aj at tinawag ako.

Panira ka Aj, maghoholding hands na sana kami e! Joke!

"Ba-bakit AJ?" tanong ko sabay baling sa kaniya.

"Huwag mo na akong antayin mamayang uwian may inuutos kase sakin si Ms. Elaine at matagal 'yon" paalam niya sakin saka dali-daling umalis.

Napabagsak balikat na lamang ako sa sinabi niyang 'yon. Mag-isa na naman akong uuwi mamaya. Hay!

Maya- maya lang ay inanunsyo na ng bidabida kong kaklase na si Xress na pwede na raw umuwi kaya agad 'kong iniligpit ang gamit ko. Mabilis pa sa alas kuwatro ng masilabasan ang mga kaklase ko habang ako'y hinintay munang makalabas sila. Ayokong makisiksik sa kanila dahil mahilig sila sa gitgitan.

Nagulat ako ng hilahin ni Silver ang braso ko kaya naman napalingon ako sa kaniya, katulad ko ay nagpahuli din siya sa paglabas ng classroom.

Magsasalita na sana siya ng tawagin siya ni Xress na dakilang epal samin.

"Silver, pauwi ka na ba? Pwede sumabay?" pabebeng tanong ni Xress kaya't napairap naman ako.

Sabunutan kita girl e!

Tumingin muna si Silver sakin na tila tinatanya niya ako ngunit umirap lang ako at akma ng paalis "Ahh hindi pwede, kasama ko kase si Shen, ihahatid ko siya sa kanila." sabi niya kay Xress at napatingin naman si Xress sakin kaya binigyan ko siya ng isang matagumpay na ngiti.

"Ganoon ba? Sayang naman! Next time na lang ulit" malungkot na sabi ni Xress saka padabog na umalis.

Napasimangot naman ako sa sinabi ni Xress saka inirapan si Silver at magmartsa paalis.  Nagsasabay pala sila umuwi, e di sila na! Magsama sila!

"Shen! Hintay!" tawag ni Silver sakin ngunit imbes na tumigil ay lalo akong tumakbo. Parang dinudurog yung puso ko, naiimagine ko na ang saya nila kapag magkasabay silang umuwi. Kaya ba ayaw niya sakin? Kase gusto niya si Xress?

Mas binilisan ko pa ang takbo para lang hindi niya ako maabutan pero nang makalabas na ako ng gate ay nahablot niya yung kamay ko kaya agad akong nanghina. Hindi ko kayang magalit sa kaniya. Ang hirap hirap magalit sa kaniya.

Napahinto kami pareho at hingal na hingal galing sa pagtakbo. "Bakit ka ba natakbo Shen?" tanong niya.

"Kase natakbo ka din!" palusot ko

"Huwag ka na nga tatakbo, pano kung madapa ka? Magalusan ka!" parang kulog na sabi niya kaya nangatog ang tuhod ko.

"Sorry, natakot yata kita!" agad na sabi niya at napabuntong hininga.

"Halika na, ihahatid na kita!" sunod sunod na sabi niya at tumango lamang ako.

Tahimik lamang akong naglakad, pakiramdam ko kase kapag nagsalita ako, maiiyak lang ako. Na magiging marupok na naman ako na konting suyo niya lang heto na naman ako, mangungulit sa kaniya. Paano kung gusto niya talaga si Xress? Paano kung ayaw niya lang akong masaktan kapag niligawan niya si Xress?. Paano kung hanggang kaibigan lang talaga?.

"Hindi kami sabay umuwi ni Xress kung 'yan ang iniisip mo, nakikisabay lang siya sakin minsan sa sasakyan dahil wala siyang sundo." mababang tonong sabi niya.

"Wala din naman kaming sundo ni Aj ah? Bakit kami nakakauwi naman kami?" iritang tanong ko.

Napabuntong hininga siya bago nagsalita, "Tumulong lang naman ako, saka dalawang beses lang 'yon, teka, nagseselos ka ba?" ngising sabi niya.

"Hindi, bahala ka jan!" iritang sabi ko saka nauna ng maglakad.

"Ikaw naman di mabiro, hindi ko na siya isasabay sa susunod kung ayaw mo." pinal na sabi niya na nakasunod sakin.

Sa sinabi niyang 'yon ay agad akong natuwa. Pakiramdam ko'y nawala na ang tinik sa dibdib ko. Ibig sabihin wala siyang gusto kay Xress.

A/N: Don't forget to vote and comment.

Vote and comment are highly appreciated! Thank you!

-------------End of Chapter 2------------

ตอนถัดไป