May isang babaeng nagngangalang Cristana ang nabuntis nang hindi man lang nalalaman kung sino ang ama ng pinagbubuntis niyang bata. Noong una’y ayaw niya nang ipagtanong pa kung sino ang lalaki ngunit pinilit siya ng kaniyang mga magulang. Wala naman siyang nakalap na impormasyon tungkol sa ama ng bata kaya napagdesisyunan niyang umalis ng bansa. Tumira sila ng kaniyang anak sa America at pagkaraan ng anim na taon ay napagdesisyunan niyang umuwi ng Pinas. Hindi niya lubos akalain na sa pag-uwi niya’y makikita’t makakausap niya ang ama ng bata. “ Gusto ko lang malaman kung buhay pa ba ang anak ko,” turan ng lalaki na nasa harap niya. Iginiit niyang buhay pa ang bata upang hindi na mapalapit ang loob ng anak niya sa ama nito. Nangangamba rin siya na baka mawalan na sa kaniya ng oras ang anak niya. Sa pagpupumilit niyang makalayo sa lalaki ay ang siya namang pangungulit nito sa kaniya.