webnovel

Chapter 22

Nang makapagbihis ako ng pantalon at kulay bughaw na pantaas ay lumabas na ako sa banyo. Inayos ko muna kasi ang aking sarili. Ayaw kong makahalata si Ali. Umaasa rin ako na aalis kami rito kinabukasan kaya hindi ako dapat kabahan at matakot.

Maingat akong naglakad at pinagala ang paningin sa loob ng kuwarto ni Ali. Ngayon ko lang din napagmasdan ng mabuti ang kuwarto niya. Malaki iyon. Halos kasing laki yata ng bahay namin. May pandalawahang sofa, mesa sa gitna at may malaking telebisyon na nakakabit sa dingding. May maliit na fridge sa gilid. Kulay bughaw din ang dingding na may posters ng iba't ibang klase ng sasakyan. Mga spare parts at iba pa

na hindi ko maintindihan kung ano.

Muling napadako ang aking paningin sa kama kung saan natutulog ang aking kapatid. Tantiya ko, king size bed iyon dahil puwede ang tatlong tao para matulog.

Tatlong tao? Naloloka na ata ako. Ano'ng iniisip ko? May balak ba akong patulugin si Ali na kasama namin sa kama. Nahihibang na yata ako.

Pero saan naman siya matutulog? Pinaglaro ko ang aking mga daliri habang nakanguso at nakatingin pa rin sa malaking kama.

Nagulat nga lamang at napapiksi ako nang maramdaman ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Napalingon ako sa gawi noon. Nagtama ang tingin namin ni Ali.

"Kinausap ko si Kuya Juancho. Ihahatid ka niya sa labasan." bungad niya habang papaupo sa sofa. "Sa labasan lang dahil alam kong ayaw mong magpahatid hanggang club. Mukhang uulan pa naman but it's your call," saad niyang muli, ngayon ay binuksan nito ang telebisyon. Hawak ang remote, pinahinaan niya ang volume para hindi maistorbo si Ashley. Tamang-tama lang sa kanyang pandinig ang lakas nito.

Napabuntong hininga ako.

"Kukuhanin ka rin niya roon. Just text me kapag pauwi ka na." Tiningala niya ako nang matapat ako sa sofa. Iniabot niya sa akin ang selpon na pinahiram niya rin noon. "Gamitin mo ito. Sa iyo na para makontak mo ako," sabi niya. Kinuha ko iyon at nagpasalamat. Nahiga siya sa sofa pagkatapos niyang mailagay sa music channel ang TV. Slow music ang pumapaimbabaw roon, nakakaantok.

Napanguso ako dahil halos nakalawit na ang kanyang paa sa paanan ng upuan. Pandalawahan lang kasi ang kanyang sofa. Nahiya tuloy ako dahil doon na naman siya matutulog. 'Di bale, aalis din naman kami.

Nakapikit na siya at inilagay pa ang kamay sa ulunan. Kumuha ako ng unan para ibigay sa kanya.

"Ali," tawag ko pero hindi siya gumalaw. Pinagmasdan ko siya, kahit nakatakip ang kanyang kamay sa halos kalahati ng kanyang mukha ay napagmasdan ko pa ring mabuti kung gaano siya kaguwapo. At kung gaano niya kamukha ang kanyang ama.

Muli, napalunok ako dahil naalala ko si Lauro. Sana paglabas ko ay hindi ko siya makita. Hindi ko siya kayang harapin. Yumuko ako at dahan-dahang iniangat ang ulo ni Ali. Maingat kong inilagay ang unan at halos pabagsak na ang pagkakalagay ko sa kanyang ulo dahil mabigat ito. Gumalaw siya nang bahagya, akala ko tuloy ay magigising siya. Nang hindi naman siya magising ay lumayo na ako dahil hindi ko maiwasang pagmasdan siya.

Tumingin ako sa aking relo, alas otso na ng gabi. Alas nuwebe ang pasok ko. Dahan-dahan akong lumabas at maingat kong inilapat pasara ang pinto. Maingat din akong naglakad palabas, nananalangin na sana ay hindi makita si Lauro. Malaki naman ang bahay kaya siguro hindi naman kami magkakatagpo.

Laking pasasalamat ko dahil nakalabas ako sa pinto na hindi siya nakasalubong. Kaya lamang, bumagsak ang balikat ko noong magtama ang mga mata namin. Kinakausap niya si Kuya Juancho na nakatalikod sa gawi ko.

Gusto kong umatras at hindi na lamang papasok ngayon. Papatalikod na ako nang marinig kong nagsalita si Kuya Juancho.

"Senyorita, narito na pala kayo?"

Napalunok ako at muling humarap. Hindi pa rin tinatanggal ni Lauro ang titig sa akin. Parang pinag-aaralan niya bawat kilos ko. Nakaramdam ako ng matinding kaba.

"Si Senyor na raw po ang maghahatid sa inyo," sabi nito at bumaling kay Lauro. Napalunok ako dahil talagang nanuyo ang lalamunan ko.

"Ah! H-hindi..."

"Lets go, Elyssa, baka ma-late tayong pareho!" Sabad ni Lauro at pumihit ito para pumunta sa drivers seat ng sasakyan. Pinanindigan ako ng buhok sa batok nang dahil sa pagtawag niya sa langalan ko. Hindi ako nakakilos.

Nakatungahay lamang sa akin si kuya Juancho at may pagtataka sa mukha kung bakit hindi ako tumitinag. Malakas ang kabog ng dibdib ko at nangangatog ang mga tuhod ko. Ayaw humakbang ng mga paa ko. Papunta man sa sasakyan o paalis sa harapan nila.

"Huwag kang matakot senyorita. Mabait si Senyor. Siguro ay talagang gusto niya lang kilalanin ang daugther-in-law niya," Ika ni kuya Juancho. Nakangiti nitong pinagbukasan na ako ng pinto sa passenger side. Katabi ng magmamanehong si Lauro.

Hindi pa rin ako tuminag kahit nakasulyap na sa akin si Lauro at naghihintay.

"Ahmmm, k-asi...si Ali..." muli akong napalunok dahil hindi ko madugtungan ang nais sabihin. Nasabayan pa ng panlalamig ko ang malamig na hanging dumadampi sa balat ko.

"Ako na po ang bahalang magpaliwanag kay Senyorito kung magtanong man ito," muling saad ni kuya Juancho at nilawakan na ang pagkakabukas ng pinto. Kinuha na rin niya ang bag na dala ko at inilagay iyon sa likuran na upuan.

Hindi ko maramdaman ang mga paa kong naglakad pasakay sa loob ng kotse. Naidadalangin kong sana ay bumaba si Ali at hablutin ako paalis doon. Nagsisisi akong hindi na lamang nagpahatid sa kanya hanggang labasan. Hindi naman siguro magigising si Ashley.

Nang makaupo, isinara ni kuya Juancho ang pinto at pumasok na ito sa loob. Halos mabingi ako sa lakas ng tambol ng dibdib ko dahil sa kaba. Hindi naman ako dapat nakakaramdam ng ganito. Hindi na dapat pa.

"Put your seatbelt on," maawtoridad na utos ni Lauro sa akin. Nanginginig ang kamay kong inabot ang seatbelt.

Sa inis ko pa, ayaw makisama ng seatbelt kahit anong hila ko. Nagulat na lamang ako nang maramdaman ko ang paglapit ni Lauro. Nasa harapan ko na siya at siya na ang umabot noon at inayos sa katawan ko.

Halos hindi ako huminga. Pakiramdam ko nasa lalamunan ko na ang aking puso. Nakayuko ako at mahigpit kong pinaglalaruan ang aking mga daliri sa kamay. Nang gagapin niya iyon at hawakan.

"Relax, Elyssa. Hindi ako nangangain ng tao," saad niyang malamyos ang tinig. Lalo lamang akong nanlamig dahil napakalapit ng mukha niya sa mukha ko. Ramdam ko ang mainit niyang hininga.

Humugot siya ng malalim na hininga bago umayos at pumuwesto na sa upuan niya. Naglagay na rin siya ng seatbelt at pinaandar ang kanyang sasakyan.

Pumikit ako at pilit pinakalma ang aking sarili. Hindi ako dapat maging ganito sa harap niya. Hindi dapat ako paapektado. Huwag Elyssa.

"S-Sa labasan l-lang ako," pautal-utal at mahina kong saad na halos ako lang yata ang nakarinig.

Hindi siya nagsalita ngunit hindi niya ako ibinaba doon. Nagtuloy-tuloy lamang siya.

"Lauro!" Natatarantang asik ko sa kanya dahil sa pag-iignora niya sa sinabi ko.

"Ihahatid kita. Hihintayin na rin kita hanggang matapos ang trabaho mo." Madilim ang mukha nitong lumingon sa akin.

Marahas akong umiling. "Huwag mong gawin ito sa akin, Lauro," pakiusap ko. Pero hindi niya ako pinakinggan. Ayaw niya akong pakinggan. "Lauro, please!" Naghalo-halong emosyon na ang nasa sistema ko. Hindi ko na rin yata maramdaman ang katawan ko dahil nilukuban na ako ng magkahalong mga emosyon.

"Bakit ang anak ko, Elyssa?" Natuliro ako. Bakit nga ba kasi si Ali? Bakit sa lahat ng tutulong sa akin ay anak pa ni Lauro. Pero kung hindi si Ali? Sino? Sino ang puwede kong kapitan?

"Bakit si Ali? Dahil ba alam mong anak ko siya?"

Nanlalaki ang mata kong bumaling ng tingin sa kanya. Puno ng galit ang mata niyang nakatitig sa akin. Galit na hindi ko alam kung para ba sa akin. Kapagdaka'y bumaling siyang muli sa daan.

"Hindi ko alam! K-kung alam ko lang na anak mo siya..." napakagat labi ako. Hindi ko kayang dugtungan ang sinasabi ko.

"Annul your marriage," giit niya.

Lalo lamang akong nanlumo sa kinauupuan. Hindi na ako makapag-isip ng maayos. Ginugulo niya ang utak ko. Ano nga ba ang nararapat kong gawin?

"Ayoko! hindi ko hihiwalayan si Ali!" Talagang nababaliw na ako!

Bigla niyang itinigil ang sasakyan sa gilid. Napasigaw ako dahil muntikan pa kaming may makabangga. Halos lumuwa ang mata ko sa galit at gulat.

Wala siyang pakialam. Padarag niyang inalis ang seatbelt niya at humarap sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat.

"Mahigat anim na taon na ang nakalipas, Elyssa. Huwag mong gamitin ang anak ko para gumanti sa akin. Wala siyang alam at mas gugustuhin kong wala siyang malaman!" Galit na galit niyang saad. Pero may pagsusumamo sa kanyang mga mata.

Pinatigas ko ang ekspresiyon ng aking mukha.

"Tama ka, anim na taon na. Kaya bakit mo iniisip na gumaganti ako? Noon pa sana pero nakita mo naman hindi ko ginawa. Hinayaan kita dahil alam kong mali." Humugot ako ng malalim na hininga. "Mahal namin ni Ali ang isa't isa kaya nagpakasal kami!" Saad ko at hindi nagpatinag sa matalim niyang titig.

"Kasinungalingan!" Dumagundong ang boses niya sa loob ng kotse. Umurong bigla ang dila ko dahil totoo naman na kasinungalingan lahat ng lumabas sa bibig ko. Kaya lang ay wala akong mapagpipilian. Mas gugustuhin kong magsinungaling kaysa muling ipagkanulo ang sarili ko sa kanya.

"Akin ka lang dapat! Babalikan naman kita. Babalikan kita kapag naitama ko na ang lahat! Malapit na iyon!"

Napaawang ang bibig ko sa kanyang sinabi. Hindi ako makahinga sa nalaman. Ngunit ano man ang dahilan niya noon, wala na dapat akong pakialam.

"Akin ka Elyssa. Akin ka!"

Next chapter