webnovel

The Probinsyana and the Heartless CEO

Author: SeirinSky
สมัยใหม่
Ongoing · 13.6K Views
  • 15 Chs
    Content
  • ratings
  • NO.200+
    SUPPORT
Synopsis

Dahil sa kahirapan ay napilitang huminto sa pag-aaral si Sonata, at magtrabo sa Maynila para makatulong sa kanyang pamilya. Ang matulungan ang kapatid na may sakit at para sa pag-aaral ng mga nakababata pa niyang kapatid. Namasukan siyang katulong sa isang mansyon na mataas kung magsweldo, at halos ikinalula niya kung magkano ang sasahurin at ang tanging gagawin lang niya ay bantayan ang mga anak ng kanyang among lalake na ubod ng sungit at laging galit sa mundo. Si Gabriel San Diego na isang mayamang bilyonaryo at may mga anak pero walang asawa, sa isip ni Sonata ay marahil kaya walang asawa ang amo dahil halos lahat ng tao sa paligid nito ay kinatatakutan ito, pero isang araw ay natagpuan niya ang sarili na humahanga at may kakaibang damdamin na umuusbong sa kanya tuwing nakikita ang masungit niyang amo. Posible kaya na magkaroon ng katugon ang damdamin niya sa amo niya, o hanggang dito lang ito dahil ni minsan ay hindi man lang siya sinulyapan nito. Date started: September 17 2019 ORIGINAL STORY BY: Seirinsky

Chapter 1Chapter one

Impit na iyakan ang maririnig sa apat na sulok ng kwartong iyon kung na saan ang ama ni Sonata na nag-aagaw buhay.

Napakasakit para sa kanya ang unti-unti nitong pagkawala at wala siyang magawa kundi ang yumakap ng mahigpit sa pinakamamahal na ama.

"Sonata anak ko..." Pilit na nagsalita ang kanyang ama kahit hirap na hirap na ito pinilit niyang tumingin sa ama, ang kanyang ina at mga kapatid ay iyak rin ng iyak at nakayakap ng mahigpit sa aming ama.

"Tay..." Nakita niya ang ama na itinaas ang kamay nito kaya agad niya itong inabot at hinalikan ng mahigpit at impit na umiyak.

"I-kaw...na ba-hala sa mga...ka-patid mo...at sa na-nay mo." Napatango siya habang pinipilit na sumagot sa ama.

"Ma-hal na ma-hal...ko kayo..." Mahinang muling sabi ng ama niya.

"Mahal na mahal rin kita tatay, mahal na mahal kita..." Bulong ko at kahit hirap ako na magsalita ay nagawa niyang magsabi sa tatay niya kung gaano niya ito kamahal.

Ang mga sumunod na sandali ay ang unti-unting pagbagal ng tibok ng puso ng kanyang ama at ang pagpikit nito na siyang senyales na linisan na nito ang mundo at iniwan na sila.

Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni nanay habang nakatingin sa harap ng puntod ng aking ama, nailibing na ito at kanina pa nakaalis na ang mga nakipaglibing pati ang mga kapatid niya ay pinauna na rin ng nanay niya kaya silang dalawa na lang ang natira dito.

Hindi ko magawang umalis sa harap ng aking ama napakabigat pakiramdam ko at parang tinutupok siya ng sobrang kalungkutan, panay rin ang tulo ng kanyang luha hindi ito maubos ubos kahit pigilan ay hindi niya magawa.

Wala na ang kanyang pinakamamahal na ama, ang kanyang superhero, ang taong nagturo sa kanya kung gaano kahalaga ang pamilya at kung paano maging mabuting tao, at ang pagiging maka-diyos, hindi perpekto ang kanyang ama dahil wala namang ganoon pero para sa kanya ay ito na ang pinakamabait na tao na nakilala niya at ipinagmamalaki niya ito dahil kung wala ito ay walang Sonata sa mundong ito.

Napatingin ako kay nanay na umupo sa tabi ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko, nakita ko ang sobrang kalungkutan niya pero ramdam ko rin ang katatagan sa kanya.

"Magiging maayos rin ang lahat anak, nakapagpahinga na ang tatay mo hindi na siya mahihirapan pa alam ko na masakit sobrang sakit pero kailangan nating magpakatatag." Napahagulhol akong muli at yumakap sa kanya hindi ko alam kung ano na ang mangyayari ngayong wala na ang aking ama.

Pero kailangan kong magpatuloy ito ang panghahawakan ko.

Si Nanay Nelda ay hindi ko totoong ina, pangalawa siyang asawa ng aking ama.

Namatay ang tunay kong ina noong ipinanganak ako at si tatay ang nagpalaki sa akin dalawang taong gulang ako ng mag-asawang muli ang ama ko at nagkaroon ako ng tatlo pang kapatid, napakaswerte ko kay nanay dahil tinuring niya akong totoong anak  at ni minsan ay wala akong naging problema sa kanya dahil para sa kanya ay anak niya ako mula sa puso niya.

Umuwi kami ng bahay at lalo akong nakaramdam ng kalungkutan ng wala na ang presensya ni tatay sa apat na sulok nitong bahay.

"Paano na po tayo nanay, ate." Napatingin ako kay Iggy ang sumunod sa akin na labing limang taong gulang.

"Magpapatuloy tayo at sama-samang babangon." Matatag na turan ni nanay kaya gusto kong ngumiti kahit malungkot ako dahil sa sinabi niya.

"Hindi na po muna ako magpapatuloy ng pag-aaral nay." Lakas loob ko na turan kaya napatingin siya sa akin.

"Pero anak nasa ikalawa ka nang taon sa kolehiyo sayang naman." Sabi niya at hinawakan ako sa kamay.

"Di bale nay kapag nakaipon ako saka po ako magpapatuloy ng pag-aaral." Sabi ko sa kanya at ngumiti kaya niyakap na lang niya ako at nakisali na rin ang mga kapatid ko.

Sabi nga nila talagang ganito ang buhay talagang kakabit na sa buhay ang hirap ang kailangan lang ay wag sumuko at magpatuloy lang.

Huminga muna ako ng malalim bago ako lumabas ng bus na sinakyan ko papunta rito sa Manila.

Isa sa mga pinsan ni nanay si Tiya Pining ang mayordoma sa pinagtatrabahuan niya na mansyon dito sa Manila.

At kinuha niya ako dahil tamang-tama ay kailangan nila ng isa pa na katulong sa bahay.

"Sonata?" Napatingin ako sa may katandaan na babae ang lumapit sa akin kaya napatango ako.

"Tiya Pining." Nakangiti ko na turan saka ako nagmano sa kanya.

"Aba at dalaga ka na at napakagandang bata." Nakangiti niyang turan at tinulungan ako sa bitbit ko na bag.

"Nakikiramay pala ako sa pagkawala ng tatay mo." Malungkot niya na turan tumango lang ako.

Sumakay kami sa isang van at ang driver ay si Tiyo Narding na asawa ni tiya.

Ilang minuto lang ay pumasok na ang sasakyan sa isang subdibisyon at nalula ako sa laki ng mga bahay dito.

"Ang laki po ng mga bahay dito tiya." Mangha ko na sabi sa kanya at tumawa lamg ito.

"Ganyan rin kalaki pagtatrabahuan mo Sonata." Nakangiti niyang turan kaya napahinga ako ng malalim.

Mayamaya pa ay isang napakalaking bahay ang hinintuan namin at napakaganda.

Bumaba na kami at pumasok sa pinto ng bahay.

"Halika ipapakilala kita sa amo natin." Sabi ni tiya kaya kinabahan aoo bigla.

May pinuntahan kami na isang kwarto at kumatok si tiya saka binuksan ang pinto.

"Sir Gabriel nandito na ang pamangkin ko galing Bicol." Magalang na turan ni tiya sa lalakeng nakatayo sa may bintana.

At ng humarap siya ay para akong mawawalan ng hangin sa dibdib dahil ang lalkeng kaharap namin ngayon ay kulang ang salitang gwapo.

"Dumating na pala siya ikaw na lang ang bahala manang." Seryoso nitong turan at tumingin sa akin kaya bahagya akong napaatras.

"Anong pangalan mo? Ilang taon ka na?" Magkasunod niya na tanong kaya nagulat ako.

"Ako po si Sonata at labing walong taong gulang na po ako." Magalang ko na sagot tumango lang ito at pinalabas na kami.

Napansin ko sa amo namin ay seryoso itong tao at mukhang masungit.

Napatunayan ko na masungit talaga ito at seryoso pero lahat ng mga kasamahan ko dito ay crush siya at pinapangarap na mapansin nito.

Napailing na lang ako sa kanila at natawa na lang.

"Darating na pala ang triplets naku magulo na naman ang mundo natin nito." Sabi ni Carla na napatingin sa akin.

"Bakit naman?" Tanong ko kaya natigilan sila lahat at napabuntong hininga kaya nagtataka ako sa kinikilos nila.

"Ikaw ang naatasan na magbantay sa kanila diba?" Tanong ni Kuya Omar na isa rin sa mga driver dito tumango ako at napailing na lang siya.

"Marami ng yaya na umalis dahil sa tatlong iyon at sana kayanin mo." Sabi na lang ni Carla na tinapik ako sa balikat.

Hindi ako masyadong nahirapan na mag-adjust dito dahil lahat ng mga kasamahan ko ay mababait lahat.

Ako ang pinakabata dito at walang asawa dahil ang lahat ng mga kasamahan ko dito ay may mga asawa na.

Nagwawalis ako sa sala ng biglang bumukas ang pinto at napatingin ako rito.

Dumating na pala ang amo kong lalaki na diretso lang paakyat sa taas kaya napailing na lang ako.

Ang gwapo pero may sariling mundo at nakakatakot.

Nagulat ako ng biglang tumunog ang intercom at sinagot ito ni tiya na saktong lumabas ng kusina.

"Sonata dalhan mo raw si Sir Gabriel ng kape sa taas." Utos sa akin ni tiya kaya napailing lang ako at pinakita na may ginagawa ako.

"Sonata hija bilisan mo na balikan mo na lang yan." Sabi niya at pumasok ulit sa kusina kaya nagkakamot ako na sumunod sa kanya.

"Ano po ang timpla ng kape?" Magalang ko na tanong kay tiya.

"Saktong kape lang at walang asukal dapat iyong mainit pa na hihigupin niya." Sagot niya kaya ginawa ko na ang kape ng boss namin na masungit.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa silid ni sir, ito ang unang beses na makakapasok ako sa silid niya.

Bumukas ang pinto at nagulat ako ng bumungad ang mukha ng amo ko.

"Ito na po ang kape sir." Magalang ko na turan.

"Ilapag mo na lang diyan." Sabi nito kaya maingat ko itong nilapag.

Nasamyo ko ang mabangong amoy sa buong silid at itim at puti lang halos ang kulay dito sa loob halata talaga na panlalaki ang silid na ito.

Akma na akong lalabas ng tawagin ako ng amo ko kaya napatingin ako sa kanya.

"What is your name again?" Tanong nito kaya kinabahan ako bigla.

"Sonata po sir." Sagot ko sa kanya.

"You have a beautiful name." Mahina nito na turan kaya napatingin ako sa kanya.

"You may go now." Seryoso na ulit nitong turan kaya lumabas na ako.

Nakahinga ako ng maluwag at napahawag sa dibdib ko muli na akong bumaba at pinagpatuloy na lang ang ginagawa ko.

Napailing na lang ako at sana ay maging maayos pa rin ang lahat sa mga susunod na araw.

Sana rin ay hindi ko na masalubong o makita ang amo ko na lalake dahil palaging bumibilis ang tibok ng puso ko.

Baka magkasakit ako sa puso nito kapag lagi ko siyang makikita.

You May Also Like

The Billionaire's Contracted Wife [Tagalog]

***COMPLETED*** The straightforward nature of a contract was completely upended when Tanaga encountered Ashley. His desires extended beyond simply wanting her to be the mother of his heir; he also sought her as a romantic partner in his bed. CEO Tanaga Jones, a billionaire who has always been single and uninterested in having a woman in his life, soon had a change of heart when he crossed paths with Ashley Gusman. Tanaga, who needed an heir for his empire, was adamant about not wanting a wife. Ultimately, he made the unconventional decision to enter into a contract with a woman to bear him a child, and that's when Ashley Gusman entered the picture. ***~*** Ashley Gusman, a determined young Filipina, was driven by her sole ambition to provide a better life for her family. She was willing to go to great lengths to achieve this goal, even taking on the role of a surrogate mother for a Billionaire Heir. If you want to chat with me and have some questions. Join me at Discord. Link below: https://discord.gg/CwtEzBG ==== Other books by the Author: 1] I Accidentally Married a CEO [Completed] 2] The President's Daughter: Royal Whirlwind Romance [Completed] 3] Torn Between Twin Brothers [On-going] Please! Check it out and support it by voting and gifts. ************ Disclaimer: This novel’s story and characters are fictitious. Certain long-standing institutions, agencies, and public offices are mentioned, but the characters involved are wholly imaginary.

AJZHEN · สมัยใหม่
4.8
423 Chs

Teach Me (Sexy Monster Series #2)

Kung marami ang kinain ng sistema ng K-pop, mayroon din tinatawag na kinain ng sistema ng “porn”. Ito ay si Apple Dimaculangan, bente-anyos na geeky pero nuknukan ng curious sa mga makamundong bagay. Certified Birheng Maria sa modernong taon. Kung nabubuhay siguro si Maria Clara at uso nang internet noong panahon ng mga Kastila, malamang bestfriend sila ni Apple. Sabi kasi nila, `yung mga tao na wala pang experience sila raw ang mas malaki ang kuryosidad. Kung may “Kupido” para sa soulmates, mayroon din tinatawag na “Sex Demon” upang buhayin ang makamundong pagnanasa sa kalooban ng mga tao. Isa na roon si Levi—ang Top one agent sa SEX Inc. Gwapo to the highest level, sobrang sexy to the highest level times one hundred, at mapanukso to the highest level times one thousand! When the virgin meets the Sex Demon, nabuo ang isang misyon: maging ganap na babae si Apple at maibuka ang kanyang bulaklak. Levi will guide Apple on her journey how to embrace her sexuality. Para sa birhen, dating birhen at feeling birhen! Tara na at samahan niyo si Apple sa masaya, malandi at puro kaberdehang kwento na magpapangiti at magpapa-WET sa inyong... ...mga mata sa kakatawa! Uy iba ang inisip mo, aminin! Genre: Romantic-comedy, Fantasy, Smut Disclaimer: This story contains explicit content not suitable for young readers [R-18] Philippine Copyrights 2019 Anj Gee "Anj Gee Novels" Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like my page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · สมัยใหม่
5.0
50 Chs