JACEY
"Bye, Ma'am Jacey!"
Pagpapaalam sa akin ng aking secretary na si Lea. Ginantihan ko ng pagngiti sa kanya at nagpatuloy ako sa pagreview ng mga reports sa akin. But...
I'm still thinking about her. I can't focus.
Gusto ko malaman kung kumusta naman siya. Pero sa nangyari kagabi, wala akong lakas na loob para kumustahin siya dahil gusto ko muna siya bigyan siya ng pagkakataon para suyuin ang lola niya.
Kasalanan ko ba?
Kahit inaamin kong hindi ko naman kasalanan parang kasalanan ko rin dahil sa akin nanggaling na hindi siya babae at narinig ng lola niya. Hindi kami magkakaganito ni Scarlet pero sa tutuusin gusto ko talaga umamin siya. Panindigan niya ako. Alam kong mahirap sa kanya pero gusto kong magsimula kami na malayang nagmamahalan kami sa isa't isa.
Sana makuha niya ang punto ko.
Pero nanlumo ako no'ng sinabi niya na hindi niya ako paninindigan. She always care what others think. Naiintindihan ko naman na she's seeking validation and acceptance from others eh. But she need to stop this. Hindi siya healthy dahil magdudulot sa kanya ng kawalan at kahinaan ng tibay ng loob. It also affect to our relationship if she still worrying the other people's opinion.
Kanina pa ako nakatingin sa contacts ni Scarlet pero sinara ko agad ang phone ko.
I wonder if she's okay right now.
May tumawag sa aking phone na unknown number pero sinara ko yung phone ko dahil baka spam call lang ito pero taga-pinas ang number nito kaya nagdadalawang-isip ako ngayon kung sasagutin ko ba o hindi.
It still keeps calling me kaya sinagot ko na ito.
"Hello, Jacey. Long time no talk." is this spam call? No. Pangalan ko ang binanggit niya. Kilala niya ako.
"Tulong, Jacey! Kinidnap nila ako!"
I know her voice. Si Scarlet ang nasa kabilang linya.
I need to save her.
"I'll send you the location." sabi ng kidnaper at binaba ito.
Sa taranta ko, iniwan ko ang aking office na makalat at dumeretso agad ako sa parking lot. Binuksan ko ang aking kotse at tuluyang umalis na ako.
Habang nagmamaneho ako, pinadala sa akin ang location kung saan kinidnap si Scarlet.
Nagmadali ako magmaneho at panay overtake sa daanan dahil kailangan niya ako. Kailangan ko siyang sagipin dahil ako lang maasahan niya.
Pagkarating ko sa location na sinend sa akin ng kidnaper, I already told the police to back me up kung may magtangkang saktan ako at kay Scarlet. Hindi naman ako tanga para sumugod ng basta-basta. Kaya naman inihanda ko ang sarili ko at lumabas ng kotse.
Hawak ko ang baril.
I'm going to save you, Scar.
Pansin kong puro warehouse ang pinuntahan ko. Pero abandona na ito at wala ng tao. Alam ko lang na warehouse ito ng mga kahoy dahil pansin kong may nakabukas na warehouse sa kanan at nakabalandra ang kahoy doon.
May nakita akong bukas din sa kaliwa ko at dahan-dahan ko binuksan ang pinto ng warehouse at may nakita akong isang upuan na nasa gitna.
Wala nang nakaupo doon.
Wala si Scarlet dito.
Biglang sumarado ang pinto ng warehouse at may nakitang akong babae na nakatalikod at naka-mask ito na itim.
"You're here."
Familiar ang boses niya pero hindi ko alam kung saan ko ito narinig.
"Nasaan si Scarlet?!" hinanap ko ito sa sulok ng mga malalaking kahoy. at nagulat ako may malaking tao na lalaki na naka-abang sa akin. May bitbit itong baseball bat para pamalo sa akin.
"Bakit mo hinahanap ang wala, Jacey?" natatawa niyang sabi, "Akala ko ba nag-iisang babae sa buhay mo si Megan? Anong nangyari bakit wala na siya sa piling mo?" humalakhak ito pagkatapos niyang sabihin sa akin.
Tinutok ko sa kanya ang baril, "Nasan si Scarlet? Saan siya?!" giit kong sabi sa kanya at sumugod ako sa kanya pero hinirangan ako ng malaking lalaki.
"Ibaba mo yan." malamig na sabi ng lalaki sa akin.
"Masyado kang madaya, Jacey. Paano ka namin makakalaban kung idadaan mo kami sa hawak mong baril." sabi ng babae naka-mask ito pero nakatalikod pa rin ito.
"Then, fine! Anong kailangan mo kay Scarlet?!" Binaba ko yung baril at kinuha ng mga lalaki at binigay sa babaeng kausap ko.
Hindi siya makasagot.
"Ano ang kailangan mo sa kanya? Sumagot ka?!" hiyaw ko sa kanya at nag-echo ito sa loob ng warehouse.
She faces me and she's wearing leather pants and a black crop top sando—pero naka-mask ito.
"Marami akong kailangan gawin kay Scarlet para masira ang buhay mo." seryosong sabi niya.
Bakit kailangan niya pang idamay si Scarlet dito?
"Kung ako lang pala ang kailangan mo sirain bakit hindi na lang ako. Huwag mo nang idamay si Scarlet."
"You two seems pretty close." sabi niya, "Pero hindi magbabago ang isip ko. Malalaman mo rin ang katotohanan kung bakit kailangan ko si Scarlet." seryoso siya nakatingin sa akin at lumapit siya sa akin.
Akmang huhubarin ko ang mask niya kaya naman tatanggalin ko sana ang mask niya ngunit pinigilan niya ako.
"Minsan kailangan mong isipin kung sino nagtatangka sa buhay mo. Malay mo malapit sa buhay mo." I know she smirk at me but she gave me a hint.
Wala pa rin ako maisip kung sino nagtatangkang sirain ako.
Of course, my mother was busy in her clothing designs. Hindi naman niya sasaktan ang sarili niyang anak. And, I have a step sister pero nasa London siya. Busy sa kompanya niya. Even though we're not close, I think hindi naman gagawin ito sa akin.
But her voice. It's so familiar.
Siguro kapag napakinggan ko ulit ang boses niya personal. Maalala ko ito.
"Hindi pa rin ba mahulaan?" natatawa niyang sabi.
May napansin akong may dumating na lalaki at binulungan ang babaeng kausap ko.
"I'll leave. Mukhang nagtawag ka ng back up." sabi niya at nagulat ako sa paghagis ng baril niya sa akin. Pinaikot-ikot niya paghagis sa akin ng baril.
Iniwan ako mag-isa sa loob ng warehouse na puno ng mga kahoy. Buti na lang wala silang ginawa sa akin.
Nakahinga ako ng maluwag. Ilang sandali lamang dumating ang mga police.
"Mukhang suspect 'to..." rinig ko sa mga pulis, "May hawak na baril oh! Taas ang kamay!" sabi sa akin ng pulis at sinamaan ko lang ng tingin.
"I have the right to tell you na lisensyado ang baril ko. And, I am the one who called the police a while ago." bored kong sabi at inipit ko sa likuran ko yung baril.
"Paano kami makakasigurado na ikaw 'yon?" wala talagang alam itong pulis na kinakausap kong lalaki.
"Anong kaguluhan nagaganap dito?" biglang dumating si Chief Anthony at nakipagkamayan ako.
Umalis na ang lalaking na balak pa akong akusahin, "I'm sorry for the wrong accused of my police, Miss. By the way, ako nga pala ang may hawak sa kaso ni Ms. Scarlet de Guia. Balita ko nakidnap siya tama ba ako?" sabi ni Chief at tumango ako.
"Yes, but she's not here." pag-alalang kong sagot sa kanya.
"Kasama ko nga pala ang detective para maimbestigihan ka sa pangyayari kanina. Miss?" paghihintay niyang sabihin ko ang apelyido ko.
"Erevalo." tipid kong sagot and I folded my arm. Biglang lumapit si Detective Chan na may hawak itong maliit na notebook.
"Miss Erevalo, Si Detectice Chan ang makakausap mo. Maiwan ko muna kayo." sabi ni Chief Anthony at tuluyang kinausap ang lalaki kanina na inakusa ako. Kanina pa siya panay tingin sa akin. Gusto pa siya magsorry sa akin.
"Hello, Miss Erevalo." nakipagkamayan siya sa akin at gumanti naman ako.
"Hello, Mr. Chan." sabi ko sa kanya.
"Ikwento mo sa akin ang tungkol sa nangyari kanina no'ng sumugod ka na walang back up. Pero bago 'yon, huwag mo nang uulitin gawin 'yon. Mukhang delikado at kailangan namin protektahan ka dahil isa ka sa mga biktima."
"I'm sorry. I just want to save her." at tinapik niya ako sa balikat.
"Pwede mo na sagutin ang tanong ko." Naghihintay siyang sagutin ko ang mga tanong niya. He was holding a pen na pinaikot-ikot ang ballpen nito.
"Binantaan kami ng isang babae naka black mask. Gusto niya masira ang buhay ko. She was trying to ruin my life together with Scarlet." pag-alala kong sabi sa kanya.
"Mayroon ka bang kamag-anak o sabihin na natin malapit sa buhay mo na nagtatangkang masira o sirain ang buhay mo?" tanong niya.
"Wala ako maisip." sabi ko sa kanya.
"Nagtatrabaho ka?" tumango ako sa tanong niya, "Anong trabaho?" sunod niyang tanong.
"CEO ng CLOUDD Entertainment." sagot ko at nagulat siya.
"Sa tingin mo ba lahat sila ay masaya sa posisyon mo?" tanong niya.
"I'm sure everyone likes me as their CEO. I don't want to lose their trust in me."
Matatagalan pa kaya ako dito? Kailangan ko nang mahanap si Scarlet.
"Is there any problem, Miss Erevalo?"
"About Scarlet... kumikilos ba ang mga pulis?" tumango siya.
"Hinahanap kanina pa si Ms. de Guia noong dinakip siya sa labas ng hospital kanina lang. Nireport ito ng mga nakakita sa kanya. Meron kaming CCTV footage na hawak." sabi niya sa akin, "Go back with a question, ka-ano-ano mo si Ms. de Guia?" tanong niya sa akin.
"She's my girlfriend." kita kong nagulat siya sa sinabi ko.
"Oh! Girlfriend. Meron ka bang idea kung bakit nadamay siya?"
"Malalaman ko raw ang katotoohan sa tamang panahon." sabi ko sa kanya and she take note what I said.
"Kapag nakita na si Ms. de Guia ngayon, Inimbintahan ko kayo bukas para isagawa ang sketch ng suspect." sabi ni Detective Chan sa akin at tiniklop niya ang notebook na hawak niya.
"'Yon lang ang itatanong ko. Paalam, Ms. Erevalo." nakipagkamayan siya sa akin at umalis na siya pagkatapos makipagkamayan sa kanya.
Tiningnan ko ang aking phone at patuloy pa rin ako sa pagtawag sa kanya. Baka sakaling sagutin niya.
Please sumagot ka.
Pero gano'n pa rin wala pa rin sumasagot.
Sinara ko ang aking phone at binibit ang susi para buksan ang kotse ko. Pumunta ako sa kotse ko. Binuksan at umupo ako sa driver seat para magsimula na ako magmaneho.
Kahit saan man ako magpunta, hahanapin pa rin kita.
Patuloy pa rin ako sa pagtawag sa kanya pero out of coverage na ito. Balak kong pumunta sa baryo ng Pampanga baka may nakilala sa kanya.
Pagkarating ko, pinarada ko yung kotse ko at nagsimula na magtanong sa mga nagtitinda ng prutas.
Lumapit ako sa matandang ale at binuksan ko ang aking phone. Pinakita ko ang picture ni Scarlet.
"'Nay! Pwede magtanong?" tanong ko sa kanya habang busy sa pag-aayos ng mansanas.
Tumingin siya sa akin ng maigi habang hawak niya ang eyeglasses ito.
"Ano yon?" tanong niya.
"May nakita po ba kayo na babaeng matangkad kulay brown ang buhok?" tanong ko at binaba niya ang eyeglasses. Pinunasan niya ito gamit ang kanyang damit. Sinuot niya ang kanyang salamit ulit.
"Kay ganda naman ang babaeng ito." kinuha niya ang aking phone, "Maganda diba?" tanong niya sa kasama niya nagtitinda.
"Oo nga." sabi naman ng kasama niyang babae. Kasama siguro sa pagtitinda niya.
"'Nay! Nakita mo ba 'yang babae? Familiar ba?" tanong ko sa kanya at umiling ito.
Sinauli niya ang aking phone, "Wala akong nakitang babae dito. Sa Pulis ka magtanong. Huwag dito." turo niya sa isang kotse na nakaparada sa gilid. Nahuli ko sila nakatingin sa akin.
Sinusundan nila ako kaya naman lumapit ako sa kanila at kinatok ko ang bintana para ibaba ito.
Binaba nila dahan-dahan ang bintana ng kotse, "Bakit niyo ko sinusundan?" tanong ko.
Familiar ang lalaki ito. Siya yung lalaking pinagalitan na muntik na ako bintangan na suspect ako. May sinama rin siyang kasamang pulis.
"Bilin sa amin ni Chief Anthony na sundan ka namin." napakamot sa ulo ang pulis na nagbintang sa akin ng masama, "Sir Romero pala ako at kasama ko naman si Sir Javier." pagpapakilala niya sa akin.
"Please help me to find Scarlet." sabi ko sa kanila at napatingin sila sa isa't isa na parang tutol sila sa pagtulong sa akin.
"May mga detective na po pinadala para hanapin si Ms. de Guia." sabi sa akin ni Romero at nagdahilan ito ng pagkakunot-noo ko.
"I guess. Ako lang naman may gusto gawin ito." sabi ko sa kanila.
"Hindi naman sa gano'n ma'am. May tiwala lang kami sa detective namin. Diba?" siniko ni Romero si Javier.
"Basta, hahanapin ko siya." sabi ko sa kanya.
"Ka-ano-ano niyo po ba si Ms. de Guia? Diba last name niyo Erevalo? Hindi naman kayo magkapamilya diba?" sabi ni Javier at tinaasan ko siya ng kilay.
Ano nga ba kami?
"Kaibigan ata." mahinang sagot ko sa kanila.
Nagkatinginan silang dalawa at mukhang hindi sila naniniwala, "Umuwi na lang kayo, Ms. Erevalo." sabi ni Romero sa akin.
"Bahala nga kayo."
Hinayaan ko sila at nagpatuloy ako sa paghahanap kay Scarlet. Ilang sulok ng Pampanga, hindi ako susukong hanapin siya. Pagkatapos ko hanapin siya sa baryo, naka-abot ako sa tabi ng SM Pampanga dahil sa paghahanap. Sinusundan pa rin ako nina Romero at Javier pero wala akong pakialam basta mahanap ko siya. Kahit hindi na ako pinapansin ng mga tao dahil sa paghahanap kay Scarlet, hindi pa rin ako sumusuko.
Kumalam ang tiyan ko at kailangan ko nang kumain. Kahit CEO ako ng CLOUDD hindi naman ako maarteng kumain sa tabi-tabi basta biscuit lang kakainin ko. Kumuha na rin ako ng softdrinks pampatanggal ng gutom para busog na ako.
Tapos na akong kumain biglang nagring ako phone ko.
"SI SCARLET!" maligaya kong sabi sa kanya at pinakita ko kay Romero at Javier ang phone ko habang sinasabi ko ang pangalan ni Scarlet sa kanila.
Lumabas sila at pumunta sa akin.
"Scarlet, saan ka ba? Hindi kita mahanap?" nagkunwari ako na naiirita pero totoo napakasaya ko dahil narinig ko ang kanyang boses.
"Anong location ng bahay niyo?" sabi ni Scarlet pero may kasama siya.
"Ako ba kausap mo?" rinig kong boses lalaki ang nagsalita.
Sino kaya kasama niya?
"Hindi siya."
"Malamang ikaw." pinolosopo pa nga ni Scarlet.
"Eto naman hindi mabiro."
"145 San Lucerne Valley Brgy. South, Pampanga." mabilis na sabi ng lalaki at binabaan ako.
"Narinig niyo 'yon?" sabi ni Romero sa akin.
"Tinatanong mo pa ako. E, ang bilis niya magsalita." mga wala talagang kwenta kasama 'tong mga pulis.
Hinayaan ko sila magtalo at sumakay na ako sa sasakyan ko para pumunta sa sinabing address ng lalaki. Nirecord ko yung call kaya pinakinggan ko yung address. Nang malaman ko ang address nilagay ko sa route ng sasakyan ko.
Ilang sandali nakarating na rin ako sa mismong address, dali-dali akong lumabas ng kotse ko. Napailing na lang ako dahil sinundan pa rin ako nila dito.
Kumatok ako sa gate, "Tao po!" sigaw ko at may lumabas na matandang babae.
"Sino sila?" sambit niya.
"Ako po si Jacey. Girl—Kaibigan ni Scarlet po." nadulas ako sa pagkasabi.
"Talagang magkaibigan kayo? Ipakita mo sa akin ang litrato na magkaibigan kayo?" striktong sabi ng matandang babae sa akin.
Naghanap ako sa aking phone na pictures naming dalawa ni Scarlet pero ni isa wala ako mapakita. Puro litrato niya lang sa instagram ang pinapakita ko kanina no'ng hinahanap ko siya. Wala kami masyadong picture sa isa't isa.
"I'm sorry. Wala kaming picture na magkasama pero kaibigan niya po talaga ako." sabi ko sa kanya.
Biglang dumating ang matandang lalaki na mukhang asawa niya ito, "Hayaan mo na. Mukhang katiwala-tiwala itong tao na 'to." inakbayan ang asawa niya.
"Kaya sinasabi ko huwag magtitiwala. Alam nang maraming ta—"
"Hay na 'ko, asawa. Walang magagawa sa pagdududa mo. Mukha rin naman mayaman itong kaibigan ni Scarlet. Wala naman itong masamang balak." sabi ng matandang lalaki sa kanya.
"Naninigurado lang ako. May mga tao talagang pagduduhan mo." sabi ng matandang babae.
"Magkaibigan po kami at may kasama rin akong pulis." lumingon ako sa likuran ko at pabalik na sila papalabas ng gate, "Halika na! Tinatawag ko kayo." napahinto sila at napakamot-ulo sila.
Lumapit ang mga pulis na kasama ko at mukhang naniwala naman ito.
"O siya! Naniniwala na ako." Sabi ni matandang babae sa akin, "Meron akong meryenda kumain muna kayo habang hinihintay si Scarlet at Ian." nilapag niya ang banana cue stick sa plato.
Nakatingin lang ako sa gate habang hinihintay ko si Scarlet. Pero ni isa hindi pa ko kumakain. Siguro mamaya na kapag magkasama kaming dalawa.
Hindi ako makapaghintay kaya naman inayos ko ang make up ko. Para kapag nagkita kami fresh ako.
"Wow, pre! Nag-aayos si Ms. Erevalo." binalewala ko lang sinabi ni Romero kay Javier.
"Nagpapaganda siya kay Ian." tukso ni Javier sa akin.
Natawa na lang ako kasi 'di nila alam na lesbian ako. Nagpapaganda ako kay Scarlet.
Inihain din kami ng tubig ni lola sa akin, "Maraming salamat po sa pagsagip kay Scarlet. Utang na loob namin po yon. Pasensya na po sa abala." sabi ko at tumayo ako para ayusin ang coat ko.
"Nandyan na pala sila."
Napalingon ako dahan-dahan at masilayan si Scarlet.
Biglang kami lang nandito ni Scarlet at napatigil ako dahil kumakabog ang aking puso.
Parang kailan lang nagkita ko pero parang unang araw lang namin magkita at na-love at first sight ako sa kanya.
Hindi pa rin kumakalma ang aking puso. Marami akong gusto gawin sa kanya.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya, "Pasensya na nahuli ako para sagipin kita. Pero nandito na ko." sabi ko sa kanya at kumalas ako sa pagkakayakap.
Pero isa lang ang nais kong gawin.
Hinalikan ko siya.
Pagkatapos tumingin ako sa kanya at iniwan ko siya mag-isa.
I know it's just my surprise to her pero nanatili pa rin siya nakatulala.
"Bading..." natawa ako sa nabanggit ni Ian.
Of course, we are.
Sumakay na kami sa kotse at may pinadala si Aling Rosario na kumot sa akin dahil malamig. Nagpasalamat siya.
Napansin kong tinaklop niya ito at tinulungan ko siya.
"Bibisita po ako sa susunod po. Salamat po pagsagip sa akin kahit sandali lang po tayo nagkasama." sabi ni Scarlet sa kanila at kita kong ngumiti sila at kumaway.
"Aalis na tayo." hudyat ko.
"Paalam po." pagpapaalam ni Scarlet. Kumaway din sila bilang pagpapaalam.
Nagsimula na ako magpaandar ng kotse.
Hinawakan ko ang kamay niya at nakita kong napangiti siya.
"You miss me?" tanong niya.
"Hindi ah." I lied while holding her hand.
Kakalas sana siya sa pagkahawak ko ng kamay ngunit hinawakan ko ng maigi ang kanyang kamay.
"Ayong bumitaw ka sa paghahawak ko." I was hiding my smile in hand na nakapatong ang siko sa bintana. Kita kong ngumiti siya at nagulat ako.
Hinalikan niya ako sa pisngi habang nagdadrive.
"What was that for?" sabi ko at umiling lang siya.
"Ano nga?" kiniliti ko siya sa tagiliran at akmang gagantihan niya ako.
"I'm drivi—" tumawa ako kasi alam kong kikilitiin niya ako, "I'm driving, Scar." nagfocus ulit ako sa pagdadrive ko.
Pasalamat siya NLEX utong dinadaanan namin kaya smooth lang ang pagdadrive ko.
"Scar talaga? Ikaw lang ang tumatawag sa akin ng ganyan." napangiti ako sa sinabi niya.
"May naisip akong pick-up line." sabi ko sa kanya at tumingin saglit sa kanya.
"Wow. May baon na pick up line." puri sa akin ni Scarlet sa akin. I flip my hair syempre Ipagmamayabang ko ang pick up line ko.
"Siyempre ako pa." natawa siya.
"Sige nga pakinggan ko nga pick-up line mo." humarap siya sa akin.
"Scar ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Bakit?" tugon niya.
"Even if you leave me a scar on my heart, I will stay with you forever." then after, kinindatan ko siya.
"Ang tamis naman." ngiti niyang sabi sa akin.
"Sure ka ba mananatili ka sa tabi ko?" umiwas ako ng tingin.
Is she referring to the topic we discussed yesterday? Tungkol sa hindi niya ako paninindigan?
Kasi hindi ako mananatili sa tabi niya kung hindi niya ako paninindigan.
"Bakit?" nanlumo siya at kumalas siya sa pagkahawak ng kamay niya sa akin.
"Are you ready to talk about 'us'?" tanong ko sa kanya at tumingin siya sa kanan niyang bintana.
"Yes, but can you take me somewhere? Doon tayo mag-usap." seryosong sabi niya. I can sense that she wanted to say something but couldn't.
"Sure."
Tahimik lang kami bumyahe at nakarating kami sa Morong Beach Resort sa may Bataan. Alam kong malapit lang ito sa Pampanga kaya naisip kong dito muna kami magstay.
Bukas na lang kami luluwas ng Maynila.
Gusto rin siyo masolo kahit patuloy pa rin kami sinusundan nina Romero at Javier.
Pinarada ko ang kotse ko at nauna ako para kausapin ang receptionist ng beach resort.
Winelcome naman ako ng receptionist since kilala na ako dito dahil nakapunta na ako dati kasama ang ex ko. I don't want to mention her name since we broke up and she is now not exist in my life anymore.
Ang sabi ng receptionist sa amin na dalawa na lang ang vip room na pwedeng ireserve kaya naisip ko na tig-isa kami pero bigla kong naalala si Romero at Javier. Siguro pwede naman kami sa isang bedroom ni Scarlet. Ibigay na lang sa kanila.
And we ended up here in the sand nearly in the ocean. We are watching the sun come down.
Tumingin ako kay Scarlet na yakap niya ang kanyang binti habang pinapanood ang paglubog ng araw.
Nagkatinginan kaming dalawa pero hindi kami parehas ng emosyon. Kita kong ang lungkot ng mga mata niya.
Bakit ang lungkot niya?
"Nasa coma pa rin ng Inay. Mag-iisang taon na pero bumubuhay na lang sa kanya ang oxygen. Pero hindi pa rin ako sumusuko. Baka sakaling magising siya at makasama siya." pagkwekwento niya.
"She's strong woman. Alam ko gigising siya. Magtiwala ka." pagcocomfort ko sa kanya.
"Naalala ko may napanaginipan ako." she paused it and lumapit siya sa akin hawak ang aking kamay, "Sabi sa akin ng inay kung magmamahal ako sa isang katulad mo, paninindigan kita. Mamahalin ng buo. Kahit alam kong natatakot ako sa mangyayari pero wala na dapat ako pakialam do'n. Basta sundin ko lang ang puso ko. Ngayon napagdesisyunan ko..." hinaplos ang aking mukha.
"Kahit lahat ng tao tutol sa pagmamahalan natin. Kahit anong mangyari sa atin, mamahalin pa rin kita, Jacey."
Hinalikan niya ako pero nakita kong lumuha siya. I can feel her sadness.
Pinunasan ko ito, "Are you sure? You wanna take a risk?" tanong ko sa kanya.
"Yes. I am willing to take a risk with you."
Ngumiti siya.
Kilala kita. Hindi ganyan ang ngiti mo, Scarlet.
Like it? Add to Library! Don't forget to leave some votes and comment on my story. If you have time, follow my social accounts below:wattpad: @leavamarie ; dreame: @leavamarie ; twitter: @leavamarie