webnovel

Chapter 50

Isang malakas na sampal ang natanggap ni Allena dahilan upang mapahiga ito sa maliit na higaang iyon.

"D*monyo ka Alejandro, pinakain ka at binihisan ng pamilya namin ngunit ito pa ang isusukli mo? Para saan? Sa pera at kapangyarihan?" Gigil na sumbat ni Allena. Bakas sa maganda niyang mukha ang galit at pagkamuhi sa lalaki. Ngumisi lamang ito at tinapik ang pisngi ni Allena na agad din naman niyang iniwasan.

"Tsk. . . Kasalanan mo din naman, di ba? Kung hindi ka umibig sa lalaking yun, hindi tayo aabot sa ganitong sitwasyon, ako sana ang naging ama ng una mong supling. Pero ano? Pinaasa mo ako at itinapon na parang basura." Wika naman ng lalaki at napalatak naman si Allena.

"Baliw ka na." Asik pa niya at tinalikuran na ito.

"Baliw na kung baliw. Hindi ba't napaniwala ko silang lahat na patay ka na? Wala silang kaalam-alam, lalo na ang b*bo mong asawa." Nankangising wika ni Alejandro na animo'y nakakaloko. Hindi na ito pinansin ni Allena at agad nang ipinikit ang kaniyang mata. Nang makita ni Alejandro ang kawalang-gana nitong kausapin pa siya ay agad na niyang nilisan ang kwarto nito at ikinandado ang pinto.

Muling nagmulat ng mata si Allena at napangiti. Alam niyang nagtagumpay siya na mailabas ang batang babaeng iyon. Naway makaligtas ito at mapulot ng may mabubuting loob. Hindi niya alam kung saan ito napadpad ngunit isa lamg ang panalangin niya, ang makalayo ito at hindi na kailanman makabalik pa sa impy*rnong lugar na ito.

Samantala, maagang nagising kinabukasan si Mira para ihanda ang baon nila. Sa pagkakataong ito at tatlong bento box na ang ihahanda niya. Pakanta-kanta pa siya habang inilalagay sa bento ang mga pagkaing kaniyang naluto. Linggo nang araw na iyon ngunit may mahalagang pagpupulong si Sebastian sa opisina at doon na lamang sila tatambay para samahan ito.

Matapos nag paghahanda ay tinungo na niya si Aya sa kwarto nito at pinaliguan. Mag-a-alas syete na nang matapos maihanda ni Mira ang lahat. Naghihintay sila pareho sa sala nang bumaba si Sebastian galin sa kwarto nila.

Pagdating sa Saavedra Corps ay agad na din silang dumiretso sa opisina ni Sebastian. Napatingin naman sa kanila ang mga empleyado nito pag-akyat nila dahil na din sa pagkagulat. Iyon kasi ang unang pagkakataong dinala nila si Aya sa opisina ni Sebastian kaya naman halos malaglag ang panga ng iba habang nakatingin sa kanila.

Pagkapasok nila sa opisina at pagkasara ng pintuan ay agad naulinigan ni Mira ang mga bulung-bulungan ng mga ito. Napahagikgik naman siya saka lumapit kay Sebastian at bumulong dito. Napataas naman ang kilay ni Sebastian at pinitik ang ilong ni Mira. Mayamaya pa ay naging abala na si Sebastian sa trabaho nito at si Mira naman ay tahimik lang na inaalagaan si Aya. Habang matiyaga silang naghihintay sa loob ng opisina ay nagulat sila nang biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa kanila ang madrasta ni Sebastian kasama ang isang babaeng kulay blonde ang buhok. Matangkad din ito na mapagkakamalan mong isang modelo. Malalantik ang pilik-mata nagkukubli sa maladiyamante nitong mga mata.

"Nandito ka na naman? At nagdala ka pa talaga ng isang bastarda. Tama nga ang narinig ko, hindi mo lang inaakit si Sebastian kundi ginagamit mo din ang katawan mo para pasundin ito." Nakataas ang kilay na sumbat ng madrasta ni Sebastian. Napasimangot naman si Mira at bahagyang binulungan si Aya bago niya harapin ang babae.

"Excuse me po, pero hindi naman yata tama ang magsalita kayo ng ganyan sa harap ng bata. At isa pa, legal akong asawa ni Sebastian at kahit anong gawin ko ay naayon iyon sa batas. Sa tingin mo naayon ba sa batas at moralidad ang pag dadala mo ng mga babae rito kahit alam mong mga asawa na si Sebastian?" Mahinahong wika niya na lubhang ikinagalit nito.

"Hindi naman yata tama na basta-basta na lamang kayong pupunta rito at magdadala ng kung sinu-sinong babae at ako ang sasabihan niyong malandi?" Dagdag na tanong pa niya.

"At ano ang nais mong iparating? Huwag mong ikukumpara si Denise sa iyo. Galing sa mayamang pamilya si Denise hindi katulad mo na napulot lang ni Sebastian sa lansangan." May pagmamayabang na wika nito na ikinatawa naman ni Mira. Napatingin siya sa babaeng kasama nito at matamis na ngumiti.

"Kung iyon po ang tingin niyo ay wala akong magagawa. Hindi ko na kayo ihahatid sa labas. Kung ako sa inyo, lalabas na ako bago pa dumating si Sebastian." Wika niya at tinalikuran ang mga ito. Hindi pa man din siya nakakalayo sa mga ito ay naramdaman na lang niya ang pagtama ng isang matigas na bagay sa kaniyang likuran at ang pagkabasag nito matapos lumapag sa sahig. Nilingon niya ang mga ito at doon niya nakita ang vase na nagkapira-piraso na.

"Ma'am Mira, ayos lang ba kayo?" Tarantang tanong ni isang sekretarya ni Sebastian na nakakita ng pangyayari. Agaran ang pagdalo nito sa kaniya at doon napansin ng sekretarya ang basang damit ni Mira.

"Ma'am Mira, magpapakuha ako ng pampalit niyo, saglit lang po." Wika nito at agad na tumakbo palabas ng opisina. Pumasok na din ang ibang sekretarya ni Sebastian at doon na nagkagulo ang mga ito. Pinagmumura ng madrasta ni Sebastian ang lahat ng taong pilit silang pinapaalis at maging ang babaeng kasama nito ay tila ba napahiya ng husto.

"Hindi niyo ba ako kilala, anak ako ni General Lino. Subukan niyong hawakan ako at ipapatanggal ko kayong lahat sa trabaho ninyo." Singhal ni Denise habang iniiwasan ang mga sekretaryang nais silang palabasin.

"Ma'am umalis na po kayo bago pa dumating ang mga security dito. Mas hindi niyo magugustuhan kung sila ang sapilitang magpapalabas sa inyo. At wala din kaming pakialam kung anak ng ng kung sinong General. Isa lang ang boss namin at yun ay si Sebastian Saavedra. Kung mapapatalsik man kami, si Sir Sebastian na ang huhusga nun." Sambit naman ng isang sekretarya at walang habas nitong itinulak palabas ng opisina.

Napatda lang naman ang tingin ni Mira sa mga ito habang yakap-yakap na na niya ang natatakot na si Aya.

"It's okay Aya. Ayos lang ako." Wika niya sa bata at tumango naman ito habang nagpapahid ng luha. Batid niyang natatakot ito sa mga ugaling ipinakita ng madrasta ni Sebastian at ng babae nitong kasama.

"Mama, sino po sila?" Tanong ni Aya at napangiti naman si Mira.

"Kamag-anak ng Papa mo, huwag ka nang matakot, hindi ka naman nila sasaktan. Di ako papayag. " Wika ni Mira at niyakap si Aya. Nang dumating si Sebastian ay agad naman niyang kinausap si Mira at tiningnan ang kalagayan nito.

"Hindi naman ako gaanong nasaktan. Don't worry Bastian, hindi na man ako nagpa-api sa kanila. " Nakangiting wika niya at agaran siyang niyakap ng binata. Bahagya nitong hinaplos ang likod ni Mira bago ito pakawalan.

"Tapos na ba ang meeting mo?"

"Oo, let's go home." Sambit niya at napangiti naman si Mira. Nang makauwi na sila ay agad ding nagpahinga ang mag-asawa habang nasa kabilang kwarto naman si Aya kasama ang Yaya nito.

"Kilala mo ba yong Denise?" Twnong ni Mira. Bahagyang tumango si Sebastian habang hinahaplos ang buhok ni Mira.

"Mmmm. . . Minsan ko na siyang nakita sa isang party but we are not acquainted. Are you jealous?" Tanong ni Sebastian at agad na pinamulahan ng pisngi si Mira.

"No." Kaila niya at natawa naman si Sebastian. Agad naman niyang dinampian ng halik sa labi si Mira at napangisi.

"It's alright if you are jealous. You are my wife and it is your right." Wika pa nito.

Next chapter