webnovel

Chapter 45

Matapos ang tagpong iyon ay tila ba pinagtabuyan pa siya ng kaniyang abuelo na sumama na kay Gunther. Mangiyak-ngiyak na nilisan niya ang mansyon at sumakay na sa sasakyan ng binata bitbit ang kaniyang maleta.

"What's with that face? You already agreed to go with me as long as your grandpa agrees." Nakangising wika ng binata. May pilyong ngiti na namumutawi sa gwapo nitong mukha na lalong ikinainis ni Veronica.

"I feel so betrayed." Hinaing ni Veronica na ipinagkibit-balikat lang naman ni Gunther. Pagdating nila sa Villa ni Gunther ay muling napasimangot si Veronica. Hindi na bago sa kaniya ang mga ganito kagandang Villa at lalong hindi na rin naagaw ng mga ito ang kaniyang atensyon.

Sumalubong naman agad sa kanila ang katulong na siyang kanina ay tinawagan ni Gunther bago pa man sila bumiyahe. Mabilis na kinuha ng mga ito ang mga bagahe sa likod ng sasakyan at pumasok na sila sa villa ni Gunther.

"Where's my room?" Tanong agad ni Veronica at napaangat ang kilay ni Gunther.

"Here." Sagot ni Gunther sabay bukas ng pintuan ng master's bedroom.

"You mean, we are staying on the same room?" Maang na tanong ni Veronica at namaywang ito habang nakatitig sa binata.

"Exactly my point. At saan ka nakakita ng mag-asawa na magkaiba ng kwarto. Even Mira and Sebastian shared the same room, the same bed under the same blanket. " Wika nito at tuloy-tuloy na pumasok sa kwarto.

Gigil na napabuntong-hininga naman si Veronica. Sa huli ay wala din siyang nagawa kundi ang sumunod dito. Lihim na napangiti naman si Gunther nang makita si Veronica na nakasunod na sa kanya.

"Are you hungry? I'll have the kitchen prepare for something. "

"Wala akong gana. Magpapahinga na ako. Sa dami nang nangyari ngayon what I need is rest." Masungit na wika ni Veronica at kumuha ng damit bago tinungo ang banyo na nasa kabilang dulo lamang ng kwarto nila.

Hinayaan lamg naman siya ni Gunther at minabuti na nitong tunguin ang kanig study room upang ipagpatuloy ang naiwan niyang trabaho.

Agad din namang nakatulog si Veronica nang lumapat ang kaniyang katawan sa higaan ng binata. Ang buong akala niya ay hindi siya makakatulog ngunit mali na naman siya. She felt unbelievably comfortable. She slept so soundly that she didn't even notice that Gunther came back and took a shower. Ni hindi Din niya naramdaman ang pagtabi nito sa kaniya.

Kinaumagahan, halos payakap na sinalubong ni Veronica si Mira. She cried and complain to her.

"Anong nangyari Vee?"

"Your adopted brother trapped me!" naiiyak na wika ni Veronica na animo'y isang batang nagsusumbong sa kaniyang ina. Napakunot naman ang noo ni MIra dahil hindi niya maunawaan ang pinagsasabi ng kaniyang kaibigan.

"Si Kuya Gunther? Anong ginawa niya?" Tanongni Mira at doon isinalaysay ni Veronica ang buoong pangyayari kahapon.

"I swear I only told him 'I think I am pregnant' and guess where he brought me? He brought me into that d*mn city hall and got us registered for marriage. He should have brought me to the hospital first." Nagrereklamong salaysay ni Veronica at humagalpak ng tawa si Mira.

"I'm sorry Vee, but when did this happen?" tanong ni Mira habang kinokontrol ang sarili na hindi matawa. Napabuntong-hininga si Veronica at doon niya isinalaysay sa kaibigan ang mga pangyayari noong gabing napaaway sila sa isang KTV bar. At kung paano sila humantong sa kasalukuyang sitwasyon nila.

"You mean, you are legally married to my brother? That means we are sisters-in-law now?" Napapalakpak pa si Mira nang tukuyan nang nag sink-in sa utak niya ang mga nangyari. Nagkatinginan sila ni Veronica at maging ito ay nanlaki ang mga mata. Sabay silang napatili at napayakap sa isa't-isa sa sobrang kagalakan.

Kinahapunan ay masayang ibinalita ni Mira kay Sebastian ang magandang nangyari sa pagitan ni Gunther at Veronica. Maging si Sebastian ay nagulat sa ibinalita nitosa kaniya at hindi naman mapigilan ni Mira ang hindi matawa kapag naalala nito ang mukha ni Veronica na animo'y natalo sa isang pustahan.

Napatulala lamang si Sebastian habang nakangiting pinagmamasdan si Mira na noo'y pinipigilan ang kaniyang sariling hindi matawa. Napasinghap naman si Mira nang bigla siyang hatakin ni Sebastian at napasubsob siya sa dibdib nito.

Pagtingala niya ay nakita niyang nakatingin ito sa kaniya at halos lumundag ang puso niya nang bumaba ang mukha nito sa kaniyang mukha. Paglapat ng mainit nitong labi sa kniya ay naramdaman niya ang banayad na paggalaw nito na halos ikabaliw ng kaniyang sistema.

"You talk to much..." Sambit ni Sebastian habang patuloy na kinikintalan ng halik ang pisngi ni Mira. Napapahagikgik naman si Mira dahil sa nakikiliti ito sa ginagawa ng binata.

"Why, are you bothered?" Tanong nito habang umiiwas sa binata.

"Not really. I found it cute though," nakangiting tugon naman ni Sebastian. Iniipit nito ang buhok ni Mira sa likod ng tenga nito at may kung ano itong ibinulong sa dalaga. Bigla namang nag-init ang pisngi nito at marahas na hinampas si Sebastian sa dibdib.

"OUch!" Maarteng sigaw nito habang natatawa.

"Bastian, you are so gross!" nakasimangot na usal nito at lalong natawa si Sebastian. He loves teasing her. Her reactions are so priceless that he gets addicted every time.

In the midst of their laughter, biglang tumunog ang cellphone ni Sebastian. Hindi sinadyang napindot ni Sebastian ang loudspeaker at umalingawngaw sa buong kabahayan ang boses ng tumawag.

"Sebastian, kamusta. I bet you were enjoying your time with your beautiful wife?" Wika ng isang lalaki sa kabilang linya. Napakunot naman ang noo ni Sebastian at tinitigan ang kaniyang cellphone. Hindi nakareguater ang numerong iyon ngunit kilalang-kilala niya ang boses nito.

"Mr. Kristoff, what is it do you want?"

Isang malutong na m*ra ang bintiwan nito at napangisi si Sebastian. Alam niyang nanggagalaiti na ito sa sobrang galit dahil sa ginawa niyang pagharang sa mga produkto nito sa Malaysia.

"You know what's the reason I called you Sebastian, spare me that bullsh*t!"

Pagak na tumawa si Sebastian habang hinahaplos ang buhok ni Mira.

"That's your punishment Antonio. You have been warned before and you did it again. Pasalamat ka at hindi ko pinasabog ang warehouse mo sa Malaysia. One more wrong more and you'll know the consequences." Babala ni Sebastian at agaran din pinatay ang cellphone.

"Yun ba ang kuya ni Dylan?"

"Yes, Mira you have to stay away from him. You have to stay alert when he is around. And don't believe what ever he say to you, alright!" Maigting na paalala ni Sebastian kay Mira. Tumango naman siya at yumakap dito.

"As if he can lie to me. Nakalimutan mo yata isa sa kakayahan ko ang tukuyin kung nagsisinungaling o nagsasabi ng totoo ang isang tao," wika ni Mira at napangiti lang si Sebastian.

"Yeah, I almost forgot." Nakangisi niyang wika at muling hinalikan si Mira. Nang mga oras na iyon ay muling nanaig ang kasabikan niya sa asawa at ang pagnanais nitong muli silang mapag-isa.

That night, they showed their love to each other. Mira felt herself floating in the clouds, hindi na niya masundan kung ilang beses ba siyang dinala ni Sebastian sa alapaap at halos hindi na siya makagalaw matapos ang napakaintense na tagpong iyon. She was rob of all her strength at nagpatianod na lamang siya rito nang dalhin siya nito sa banyo.

Napabuntong-hininga lamang siya nang maramdaman niya ang mainit na tubig na yumakap sa kaniyang buong katawan. She felt all her tense muscle relaxed and she let out a satisfied sigh. Mayamaya pa ay naramdaman niya ang marahang paghagod nito sa kaniyang balat na tila ba isa siyang sanggol na pinapaliguan nito. Nag-aagaw na ang puyat at pagod ni Mira at hindi na niya napipigilan ang mapapikit dahil sa kaantukan hanggang sa nilamon na nga siyang ng tuluyan ng kadiliman.

Kinabukasan ay halos tanghali na nang magising si Mira. Araw ng sabado kaya naman hindi na siya ginising ni Sebastian. Pagmulat ng kaniyang mata ay bumungad sa kaniya ang isang katulong na tahimik na naglilinis ng kanilang kwarto.

"Ma'am good morning po. Bilin po pala ni Sir Sebastian na sabihan kayo na mag-almusal pagkagising niyo . Naihanda ko na rin ang damit niyo sa loob ng banyo at maging ang tubig sa tub." Nakangiting wika ng katulong at tumango naman si Mira bago nagpasalamat. Akmang bababa na siya ng higaan at bigla siyang natumba nang maramdaman niya ang panghihina ng kaniyang tuhod. Napatili naman ang katulong at mabilis siyang dinaluhan.

"Ma'am Mira, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito habang tinutulungang tumayo si Mira.

"Ayos lang ako Jane. Pakitulungan ako sa banyo." Nahihiyang wika niya na agad din namang sinunod ng katulong. Matapos siyang ihatid nito sa banyo ay napabuntong-hininga lang siya. Sebastian was a savage wolf. Napapailing lamang siya habang tinititigan ang sariling replesyon sa salamin.

Matapos maligo ay dahan-dahang bumaba na siya sa kusina para kumain. Sinalubong naman siya ng ngiti at magandang bati ng mga katulong na naroroon. Kapag umaga ay naroroon sila para maglinis at maghanda ng makakain. Kapag tapos na ang mga gawain nila ay doon na sila nanatili sa kanilang bahay di kalayuan sa main mansion ni Sebastian.

Next chapter