webnovel

Chapter 16

Tatlong araw ang lumipas, halos gabi na nang dumating si Sebastian sa mansyon ng mga Von Kreist. He looks ragged and tired ngunit hindi ito naging kabawasan sa kakisigan at angking kaguwapuhan nito.

"Kamusta ang lakad mo hijo?" Bungad na tanong ni Grandell sa binata.

"As usual, the old man forces me to marry someone on his side. I declined and told him I'm already married but he told me to get a divorce." Natatawang wika ng binata ngunit bakas sa mukha nito ang pagod at pagkayamot.

Napailing naman ang matanda at tinapik ang kanyang balikat.

"It will pass, tawagan mo ang abuelo mo at sabihin ang sitwasyon mo ngayon. And I advice you to double your precautions. Lalo na kay Mira. She's an easy target. Tuso ang Daddy mo lalo na ang madrasta mo. I'll have Gunther arrange someone to guard Mira."

"Thank you Gran. I already had my people move." Wika ni Sebastian at tumango naman ang matanda.

"That's good then, umakyat ka na at magpahinga." Utos nito na agad din naman sinunod ng binata.

Pagpasok niya sa kwarto ay agad na siyang dumiretso sa banyo para makaligo at makapagpalit ng damit. Halos tatlongpung minuto rin ang ginugol ni Sebastian sa paglilinis ng katawan dahil sa sobrang lagkit at duming kanyang nararamdaman. Matapos magbihis ay tinungo na niya ang kama kung saan mahimbing nang natutulog si Mira.

Mira doesn't deserve a life like this, nais niyang pagsisihan ang pagdala niya kay Mira sa kaguluhan ngunit batid din niyang ayaw niyang mawala sa paningin niya ang dalaga. What he wanted is a peaceful life with her at makakamit niya lang ito kapag naayos na niya ang gusot sa pagitan niya at ng kanyang ama.

"I'm sorry Mira." Bulong niya rito. Inayos niya ang kumot nito at hinalikan ito sa noo. Mayamaya pa ay nahiga na rin siya sa tabi nito at dagli din nakatulog.

Kinabukasan ay muling nagising si Mira na kasama na sa kama si Sebastian. Dahan-dahan siyang bumangon upang hindi ito maistorbo at bumaba na sa kusina upang maipaghanda ito ng almusal.

Nang magising si Sebastian ay wala na sa tabi niya si Mira. Mabilis niyang dinampot ang kanyang cellphone at agad na kinontak si Leo.

"Leo, kamusta ang pinapalakad ko sayo? Good. Ngayong araw lilipat na kmi ni Mira sa Penthouse. Pansamantala doon muna kami maglalagi. Yes, she needs to go back to school at mas malapit iyon sa kanyang pinapasukan. Tell, fourth brother to continue guarding Mira." Utos ni Sebastian at agaran din pinutol ang tawag.

Pagbaba niya sa kusina ay nakita niyang abala sa pagluluto si Mira. Nilapitan niya ito at niyakap ito mula sa likod. Sinamyo niya ang mabangong buhok ang dalaga bago ito pinaharap at hinalikan sa labi.

"Good morning. Bakit hindi mo ako ginising?" Tanong niya at napangiti naman si Mira.

"Alam kong pagod ka pa. Halika, pinaghanda na kita ng almusal." Aya ni Mira na tinugon naman ng binata ng isang mahigpit na yakap.

"Thank you for making me feel good Mira. " Sambit ng binata. Ramdam ng dalaga ang higpit at init ng yakap nito na marahan din niyang tinugon. Batid niya ang mga pangambang inaalala nito dahil isa-isa iyong pumapasok sa isipan niya.

"Everything will be fine. Responsibilidad ko bioang asawa mo na pagaanin ang loob mo. Sebastian, sana sa susunod, huwag puro ako. Alalahanin mo rin ang sarili mo. Ayokong isang araw magigising na lamang ako na hindi na kita makikita. Napakaikli pa lamang ng mga panahong magkasama tayo." Sambit ni Mira at natawa si Sebastian ngunit mas lalao pang humigpit ang yakap niya rito.

"I know. I will." Sagot ng binata at tuluyan na nga niyang pinakawalan ang dalaga. Akmang hahalikan pa niya ito sa labi ngunit natigilan sila pareho nang may tumikhim at mabilis silang naghiwalay.

"Gunther, magandang umaga." Nahihiyamg bati ni Mira habang pinamumulahan ng pisngi. Nakangising napatingin si Gunther sa kanilang dalawa at napailing.

"Nagluto ka?" Tanong nito na para bang wala itong nakitang kakaiba kanina. Umupo ito sa harap ng mesa at magtimpla ng kape. Napabuntong-hininga naman si Mira at tumango bago naghain ng almusal.

"Siyanga pala Gunther, lilipat na muna kmi ni Mira doon sa penthouse na pagmamay-ari ko, mas malapit iyon sa school ni Mira kaya mas convenient para sa kanya." Panimula ni Sebastian at tumango naman si Gunther bilang pagsang-ayon.

"Alright, magpapadala ako ng mga tao doon. Kinausap na ako ni Lolo regarding sa plano niyo. Let's talk about it later after breakfast. Meron akong isasangguni sa iyong mahalaga bago kayo umalis. " Wika naman ni Gunther na sinang-ayunan din naman ng binata.

Pagkatapos kumain nang dalawang bunata ay agad na din silang umakyat sa study room na pagmamay-ari ni Grandell. Kasalukuyang wala doon ang matanda dahil nagpapahinga pa ito sa kwarto nito.

"Sit down." Wika ni Gunther at nagsalin ito ng whiskey sa dalawang baso. Ibinigay naman nito ang isa kay Sebastian bago ito umikot sa mesa at binuksan ang drawer doon. Hinugot nito ang isang folder at ibinigay sa binata.

"What is it?" Tanong ni Sebastian at nagkibit-balikat lang si Gunther at umupo sa upuan.

"Buksan mo."

Binuksan naman ito ng binata at binasa ang nilalaman nito. Nanlaki ang mga mata ni Sebastian nang mabasa ito. Nakakunit ang noo niyang ibinaling ang tingin kay Gunther.

"You know how many years we've tried to look for her. Maging ako ay hindi ko inaasahan sa ganitong pagkakataon kami magkikita. It was you who brought her back to us. But, we still can't publicize it. Tulad mo, worried kami sa kaligtasan ni Mira. Nasa paligid pa rin ang sindikatong humahabol sa kanya. Alam kong alam mo na hindi ordinaryo si Mira. I've witnessed it when she tried to save my life. She has the ability to control things and foresee, just like our mother."

"We will publicize her identity soon but not now. We wanted her to become stronger before that. Kaya kita kinakausap ngayon dahil nais kung kunin ang opinyon mo. As her husband, you have all the right to know. We will try to convince her to train her body and mind." Dagdag pa ni Gunther at napabuntong-hininga lamg si Sebastian.

"I already arrange for someone to do that. You knew our fourth brother. He is in the same school as Mira. He is also Mira's guard. We are on the same line kaya wala akong tutol sa plano niyo. I also wanted her to learn and become stronger. Hindi sa lahat ng oras ay nariyan tayo para protektahan siya. She was like a fragile glass amid hard boulders and I don't feel at ease leaving her alone." Sang-ayon ni Sebastian at ibinalik sa binata ang folder.

Kinahapunan nang araw na iyon ay lumipat na nga si Mira at Sebastian sa penthouse ng binata. Hindi iyon kasinglaki ng kanilang unang bahay ngunit nakapaaliwalas ng buong lugar. Kitang-kita din sa mga bintana ang kabuuan ng siyudad. Manghang-mangha naman si Mira dahil ito ang unang pagkakataon niyang mapagmamasdan ang kabuuan ng siyudad mula sa itaas.

"Do you like it here?" tanong ng binata at tahimik namang tumnago si Mira. Nangingislap ang mga mata nitong nakatingin sa napakagandang tanawin sa labas.

"I love it." sagot ng dalaga

"That's good. Magpahinga ka na, bukas may pasok ka na. Nana Lorna will come here once every week para maglinis, so you don't need to stress yourself.

"Okay."Sagot ni Mira at tinungo na nila ang magiging kwarto nila.

Kinabukasan, maaga pa lamang ay nakahanda na sila. Si Mira ay abala sa kusina para sa kanilang baon habang nagkakape naman sa dining area si Sebastian.

"Sebastian, ito ang baon mo, ilalagay ko na sa bag mo ha. Siyanga pala nagtext sa akin si Veronica, ang sabi niya may gym class kami mamaya kaya baka ala-sais na matapos ang klase ko." Wika ni Mira habang inaayos sa bag ng binata ang baunan nito. Napatingin naman si Sebastian sa dalaga. Nakasuot ito ng simpleng puting bestida na lagpas sa tuhod nito. Habang ang mahaba nitong buhok ay nakalugay lang ay may maliit lang itong ipit na nakakabit sa kanang bahagi ng buhok nito. She looks like an adorable highschool student and not a university student.

"Ipapasundo kita mamaya kay Leo. You should wait for him, alright." wika niya at nanlaki ang mata ni Mira.

"Why leo?" tanong niya at natawa naman ang binata.

"Leo is free, kaya siya lang ang maari kung utusan. Don't worry, Leo won't hurt you."Sambit ni Sebastian.

"Okay." sang-ayon naman ni Mira. Hanggang ngayon ay naiilang pa rin siya kay Leo dahil hindi naging maganda ang kanilang unang pagkakilala. Nang dumating si Mira sa paaralan ay agad niyang nakita si Veronica na papasok na rin sa gate.

Nang magsalubong ang landas nila ay agad naman siyang niyakap ni Veronica.

"Anong nangyari sayo, bakit sabi ni Chef Matt nagkasakit ka? Ayos ka na ba? Kamusta na ang pakiramdam mo?" Sunod-sunod na tanong nito at bahagya siyang nahiya dahil dito.

"Ha? Ah Oo. Pero ayos na ang pakiramdam ko ngayon." Nakangiting wika niya at tumango naman si Veronica. Pagdating nila sa classroom ay agad din silang sinalubong ng iba pa nilang kaklase.

"Mira, mabuti naman ay nakapasok ka na. Sabi ni Chef baka matagalan ka pa. Ayos ka na ba?" Tanong ni Yumi. Tumango lang naman si Mira dahil hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi din naman kasi niya inaasahan na iyon ang gagamiting alibi ng instructor niya. Sa kabutihang palad, matapos ang maikling kamustahan ay nagsimula na ang kanilang klase. Sa pagtatapos ng unang period nila ay isa sa mga kaklase niyang lalaki ang lumapit sa kaniya at nag-abot ng isang cellphone sa kanya.

"Pinabibigay ni Kuya." Wika lang nito sabay talikod sa kaniya. Nagtaka naman si Mira dahil ito ang unang pagkakataong narinig niya itong magsalita. At sinong Kuya?

Next chapter