" Ang mga Gabay Diwata "
Previously...
Nagtungo si Magwayen sa Kan-laon upang ipaliwanag ang kanyang hakbang na ginawa tungkol sa mga gabay tao ng mga piling diwata. at tinulungan naman nina Dalikmata, Gassia at Amihan sina Olivia kung papano gamitin ang Bulaklak ng narciso.
"Kelangang sundan ng kalag ni Mia ang halimuyak ng bulaklak, dahil Hindi magtatagal ang halimuyak ng bulaklak." Babala ni Amihan sakanila.
"Papano kung Mawala na ang halimuyak ng bulalak?" tanong ni Alpia.
" Mananatili na ang kalag ni Mia sa Sulad. at di na gagana ang ginawa nating ritwal sakanya pag nabigo ang kanyang kalag sa pagbalik sa kanyang katawan " sagot ni Amihan.
habang nakilala naman nila ang isang kumpesor, na may kakayahang magbasa ng iniisip ng isang nilalang, at ano pa kaya ang kayang gawin ng babaeng ito?at ano-ano ang kakayahan ng mga Gabay diwata na binabanggit ng mga Diwata.
Di ko na papatagalin... Ito na ang karugtung mga mahal hope you will enjoy reading and dont forget to leave a comment and vote aswell. Thanks...
Right now....
Sa kuta nila Sitan, Kinausap ni Sitan ang mga gabay diwata.
" Binuhay ko kayo, at dapat susunod kayo saakin.. Ikaw bea at Nika, sa pagkakaalala ko, kayo ang pinuno.. tama ba?" Tanong ni Sitan.
" Oo, Sitan tama ka kami nga ni Bea.." sagot ni Nika.
" Ano ang nais mong gawin namin panginoon?" tanong ni Bea.
" Relax lang kayo.. Dahil malapit na ninyong makakaharap ang mga bagong tagalipon. at nais kung Paslangin nyo sila. " Sabi ni Sitan.
" Ngunit sitan ang aming mga kapangyarihan ay di namin tiyak kung taglay paba namin ang mga kapangyarihan ng mga diwata?" sabi ni Diosca.
" Ija, wag nyo akong tawaging Sitan.. nais kung tawagin nyo ko sa pangalan ng babaeng katawang ito. Tawagin nyo akong Alice.. Reyna Alice, at sa palagay nasasainyo pa din ang mga kapangyarihan ng mga diwata na gumagabay sainyo." Sabi ni Sitan.
" Masusunod reyna alice.. " sambit ni Faith.
" Magaling... ngayon may ipapagawa ako sainyo at tyak na magigimbal ang mga tao at ang mga diwata...." Sabi ni Sitan.
" Anong plano nyo Reyna Alice?" tanong ni Miguel.
" Miguel... Nais kung ikaw ang mamuno sa pagsalakay natin sa Oceana. " sabi ni Sitan.
" nanaman ? mababasa ang aking mga pakpak reyna Alice.." sabi ni Miguel.
" ang arte arte... umalis kana nga dito. " sigaw ni sitan. at umalis naman si Miguel.
" ngayon mga gabay diwata.. ganito ang gagawin natin.." sabi ni Sitan at binigyan nya ng kanya-kanyang gawain ang bawat isa sa mga myembro ng gabay diwata.
" Diosca at Faith, nais kung gumawa kayo nang malaking bagyo na sisira sa mga ari-arian at buhay ng mga tao.. " Utos ni Sitan.
" Masusunod mahal na reyna..." sagot ni Diosca at habang si faith naman ay nakayuko lang. at tinitigan ito ni sitan ngunit di naman nag tagal dahil may inutus din sya kina bea at nica...
" Kayo naman nica at bea. mag tungo kayo sa Aydendril nais kung dukutin nyo ang mga sagabal sa plano natin,.." Utos ni sitan sakanila.
" ngunit sino? panginoon?" tanong ni Nica.
" Kayo na ang bahala.. kung sino, at mas maganda kung ang magkapatid na adonis.." utos ni Sitan sakanila..
" Masusunod mahal na reyna... " sabay nilang sagot.
At agad nag tungo ang mga gabay diwata sa mga lugar na inutus sakanila ni sitan. Habang ang mga tagalipon at itinakdang engkanto ay nag aantay padin ang pag gising ni mia. at si Ian naman ay palaging iniisip ang kamukha ni Charlie. at nilapitan sya ni susmihta.
" Sa tingin ko, sya ang iyong yumaong kasintahan.." sabi ni Susmihta sabay upo sa tabi ni Ian.
" Papanot'? Ah oo nga pala.. nababasa mo ang mga iniisip ng mga tao." Sabi ni Ian.
" Pasensya na.. mukha kasing nahihiwagaan ka sa Lalaking nakilala mo. na kasing wangis ng iyong yumaong Kasintahan. " Sabi ni Susmihta.
" Gusto ko lang maka sigurado kung sya nga ba si Charlie..." Naguguluhan na si Ian.
" bakit di mo puntahan? magpaalam ka lang saiyong mga kapatid at kaibigan." Sabi ni Susmihta.
" Hindi na babalik rin ako.. di ako magtatagal" sabi ni Ian.
" Pero, nais mo bang sabihin ko sakanila kung sakaling hahanapin ka nila? " sabi ni Susmihta.
" Sge, ikaw nalang ang magpaalam saakin para sakanila susmihta.. maari ba?" sabi ni Ian.
" Walang problema yun.. Magmadali kana.. at heto bago ka umalis.. Gamitin mo ang Dahon ng mga Lagusan upang kung nanaisin mong magpunta dito sa aydendril.. maari kang gumawa ng mga lagusan kahit saan.. basta't isasara mo lang ito pagkatapos mung dumaan.." Paalala ni Susmihta sakanya.
" Maraming Salamat Kumpesor..." Sabi ni Ian.
" Sige humayo kana.." Sabi ni Susmihta. At agad nag bukas ng isang lagusan si Ian papuntang mundo ng mga mortal. Natyempuhan naman ito ni Jessel habang dumaan sya sa silid na pinaguusapan nina Ian at Susmihta. Agad lumapit si Jessel upang itanong kung saan patungo si Ian.
" Pinunong kumpesor..nais ko lang itanong saan papunta si Ian?" Tanong ni Jessel.
" Ikaw pala Jessel.. Magtutungo sya ng mundo ng mga tao.. sa mundo nyo, may nais lang syang siyasatin.." sabi ni Susmihta.
"Ah ganun ba.. halikana pinunong kumpesor, sabayan mokong kumain.." sabi ni Jessel at inalok nya ang isang Mansanas kay susmihta.
Samantala Sina Bea at Nica naman ay nasa Aydendril na sila..
" Ito na ba ang aydendril?" sabi ni Bea.
" Palagay ko ito na nga.. tingnan mo ang watawat sa kastilyong yun. " sabi ni Nica sabay turo sa tuktok ng tore. at biglang sinita sila ng mga kawal na nakabantay sa paligid ng kaharian.
" Sino kayo?" Sabi ng isang kawal.
" Kayo ba ay mga intruso??" tanong ng isa pang kawal sabay hawak sa braso ni Nica.
" Intruso (spanish )" - Intruder in English
" Bitawan mo nga ako.. di kami isang intruso.. nasasaktan ako.." sabi ni Nica habang pilit nyang kumawala sa pagkakahawak ng isang kawal sakanila.
Author's Que :
Nica - Gabay diwata ni Lalahon ang diwata ng mga bulkan at apoy.
Bea - Gabay diwata ni Haliya ang kapatid ni Bulan na syang tumalo sa bakunawa nang muntik nang tangkain ulit ng bakunawa na kainin ang huling buwan sa mundo.
" Ianuae Magicae (latin) " in English teleport
tingnan natin kung anong kapangyarihan ang kanilang taglay..
" Lapastangan ka sa mga babae.. Bitawan mo sya.." Saway ni Bea,ngunit imbes na bitawan si Nica ay pati rin sya ay hinawakan sa braso ng mahigpit.
"Mga binibini nais lang namin malaman ang inyong mga pangalan.." Sabi ng isang kawal na may hawak kay nica.
" Ayukong saktan kayo.. pero-- " sabi ni Nica at agad nyang pinaapoy ang kanyang mga palad at idinampi ito sa mukha ng kawal na humahawak sa kanya. at parang isang papel ang kawal dahil agad ito naging abo ang mukha.
" Sinabihan na kita... " Sabi ni Nica, nang makita ito ng kawal na mayhawak kay bea ay agad itong tumakbo papalayo sakanila.
" Nica.. bakit mo ginamit ang iyong kapangyarihan. pinagtitinginan na tayo ng mga aydendrilian..." Sabi ni Bea.
" Mabuti pa at tayo na.. umalis na tayo dito. " sabi ni Nica. at bumigkas ng isang kakaibang salita si Bea..
" Ianuae Magicae " At agad silang naglaho sa plaza.
At sina Faith naman at Diosca ay nag tungo sa Mundo ng mga tao upang gumawa ng isang bagyo...
" Sure kana ba Diosca ? " Nagdadalawang isip na sabi ni Faith.
" Bakit ba faith? naduduwag kaba? di mo ba naalala? ang mga tao rin ang dahilan kung bakit tayo napaslang? dahil sa kanilang pagka curiosity? pinag expermentuhan tayong apat.. Di nila alam na Hindi ito powers o magical powers.. Isa itong katangian. mga Honghang sila.." Galit na sabi ni Diosca.
Author's Que :
Diosca - Gabay diwata ni Lihangin ang diwata ng hangin.
Faith - Gabay diwata ni Haik ang diwata ng Magandang Panahon sa Karagatan.
"Oo na anong gagawin ko?" sabi ni Faith.
" Dating gawin.. Ikaw ang mag paulan faith ako ang magpapalakas ng hangin." sabi ni Diosca. At hindi sa kalayuan nakita ni Faith si Magwayen. at kinausap ni magwayen si faith gamit ang isip.
( Convo on mind )
Magwayen : Alam kung nagdadalawang isip ka.. pero nais kung sabayan mo sila sakanilang mga nais upang di tayo mahalata ng mga kalaban.
Faith : Opo mahal na diwata pasensya na..
At agad gumawa ng napakalaking Maitim na ulap si Faith at sinabayan naman ito ni Diosca gamit ang malakas na hangin.
" Aer pervius exitiabilem deleret omnes.. " Sambit ni Diosca sa Wikang latin, na ang ibig sabihin ay, Hangin na mapaminsala wasakin mo ang lahat ng iyong madadaanan. Sa isang iglap lang ay lumakas ang hangin sa paligid. Makikita mo talagang napaka bagsik ng hangin dahil ang mga halaman at mga malaking puno sa syudad ay nasisi-sayawan. Kaliwa, Kanan... ang dereksyon ng hangin.
" Malakas pa din ang ating mga kakayahan Faith... Ngayon ikaw naman. Palakasin mo ang ulan." Sabi ni Diosca.
"Sandali.. Kulang pa ito.. Dapat mas bongga...at mapaminsala.." sabi ni Faith. at ilang sandali pa ay pinakawalan ni Faith ang napakalakas na Ulan. at ang bawat patak ng ulan sa mga bubong ng bahay ay animoy mga bato ang nahuhulong dahil sa sobrang lakas.
" Ngayon antayin natin kung anong mga nakakatawang moves ang gagawin nila upang di malunod sa sarili nilang baha.. " Sabi ni Diosca sabay tawa.
Habang Sa aydendril naman, patuloy na hinahanap nina Bea at Nica ang mga tagalipon at Itinakdang engkanto. Bigo silang mahanap ito, ngunit nang marinig nila ang dalawang Katulong sa palasyo na nag uusap tungkol kina Theo at tyler.
" Kilala mo ba ang mga Bisita ng Reyna, Adora?" tanong ng isang katulong.
" Oo, Sila ang bantog na magkapatid na adonis, o mas tinatawag na tagalipon.. at balita ko yung apat na bagong kasama nila ay ang mga taga dalakit. " Sagot ng isang katulong na may kulay pulang laso sa Buhok.
" Talaga Jen, ganun ba? sandali mag dadapit hapon na.. maka hinahanap na tayo ng punong dama.. " Sabi ni Adora. habang nagmamadali silang bumalik ng palasyo sa daan, bigla silang Hinarangan nina Nica at Bea.
" Sandali saan kayo pupunta?" sabi ni bea..habang nakataas ang kilay nito.
" Sino kayo? " sabi ng katulong na si Jen.
" Dalhin mo kami sa Sinasabing Magkapatid na adonis.." Sabi ni Nica.
" Bakit sino ba kayo? " Tanong ulit ng katulong na si Jen.
" Andami mong tanong.. Matulog kana! " Sabi ni Bea, at agad nyang pina-ilaw ang kanyang mga mata, at nang tinitigan ito ng dalawa ay nawalan sila ng malay.
" Magaling Bea.. Di ka parin kumukupas.. " Sabi ni Nica.
" Syempre... ako pa ba? So ano na ang gagawin natin sa mga yan.." Tanong ni Bea,
" Ako na ang bahala... " sagot ni Nica.
" Bilisan mo.. dahil may mga aydendrilian na dadaan sa pasilyong ito.." sabi ni Bea.
" Relax.." Sagot ni Nica at agad nyang hinawakan ang mukha ni Bea at sa isang iglap lang ay naging kamukha nya ang katulong na si Jen. At ganun din ang ginawa ni Nica sa sarili tinakpan nya ang kanyang mukha ng kanyang mga palad at sa isang kisapmata naging kawangis na niya ang katulong na si Adora.
" Ang galing pati na ang mga kasuotan nila ay nakuha mong gayahin.." Sabi ni Bea. Nang biglang may tumawag sakanila na isang Lalaki.
" Adora, at Jen nandito lang pala kayo... Bilisan nyo na hinahanap na tayo ng punong Dama.." sabi ng lalaki.
" Si-sino ka?" sabi ni nica..
" Ano kaba Adora ako si Ernesto.. Hali na kayo.. nagbabaliw-baliwan nanaman kayo,," sabi ni Ernesto.
" pasensya kana Ernesto naglalaro lang kami ni Adora ng Baliw-baliwan.." Palusot ni Bea.
" Hindi kayaaa!!! " sigaw ni Nica.
" Sumabay kanalang kung ayaw mong mabuko tayo.." Sabi ni Bea.
" Hali na kayo sumakay na kayo sa Kalesa.." sabi ni ernesto at nagmamadali namang sumakay sina Bea at Nica rito.
Samantala sa Loob ng Kastiyo.. Nag aalala parin ang lahat dahil malapit na ang itinakdang oras para magising si Mia.
" Anong oras na ba?" Sabi ni Alpia.
" pag limang baliktad ko na yan sa Hourglass" Sagot ni Jenna.
" at malapit ng maubos ang buhagin sa loob bakit di pa din nagigising si Mia." Sabi ni raven. Habang Si Olivia naman ay hingal na hingal sa katatakbo papunta sakanilang silid.
" Bakit kayo hinihingal mahal na reyna.. " tanong ni Katalina,
" Magmadali kayo dahil may masamang balita sainyo ang diwatang si Dalikmata. " Sabi ni Olivia. agad namang tumayo sina, Katalina, Jenna, theo, tyler, Jessel at jake upang magtungo sa bulwagan habang sina Alpia at raven naman ay naiwan upang mag bantay sa bangkay ni Mia.
Nang marating na nila ang Bulwagan nakita nilang umiiyak si Dalikmata. sa kauna-unahang pagkakataon nakita nila si Dalikmata na umiiyak.
" Dalikmata anong nangyayari?"tanong ni Katalina.
" May masama akong pangetain katalina.. ang inyong mundo ay may magaganap na isang delubyo.. Maraming kalag ang magtutungo sa Sulad. At ayun sa aking pangetain Tubig ang dahilan ng kamatayan ng mga tao. " Magulong sabi ni Dalikmata.
" Anong ibig mong sabihin diwatang dalikmata?" tanong ni Jake.
" Mag iingat kayo dahil, nasa panganib ang bawat sainyo.. lalong lalo kana Theo at Tyler. " Babala ni Dalikmata sa kanila.
" Dalikmata nais kung makita ang iyong nakitang pangetain.. "sabi ni Katalina.
"Wag mo nang tangkain Katalina dahil manghihina ka lamang... " sabi ni Dalikmata at agad syang naglaho sa bulwagan.
" Dalikmata?? Dalikmaatttaaa!! saannn kaaa!! " sigaw ni Jake. nababahala sya sakanyang narinig na panganib kina theo at lalo na kay tyler. agad nya itong hinawakan sa kamay sabay sabing.
" Nandito lang ako.. di kita iiwan."
" baliw ka talaga Jake.. di naman ako aalis.." sagot ni Tyler.
At nagulat silang lahat ng biglang sumigaw si Alpia.....
MMMMIIIIIIIAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!
Agad nilang pinuntahan ang silid kung saan nila iniwan si alpia..
Nauna sina, Jenna, Katalina, Jessel At Jake... at samantala sina theo at tyler naman ay napansin nilang nawawala si Ian.
" Napansin mo ba si Ian..? " tanong ni theo kay Tyler.
" Wala kuya.. kanina ko pa syang di nakikita baka nasa hardin sya?" sagot ni Tyler.
" ang bilis namang mawala nina olivia.. baka nasa silid na iyon ni Alpia" sabi ni Theo.
Nang biglang Dumating sina Bea at Nica at nasa anyo parin sila ng mga katulong na sina Adora at jen.
" Kayo po ba sina Theo at Tyler.? " tanong ni Bea.
" Kami nga bakit binibini may problema ba?" tanong ni Theo.
" May lalaki pong naghahanap sainyo doon.." Sabi ni Nica.
" Kuya baka si Ian yun..." sabi ni tyler.
" hindi nagpupunta ng aklatan si Ian.. ang daan na itinuro mo binibini ay ang patungong Aklatan." Sabi ni Theo.
" Ang hirap nyo namang LOKOHIN.." sabi ni Bea.
" Sino kayo??" sabi ni Theo. sabay tago nya kanyang kapatid na si Tyler sa kanyang likuran.
" Kami ang mga gabay diwata na binuhay ni reyna Alice. o maskilala sa ngalang Sitan.
" Anong kelangan nyo saamin..." Tanong ni tyler.
" Di ko alam...." Sagot ni Bea at agad nyang ginamit ang kanyang kapangyarihan at pina ilaw nya ang kanyang mga mata. Agad nakaramdam ng pagka antok sina Theo at Tyler. naunang nawalan ng malay si Tyler. habang sumunod nman si Theo. agad naman silang tinulungan ng mga kawal ngunit gumamit ng kapangyarihan si Nica. Ginawa nyang abo ang boung katawan ng isang kawal na sumalakay sa kanya.
" Ngayon nais kung sabihin nyo sainyong reyna ang mga nangyari.. halikana Bea." Sabi ni Nica. agad inakay nina Bea at nica sina Theo at Tyler inusal ulit ang kakaibang salita kanina..
" Ianuae Magicae " At agad silang naglaho sa Bulwagan.
TO BE CONTINUE...