" Pagbawi ni Olivia sa Aydendril At Hiwaga ng Bundok Apo. "
Previously.....
- Tinulungan ni Sandawa ang mga nawawalang Hikers sa Bundok. At habang sa Aydendril nagtagumpay nilang masugutan si Sitan.
Right now....
Sa Bundok Apo....
" Ay Oo nga Pala.. parang may nakita akong Palatandaan doon.. yung may Pink na Ribbon sa Puno ng Acacia sainyo ba iyon?" Sabi ni Sandawa.
" Talaga po? Saang Daan? Kanina pa po kami paikot ikot dito.." sabi ng isang Hikers.
" Hali na kayo, Sundan nyoko..." Sabi ni Sandawa at Sumunod ang Tatlong Hikers.
" Teka Miss Michelle sasama din ba kami?" Tanong ni Jenna.
" No, Just wait here.. " sagot ni Sandawa at Inihatid nya ang Tatlong Hikers.
Samantala sa Aydendril naman ay Tagumpay nilang nasugatan si Sitan. At mababawi na nila ang Kaharian.
" Ngayon Erol mukhang katapusan mo na!" Sabi ni Olivia.
" Olivia... " Sabi ni Erol.
" Bibigyan kita ng dapat mong Gawin.. Aalis ka ng Palasyo o Kikitilin ko ang Buhay mo. ?" Sabi ni Olivia.
" Sumuko kana Erol. Wala na si Sitan.." Dagdag na sabi ni Sierra.
" Talo na kayo..." Dagdag na sabi ni Rica.
" Hindi Pa tayo tapos, Olivia..." Banta ni Erol.
" Wag na Erol..ito na ang katapusan mo.." sabi ni Lina at pinakawalan nya ang malakas na Kidlat.
" Lina Waaagg!!! " Sigaw ni Sierra pero natamaan na ng malakas na Kidlat na galing sa mga Palad ni Lina. At dahil doon natumba si Erol at Nawalan ng Hininga si Erol.
" Wala na sya..." Sabi ni Olivia.
" Bakit Di ka nakapagpigil..." Sabi ni Lina.
" Naiinis talaga ako sa Erol na yan.." sagot ni Lina.
" Ayus lang yan Lina... " Sabi ni Olivia.
Balik sa Bundok Apo....
" Ayun na Ihatid ko na sila Papuntang paanan ng Bundok. " Sabi ni Sandawa.
" Pero Mahal na Diwata bakit po nawawala ang ibang Hikers eh.. kung may...---- " Tanong ni Jenna.
" Dahil sa ibang mga Mahiwagang Nilalang dito sa Bundok. Pero hayaan nyo na hindi naman sila gaanong sakit sa Bangs.." sagot ni Sandawa.
" Mahal na Diwata papano po kami makakapunta sa Dalakit?" Tanong ni Katalina.
" I change my mind na kung bibigyan ko pa kayo ng Task. Wala akong Maisip na Task para sainyo.. Alam kung Nagtagumpay kayo sa mga Pagsubok na ibinigay nina Makiling, Gassia, Dalikmata at Magayon. Ngayon Ganito ang gagawin nyo..." Sabi ni Sandawa at Sinabi nya ang Dapat gawin ng mga Tagalipon at Itinakda.
" Mag tungo kayo sa pinaka Summit ng bundok. Ngayon pagkarating nyo sa summit, Mula sa Silangang Bahagi ng Bundok may Makikita kayong isang Malaking Puno ng Balete at Doon nyo Makikita ang Lagusan patungong Dalakit. " Salaysay ni Sandawa at yun nga ang ginawa nila.
Nang makarating sila sa Pinakatoktok ng Bundok agad nilang hinanap ang sinasabing Malaking Puno ng Balete.
" My god, Di ko Alam kung saan yung Silangan? Nakakalito din.." sabi ni Mia.
" Sandali... May compass ako dito." Sabi ni Raven.
" Wag kayong maniwala sa Compass na yan.. nililito lang Kayo. " Sabi ni Tyler...
" Teka parang Yun na ata ang Malaking Puno ng Balete.." Turo ni Jake.
" Yun na nga.. puntahan na natin..Bago pa magdilim.." sabi ni Jenna. At yun nga Pimuntahan nila ang Kinalalagyan ng Nasabing puno ng Balete.
Habang naglalakad sila ay biglang Nahilo si Tyler.
" Kuya... ate Kat parang Umiikot ang paningin ko. " Sabi ni Tyler. At ilang Sandali pa ay Nawalan sya ng Malay. Tyempo namang nasalo sya ni Alpia dahil magkatabi lang sila ng mga oras na yun.
" Anong nangyayari sakanya?" Sabi ni Jenna.
" Wait I'll check... " Sabi ni Raven.
" Uy! Uy! Anong I'll Check it... Ako ang Titingin sakanya. Alis dyan." Sabi ni Jake. At itinulak nya si Raven.
" Ano bang problema mo pare? May nangyari na nga sa tao selos pa din pinapaiiral mo. " Sabi ni Raven.
" Wag mong Hahawakan si Tyler. " Sabi ni Jake sabay Turo kay Raven. At yun ang dahilan upang uminit ang Ulo ni Raven nang akmang susuntukin na nya si Jake ay Agad silang inawat ng mga kasamahan nila.
" Sandali.. Sandali!!! Umalis kayong dalawa. " Sigaw ni Jenna.
" Ngayon pa kayo magaaway.. Im so disappointed with you Raven. You can't control your Emotions.. " dagdag na sabi ni Alpia.
" Jenna anong nangyayari sakanya ?" Tanong ni Theo at Ian.
" Hindi pwde ito... Ang sumpa ng oroskopyo sa kanya ay bumabalik.." sabi ni Jenna.
" Bumabalik ? Anong Ibigsabihin mo Jenna?" Tanong ni Theo. At Sumali na din si Katalina at ginamit nya ang Kapangyarihan nya upang silipin sa kanyang ikatlong mata.
" Anong nakikita mo Miss Katalina?" Tanong ni Raven.
" Tama nga ang sinabi ni insan.. Nabubuhay ulit ang sumpa ng oroskopyo na dating Lumulukob sa katawan ni Tyler. " Sabi ni Katalina habang nakikita nya ang mga pangitain.
" Anong gagawin natin Jenna?" Tanong ni Theo.
" Delikado sa kanya ang pumasok sa Dalakit. Kung hindi mamatay sya kapag pilit pa natin syang isama sa Dalakit. " Sabi ni Jenna.
" Bakit bumabalik ang Sumpa ? " Tanong ni Ian.
" Dahil ang Oroskopyo na nasa katawan Dati ni Tyler ay minsan ng nag-iwan ng Itim na mahika sa Dalakit. At kaya pinili namin kasama pa ng ibang Engkanto na manirahan sa inyong mundo. Sa kadahilanan na Laganap ang Itim na Salamangka sa Aming Mundo..." Sabi ni Alpia.
" Delikado si Tyler Hon kung sasama pa sya saatin. Muntik na din syang Mabawian ng Buhay noon dahil sa Itim na Kapangyarihan na taglay ng Oroskopyo.." sabi Katalina.
" Sge kelangan may maghatid Kay Bunso.. " sabi ni Theo.
" Ako magpapaiwan ako.." sabi ni Raven.
" Ako ! Ako! Aalagaan ko si Tyler.. " sabi ni Jake
" Sandali... Kayo talagang Dalawa ?" Sabi ni Jenna.
" Kelangan na nating Magmadali Theo.. dahil magsasara na ang Lagusan.." sabi ni Alpia.
" Ako magpapaiwan na din ako Alpia para bantayan ang Dalawang to." Sabi ni Mia.
" Hindi Pwde Mia.. Tayo ang magbubukas ng Lagusan pabalik.." Sabi ni Alpia.
" Pero, Mag promise kayong Dalawa na Wag bibigyan ng Sakit ng Ulo si Bunso if incase na magising sya.." sabi ni Theo.
" Opo Sir..." Sagot ni Raven.
" Akong bahala kay Tyler.. " sabi ni Jake.
" Lagot kayong Dalawa saakin... " Sabi ni Jenna.
" Raven... I'm warning you. Don't do anything please... " Sabi ni Alpia.
" Opo Guro..." Sagot ni raven.
" Sge umalis na kayo, Dahil nanghihina pa lalo ang katawan ni Tyler. " Sabi ni Katalina.
At Ilang sandali pa ay, May dumating na Malaking Ibon.
" Ang Diwatang Sandawa..." Sabi ni Theo.
Ilang Sandali pa ay nagkawangis tao ang Ibon.
" Humayo na kayo Dahil mag sasara na ang Lagusan.. ako na ang bahala sa Tatlong ito.." sabi ni Sandawa.
" Daghang Salamat Mahal na Diwata..." Sabi ni Jenna At Alpia. At nag tungo na sila sa Malaking Puno ng Balete. Habang sina Tyler, Jake at Raven naman ay Dinala ni Sandawa sa Kanyang Apartment.
" Ihiga nyo na si Tyler dyan. At magbabalik lang ako sa Kanlaon.. if gusto nyong Kumain..may pagkain sa ref. " Sabi ni Sandawa at agad nag laho sa Silid.
Habang si Tyler ay Inihiga ni Raven sa Kama. Samantalang si Jake naman ay naghahanda ng mainit na Tubig upang ipang punas sa Boung katawan ni Tyler. Ilang Sandali pa ay nagising na din si Tyler.
" Saan ako? " Sabi ni Tyler.
" Gising kana Pala Tyler.. " sabay sabi nina Jake at Raven.
" Nasaan ako.. saan sina Kuya..?" Tanong ulit ni Tyler.
" Nandito tayo sa Apartment ng Diwatang Sandawa sa Syudad.." sagot ni Raven.
" Ayus kana ba Tyler? Kamusta na pakiramdam mo...?" Tanong ni Jake.
" Nahihilo lang ako ng konte..." Sagot ni Tyler.
" Gusto mo bang kumain ? Ipagluluto kita?" Sabi ni Jake.
" Oo nga gusto mo mag kape ano gusto mo?" Sabi ni Raven.
" Ang Kulit nyong Dalawa... matutulog ako." Sagot ni Tyler.
TO BE CONTINUE...
Abangan ang susunod na Kabanata.