webnovel

CHAPTER 29

" Ang paghuwad na Ama "

Previously...

Dahil sa tulong ni Nonoy, nahanap nila si Nonoy at sa Kasamaang palad may sugat ito.

Habang si Ian naman ay may narinig na pamilyar na boses na agad naman nyang hinanapan. Ngunit, dahil dito biglang may kakaibang nangyari sakanya.. tila ba sinasaniban sya ng kakaibang ispirito. Ito na ang karugtung ng ating kwento...

Dahil sa sigaw ni Alpia kay Ian, agad pumunta sina Tyler, Theo at Jessel sa Sala upang siyasatin ang nangyari..

" Anong nangyayari ? " Tanong ni Jessel ng makita nyang si Ian napapalibutan ng kanyang mga kasama. Sumunod naman sina Tyler at Theo..

" Ate Kat bat may Apoy sa Sahig.. " Sabi ni Tyler.

" Gagawin nya tayong Yelo lahat.. " habang pinapaliyab ni Katalina ang Apoy na nakapalibot kay Ian.

" Utol anong nangyayari Sayo ?" Tanong ni Theo.

" Hindi ka nya naririnig Theo, may kung anong kakaibang kapangyarihan ang komokontrol sakanya.." Sabi ni Alpia. At biglang nagsalita si Nonoy.

" Lumabas sya ng bahay kanina ? " Sabi ng bata.

" Hindi namin napansin. Ewan nakakaloka di ko Alam nasaan ba si Jenna ?" Nagaalalang Sabi ni Mia.

" Nasa kwarto si Jenna, ginagamot si Raven.." sagot ni Tyler.

" Dahil sainyo, Namatay ang pinakamamahal kung tao. " Sabi ni Ian habang Wala sa katinuan.

" Anong pinagsasabi mo Ian.. Hindi lang Ikaw ang namatayan sa labanang iyon. Pati na ang mga Kawal ng Oceana at Aydendril. " Sabi ni Jake habang pinapalutang nya ito sa ire.

" Mga Dahon, Mag silbing punyal! Sa sandaling aatake sya. Sugatan nyo !" -- Jake

" Wag kang maki alam dito jake.. " Sabi ni Ian gagamitin nya sana ang kanyang kapangyarihan.biglang pinalakas ni Katalina ang Apoy at naging dahilan ito upang nakaramdam si Ian ng Sakit sakanyang katawan.

Ilang Sandali pa ay may narinig ang magkapatid na isang pamilyar na boses sa labas ng bahay..

" Tay ? " Sabi ni Theo.

" Nasa labas si Tatay humihingi ng tulong.." Sabi ni Tyler.

" Katalina.. pigilan mo sina Tyler at Theo, at parang alam ko na kung anong nangyayari dito." Sabi ni Jessel.

At dahil sa utos ni Jessel, katulad ng kanyang ginawang Mahika kay Ian. Pinalibutan din nya ng apoy ang paligid ng magkapatid.

" Lalabas ako, upang kalabanin ang dating Tagalipon. " Sabi ni Jessel.

" Ate Hindi pa oras, Malakas pa ang sumpa ng mangkukulam ngayon.. " Sabi ni Nonoy.

" Hindi ako matatablan nonoy, kung sout ko ito. " Sagot ni Jessel sabay sout sa Kwentas.

" Sandali, Sasali ako.. " Sabi ni Jenna. Habang bitbit ang kanyang bag na may lamang Libro na kanyang ginagamit.

" Teka, nag wawala ang magkapatid.. baka di ko kayanin ang spell. " Sabi ni Katalina.

" Maiwan ka Mia at Alpia.. at Ikaw naman nonoy, bantayan mo si Kuya Raven mo. Mag lock ka ng pintuan. " Utos ni Jessel.

" Opo ate " agad namang tumakbo papuntang kwarto si Nonoy.habang sina Mia at Alpia ay tumulong na din kay Katalina.

" Sasama na din ako sainyo. Nakaka miss na din gumawa ng Aksyon.. " Sabi ni Jake.

" Salamat tayo na.. " Sabi ni Jessel habang nakatingin sa orasan.

" Anong plano mo? At bakit naka tingin ka sa orasan? " Tanong ni Jenna.

" Ilang oras nalang din mawawala na ang Sumpa ng mga Mangkukulam dito sa Baryo Lupas. " Sabi ni Jessel.

" May nabanggit ka kanina na dating Tagalipon? Anong ibig mong Sabihin ?" Tanong ni Jake.

" Oo kasamahan sya dati ng inyung ama, sya si Lula...katulad ni Katalina ang kanyang kakayahan ngunit Hindi apoy ang kanyang elemento. Kundi tubig, ginamit nya ang kakayahan ng mga sirena upang pasunurin ang mga mangingisda sa laot. " Explanasyon ni Jessel.

" Jesjes Para kang si Jenna mag salita.." Sabi ni Jake.

" Ake, normal lang yun dahil katulad ni Jenna isa din akong babaylan sa baryo itong normal lang na magsaliksik ako ng kung anik anik na impormasyon sa mga klaseng Maligno." Sagot ni Jessel.

" Tama ka Jessel, Maiba tayo Jessel papano mo nalaman na isa sa dating Tagalipon ang gumugulo sa atin ngayon.." Tanong ni Jenna.

" Sandali na saan na ba yung mga libro ni Tatay. " Sabi ni Jessel habang hinahanap ang libro sa isang Baul.

" Tutulungan na kita Jesjes.." Sabi ni Jake.

" Ay oo nga Pala nakalimutan ko, kaya naming magkapatid na maglakbay diwa. " Sagot ni Jessel.

" Lakbay diwa diba, napakadelikado nun?" Sabi ni Jenna.

" Ito nakita ko na Jesjes.." Sabi ni Jake sabay abot ito sakanya.

" Hindi naman.. salamat Ake.. " sagot ni Jessel.

" Tatlong buwan na naming minanmanan ang kuta ni Sitan. At sa katunayan Hindi lang si Lula ang kanyang binuhay kundi ang iba pang kasamahan ni Lula.." Sabi ni Jessel.

" Ang galing, pero ang sinasabi mong tagalipon sila bay masasama?" Tanong ni Jenna.

" Hindi. katulad ninyo may mga basbas sila ng mga diwata. Ngunit dahil sa katandaan. Ay namatay sila. Pero binuhay ulit sila ni Sitan upang ipang tapat sainyo. Tska si Sitan ngayon ay hindi Lalaki. " Sabi ni Jessel.

" Anong ibig mong Sabihin?" Tanong ni Jenna.

" Oo nga Jesjes ?" Dagdag na Sabi ni Jake.

" Nasa katawan na sya ng isang babae.. " sagot ni Jessel at agad nyang binuksan ang pintuan. At nagulat sila sa kanilang nakita.

" Jesjes Ikaw ba yan ija?" Tanong ng Lalaki sa labas ng kanilang bakuran.

" Sir Arnel?" Gulat na Sabi ni Jake.

" Ikaw din pala yan Jake.. tulungan nyo ko may sugat ako." Sabi ng huwad na Arnel.

" Hindi mo na ako maloloko, Dating Tagalipon.. Lula santillan. " Sabi ni Jessel sabay tutok sa espada sa mukha ni Arnel.

" Ano bang pinagsasabi mo Ija, si ninong Arnel mo ito.. nasaan ba sina Tyler at Theo ?" Tanong ng Huwad na Arnel.

Samantala balik sa Loob ng Bahay...

Nanghihina na si Katalina dahil sa dami ng kanyang ginawang Salamangka.

" Ate Alpia, mia di ko na kaya.." Sabi ni Katalina habang humihina ang Apoy na nakapalibot sa magkapatid.

" Sandali, Hold on.. tutulungan kita.." Sabi ni Alpia. Kinuha nya ang hair chapstick sa kanyang buhok. At itinutok ito sa magkapatid.

" Agura simono Desai Kimochi sina enu !" Bigkas ni Alpia sakanyang Salamangka. At agad umilaw ang Dulo ng kanyang chapstick ilang sandali pa ay umulan ng rose petals sa loob ng Bahay.

" Ngayon takpan nyo ang inyong ilong.. " Sabi ni Mia.

" Inihipan ni Mia ang paligid at bigla itong Lumamig at ilang sandali pa ay tumumba ang magkapatid. Naunang nawalan ng malay si Ian sumunod si Tyler at Theo.

" Hindi mag tatagal ang Spell na yan Katalina.. kelangan natin silang Itali." Sabi ni Alpia.

" Salamat miss Alpia.." Sabi ni Katalina.

Abangan ang susunod na Chapel mga mahal don't forget to vote.

ตอนถัดไป