webnovel

Prolouge

Mabalasik.

Mapanlinlang.

Mapanganib.

Mga nilalang na animo'y nanggaling pa sa kailaliman ng impy*rno. Mga nilalang na kung tawagin ay mga  Balrog. Ang mga ito ay may wangis ng isang ordinaryong tao kapag umaga ngunit kung nanaisin nila ay kaya nilang magpalit ng anyo bilang isang hayop. Nakakatakot at malahalimaw din ang kaanyuan ng mga ito kapag nasa oras sila ng kanilang kagutuman. Pangunahing pagkain nila ay mga tao, sinisipsip nila ang dugo ng kanilang mga biktima hanggang sa matuyo ang mga ito na animo'y isang bankay na naaagnas. Maihahalintulad mo rin sila sa mga bampira ngunit ang kaibahan lamang ay hindi sila naaapektuhan ng bawang, asin o di kaya naman ng sinag ng araw.

Ang mga mabababang uri ng balrog ay walang kakayahang mag-anyong tao at ito ang kalimitan inuutusan ng mga nakakataas upang mangalap ng kanilang makakain. Gabi kong umatake ang mga ito dahil ito ang oras na hindi kaagarang napapansin ng mga tao. Mabibilis kong kumilos ang mga ito at hindi ito basta-basta tinatablan ng mga ordinaryong sandata.

Dahil sa talamak na pambibiktima ng mga balrog sa mga tao ay tuluyan na ngang nag aklas ang mga tao at naglunsad ng isang malawakang digmaan laban sa mga nilalang. Isang grupo ng mga kabataan ang siyang namumuno sa digmaang iyon at hawak nila ang mga sandatang tanging nakakagapi sa mga ito.

Sa digmaang iyon ay marami ang nagbuwis ng buhay, marami ang namatay. Maliban sa isa. Isang dalaga ang siyang naiwang nakatayo sa gitna ng libo-libong bangkay ng mga balrog at mga kasamahan niyang nasawi sa digmaan.

Tahimik siyang nagtatangis habang pilit niyang sinisipat kung meron pa siyang makikitang buhay sa kanyang mga kasama. Subalit ang paghahanap niyang iyon ay nauwi lamang sa kabiguan. Napagtagumpayan nga nilang maikulong ang pinuno ng mga Balrog ngunit kapalit naman nito ang mga kaluluwa ng kanyang mga kasama.

Napasigaw siya dahil sa galit at kalungkutan. Itinarak niya ang kanyang espada sa lupa at isa-isang hinatak ang mga labi ng kanyang mga kasama.

Labin-lima sila noong una, ngayon ay nag-iisa na lamang siya. Isang sumpang hindi na 0niya matatakasan dahil katulad ng mga Balrog ay wala rin siyang kamatayan. Ang pangalan niya ay Celestia, isang mandirigmang ipinanganak na tao ngunit may dugong Balrog. At iisa lamang ang iniwang misyon sa kanya at iyon ay protektahan ang daigdig sa mga balrog na naglilinlang sa mga tao at kumakain sa mga ito.

Matapos niyang mabigyan ng maayos na libing ang kanyang mga kasamahan ay nilisan na niya ang lugar. Naglakbay siya na parang isang ermetanyong walang patutunguhan. Dumaan ang maraming taon, marami na din siyang nakilala at nakasama . Maraming buhay na siyang nakitang lumisan ngunit ang buhay niya ay nananatili pa rin. Ang lahat ay tumatanda, subalit siya ay nananatiling bata.

Hanggang sa isang araw ay tuluyan na siyang napagod at nagdesisyon matulog. Nagbigkas siya ng sumpa sa kanyang sarili na siya ay magigising lamang sa oras na bumalik ang mga balrog sa mundo at muling maghahasik ng lagim sa mga tao. Kahit ilang siglo pa ang aabutin nito ay wala siyang pakialam. Humiga na siya sa isang batong higaan sa loob ng isang kuweba at doon nahimlay. Matapos ipikit ang kanyang mata ay tuluyan na nga siyang nahimbing.

Dumaan pa ang maraming siglo at ang kuwebang kanyang kinahihimlayan ay tuluyan na ngang nalimot ng mga tao. Tuluyan na din nilang nakalimutan ang mga nilalang na tinatawag na Balrog at maging ang pangalan ni Celestia na isang mandirigma na siyang tanging nakakapatay sa mga ito.

Next chapter