"Let's go to my room. Magbibihis lang ako at gusto kong malaman ang nangyari," may halong pag-alaala ang boses nito.
Hindi na siya sumagot saka niya itinulak ang wheelchair ng binata patungo sa silid nito. Nangingilid na naman ang mga luha niya sa mga mata ngunit pinipigilan na lamang niya saka naramdaman din niya ang panginginig ng kaniyang katawan ngunit kailangan niyang maging matatag. Walang ibang kinakapitan ang kaniyang ina kung hindi tanging siya na lang.
Tinulungan niyang makapagbihis ng damit ang binata bago pa man na magkuwento siya rito. Naroon pa rin ang pakiramdam niyang nahihiya pa rin siya sa tuwing nagbibihis ito sa harapan niya ngunit umiiwas siya puntong makitaan ito.
"Now, just tell me." Nakaupo ito sa gilid ng kama. "Umupo ka sa tabi ko."
Marahan siyang tumabi ayon sa utos nito. Nahihiya na siyang sabihin pa sana rito ngunit wala rin naman siyang tanging makapitan sa ngayon. Isa ang binata sa mga sagot sa problema niya ngunit kailangan niyang lunukin ang kaniyang pride sa pangalawang pagkakataon.
Natagpuan na lamang niya ang sariling nagkukuwento na sa binata na halos namamaos na rin siya dahil inuunahan na siya ng kaniyang emosyon. Inaabutan na lamang siya ng binata ng tissue at sa unang pagkakataon, tahimik lang itong nakikinig sa kaniya na hindi siya nito tinataasan ng boses.
"Nag-report na ba kayo sa pulis?"
Napahikbi pa siya bago sumagot. "H-Hindi ko pa nakakausap ang nanay ko tungkol sa bagay na iyan. Iniisip ko pa ang kalagayan ng ama ko sa ospital."
"Don't cry. Hindi magiging sagot ang pagluha mo sa problemang kinakaharap mo ngayon," wika nitong may halong sarkastiko ang pagkasabi. "From now on, lahat ng mga dapat kong malaman tungkol sa problema mo sa buhay, you'll tell me. And please, don't cry. As I told you earlier, hindi sagot ang pagluha. Mahihinang nilalang lang ang umiiyak at lalo ka na, na madaling makitaan ng emosyon."
"H-Hindi ko kasalanan na mahina ako," bulong niya. Anong gusto mo? Tumawa ako? Ako na nga itong may problema. Ngunit may bahagi ng puso niya na natutuwa rito dahil nakikitaan niya ng sensiridad si Zack sa mga sinasabi nito. Hindi niya inaasahan na ganoon ang magiging reaksiyon nito sa problema niya at ang pagdamay ng binata.
Bahagyang humugot ito nang malalim na hininga. "Okay. Just tell your boss that you won't be able to get to work today. We will settle your problem as soon as possible and help me to get into my wheelchair. Let's go to my study room."
"O-Okay." Agad naman siyang kumilos upang sundin ang gusto nito.
"Kunin mo na rin ang detalye ng ospital kung saan naka-confine ang tatay mo. Magdedeposito ako ng pera para sa operation niya."
Tumango siya. Tila nabunutan siya ng tinik sa sinabi ni Zack sa kaniya at hindi siya makapaniwalang ito ang sasalba sa kaniyang problema. Dali-dali niyang inalalayan ang binatang makalipat sa wheelchair nito saka tumungo sila ng study room.
Tinawagan na rin niya ang naturang ospital nang makuha niya mula sa ina ang detalye. Nasa couch sila ni Zack nang mga sandaling iyon habang abala ang binata sa laptop nito upang mag-transfer ng funds habang siya ay naroon lang siya sa tabi nito.
"Bigyan mo ako ng detalye tungkol sa nakasanla niyong lupa. I want to give the money in cash. May inutusan na akong tao para gawin iyon since I have business in your place," wika nito sa kaniya.
"Ha? Uhm, okay. Kukunin ko lang sa silid. Naroon ang listahan ko at ang pangalan niya." Agad siyang tumayo upang kunin ang papel na kailangan ni Zack. Pagbalik niya sa study room ay iniabot agad niya ito sa binata. "Here."
Mariing nakatitig si Zack papel na ibinigay niya habang siya naman ay naupo sa tabi nito. Kitang-kita niya ang pangungunot ng noo nito na labis niyang ipinagtataka saka ito lumingon sa kaniya.
"Do you know this woman?" seryosong tanong nito sa kaniya.
Tumugon siya sabay tumango. "Oo. Siya iyong asawa ng pinakamayamang angkan sa probinsiya namin. Nagmamay-ari sila ng mga malalawak na ektaryang lupain kaya naisipan ng mga magulang ko na isanla ang lupa sa kanila. B-Bakit Zack? Kilala mo ba ang babaeng iyan? Si Mrs. Elizabeth Villa Acosta?"
"No." Sabay binawi nito ang tingin sa kaniya. "I really don't know a woman like her. Just leave it to me. Ako na ang bahalang makipagnegosasyon sa kaniya."
"Zack..." usal niya.
"Yes?" Muli itong sumulyap sa kaniya.
"P-Paano kita mapapasalamatan sa lahat ng ito? H-Hindi agad kita mababayaran o kaya naman ay ibawas mo na lang⸻" Namilog ang mga mata niya sa ginawa nito sa kaniya kaya siya napatigil sa pagsasalita.
Mabilis na hinila ni Zack ang braso niya patungo rito saka nito hinalikan siya nang mariin. Nagawa agad iyon ng binata sa kaniya dahil halos wala rin namang pagitan ang kanilang distansiya sa isa't isa. Hindi siya nanlaban o tumanggi sa muli nitong paghalik sa kaniya. Kung halik ang magiging kabayaran, ayos lang pero kung mas malalim pa roon, hindi ko na alam. Siguro...siguro ay⸻
Mas naging malalim ang mga halik nito sa kaniya at tila mapanghanap tulad noong una. It was a torrid kiss that he wanted to respond to by her presence of kissing him deeply. She closes her eyes, and feels every sensation inside while Zack's hands find a way through her⸻breast! She insanely moaned! His hands were like a thunderbolt that made her body shiver and her blood vessels boiling⸻alive.
Ilang minuto rin sila sa ganoong sitwasyon hanggang sa tumigil ang binata sa ginagawa nito at bahagyang lumayo sa kaniya. Tila nagrerebelde ang puso niya sa ginawa nitong pagtigil ngunit hinayaan na lamang niya ito at baka isipin nitong lagi siyang nananabik.
"Let's do this tonight. But don't think that is this the way of how to pay me in return."
Nakatitig siya sa mga mata ng binata na tila nangungusap. Alam niyang seryoso ito sa binitawang salita sa kaniya ngunit hindi niya maiwasang isipin na iyon nga ang magiging kabayaran. Marahan niyang hinaplos ang mukha nito saka niya ito dinampian ng halik sa mga labi. Muli na naman nilang pinagsaluhan ang sandaling magkasama sila. Sandali lamang iyon ngunit nagdulot iyon ng kakaibang karanasan sa kaniya na hinding-hindi na naman niya makakalimutan. Lamang ay hindi siya maaaring magpadala sa bugso ng damdamin niya gayong sa umpisa pa lang ay alam niyang hindi maaaring mahulog ang loob niya sa binata. Nasa bahagi iyon ng kontrata nila na hindi na lamang niya binigyang-tuon noon una.