MAAGANG nagising si Zairah upang mag-asikaso papasok sa kaniyang trabaho. Mabuti na lang at may ipinahiram na damit sa kaniya ang binata kaya hindi na siya dadaan ng kaniyang boarding house. Nag-iwan na rin siya ng note para kay Zack sa side table nito. Hindi nito nilo-lock ang connecting door upang agad siyang makapasok.
Nakita niyang mahimbing pa ang tulog nito kaya marahan lamang ang kaniyang hakbang. Gwapo pala kapag tulog. Pero kapag gising naman, ang sungit! Napailing siya saka niya nakitang nasa ibaba na ng tuhod nito ang comforter. Naiinis siya sa sarili niya ngunit nang maalala niya ang sitwasyon nito at mga pinagdadaanan, dinudurog ang puso niya. Mabilis lang siyang maawa sa mga bagay na tulad sa kalagayan ni Zack.
Marahan niyang ini-angat ang comforter upang kumutan ang buong katawan ng binata. Matulog ka ng mahimbing, Dragon king! Wala ako rito buong araw kaya magpakabait ka. Ilang saglit pa niyang pinagmasdan ang maamo nitong mukha saka siya tuluyang tumalikod na at lumabas ng kwarto.
INIHATID siya ng driver ng binatang si Leo hanggang sa pinapasukan niyang trabaho. Pagkababa niya ng sasakyan ay agad naman itong umalis na st susunduin na lamang siya nito mamayang alas-singko. Sumalubong naman sa kaniya pagpasok ang kaibigan niyang si Jhen.
"Zai, kumusta? Bakit hindi ka nakapasok kahapon?" tanong agad nito.
"I'm okay. Uhm, may inasikaso lang ako kahapon."
"Ganoon ba. Nabalitaan ko ang ginawa mong pagsupalpal kina Sheena at Marie noong isang gabi. Mabuti nga sa kanila."
"Tama lang iyon," tugon niya.
"Siyangapala, kakausapin ka ni Big Boss natin. Nakalimutan kong sabihin."
"Huh? Bakit daw?"
"Walang sinabi. Nandiyan na siya."
"Sige. Pupuntahan ko na pagkatapos kong ayusin ang gamit ko."
Inayos muna niya ang bag niya sa drawer saka niya tinungo ang opisina ng boss nila. Bahagya pa siyang kinabahan dahil hindi niya alam kung ano ang sadya nito. Wala naman siyang naalalang back log niya kaya imposibleng pagagalitan niya nito.
Tatlong katok ang ginawa niya bago niya pinihit ang doorknob. Niluwangan niya ang pinto saka niya nakita roon ang boss niyang abala ang paningin sa monitor nito sa laptop.
"Come in, Zairah!" wika nito.
Isinara niya ang pinto bago niya nilapitan ang boss niya saka binati ito. "Good morning, Sir John. Nais niyo raw ako makausap."
"Ah, yeah. Have a seat."
"Thanks." Umupo siya kaharap ng binatang boss niya.
"I would like to know you that you can do work from home starting tomorrow. Ayusin mo na ang mga dapat mong ayusin with your team."
"Sir, maaari ko bang malaman kung bakit work from home na ako?" takang-tanong niya.
"I'm sorry, Miss Iligan. That's very confidential, so that I won't tell you anything about that matter. I hope you understand. Don't worry. I still pay you and, of course, your benefits and other commissions."
"Sir, I have my rights to know, right? Ayaw niyo na ba sa akin kaya gusto niyo na akong sa bahay na lang ako?" Hindi niya maintindihan ang takbo ng pangyayari.
Tiningnan siya nito nang malalim saka napabuntong-hininga ang binata. "Ayoko sanang sabihin ito pero kailangan mo rin malaman. But before I will tell you that, can I ask question?"
Tumango siya. "What was that, Sir?"
"What's your relationship status with Mr. Zack Kraven Villa Acosta?"
"Sir?" Bahagya siyang nagulat nang marinig ang pangalan ni Zack. Naguluhan siya sa tinanong nito ngunit iisa lang naman ang alam niyang si Zack.
"I'm referring to Zack, your other boss. Naaksidente siya two years ago dahilan na hindi na siya muling makatayo. He is my friend and one of my top investors. He talked to me last night and asked if I could do his favor. And, of course, I said yes to him. Are you his girlfriend? He didn't tell me."
Hindi siya makapagsalita. Naalala niya kagabi nang pumasok bigla ang binata na hindi man lang kumakatok. Naalala niyang sinabi nito ang tungkol sa kompanyang pinapasukan niya ngunit hindi niya iyon inalintana dahil abala ang isipan niya sa pangyayaring nakitaan siya nito.
"Zairah? Are you okay?"
"Ha? S-Sir? Ah, yes! I mean—I know him. Part-timer niya ako at ako ang bagong nag-aalaga sa kaniya ngayon."
"I see. Okay. That's the only thing that I want to know. You can talk to Mrs. Esca with regards to your new schedule."
"O-Okay, Sir. Thank you."
"You're welcome, Miss Iligan."
Muli siyang tumayo at lumabas ng opisina ng boss niya. Hindi ako makapaniwala! Paano niya nakumbinsi ang boss ko gayong isa rin siyang mahigpit sa mga tao niya? Ganoon ba si Zack na maimpluwensiyang tao? Talagang bibilhin na niya ang serbisyo ko. Wala na akong magiging lusot nito. Napapailing-iling siya saka muling tinungo ang opisina ni Mrs. Esca upang ipaalam ang napag-usapan nila ng boss nila.
GABI nang makarating si Zairah sa bahay ni Zack. Hinihingal namang sumalubong sa kaniya si Aling Lukring matapos siyang makababa ng sasakyan.
"Zairah! Zairah!" tawag ng may edad na babae sa kaniya.
Napakunot-noo siya. "Aling Lukring, bakit ho?"
"Naku! Mabuti at dumating ka na. Si Zack! Kanina ka pa hinahanap! Nagbabasag na naman siya. Kanina ko pa nga sinasaway ngunit ayaw makinig!"
Bakas sa mukha ni Aling lukring ang tensiyon kaya hindi na niya ito kinausap at nagmamadali na siyang umakyat ng second floor. Kabadong-kabado siya nang mga oras na iyon dahil kung hindi nakikinig ang binata kay Aling Lukring, mas lalo na sa kaniya. Subalit kailangan niyang pigilan ang kahibangan ng binata at iyon ang isa sa hamon niya bilang tagapangalaga.
"Zack!" Gulat na gulat siyang makita ang binatang duguan na ang kamay nito at nagpapahid gamit ang tissue. Nakita rin niya ang mga nagkalat na mga nabasag sa sahig at mga bubog.
"Bakit ngayon ka lang?!" galit nitong tanong sa kaniyan.
Nahintakutan siya. Noon lang niya nakitang nanlilisik ang mga mata nito sa galit ngunit hindi siya maaaring magpatinag dito.
"Susmaryosep!" sigaw ni Aling Lukring. "Anong ginagawa mo, Zack!"
Naroon na rin si Aling Lukring sa likuran niya na takot na takot na.
"Aling Lukring! Kumuha kayo ng first aid kit!" utos niya.
Aligaga namang sumunod ang matanda saka niya nilapitan ang binata. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nito at kung bakit nito sinusugutan ang sarili o nasugatan nang dahil sa binasag nitong mamahaling vase.