webnovel

Chapter 34

Sa pagbagsak ng ulo ni Alisha ay nagpagulong-gulong pa ito sa lupa hanggang sa tuluyan na itong maabo dahil sa kalakip na dasal na isinabay ni Miguel. Maging ang kaluluwa nito ay kasabay na natupok sa dasal ng binata. Tila ba ito na ang nagbigay ng huling hatol sa buhay ni Alisha. 

Muling napabuntong hininga si Mina at napatitig sa kalangitan. Walang liwanag siyang natatanaw mula roon dahil tila ba ang langit ay nababalutan ng itim na hamog na siya naman nagpapadilim sa kanilang paligid.

Patuloy naman ang ginawang pag-atake ng mga natitirang aswang sa iba. Agaran naman ang pagbibigay ng tulong nila Mina sa mga kasama upang mas mapabilis ang pagtapos sa mga ito.

Nagbigay na rin ng tulong ang mga tikbalang sa ngalan ng kasangga ni Mina. Walang pag-aatubili ang ginagawang pagkitil nila sa buhay ng mga aswang. Tila ba nagkaroon ng pangmalakasang digmaan at halos nagkulay dugo na ang inaapakan nilang lupa.

Nang mapansin ni Mina na kakaunti na lamang ang mga natitirang kalaban ay doon na niya pinalabas ng talahiban ang dalawang ermetanyo. Muli nilang tinahak ang landas papaakyat sa rurok ng bundok kung saan naroroon ang huli nilang makakalaban.

Kasama noon ni Mina ang dalawang ermetanyo, Gorem, Luisa at Miguel. Habang ang tatlong antinggero at si Amante ay nagpaiwan upang tapusin ang mga natitiramg kalaban sa baba.

"Mag-iingat kayo, nandito na tayo sa pugad ni Sitan. Hindi natin alam kung ano ang mga susunod na mangyayari." Wika pa ni Tandang Karyo. Matapos niyang masabi ang mga katagang iyon ay bigla na lamang itong tumalsik ng pagkalayo-layo at bumagsak ang matandang katawan nito sa lupa. Mabilis naman itong pinuntahan ni Gorem at naging alerto sila.

Isang malakas na tawa ang umalingawngaw sa buong paligid at nagpaikot-ikot ang kanilang mata upang sipatin kung saan ito nanggagaling.

"Napatay niyo na ang babaeng babaylan. Walang kwenta. Kahit kailan isa siyang pabigat." Wika ng boses at alam nilang si Sitan ito. Nagpanting naman ang tenga ni Mina dahil sa narinig. Hindi niya malaman kung bakit tila ba buglang kumulo ang dugo niya dahil sa sinabi ni Sitan patungkol kay Alisha.

"Pabigat? Ang tinatawag mong pabigat ay nagbuwis ng buhay para sa katulad mo. Walang kwenta? Baka ang sarili mo ang tinutukoy mo. Hanggang kailan ka magtatago Sitan? Bakit hindi mo kami harapin?" Galit na sigaw ni Mina. Muli namang nakabalik si Tandamg Karyo sa kanilang grupo at magsimula na silang gumawa ng orasyon ni Tandang ipo. Si Gorem at Luisa naman ang nagsilbi nilang guwardiya habang abala sila sa pag-uusal.

Umuukit ang dalawang matanda ng mga simbolo papaikot sa kanilang kinaroroonan. Katumbas ng mga simbolong ito ang mga simbolo ng diwatang gabay ni Mina, kalakip na din ang mga usal na siya namang magkukulong sa kaluluwa ni Sitan sa loob ng ginawa nilang bilog.

Nagpalinga-linga pa sila ngunit walang Sitan ang nagpakita sa kanila. Bagkus ay napansin nila pag-uka ng lupa sa kanilang harapan. Dahan-dahang bumitak ang lupa kasabay nito ang pagyanig nito na tila ba isang malakas na lindol ang paparating sa kanila.

Bahagya silang napaatras nang magsilaglagan ang mga lupa papailalim ng bitak at umagos doon ang nagbabaga at napakainit na magma na siya namang tumunaw sa ibang malalaking bitak na bato. Biglang init naman ang kanilang naramdaman dahil sa nangyari at ang usok na nagmumula dito ay nagbibigay ng malakas na amoy ng asopre na siyang nagpapasikip ng kanilang dibdib.

Napatakip naman sila sa kanilang ilong at kasabay niyon ang pagsilay nila sa unti-unting pag-ahon ng mga nilalang sa magma. Namumula ang mga balat nito at ang una nilang nasilayan ay ang mga matutulis nitong sungay at ang mga nanlilisik nitong mga mata. Nakangisi din ang mga ito na animo'y ikinatutuwa nila ang muli nilang pag-usbong sa lupa.

Agad namang nabahala ang mga ermetanyo dahil hindi nila inaasahan ang paglitaw ng mga mismong dem*nyo sa ibabaw ng lupa. Napahinto naman sila sa kanilang pag-uusal dahil sa pagkagulat. Maging si Luisa ay napaatras dahil sa kakaibang takot na biglang lumukob sa kanyang buong pagkatao. Si Gorem naman ay tila ba naestatwa nang masilayan ang nakakakilabot na wangis ng mga nilalang.

Halos sabay-sabay pa ang mga ito habang tumatawa na siyang nagpadagdag sa kanilang nararamdamang takot dahil saga boses nitong tila ba hinugot pa sa ilalim ng lupa.

"Walang karapatan ang mga tulad niyong umapak sa mundong ibabaw. Kayo na ipinatapon na ng Panginoon sa impy*rno ay dapat nang magbalik doon." Matapang naman na sigaw ni Miguel. Agad namang nagbalik ang lakas ng loob ng kanyang mga kasama dahil sa pagrinig ng kanyang bukas.

Napangiti naman si Mina at tinapik ang balikat ni Miguel.

"Ngayon ko kakailanganin ang tulong mo Miguel. Bigyan mo ng dasal ang mga kasama natin upang maprotektahan sila sa mga nilalang na iyan. Higit kanino man, ikaw at ang gabay mo ang may kakayahang gawin ito. " Wika ni Mina, at ikinumpas na ang kanyang kamay. Agad din itong nagdasal ng latin upang tawagin ang kanyang espiritual na sandata.

Ang mahiwagang sandata ni Mapulon na nasa kaanyuan ng isang espada na may krus na dulo. Tila ba sa pagkakataong iyon ay nagsanib pwersa na din ang dalawang aral na niyakap niya. Lubha naman itong ikinamangha ni Miguel dahil sa hawakan nito ay kitang-kita niya ang mga buhay na dasal na minsan nang nabanggit sa kanya ng prayleng kumupkop sa kanya.

Tumango naman si Miguel sa tinuran ng dalaga at agad na nilapitan sina Gorem at Luisa. Dinasalan niya ang mga ito ng taimtim at buong seryoso niyang nilapatan ng pamproteksyon sa tukso ang kanyang mga kasama.

Samantala, napangisi naman si Mina sa pagsilay niya sa tatlong nilalang na umahon mula sa kumukulong putik na nasa harapan niya. Pakiramdam niya ay tila nasasabik ang kanyang puso na kalabanin ang mga ito at muling ibalik ang mga ito sa kanilang pinanggalingan.

"Sitan, alam kong naririnig mo ako, maghintay ka lamang at pagkatapos ko dito ay ikaw naman ang aking isusunod. Ikaw, sampo ng mga dem*nyong tinawag mo mula sa impy*rno." Sigaw ni Mina.

Humalakhak naman ang tatlong dem*nyo at halos sabay ang mga itong umatake kay Mina. Agaran din naman ang paglitaw ni Mapulon at Bulan upang siya ay tulungan. Kahit limitado lamang ang mga oras na maari silang magbigay ng tulong sa mga tao ay malaking bagay pa rin ito upang malaanan ng oras ni Miguel ang kanyang mga kasama.

Ang paglaban naman nila sa mga dem*nyo ay isnag malakiang sugal dahil hindi nila alam ang kalakasan ng mga ito. Kinakabahan man ay buong tapang na nakipaglaban si Mina rito. Gamit ang mahiwagang sandata na binasbasan pa ng banal na tubig at mga dasal ay walang humpay niyang pinag-uundayan ng saksak ang dem*nyong kalaban niya. Hindi nial alintana ang sobrang init na lumulukob sa buong paligid dahil ang mahalaga sa kanila ay mapagtagumpayan ang hamong ito.

"Mina, limang minuto na lamang ang itatagal ng katawang lupa namin, sapat na bang oras iyon para matapos ng mga ermetanyo ang kanilang ginagawa?" Tanong ni Bulan habang walang tigil ang paghambalos niya ng kaniyang sandata sa kalabang dem*nyo.

"Sapat na iyon." Simpleng sagot ni Mina at buong lakas na isinaksak sa dem*nyo ang hawak na espada. Tumagos ito sa kanang braso nito dahilan upang tuluyan naman niya maputol ang braso nito. Umatungal ng ubod ng lakas ang nilalang , dahilan upang mapatakip sila ng kanilang tenga.

Walang sinayang na oras ang dalaga at muli nitong inundayan ng malakas na saksak sa dibdib ang nilalang, kasabay ng pagbigkas niya ng mga katagang ginagamit sa paggawa ng tanda ng krus. Sumigaw ng napakalakas ang nilalang at unti-unting nalukusaw ang buong pagkatao nito. Sinubukan pa nitong sunggaban si Mina ngunit bago pa man dumampi ang daliri nito sa dalaga at tuluyan na itong naabo.

Iwinasiwas ni Mina ang kanyang sandata patungo sa dem*nyong kalaban ni Bulan, kasabay naman ang paghagunos ng mala-palasong apoy na pinakawalan ni Luisa. Nang makita ng diwata na nakapaghanda na sila ay tuluyan na din itong naglaho kasama si Mapulon. Pabulong na nagpasalamat dito si Mina dahil sa pagbibigay nila nang sapat na oras sa mga kasama niyang para makapaghanda.

Nagsimula nang makipaglaban sina Gorem at Luisa sa isang dem*nyo. Nagpaulan naman ng apoy si Luisa dito kasabay ng walang humpay na pag-atake naman ni Gorem gamit ang kanyang sibat. Salitan ang pag-atake ng dalawa upang hindi makabawi ang kanilang kalaban. Walang humpay at walang kapagod-pagod ang ginagawa nilang pagunday ng saksak sa nilalang, hanggang sa tuluyan na nga nila itong napatumba sa lupa.

Ginamit naman ni Miguel ang pagkakataong ito upang sabuyan ng banal na tubig ang dem*nyo at dasalan ito upang maitaboy ito sa lupa at muling maibalik sa pinagmulan nitong impy*rno. Isang malakas na atungal at walang tigil na pagmum*ra ang binitawan nito bago ito tuluyang maging abo.

Samantala, patuloy na lumalaban si Mina sa huling nilalang na naroroon. Hindi rin nagtagal ay nagawa na rin niyang matalo ito.

"Ano na Sitan, magpakita ka, harapin mo ako." Sigaw ni Mina. Itinarak niya sa lupa ang hawak na espada at itinuro ang lupang nagsisimula nang sumara dahil sa pagkawala mg tatlong dem*nyo.

"Huwag mong sabihin naduduwag ka na? Hindi na kami ang dating nakalaban mo. Sisigiraduhin naming maibabalik ka namin sa pinanggalingan mo." Dagdag pa ng dalaga aat muling humalakhak si Sitan na umalingawngaw naman sa buong kabundukan ng Siranggaya.

ตอนถัดไป