Kinaumagahan ay naging normal naman ang lahat. Hindi na muna nila pinagtuunan ng pansin ang nadiskubrehang iyon ni Isagani bagkus ay itinuon nila ang pansin sa pagpapalakas ng kanilang mga karga.
"Sinag, balita ko may mga dayo daw na dumating sa bayan ng San Diego kagabi. Ayon sa nakakita balot na balot daw ang mga ito na animo'y natatakot makita ang kanilang mga anyo. " Pagbabalita ni Berto habang nasa pabrika sila.
"Hindi lang iyon Berto, sabi ng anak ko na nangangahoy, tumungo daw ang mga iyon sa bundok ng Sarong. Susundan pa sana niya eh kaso may sumita sa kanya, isang bata raw. Yung bata may kasamang malaking aso. Ayun nagtatakbo pauwi yung anak ko." Kwento pa ng isa nilang kasamahan.
"Sigurado ho ba kayo na sa bundok Sarong sila pumunta?"
"Oo doon nga, pero yung bata daw naglilibot kung saan dito." Wika pa nito at nagkatinginan lang si Sinag at Isagani. Kinahapunan pagkataposs ng kanilang trabaho ay agad na nilang sinundo si Mina upang sabay sabay na silang makauwi sa kanilang bahay.
Sumapit ang gabi at hindi na muna lumabas si Isagani upang magmasid. Araw kasi iyon ng byernes at araw iyon ng kanilang pagdarasal. Nakagawian na nilang magdasal sa araw ng martes at byernes upang pagtibayin ang kanilang pananampalataya at mga karga nilang dala-dala. Iyon din ang araw ng pagpapakain nila ng dasal sa kani-kanilang mga kaibigan at kasangga.
Sa kanilang pagdarasal ay nakaramdam sila ng pagbabago sa kanilang paligid. Napahinto silanat napalingon sa pintuan ng kanilang bahay. Naunang tumayo si Isagani at tinungo ang pintuan uoang buksan iyon.
Pagbukas ng pinto ay agad sumilay sa kanila ang isang dambuhalang itim na aso na sa pakiwari nila ay hindi ordinaryo. Bukod sa kakaibang laki nito ay kakaiba rin ang balahibo nito. Animo'y sumasayaw iyon na parang apoy ngunit kulay itim. Kakulay nito ang naghaharing kadiliman at kung hindi lang dahil sa liwanag ng buwan ay hindi nila ito masisipat. Kulay itim din ang mga mata nito pati ang mga pangil nito. Nakatayo ang mahaba nitong tenga at meron itong mahabang buntot na sumasayad sa lupa. Tila nakalutang lang din ang mga paa nito na hindi man lang sumasayad sa lupa.
Sa kanilang pagmamasid ay nakarinig sila ng malamyos na tunog ng plawta na agad na nakakuha ng pansin nila. Walang anu-ano'y dumapa sa lupa ang aso na animo'y isa itong maamong alaga. Nasipat naman nila ang pagdating ng isang batang lalaki na nakasuot ng itim na kasuotan. Mahaba ang buhok nito na lumalapat sa kaniyang balikat at magulong nakatali iyon.
"Magandang gabi, ikaw ba ang itinakda?" Tanong ng bata habang nakatingin kay Mina. Agad namang itinago ni Isagani si Mina sa kaniyang likuran at hinarap ang bata.
"Sino ka? Anong kailangan mo dito? Baka hinahanap ka na ng mga magulang mo." Wika ni Isagani na ikinatawa ng bata. Ibinaba nito ang hawak na plawta at sinilid sa kaniyang beywang. Napakamot ito sa ulo at muling ngumiti.
"Hindi ako kalaban. Nagkakamali ka kung iniisip mong isa akong kampon ng kadiliman. Itong alaga ko ay isang hari ng mga engkantong aso. Mababait ang mga uri nito sa mga taong mapagmahal sa kalikasan. Nandirito ako upang tugunin ang utos ni Mayari. " Wika ng bata na agad ipinakita ang mutya nitong tangan.
"Ang mutya ng ngipin ng aso." Sambit ni Sinag"
"Nandito ako upang ibigay ang babala ni Mayari. Kasalukuyan ng kumikilos ang mga kampon ni Sitan. Naghahanda na sila sa muli nitong pagbangon. Ikaw itinakda at amg kasama mong isinumpang aswang ang siyang kanilang magiging huling alay. Kung kaya't ibig ng diwata na dumito ako upang kayo ay bantayan. Bukod sa akin ay may ibang tulong pa ang darating. Ayon din sa diwata ay naglalakbay na din ang mga ermetanyong sasama sa digmaang ito. " Pahayag ng bata na lubha nilang ikinabahala. Agad nilang pinapasok ang batang iyon sa bahay. Nang aang susunod na ang kasama nitong aso ay bigla naman itong nagbago ng anyo at naging kasinlaki na lamang ito ng isang ordinaryong aso.
Pagkapasok nila sa bahay ay agad nilang nasipat ang pilat ng bata sa mukha nito. Tila ba sugat iyon na nakuha niya sa pakikidigma. Nakaguhit iyon sa kanyang kaliwang pisngi patungo sa kanan. Animo'y hiniwa iyon ng kung anong matalas na bagay. Kakaiba rin ang mga nakaukit sa braso nito. Tila ba mga letra iyon na hindi nila mawari kung anong klase.
"Ang pangalan ko nga pala ay Gorem, isa akong tao na may dugong engkanto. Alam niyo na siguro kung paano nangyari iyon. Ang aking ina ay isang tao at ang ama ko naman ay isang engkantong gubat. " Pagpapakilala nito.
Ikinamangha naman iyon ni Mina dahil ngayon lamang siya nakakita ng isang tao na may dugong engkanto. Normal kung titingnan ang batang iyon at sa itsura nito ay tila nasa labindalawang taong gulang pa lamang ito. Ang kakaiba lamang dito ay ang pilat niya sa mukha at ang kulany ng mata nito na tila pinaghalong kulay ng lupa at dahon.
"Ako si Sinag, ito naman si Isagani at si Mina. Kung hindi ako nagkakamali ikaw ang tinutuloy ng kasama ko na sumita sa kanyang anak na balak pumasok sa bundok ng Sarong ." Wika ni Sinag at napaisip ang bata. Nang maalala nito ang ganoong sitwasyon ay napangiti siya.
"Masyadong mapusok ang mga nilalang sa bundok na iyon ngayon. Nararamdaman kung naroroon na ang punong hukluban ni Sitan kasama ang kanyang limang alagad na mga Buso. Kung naituloy ng taong iyon ang kanyang pagpasok ay tiyak kong hinahapunan na siya ngayon ng mga nilalang na iyon."
"Nakita ko na sila. Ang limang iyon ay mga Buso?" Wika ni Isagani at tumango naman ang bata.
"Ang mga Buso ay mga demonyong maihahalintulad mo sa mga aswang o di kaya naman ay mga balbal. Kaya nilang kumain ng mga bangkay sa ilalim ng hukay at kaya din nilang kumain ng mga taong buhay. Nakadepende na iyon sa kung ano ang meron sa kanilang harapan. "
"Maiilap din ang mga nilalang na iyon at kalimitan mo silang mahahanap sa mga masusukal na kagubatan kung saan hindi sila madaling masisipat ng mga ordinaryong tao. Tulad ng mga balbal at ibang aswang at umaatake sila ng grupo. Kapag nakasalubong mo ang mga ito at wala kang panglaban matik hindi ka na sisikatan ng araw. " Dagdag pa nito.
"May alam ka sa hukluban?" Tanong ni Sinag at napailing ang bata.
"Ayon sa gabay ko ay ang huklubang iyon ang unang bumangon na nagmula pa sa kaharian ni Sitan. Iti lang din kasi ang may alam kung paano pababalikin si Sitan dito sa lupa gamit ang mga kaluluwa ng mga babaylan at nang dugo ninyong dalawa. " Sagot ni Gorem.
"Kung ganon lumiliit na ang mundong ginagalawan natin. Mina mas lalo mung pagtibayin ang sabulag mo. Hindi nila dapat malaman na nasa malapit ka lamang." Suhestiy1on ni Sinag.
"Opo Kuya Sinag." Sang-ayon naman ni Mina.
Kinaumagahan habang naghahanda sila upang magtrabaho ay isang lalaki ang humahangos na lumapit sa kanila. Natataranta ito na animo'y hindi nito alam ang kanyang gagawin.
"Sinag, tulungan mo ako, ang anak ko." Umiiyak na tawag ng lalaki. Agad niya itong nakilala at mabilis na nilapitan.
"Anong nangyari Mang Kanor?" Agarang tanong ni Sinag.
" Hindi ko rin alam, naglalaro lamang sila kahapon sa palayan nang bigla siyang nawalan ng malay. Tapos bigla bigla na lang nilagnat at kung anu ano na ang tumutubo sa balat nito ngayon. " Wika ng lalaki. Agad na kinuha ni Sinag ang kanyang mga gamit at mabilis na nilang tinungo ang bahay nito.
Pagdating nila sa bahay ay tumuloy na sila agad sa loob ng kwarto ng bata. Agad nilang nasipat ang sitwasyon ng bata kaya mabilis itomg nilapatan ng paunang dasal ni Sinag.
"Saang parte mg palayan naglaro ang batang ito?" Tanong ni Sinag na agad din inilahad ng ama nito.
"Pero Sinag, noon pa man ay diyan na ang ginagawang laruan ng mga bata at ngayon lang nangyari ito. " Sabad ng isa pa nilang kasamahan na noo'y naroroon din sa bahay ni Mang Kanor.
"Alam ko, kaya ko itatanong dahil, kailangan kong masigurado ang lugar upang makahanap ako ng bakas mula sa gumagambala sa anak ni Mang Kanor. "
"Hindi lang panggagambala ang nais nila, kundi itong bata mismo. Unang hakbang ng mga buso ang pagbibigau sakit sa mga biktima nila hanggang sa manghina ang mga ito. Saka sila aatake upang kunin ang kanilang mga biktima. " Wika ni Gorem at napatingin lang sa kanya ang mga naroroon.
Nang malapatan na ni Sinag ng paunang dasal ang bata ay agad na niya itong ginamot gamit ang mga halamang gamot na bigay ni Mina sa kanya. Ilamg oras din ang binuno ni Sinag bago niya tuluyang naialis ang marka ang sakit na ibinigay ng mga buso sa bata. Pawisan si Sinag nang matapos ang panggagamot niya sa bata. Laking pasalamat naman ni Mang Kanor nang makitang maayos na ang anak nito. Marami itong pilit na ibinibigay na kabayaran kay Sinag ngunit tinanggihan ito ng binata.
"Mang Kanor, hindi ako nagpapabayad, ang pagtulong kong ito sa inyo ay bukal sa aking kalooban at hindi ako kailanman nanghihingi ng kapalit. Isa lang ang nais ko at yun ay mag dasal kayo araw araw upang maging ligtas ang inyong pamilya. Tumawag kayo sa ama at ihingi niyo ng tawad ang lahat ng kasalanang inyong nagagawa sa bawat araw. " Wika ni Sinag at napatango lamang si Mang Kanor habang umiiyak.