This chapter is dedicated to fab_peculiar for creating such an awesome book cover!! Thankyou so soo much, fab-chaan!!😊
+++
Matapos ang nangyaring insidente ay isang linggo munang hindi pinapasok ang mga estudyante mula sa kanilang paaralan.
Annex University went on hiatus, dahil sa karumal-dumal na pagkaka-paslang sa isa sa mga mag-aaral na pumapasok mula rito.
Darwin Guantero, notably known as the golden boy of the campus was brutally murdered by a person whose motives were unknown.
Hanggang ngayon ay wala parin silang ibindensyang magtutukoy sa kung sino o sino-sino man ang siyang pumaslang sa nasabing binata.
The way he was killed was clean, and no evidences were found. Maging hibla ng buhok ay wala ring nakita.
At hindi rin matukoy ng mga pulisya kung saang lugar ba talaga nangyari ang buong krimen. All they know is that, he was killed, and his body was dragged into the campus with reasons, still unknown.
The exact time of his death remained as a mystery, but based on the latest autopsy report, the boy must have probably been killed at 12 midnight or 3 in the morning dahil sa lagay ng katawan nito.
Hanggang ngayon ay on-going parin ang kaso ng pagkamatay ni Darwin, ngunit minarkahan ito bilang isa sa mga on-hiatus cases ng mga pulisya't imbestigador, dubbing the crime scene as the first San Pawing butcher murder case.
First, you asked?
Iyon ay dahil, simula palamang ang lahat ng iyon sa sumunod at patuloy na pag-dami ng mga body counts...
Kung alam lang sana ng mga estudyanteng dito lang pala hahantong ang mga buhay nila, edi sana, nanatili nalamang sila sa pilit nilang idinidiing boring na school lives...
++++
Monday. June 15, 2×××
A woman named Zaira took a deep breath while staring at a mirror.
Kasalukuyan siya ngayong nasa loob ng female's restroom at pilit na binibigyan ng tatag ang sarili.
She was the murdered boy's homewroom teacher, at hanggang ngayo'y hindi pa'rin ito makapaniwala sa nangyari sa isa sa kanyang mga estudyante.
Their first lesson wasn't even starting yet, and someone's own blood already stained the halls.
Matapos mag-hilamos ay inayos niya na ang kanyang pamustura, sabay ngiti mula sa harapan ng salamin.
Sinusubukang patatagin ang sarili, kahit na, sa likod ng lahat ay purong kaba parin ang kanyang nararamdaman.
Her high-heels echoed throughout the hallways, dahilan upang kaagad na malaman ng kanyang mga estudyante ang kanyang presensya habang papalapit na mula sa kanyang klase.
Ang grade 9-Gold.
The whole class was quiet.
Na sadyang nakaka-panibago sa guro, dahil most of the time ay parati niya itong naaabutang maingay noong unang beses niyang mahawakan ang buong klase nito.
She entered the class wearing a bright smile on her face, trying to lighten up the mood. But the rest weren't following it.
H
alatang nanlulumo ang mga ito't hindi parin makapaniwala sa nangyari.
Agad siyang dumeretso mula sa harapan ng kanyang mga estudyante at bahagyang bumuntong hininga bago tuluyang magsalita.
"Good morning class," paunang wika ng guro, but she receives no reaction.
"I--I know, that you are all still sad of what happened to one of your fellow classmate. We all do! Darwin was a bright student. A good son to his parents, a great mentor to his siblings, and a wonderful friend to all of you. But right now... All we can do, is pray for his soul to finally be in peace," aniya pa, as she continues.
"I know how you feel. Sa dalawang taon nating parating nagkikita-kita sa klase, hindi natin maiiwasang maging malapit sa isa't-isa. You are all wonderful! At para ko narin kayong mga naka-babatang kapatid, kaya... Loosing one of you reaches the same level as loosing a brother.
First day of class might not be one of the best things that happened to you this year, but I can assure to you that everything going to be alright. S--Sa ngayon, iniimbistigahan na ng mga pulis ang nangyari kay Darwin. Since last week pa actually. Let's just pray na, sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa."
"First days has always been the worsts for me," mahinang wika ng isa sa kanyang mga estudyanteng si Joyce Montaño, habang makikitang naka-yakap pa sa kanyang sarili. "Pero... ito? Ibang-iba ito sa lahat ng mga worst days na naranasan ko," aniya pang muli.
Zaira sighs.
"I know."
Clariza Angelio raised a hand.
"Murder po ba ang nangyari? O suicide?" Tanong niya sa kanyang maestra, dahilan upang mapatingin mula sa kanya ang ilan sa kanyang mga kaklase.
"Have you not been paying attention on the news? Anong klaseng tanong ba yan?" Hindi makapaniwalang wika ng binatang si Mark Noya, ang class president ng klase. "Kahit saang anggulo ka pa tumingin, malamang murder iyong nangyari."
"Ahh... S--Sorry. W--Wala naman kasi kaming tv sa bahay eh. A--At tsaka, isa ako sa mga hindi pinalad na makita iyong bangkay ni Darwin," naiilang na wikang muli ni Clariza, halatang nahihiya sa naging tanong niya kanina.
Ngunit hindi na nagulat ang iba sa kanyang mga kaklase, lalo na't kilala naman siya bilang ang pinaka-slow sa buong klase.
"Maswerte ka pa nga eh," ani Sheena Morano. "Atleast kahit papaano nakaka-tulog ka pa ng mahimbing na hindi naaalala ang kalagayan ni Darwin."
"No need to be rude on her guys! Seriously! She was just asking!" Ani naman ni Heide Morillo, ang bise presidente ng klase.
Huminga naman ng malalim ang kanilang guro bago magsalitang muli.
"Class. Heide's right. Just leave her be," aniya, at pagkatapos ay binigyan ng isang ngiti ang estudyanteng nag-tanong. "Well, Ms. Angelio, based on what the autopsy reports, what happened wasn't just any kind of accident or suicide. He was indeed murdered."
"Murdered in cold blood," pabulong na wika naman ng class weirdo na si Rosario Fusio.
"But... Wh--Who would do such a horrible thing?" Tanong naman ni Nicole Lepasana, ang babaeng naturingang pinaka maarte sa kanilang buong klase, sobrang girlish kasi ito kapag nananamit, she even always wears a pink ribbon headband and mostly collects Hello Kitty and Barbie stuffs.
"At ano naman kaya ang rason niya sa pagpatay kay Darwin?" Aning muli ni Joyce, ang class top 2 at may pagka-maarte din sa ilang mga bagay-bagay.
"S--Sa pagkaka-alam ko kasi... A--At base narin ho sa pagkaka-kilala namin sa kanya, wala naman po siyang kaaway sa school natin! And besides, wala rin naman siyang problema sa pamiya, kaibigan, love life... and even money! His life was almost perfect for Pete's sake!"
"Pero... Hindi ba parang yo'n narin ang point?" Sabi ng binatang si Johnrey, one of the smartest student in section gold, known for his artistic talent.
Bahagyang napa-lingon mula sa kanya si Joyce.
"Kagaya ng?"
"He was rich and popular. At kapag gano'n, eh maraming tao ang maiingit sa'yo. In other words, he was already doomed from the start," seryosong wika pa nito.
"May point si Johnrey," wikang muli ni Mark. "A--At tsaka, hindi naman sa ano pero... diba may mga times na, nakikita nating pinag-titripan siya ng grupo nina Joey?"
"Mark, what are you saying?" Their teacher asked, in a serious tone.
"You're not accusing him of murder, are you?" Tanong naman ni Joyce.
"My god! Ba't ba kayo english ng english?" Palihim na reklamo naman ng binatang si Rogelio. Naka-upo lang ito sa may likod at pinapa-kinggan ang pag-uusap ng kanyang mga kaklase.
"H--Hindi naman sa gano'n pero--'
"Kilala ko si Joey," sabat nang wika ni Rogelio sa sana'y sinasabi ni Mark. "Magka-tapat lang ang bahay namin. At oo, isa nga siyang napaka-laking bully. Pero ang pumatay ng isang tao? Sigurado akong hinding-hindi niya magagawa yo'n,"
"At pano mo naman nasabi?" Jaica asked, the class researcher.
"Ni pananakit sa mga aso't pusa sobra siyang against eh! Sa pag-patay pa kaya?" Sagot dito ni Rogelio.
"Pero magkaiba ang aso't pusa sa tao, Rogelio. What if malaki ang puso niya pagdating sa mga hayop? Pero iba naman sa mga tao?" Aning muli ni Jaica.
"Now you're accusing him?" Sabi namang muli ni Nicole.
"Enough with the accusations guys!" Suway sa kanila ng kanilang guro. "Narinig ko na rin ang tungkol diyan. Nakausap na nila si Joey, at ang sabi ng mga pulis ay malinis daw siya."
"Si--Sino ba kasi yang Joey na yan?" Tanong muli ni Clariza.
"Mama mo," sarkastikong sagot naman ni Mark, sabay irap.
"Mark!" Suway muli ni Zaira, ngunit ngayo'y naka-harap na kay Mark.
"S--Sorry ma'am," tanging naiwika nalang nito.
Heide sighs dahil sa attitude na ipinapakita ni Mark sa kapwa nila kaklase, dahil dito'y tinap nalamang ng dalaga ang balikat ng katabing si Clariza.
"Taga ibang section si Joey, sweetie. At mas mabuti nang hindi mo siya nakikilala."
Mula sa may likurang bahagi ng classroom ay naka-upo ang dalagang nag-ngangalang Florelyn Manadong.
Napapa-yakap nalamang ito mula sa kanyang sarili sa tuwing naaalala iyong pangyayaring kanyang nakita isang linggo palamang ang nakakalipas.
Sa kasawiang palad kasi ay isa siya sa mga estudyanteng naka-witness ng wawak at wala nang buhay na katawan ni Darwin.
Simula no'ng araw na iyon ay hindi na siya naka-tulog pa ng mahimbing, dahil sa tuwing ipipinit niya ang kanyang mga mata'y muli niya lamang na naaalala ang kahindik-hindik na imaheng kanyang nasilayan.
She stood up and walked straight to the door, upang sana'y pumunta sa may cr.
"Pu--Punta lang po ako sa cr," paalam nito sa guro't kanyang mga kaklase, ngunit hindi pa man nakaka-alis ang dalaga'y agad lamang siyang natigilan nang magsalita ang isa sa kanyang mga kaklase.
"Don't leave," wika ng dalagang si Rosario, habang kanina pang abala sa pag-guhit ng kung ano mang bagay, dahilan upang kaagad na sa kanya ma-ibaling ang lahat ng atensyon ng buong klase, kasama na sina Florelyn at teacher Zaira.
"P--Pasensya na pero... P--Pakiramdam ko kasi parang masusuka ako kapag ipinagpatuloy niyo pa ang t--topic na yan eh," naiilang na wika ni Florelyn.
Sa puntong iyon ay doon lamang napa-tigil sa kanyang ginagawa si Rosario, at napa-tingala mula sa kanyang kaklase.
"At aalis ka mag-isa mo? Maglalakad sa madilim na hallways ng school kung saan may nakitang patay na katawan?" Iniwika iyon ng dalaga habang walang bahid ng kahit na ano mang ekpresyon ang makikita mula sa kanyang mukha.
Mark rolled his eyes upon hearing the class weirdo's words.
Simula nang mag-start ang klase ay matagal na talaga siyang naiirita sa babaeng ito. Kung ano-anong mga klase ng kababalaghan nalang din kasi ang parati nitong sinasabi.
"At ano naman ang gusto mong sabihin?" May halong pagka-iritang tanong ni Mark.
Bahagya munang napa-hinga ng malalim si Rosario bago mag-salitang muli. "Kung sino man ang pumatay sa kanya ay hindi pa nahahanap ng mga pulis. He might be just around here somewhere. Hiding his inner beast from a human's clothing. As far as I know, not all animals can be found in the jungle, forest or zoo. Some are walking within us. Sometime behind us, or some other times, besides us. Sa tingin niyo ba mapagkakatiwalaan niyo pa ang mga taong nakaka-halubilo niyo, ngayong may isa nang walang buhay?"
Dahil sa sinabing iyon ni Rosario ay mas naging marahan lamang ang naramdamang takot ni Florelyn mula sa kanyang katawan.
Bahagya itong napa-lingon mula sa sana'y dadaanang pasilyo.
Sa pagkaka-alam niya ay alas otso palamang ng umaga, ngunit nakakapag-takang parang medyo madilim naman yata ang nakikita niyang daraanan. She felt eerie, ngunit mas nangamba lamang siya nang walang kahit na sinong tao siyang nakikita mula roon.
If she continues, she'll be walking in the dark alone.
Sa lahat ng mga estudyante sa section gold ay kilala si Florelyn bilang matatakutin.
"Tsk. Tinatakot mo lang si Florelyn eh," wika ng may pagka-boyish na estudyanteng si Rejoy Pulga, sabay na tumayo mula sa kanyang kinauupuan at lumapit kay Florelyn.
"Sige, sasamahan nalang kita," tanging iniwika nalamang nito.
"Te--Teka, s--sama rin ako!" Ani naman ng isa pang babaeng estudyanteng si Juvy Ann Raagas. "Mag c-cr lang po kami ma'am," paalam pa ng dalaga sa maestra, at pagkatapos ay naglakad na sila paalis.
But the whole class couldn't deny na talagang medyo nakaka-panindig balahibo talaga ang sinabi ni Rosario.
"W--What she said just add me the creeps," sabi ng dalagang si Angelou Postrero habang niyayakap pa ang sarili, feeling the chills crawling all over her.
"Y--Yeah girl, I--I second the motion," pabulong na sagot naman sa kanya ng katabing si Rejielyn Villablanca.
Dahil dito'y muli nalamang na nagsalita ang kanilang guro. Mas pinili nalamang nitong ibahin ang kanilang topiko, dahil maging siya'y bahagyang nakaramdam rin ng pangingilabot dahil sa sinabi ng isa sa kanyang mga estudyante. But she can't deny na malaki rin ang puntong sinabi ni Rosario.
No one knows who did it.
And it could just be anyone.
"O--Okay. Class! L--Let's not jump into conclusions here. Kasalukuyan paring iniimbistigahan ng mga pulis ang nangyaring insidente kay Mr. Guantero! And all we have to do, is to be careful. Ms. Fusio has a point. The person behind the murder is still on the loose. Nobody knows who he or she might be. H--Hindi lang talaga natin alam kung anong sunod na pwedeng mangyayari. Kaya mas mabuti narin ang handa at nag-iingat," aniya. "But we can't just let this negativity to swallow us right? We're all still going to school for one reason, at iyon ay ang mag-aral. Kaya, siguro oras na para mag-simula na tayo sa ating unang klase."
+++
Murder.
Someone murdered one of her friends.
Bahagyang napa-pikit mula sa kanyang mata ang kanina pang tahimik na si Theresa.
She was present the whole time, just listening to her fellow classmates. Ngunit wari ba'y hindi roon naka pokus ang atensyon niya.
Tahimik lamang siyang naka-titig mula sa labas ng bintana, and she doesn't know if she'll call it luck, ngunit kitang-kita niya mula sa kanilang classroom ang mismong puno kung saan natagpuan ang bangkay ng kaibigan.
No'ng hindi pa nangyayari iyon ay palagay niya'y maswerte siya sa kanyang pwesto dahil nasa may ligid mismo ng bintana ang kanyang upuan, at mula roo'y magagandang tanawin agad ang unang bumubungad sa kanya sa tuwing napapa-dapo ang mga mata niya sa may labas.
Pero ngayon, sa tuwing napapa-tingin siya mula dito'y wari ba'y isang napaka-lagim na bangungot lamang ang kanyang muling naaalala.
Lalo na sa tuwing napapa-titig ang kanyang mga mata doon sa malaking puno ng narra.
The bloody images in her mind just resumes every time that happens.
"Theresa, u--uy Tisay! Ayos ka lang ba?"
Tanong ng dalagang si Jaica sa kaibigan, nang mapansin nitong wari ba'y kanina pa ito nakatulala mula sa labas ng bintana.
Umiling-iling lang si Theresa bilang sagot.
"W--Wala. Siguro... hindi ko lang takaga agad na nakakalimutan yo'ng... a--alam mo na," aniya, stating what her friend already knows.
Dahil dito'y napa-hinga ng malalim si Jaica. "Yeah. Actually lahat naman talaga tayo eh. Lalo na yo'ng mga nakakita talaga sa katawan niya. I--It was terrible. Hanggang ngayon nga rin eh hindi parin ako makapaniwala sa buong nangyari," aniya pa.
"True girl," wika naman ng isa pa nilang katabi lamang na si Nicole. "Even me. I really really can't believe it! Na may taong kayang gumawa nun! Thankfully though, hindi ako isa do'n sa mga naka-kita sa dead body niya," mala-conyo niya pang wika.
"Pasalamat ka nalang talaga," sabi naman ni Sheena. "Halos hindi ako makatulog every night eh. Parati ko lang na naaalala ang nangyari."
"Don't worry guys, everything's going to be okay! Kung sino man ang taong gumawa no'n kay Darwin, I'm pretty sure na wala na siyang kawala!" Sabing muli ni Jaica. "The police are already looking for him right? --Or her. Or them? A--And I'm sure na, whoever's responsible for our friend's death will be caught on jail in no time! And there, he will rot!" Proud pa nitong pagkaka-sabi.
"Exactly! And they better prepare themselves for what's coming next! Cause it's sure going to be hell!" Ani naman ni Nicole.
"Dapat lang noh! nagkamali siya sa binagga niyang section!" Muling ani Jaica.
Theresa sighed.
Napaisip siya. Madali lang naman iyong sabihin para sa kanila eh. Ngunit alam niya sa kanyang isipang kung sino man ang taong gumawa nun sa kaklase nila'y hindi lang basta-basta.
As of today, wala pang kahit na anong ebidensyang mag-tuturo sa kahit na sinong suspect manlang, kaya paniguradong hindi its magiging madali.
And she has a feeling, that everything's only just the beginning.
+++
Matapos ang unang klase nila mula sa kanilang gurong si Ms. Zaira ay kaagad nang lumiban sa mula sa loob ng klase ang maestra upang mag-tungo sa susunod na klaseng kanyang tuturuan.
Dahil dito'y agad na muling naging usap-usapan ng mga estudyante ang nangyaring insedente. They were all having some theories, on how the boy was killed, why, and when.
Bukod pa rito'y pinag-usapan din nila kung sino-sino ang mga posibleng gumawa nito sa binata.
But each and every one of them reached a dead end.
Ilang minuto naman ang lumipas ay napag-disisyunan ng class president at vice president nila na tumayo mula sa kanilang mga kinauupuan at agad na magpunta sa harapan ng kanilang klase. Both deciding to clear some things out, dahil halos iyon nalamang ang bagay na parating pinag-uusapan ng kanilang mga kaklase. Although, alam naman rin nilang, these kinds of things cannot be helped.
Mark cleared his throat first, trying to get everyone's attention, dahilan upang agad na mapabaling naman sa kanila ang mata ng mga ito.
"Listen up guys!" Said Mark. "I know. Darwin's death was a sudden tragedy. And we will never forget about him for the rest of our lives! Ngunit sa ngayon, hindi ba pwedeng sa mga pulis nalamang muna natin ipa-ubaya ang kasong yan? We're just going in circles! And It's already being taken care of. Sa ngayon, may mga nakalap din kaming mangilan-ngilang research ni Heide tungkol sa hidden urban legend na umano'y nangyari daw 3 years ago," monologong wika ni Mark.
"And what connection does these kinds of urban legends have to do with Darwin case?" A boy named Erron Mejico asked, ang kilala bilang top-notching student ng buong klase.
Maraming beses na rin siyang maging class president simula no'ng maging magkakaklase sila noong grade 7, at sa school year na ito'y ibinigay niya nalamang muna ang presidential role sa kaklaseng si Mark.
"I--I know that this might sound so unbelievable, like totally unbelievable. Pero... marami ang mga haka-hakang a--ang section A-Gold daw.... ay... a--ay isang, isinumpang classroom," aniya.
"Wow. How original," sarkastiko at bored na pagkaka-wika ni Joyce.
"Akala ko ba naiinis ka every time na may binabahaging creepy stories tong si Rosario? Eh ba't bigla ka nalang nagpapa-niwala sa mga sumpang yan?" Tanong naman ng dalagang si Alexandra Sabusap sa kaklase, halatang hindi naniniwala dito.
Napabuntong hininga nalamang ng dahil dito sina Mark at Heide. Alam narin kasi nilang magiging ganito lamang ang reaksyon ng kanilang mga kaklase.
"I--It's not like naniniwala na 'ko sa mga supernatural o paranormal o something naman. Pe--Pero, I think you guys has to atleast know about it," ani nalamang ni Mark.
Erron made a thought of it. Unlike his classmates.
Para kasing narinig niya na rin ang tungkol sa sinasabing urban legend ng binata.
"Mark, if what you're saying is true, then, bakit nga ba toh tinawag na cursed section?" Kyoryos niyang tanong.
Dahil dito'y pareho namang nag-tinginan muli sina Mark at Heide dahil sa naging tanong ni Erron.
"Ang totoo niyan hindi rin namin masyadong alam kung bakit," wika ng class vice president nilang si Heide. "Pero matapos ang nangyari kay Darwin, at nang malaman ng buong campus na taga section Gold sya--which is our section, the rumor has spread once again. We tried to grasp some research, but talagang ginawang pribado ang article ng sinasabing urban legend maging sa internet at mga libro. And the rest of the people who knows about it would only give us some few informations."
"And why is that?" Muling tanong ni Erron.
Heide then shrugged both of her shoulders as an answer.
"We're not sure ourselves. But, a guy said something like 'not wanting to be cursed' na hindi ko naman gaanong naintindihan," aniya pa.
Joyce rolled her eyes in annoyance.
"Then what if this curse really has to do with what just happened a week ago? Sinusubukan niyo bang sabihin na, isang ghost o kung ano mang mahilig manumpang nilalang ang siyang pumatay kay Darwin? Nuno sa punso gano'n? Aren't you guys one of the smartest kids in this class? Surely naman may mas magandang maiisip pa kayo bukod diyan diba?" Naka-taas na kilay niyang wika, halatang hindi makapaniwalang maging ang kanilang pinaka-matatalinong mga kaklase ay nagpapaniwala din sa mga ganoong bagay-bagay.
"And just because someone was murdered doesn't mean that a curse is about to start right?" Aniya pa.
"I agree with Joycie here!" Ani ni Nicole. "Instead na tawagin tayong cursed section, dapat nga tawagin pa nila tayong the perfect section diba? Aren't we all just so beautiful?" Wika niya pa, halatang proud sa kanyang sarili, sabay na napa-tingin naman kay Clariza at muling may sinabi. "I mean, except for this one, I guess?"
Joyce rolled her eyes once more.
"Thank you for agreeing, but that isn't the point, Barbie!" Napapa-iling na wika nalamang ni Joyce.
Agad namang napansin ni Clariza ang pagpaparinig sa kanya ni Nicole
"Teka, may problema ka ba sakin ha?" Tanong nito.
"Oh sorry! Hindi ko naman sinasadyang matamaan ka! And I get it. All bodies are beautiful. All faces are beautiful, even yours," May pagka-maarteng wikang muli ni Nicole.
"Tumigil nga kayong dalawa! Ibang kaso tong pinag-uusapan natin! What the hell are you doing!?" Sita sa kanila ni Mark. Dahilan upang parehong magsitigil nalamang ang mga ito, nguniy gayon pa ma'y masama parin ang titig ng mga ito sa isa't-isa.
"Bitch!" Bulong na sabi ni Clariza.
"Flappy bird!" Ganti naman ni Nicole.
"I-umpog ko kayong dalawa diyan eh gusto niyo?" Bulyaw naman sa kanila ni Joyce.
"Haay naku! Mga kabataan talaga ngayon. Akala mo lang lahat pag-asa ng bayan. Pollution pala ang iba," pagpapa-rinig ng binatang si Ian Keech Fabi, ang boy-next-door at comedian ng kanilang klase.
Magsasalita pa sanang muli sina Mark at Heide... Ngunit agad lamang silang natigilan nang bigla nalamang may ini-announce sa buong campus ang mga speakers na naka-dikit sa ilang sides ng buong hallways, dahilan upang marinig rin ito ng mga taga section gold.
"Attention to all students of Annex University. Please proceed to the ground plaza. Again, please proceed to the ground plaza. The first campus flag ceremony will start in just a few minutes. Again, the first campus flag ceremony will start in just a few minutes."
"Flag ceremony?" Takang tanong ng ilang mga estudyante sa kanilang klase.
"Pero, mag-aalas dyis na!" Ani Alexandra.
"Umulan kaninang umaga diba? At monday ngayon. Dapat talaga may flag ceremony, now move your asses guys at wag nang mag-reklamo," anunsyo sa kanila ni Heide.
Dahil dito'y agad nang nagsitayuan mula sa kani-kanilang kinauupuan ang mga ito, at sabay-sabay na lumabas mula sa loob ng kanilang classroom upang na sundin ang pag-papapunta sa kanila mula sa ground plaza.
***
Sabay na lumabas mula sa kanilang classrom ang magkaibigang Heide at Alexandra, since naituring na nila ang isa't-isa bilang matalik na magkaibigan, ngunit hindi pa man nakakababa ng ground floor ang dalawa ay bigla nalamang na natigilan mula sa kanyang pag-lalakad si Heide't may naalala.
"Woah wait! Y--Yung wallet ko!" Wika niya habang kinakapa pa ang laman ng kanyang bulsa.
"Bakit? --Naku Heids ah! Wag mong sabihing naiwan mo nanaman sa bag mo?" Said Alexandra.
Heide sighed.
"Yeah. Looks like it."
"Pero sigurado ka bang sa bag mo talaga nailagay? Hindi sa sarili mong desk? Kasi naku! Alam na! Pick pocketers!"
"No worries. I swear na sa bag ko talaga nailagay yo'n, but to make sure na it's safe, at para narin siguradong may ipapamasahe ako mamaya, I think mas maganda kung kukunin ko nalang do'n saglit," ani Heide.
"Seriously? Hindi ba pwedeng mamaya nalang yan? Baka mahuli pa tayo sa first flag ceremony natin! Wala naman sigurong mag-tatangkang mang-galaw ng hindi nila sariling bag diba?"
"Sorry friend, but I just can't leave it there! Wala pa namang lock yo'ng pintuan ng classroom natin! Di natin alam kung anong pwedeng mangyari. At tsaka, malaking halaga rin ang pwedeng mawala sa'kin if ever pabayaan ko lang yun do'n! Promise! I won't take long!" She said in monologue.
Dahil dito'y napabuntong hininga nalamang si Alexandra, kahit anong pigil niya'y alam niya rin namang walang makaka-hadlang kay Heide.
"Fine! Sanaol rich kid!"
"Duh! Taga-sanaol lang din ako noh! Marunong lang din talaga akong mag-tipid. Sige Xand! Mauna nalang muna kayo. And tell Mark na umayos sa pag-pila ang mga kaklase natin! Balikan ko lang yung wallet ko."
"Gora friend!"
At matapos iyon ay agad na ngang umakyat pabalik ng 4th floor si Heide upang muling balikan ang naiwan niyang wallet.
Habang naglalakad papunta sa kanilang classroom ay may biglang narinig na kalabog ang dalaga na nanggagaling lang mismo sa isa pang classroom na malapit lang din noong kanila.
Sa room number 16.
Pero hindi niya na muna ito pinansin at dumeretso nalamang muna sa kanilang sariling classroom.
And luckily, wala pa namang may nagtangkang mangulikot ng kanilang mga gamit doon kaya nama'y dali-dali niyang kinuha ang wallet mula sa loob ng kanyang bag.
At sa susunod ay talagang parati niya na itong isisilid sa kanyang bulsa.
"Buti nalang," may pagka-relief na sabi ng dalaga sa sarili, at dali-dali nang lumabas mula roon. Mahirap na't baka ma-late pa siya sa kauna-unahan nilang flag ceremony. Vice president pa naman din siya.
Habang papalabas ay muli niya nanamang narinig ang kakaunting kalabog na nanggagaling mula sa may room number 17.
She took a peak, at gano'n nalamang ang kanyang biglaang pag-tataka nang makitang bukas na pala ang pinto nito. Kumpara noong una niya itong makita kanina.
Heide was kind of creeped out and chills started to succumb her whole body.
Matagal na rin kasing walang may gumagamit ng classroom na iyon, at simula noong mag-enroll siya rito'y parati na talaga itong naka-lock.
She took a deep breath. At napag-desisyunang magpatuloy nalamang sana mula sa paglalakad, ngunit bahagya siyang napahinto nang muli lamang na mapa-dapo ang kanyang mga mata mula roon.
Her eyes caught something. --or rather, someone...
There was another student besides her, and it was standing inside the classroom.
Peacefully facing the closed windows and not making any sound.
Ang buong pag-aakala niya ay isa lamang ito sa kanyang mga kaklase o schoomate. The guy seemed so familiar, even though likod lamang ang kanyang nakikita mula rito. Kaya nama'y napagdisisyunan nalamang muna ng dalaga na lumapit mula sa may bahaging pintuan no'ng classroom, upang sana'y tawagin kung sino man ito.
The sound of silence and the eerie atmosphere were enough to send more chills throughout her whole body.
Napakadilim mula sa loob nito, which makes sense dahil halos naka-sara ang lahat ng mga bintana noong classroom, na halos hindi niya na makita iyong taong nasa loob.
The person started singing a song quietly and slowly.
A children's song.
"London bridge is falling down... Falling down... Falling down... London bridge is falling down... My fair lady--"
"Uh, he--hello? Excuse me? Magsisimula na po ang flag ceremony natin. Hindi daw pwedeng malate," sabi ni Heide doon sa nakatalikod na binata, dahilan upang bahagya itong mapatigil sa pag-kanta.
Ngunit hindi siya sinagot nito.
"Hello? Ku--Kung sino man ang nasa loob, kailangan mo na talagang lumabas. Dapat daw kasi, on-time ang pag-punta. You don't want to be late at our first ceremony, do you?" Aniyang muli.
"Sige! Susunod ako!"
Wika naman no'ng taong nasa loob ng madilim na classroom.
Bahagyang napa-kunot ng kanyang noo si Heide. Para kasing nakikilala niya ang boses nito.
"Uh, Dan? Daniel Daa? Ikaw ba yan?" She asked the student. "A--Ano bang ginagawa mo sa lugar na toh? And how's this even open? Buong pag-aakala ko parati na talaga itong naka-sara," sinabi niya sa inakala niyang kaklase habang inililibot ang kanyang paningin sa buong sulok ng naturang classrom. Wala itong pag-kakaiba sa kung ano mang classroom ang meron sila. The only single difference is, it's way more dusty. Halatang wala na talagang may gumagamit.
"Susunod ako."
Tanging isinagot lang noong binata, but this time, wari ba'y bigla nalang nag-iba ang tono ng boses nito. Dahilan upang bahagyang makaramdam ng kaunting pangingilabot ang dalaga.
Hindi niya alam kung nagkamali lang ba siya ng pagkadinig... Basta kung kanina'y kaboses nito ang isa sa kanyang mga kaklase, ngayon naman ay bigla nalamang itong nagboses matanda. Yung tipong parang lumalim nalang bigla ang tono ng pananalita nito.
Heide felt something unusual. And at that moment, she knew that something's wrong.
"Uh... S--sige. K--Kung ayaw mong sumabay sakin, edi mauna nalang muna ako sayo ah? Bu--But make sure to come before the bell rings," wika nalamang muli ni Heide doon sa taong nakatalikod.
Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nito sinagot.
"Weird," bulong niya sa kanyang sarili.
Tatalikod na sana ang dalaga, ngunit gayun nalamang ang kanyang biglaang pagkagulat nang may bigla nalamang humawak muka sa kanyang balikat, dahilan upang otomatikong mapa-pidlag ng dahil sa gulat ang dalaga.
"Ay Pusang ina!"
"Pusang ina? Sino? Ako?"
Takang tanong ng bigla nalamang sumulpot na si Jaica, isa sa kanyang mga kaklase.
"The hell!? Jaica, ikaw lang pala!? Wag ka namang mang-gugulat
"S--Sorry naman!" Paghingi ng paumanhin ng dalaga. "Ikaw naman kasi eh! Ang tagal-tagal mo! Pinapatawag ka na ni ma'am Zaira. Ikaw nalang daw kasi ang kulang do'n sa pila eh. Ano pa ba kasing ginagawa mo?" Wika pa nito.
"I just forgot my wallet so binalikan ko lang. Who knows what could happened diba? If there's a murderer, there will always be a thief!" Ani Heide.
"Exactly! Alam mo, kahit may pagka-weirdo yang si Rosario, mostly naman may point yang mga sinasabi niya eh! Gaya nalang no'ng sinabi niya kanina! One of our friends was murdered in this exact same school. And you're venturing alone just because of that stupid wallet of yours? Girl, what are you doing?" Reklamo sa kanya ni Jaica.
Bahagya namang napa-hinga ng malalim si Heide, realizing what she just did. Her friend's right.
"I--I know. Tama ka. Pero, hindi naman talaga ako mag-tatagal kundi dahil dito kay Daniel eh. I'm just trying to let him come with me, but the guy's acting weird again," pag-eexplain ni Heide."
Bahayang napakunot naman ng noo si Jaica dahil sa binanggit na pangalan ng kaklase.
"Daniel?" She asked in confusion.
Heide nods in response.
"Don't tell me hindi mo siya nakikilala? He's one of our--"
"Classmates, I know. Duh!" Pag-puputol ni Jaica kay Heide. "Pero kung ang tinutukoy mo ay si Daniel Daa, kanina pa siya nasa pila! Didn't I told you na ikaw nalang ang kulang?" Said Jaica, pointing out a fact.
Dahil sa sinabi ng kaibigan ay kaagad namang nabalutan ng pagtataka ang buong facial expression ni Heide, dahilan upang muli lamang siyang napa-tingin doon sa madilim na classroom.
"A--At tsaka... Hindi ba dapat eh naka-sara ang classroom na toh?" Sunod na itinanong ni Jaica, at bahagyang napapa-yakap mula sa kanyang sarili dahil sa lamig na bigla niya nalamang na naramdaman.
Heide roamed her gazes inside the dark and ghastly sides of the 16th classroom, trying to find the person she saw just a few minutes ago. Ngunit mas lalo lamang na lumaki ang kanyang pag-tataka nang walang kahit na sinong siyang nakita doon.
"I swear. May taong naka-tayo diyan kanina. A--Akala ko si Daniel kasi... M--Magkapareho sila ng boses!" Pag-kukwento niya sa kaibigan. "But then again... Come to think of it, bigla nalang nag-iba ang boses niya no'ng magsalita siya ulit," aniyang muli.
"What are you trying to say? Eh wala namang tao diyan ah?"
"Ngayon oo. Pe--Pero kanina... K--Kanina talaga may--"
Jaica sighs, holding Heide's shoulders.
"Alam mo Heids, panigurado akong gutom lang yan. Kilala kita. Alam kong hindi ka fan na kumain ng maaga at mas prina-priority mo ang pag-pasok sa school first thing in the morning. Kaya ang mabuti pa siguro, eh pumunta nalang muna tayo sa ceremony line natin. Hayaan mo, pagkatapos nito, deretso na muna tayo agad sa canteen!"
"Pe--Pero--" Sa puntong iyon, ay hindi na nakapalag pa si Heide. Bigla nalang kasi siyang hinatak ng kaklase papaalis mula sa lugar na iyon.
But for that instant, alam niya mula sa kanyang sariling hindi siya namalik-mata lang.
Alam niyang hindi siya nagdidiliryo, at mas lalong alam niyang hindi iyon epekto ng kanyang gutom.
May kung anong hindi maintindihang bagay talaga siyang nasaksihan kanina...
•••
"Ilang oras nalang."
Nakangising bulong ng misteryosong tao sa loob ng lumang classroom.
•••
PLAYERS LIST:
1. Alexandra Sabusap
2. Angel Corritana
3. Angelou Postrero
4. Clariza Angelio
5. Daniel Daa
6. [ D E C E A S E D ]
7. Erron Mejico
8. Fatima Pagado
9. Florelyn Manadong
10. Heide Morillo
11. Ian Keech Fabi
12. Jaica Caballa
13. Janmil Daga
14. Jejelyn Basas
15. Johnrey Daga
16. John Lester Palejo
17. Joseph Araña
18. Joseph Dacatimbang
19. Joyce Anne Montaño
20. Justin Hijada
21. Juvy Ann Raagas
22. Kristine Delfin
23. Lalaine Navarrosa
24. Mark Noya
25. Mj Rabandaban
26. Mell Labita
27. Michelle Calope
28. Nelmark Pulga
29. Nicole Lepasana
30. Raynold Corritana
31. Reden Monton
32. Rejielyn Villablanca
33. Rejoy Pulga
34. Rezzie Reandino
35. Reymart Barca
36. Richard Piñeda
37. Rosario Fusio
38. Rosemarie Norriga
39. Sheena Morano
40. Theresa Maula
41. Vince Marga
42. Zyhra Badion
Alive: 41
Deceased: 01
+++
T o B e C o n t i n u e d . . . . .