webnovel

7.14 Know Your Place

"Tabi diyan! Makikiraan po." pakiusap ng mga nurses mula sa emergency room at kasama nila ang pasyenteng malapit ng manganak patungo sa operating room.

It was known worldwide that the birth of a child was a blessing but his own recollection of thoughts tells him otherwise and could break stereotypes regarding the matters of premarital relationship. Nakasandal na lang ang binata sa vending machine malapit sa cafeteria ng ospital noong napagtanto niya ang gabing madilim na nangyari sa yugto ng kanyang buhay.

"Nyeta! Bakit ko ba hinayaang gawin niya sa akin iyon?" A dismantling shocked expression was revealed on Maki's face as he whispered to himself.

No one could blame him as a matter of fact. Siya ay pawang isang biktima lang sa kumpol ng ahas na pilit nanunuklaw ng iba para sa kanilang sariling kaligayahan. Gayong mukhang wala siyang makakaramay sa mga oras na iyon ay pinili na lamang niya manahimik sa isang tabi.

A can of coffee surely cannot guarantee na maiiwasan ang kalungkutan sa kanyang pinasok na suliranin ngunit hindi niya akalain na magiging daan iyon sa kanyang unexpected brotherhood na masisimulan sa katauhang hindi niya aakalaing may kabuluhan pala ang mga salitang namumutawi sa kanyang bibig.

"Himala ito ah! Hahahahaha…" Agaw atensyon ang pangungutya ni Minami sa naturang ace player. Tawa ng may sayad ang lalong nagpaikli sa pasensya ni Maki kung paano siyang tratuhin ng kausap niya.

"Ano bang problema mo?" naiinis na tanong ni Maki gayong mukhang wala siyang magagawa kung nais ni Minami na maghasik ng lagim.

"Ikaw. Nakaharang ka diyan sa pindutan ng cold drinks kaya paano ko makukuha iyang soda sa likod mo?!" Resbak ni Minami sa pagiging inconsiderate kuno ni Maki sa kanya.

"Hindi lang naman ito ang vending machine sa lugar na ito." wika naman ni Maki sabay tumabi sa gilid ng hallway.

"Kaya nga pero under maintenance pa ang iba dito kaya isa lang ang pwedeng pagdiskitahan." pangangatwiran ni Minami sa binata.

"Tsk!" Napairap na lamang ng tingin si Maki nang makuha na ni Minami sa vending machine ang kanyang biniling inumin. Matapos ang kanilang girian sa tapat mismo ng cafeteria ay pinangunahan na ni Minami ang kanilang pag-uusap.

"Pasensya ka na sa akin kung masama ang umpisa ng araw ko ngayon." sabi ni Minami kay Maki na lubos na ikinagulat ng binata.

"Parang araw-araw na nga yata ang masamang umpisa ng umaga mo." bulong na side comment ni Maki.

"Marunong kang magsorry?!" tugon ni Maki sa once in a blue moon moment in Minami's life.

"Malamang hindi. Tsaka ano bang ginagawa mo doon sa clinic ni Dra. Azure kanina?" His sarcasm strikes again. Naging curious si Minami sa binatang kausap niya na halos isaboy na sa pagmumukha nito ang kapeng iniinom ni Maki.

"Ehem! At bakit ka ba nakikiusyoso sa buhay ko? Ni hindi ko nga hinihingi ang pakikinig ng tenga mo dyan." sagot ni Maki na tila nawawalan na ng pasensya sa kakulitan ni Minami sa pagtatanong.

"Sa pagkakaalam ko, ang mga doktor lang ang may karapatang magsungit sa pasiyente nila kung hindi nasusunod ang mga bilin nila para sa kalusugan nila. Dibale na… Hindi lang ako sanay na makita kang nagmamaktol dyan sa sulok dahil nagmumukha kang thunders na inagawan ng pensyon money sa welfare ministry." pasakalyeng komento ni Minami at nagtangka ng umalis para bumalik sa kanyang internship life.

"Sandali!" pagtawag ni Maki sa papalayong si Minami. Tila mapaglaro talaga ang dikta ng tadhana sa mga tao dahil halos lumiliit na ang mundong ginagalawan ni Maki.

Nang paalis na si Minami ay biglang may nahulog na picture mula sa paanan nito. Nasulyapan mismo ni Maki ang babaeng maituturing niyang sumpa at malaking pagkakamali sa kanyang buhay. "Hoy! Naiwan mo ito." wika ni Maki at mukhang nawalan ng gana si Minami na balikan pa ang larawang kupas sa kanyang alaala.

"Itapon mo na iyan kung gusto mo." bilin ni Minami na mukhang tinamaan ng bato sa langit.

"Bakit magkasama kayong dalawa ni Kozue dito? May namagitan ba sa inyo?" Sunod-sunod ang katanungan ni Maki para sa binatang kausap niya pero hindi interesado si Minami na ikwento ang pinagdaanan niya sa kamay ng isang Kozue Tsuchiya.

"Anong meron at parang nakikiusyoso ka na din sa buhay ko?..." Minami asked him.

"Basta!" pagbabarang tugon ni Maki. Nang pinakiusap ni Maki ang buong salaysay ay huminga muna si Minami ng malalim at naglakas-loob na isiwalat na ang sikreto ng dalaga.

"Naging nobya ko iyan dati para lang mainis ang mahangin niyang pinsan. No commitment ang ganap and just pure business lang ang napagkasunduan namin sa relasyon namin. Minahal ko naman siya kalaunan pero hindi ko akalaain na babaligtarin niya mismo ang buhay ko ng dahil lang sa kagustuhan niya." paunang salita ni Minami kaya mas lalong naenganyo si Maki na pakinggan ang history nila.

"At bakit naman? Dahil ba may ginawa kang masama sa pinsan niya? Ganun ba iyon?!" usyoso ni Maki sa kanyang kausap.

"Alam mo naman siguro na kilalang tao ang tatay ko sa medisina diba?! Muntik na niya kasing nakawin kay papa iyong pinaghirapan niyang pera sa loob ng mahabang panahon na pagtatrabaho para sa amin. Although hindi man kami laging magkasundo ni papa pero siya mismo ang nagsuggest na ilapit si Kozue sa mental institution para matutukan ang kundisyon ng pag-iisip niya. Lumaki kasi siya sa puder ng pinsan niyang si Atsushi at naging saksi ka naman na pumanaw na rin ang lola na kumupkop sa kanila kaya kabaliwan lang ang napala niya dun at hindi siya matutukan ng mga kamag-anak niya."

Upon hearing the whole story ay tila nabahala ng husto si Maki sa pag-iwan sa kanilang dalawa ni Sandy at Kozue sa kanilang bahay. "Kailan pa wari naadmit si Kozue sa mental institution?" muling tanong ni Maki sa kanyang kausap.

"Nitong nakaraang dalawang linggo. Bakit parang namutla ka bigla dyan?" Nagtatakang tugon ni Minami sa reaksyon ni Maki mula sa narinig.

"Naroon siya sa bahay namin." maikli man ang sagot niya ngunit nahahalata pa rin sa boses ni Maki ang pagkabalisa sa kanyang nalaman.

"Aysus! Patay kang bata ka…" ngising sabi ni Minami sa kanya. Samantala ay pilit na lamang nagtitimpi si Maki sa pakikitungo sa kanya ni Minami.

"Ni hindi ko nga siya inimbitahang pumunta sa bahay namin pero siya itong mapilit at pinagdidiinan niyang ako ang tatay ng ipinagbubuntis niya." paliwanag ni Maki sa kanya na agad namang sinegundahan ni Minami.

"May nangyari sa inyo?" sabi niya ng may pag-aalala.

"Oo pero hindi ko iyon sinasadya." mahinang sabi ni Maki sa pagmumukha ng shocked face ni Minami.

"Kung may mahal ka ng iba o kahit wala pa sa ngayon, sig- uro mas maigi ng tumindig ka na sa tama habang maaga pa. Hindi ka naman cephalopod na gaya ng pusit para magmahal ka ng dalawang babae ng sabay not unless kung hayop talaga ang tingin mo sa sarili mo." sabi ni Minami at tuluyan na siyang lumisan para ituloy ang kanyang naudlot na gawain sa opisina.

Kasalukuyang nakatambay sa garden ng bahay ni Maki ang dalawang magkaribal sa kanyang atensyon at pagmamahal. Si Sandy ang nakatoka sa pagdidilig ng halaman samantalang nagpapahinga naman si Kozue sa may silong ng puno na tila ku- mukuyakoy pa ang kanyang mga paa sa papag.

They seem to have inner peace within their minds pero mukhang hindi rin iyon magtatagal para sa isang adopted daughter of the family. "Your name is Sandy, am I right?" Kozue asked her in an insulting manner to Sandy who is her current caregiver as of the moment.

"Yeah, so what's your deal then?" seryosong tanong ni Sandy na tila nabubwisit sa kaartehan ng kasama niya sa bahay.

Habang nilalasap ni Kozue ang mainit na kape sa kanyang tasa ay nahulog niya sa damuhan ang kutsarita nito. "Oopsie! Iabot mo nga sa akin iyong teaspoon ko, Sandy." pagmamakaawang sabi nito habang nakangiti siya sa pang-aasar kay Sandy.

[Sandy Margaux…]

Arrgh! Sumosobra na talaga siya. Malamang itatapon ko siya sa bangin doon sa likod ng bahay nila Maki kung pwede lang patulan ang inggrata na gaya niya. You might also sympathize with me to what I'm ranting about dahil isa rin malamang sa mga taong binabackstab niyo ng mga kaibigan mo ay ang mga nilalang na walang utang na loob.

Niligpit ko na nga ang sarili niyang pinagkainan eh may gana pa siyang umasta na parang royalty sa mga pelikula. Hindi naman sa pinipilit ko siya na bayaran ang utang na loob na iyon pero sana man lang eh magpakita naman siya ng konting respeto at paggalang sa karapatan ko. Pasalamat pa iyang buwisit na Kozue at nakakapagpigil pa ako ng galit sa kanya.

"SANDALI LANG PO!" bulyaw ko sa kanya mula sa malayo dahil baka hindi niya rin marinig ang angelic voice ko.

A distance of 30 meters was quite far mula sa kinauupuan niya. Kumaripas na ako ng takbo dahil baka magsumbong pa iyon kay Maki na hindi ko siya pinagsisilbihan sa sariling pamamahay nila at malalagot naman ako sa kanila kung sakaling mamiscarriage pa ang impakta na ito.

Nang makarating ako sa papag niya ay medyo napailap ako kung saan niya itinapon ang teaspoon. "Bwisit! Ano bang kasing kahangalan ang ginagawa mo at talagang itinapon mo pa iyon sa ilalim ng putikan?!"

Naloka ako sa sumunod na nangyari sa akin dahil pagkayuko ko palang para kunin ang kutsarita niya ay pinatong ng walang hiya ang paa niyang maalipunga sa likod ko. Disenteng pajama pa naman din ang suot ko na niregalo sa akin ng papa ni Maki pagkatapos ay masisira lang ang ganda nun ng dahil lang sa Kozue na ito.

"Teka sandali. Ano bang akala mo sa akin, lamesita hah?!" naiinis kong sabi sa kanya at mukhang hindi pa siya nakuntento sa nangyari sa akin at patuloy niya pang inaalipusta ang pagkatao ko.

"Masyado ka na kasing napaghahalataang haliparot sa pamamahay mismo ng amo mo na si Shinichi Maki. Nakikisipsip ka sa kayamanang meron sila na hindi naman talaga para sa'yo at isa pa huwag ka ngang magagalit sa akin dahil pinababalik lang naman kita kung saan ka talaga nanggagaling at nababagay." She's saying that while I'm facing the struggle to fight back against her at dahil masyado na niya akong pinitik sa mga salita niya ay hindi ko na napigilan ang sarili kong pumatol na sa kanya.

I grabbed her foot at hinila siya mula sa papag. It almost left a scar on her leg but guess what, I don't even care. "Kahapon pa ako nagtitimpi sa'yong bruha ka. Kung asar na asar ka sa mutual relationship na meron kami ni Maki, edi mamatay ka na lang sana sa inggit." at hindi rin nakapagtimpi si Kozue as she pinned me down sa grasslands.

"Hmmp… Akala mo ba talaga ay nanalo ka na? May I remind you also na sampid ka lang sa pamamahay na ito kaya wala kang authority na tratuhin ako ng ganito. Kasalanan mo rin naman ang lahat kung bakit ako nandito ngayon." sabi ni Kozue na tila nagpataas ng kilay ko hanggang alapaap.

Gumanti naman ako ng sabunot sa kanya. "Nahiya naman ako sa budhi mo teh. So ipapaako mo sa akin ang responsibilidad na pagsisihan ko ang kasalanan na ikaw naman mismo ang gumawa?" I snapped out dahil sa kanyang provocation at hindi na rin naman ako interesadong magpaalipin sa tulad niyang mapagsamantala sa kabaitan ni Maki.

It seems that Kozue doesn't feel anything dahil parang lumuwag na ang turnilyo niya sa utak. "Yes. It's because of you why she suffered a lot from her past love relationships." She said and I was like who the heck is she talking about.

"Ano bang pinagsasabi mo dyan? Wala kang makukuha na respeto sa akin kung hindi mo rin naman iyon kayang ibigay. Tsaka bakit mo ako sisisihin na nakasira pa ang pagbubuntis mo sa body image mong mas peke pa sa plastic?" ratsada ng bibig ko sa pagmumukha niya.

"Alam mo ba talaga ang dahilan kung bakit ka nila inampon rito?" She asked me again which was also related I guess to that stupid question na hindi ko rin naman inalam ang totoong rason mula kina Mrs. Maki.

"Just go straight into details at hindi iyong pamysterious effect ka pa dyan." I said in reply to her statement. I mean para saan pa kung malaman ko ang sagot sa tanong niyang iyon eh ramdam ko naman na naging parte ako ng pamilyang ito.

"But before that, palitan mo muna itong Louis Vuitton Sequin Tweed T dress ko na sinira mo. Brand new dapat ah at gamitin mo ang perang galing sa sarili mong bulsa." utos niya sa akin and what the F! Pinapasa niya talaga ang sisi sa akin tungkol sa mga gawain na ginagawa naman niya ng lantaran.

Next chapter