webnovel

7.1 Daughter in Law

[Sandy Margaux…]

"Nokarin ka wari menibat bayu ka minta king bale mi? Pota galang ating mekayawa keka agyang makamask ka?" (Saan ka ba galing bago ka pumunta sa bahay namin? Di kaya may nakahawa sayo kahit naka facemask ka?)

It was nice and weird at the same time to hear na may nalalaman na siyang lengguwahe na sinasalita namin ni mama pero nakakapraning talagang mangamusta ang Shinichi Maki na ito. Akala mo naman siya ang nagsusustento sa buhay ko na para bang mag-asawa kaming literal.

Although half of my tsismis were true ay napagdiskitahan ko munang lisanin ang aking lupang sinilangan upang sulitin ang aking napipintong bakasyon sa privately managed villa nila Maki. Ito ay malapit sa tuktok ng bangin kung saan natatanaw ko na ang Pacific Ocean.

Sino ba naman kasi ang hindi mawiwindang sa lugar na iyon eh halos liblib at masukal ang kailangan kong lakbayin para lang makapunta sa kanila?! Sa pakiwari ko nga ay mas higit pa sa inaakala ng karamihan sa inyo ang sakop nilang lupain.

Tipong kahit na ilang ektaryang sakahan ay katumbas rin iyon ng buong islang pinaghaharian nila. Yes, they were low-key rich people na hindi halata sa itsura nila dahil napakaharworking nilang lahat sa mga buhay nila.

Hindi na bago sa akin ang pag-aalala nilang lubos sa kinahinatnan ko. Paano ba naman kasi ilang araw na akong walang malasahan kahit gaano pa kasarap ang luto ni Shinichi.

"Aydo! E ku pin balu nung nokarin ku medame ketang surge a yan. Ot atin pa kasing subvariant retang pesteng virus a ren." (Hays! Hindi ko nga rin alam kung saan ko nakuha ang sakit na iyan. Kung bakit ba naman kasi may subvariant pa iyang pesteng virus na iyan.) I frankly said to him in reply.

Speaking of which, Shinichi Maki himself was devoted to taking over their family's business kaya todo effort yan sa hotel and resto management skills. It's almost similar naman kasi sa kabuhayan nilang may pa-cater in events and their finest fresh ingredients were harvested directly from their own hacienda by their farmers.

Right now, he was staring at me from several feet away to my bed. For the sake of honesty ay palihim akong pumunta sa burol ni bestie last time. I know it was too risky to do so dahil sa dami ng taong dumalaw doon pero si Claire lang kasi ang naging kaibigan ko sa USA noong nasama ako sa foreign exchange program ng school namin.

It was so frustrating para sa akin na abot kamay na nga ang planadong getaway ko at saka pa ako pahihirapan ng ganito. Instagramable ang view ng sunset mula sa kwarto ko pero sayang lang dahil kailangan kong magkulong dito sa loob ng isolated room para walang mahawaang iba sa suspected Covid na mayroon ako.

Much better pa ata kung nagpositive na lang ako sa pregnancy test kesa naman sa Covid kung sakali mang ipaexamine nila ang delicate fluids at specimen ko noh?!

"E na ka magreklamu ken. Ala kang akarapat nune manenaya ka nung kapilan ka maging masalese. Dinan da na kamung pakunsuwelu bang ali na ka magmaktul king eganaganang milyari keka keni." (Huwag ka nang magreklamo diyan. Wala ka namang ibang magagawa kundi maghintay kung kailan ka gagaling. Bibigyan nalang kita ng konsiderasyon para hindi ka na nagmamaktol sa lahat ng nangyari sa'yo rito.)

"Nanu namang klasing pakunsuwelu ining sasabyan mu kanaku?" (Anong klaseng konsiderasyon naman ba ang pinagsasabi mo sa akin?) I asked him curiously at wala pa mang isang segundo ay biglang nagpintig ang pandinig ko sa sinabi niya sa akin.

"Pantun da kang ayasawa mu keni bayu kang mibalik ketang pibatan mu." (Paghahanap kita ng mapapangasawa mo rito bago ka bumalik sa pinanggalingan mo.) I mean seryoso ba siya sa sinasabi niya? My goodness talaga dahil ang hilig niyang magbiro ng hindi nakakatawa.

"Makalunus naku man... Makasulud wari keka ing sinturun nang Hudas kaya eh mu na ku sosopang ayari itang dream vacation ku? Makananu kung maniwala keka bap nung e ku pa ring maka- mukbang ketang resto nang Uozumi?" (Kawawa naman ako... Suot mo ba ang sinturon ni Hudas kaya hindi mo na ako tinutulungan sa dream vacation ko? Paano ko paniniwalaan iyong sinasabi mo tito kung hindi pa ako nakapagmukbang sa restaurant nila Uozumi?) And as usual, masya- dong sensitive ang lolo niyo sa palayaw na hindi niya gustong marinig galing sa akin.

"Taksyapo! Mapamusit kang talaga ne?! Peburen da na ka sa nung makanyan mu ku mung awsan." (Hay naku! Nang-aasar ka talaga eh no?! Pinabayaan na dapat kita kung ganyan rin lang ang itatawag mo sa akin.)

"Eh... Nanu wari ing buri mung sabyan ku? Koya? Ingkung? Master, o Hon?" (Eh... Ano ba ang gusto mong marinig sa akin? Kuya, Lolo, Master, o Hon?)

"Tsk. Tabalu keka. Lakwan da na ka pa..." (Tsk. Ewan ko sayo. Maiwan na nga lang kita...) Bigla na lang siya umalis sa kwarto ko at natatawa na lang ako sa naging reaksyon ni Maki pero what can I do sa coping mechanism niyan eh madali talagang maapektuhan ang lalaking ito sa ganung klase ng biro.

Base kasi sa pagkakakilala ng mga marites network ko sa kanya ay masyado siyang strict sa mga practice nila noon. I don't know kung ibang personality ang pinapakita niya outside sa family matters pero sadyang nakukulitan ako sa ugali niya lalo na kung kaming dalawa lang ang nasa isang lugar.

Mas mukha pa kasi akong teenager kung ikukumpara sa kanya na halos tatay na ang outside features niya. Don't get me wrong pero he is just 59 seconds earlier than me nung lumabas siya sa matres ng nanay niya.

I am Sandy Margaux from the hispanic version of our municipality and that is Mexico, Pampanga. A brat who feels like a prin- cess sa sariling pamamahay ng angkan ni Shinichi dahil sa tina- tawag ninyong lukso ng dugo. We're not even blood related but his parents somehow consider me as their own daughter IN LAW.

You've read it right folks. Nakakaloka ngang isipin na ipina- tawag pa nila sa abogado ang pag-asikaso ng adoption papers ko. Sa unang tingin ay para bang binenta na ako ng sarili kong magulang sa dati niyang amo pero guess what, I was a fool thinking that they are so desperately in love for money.

⏱Flashback⏱ ►

Overseas worker ang nanay ko nung pinagbubuntis niya ako sa pangangalaga ng pamilya nila. She was a meticulous gardener to their own hacienda ng ornamentals sa paligid ng villa nila Maki noon.

Seven years old pa lang kaming pareho ni Shinichi ay talagang hindi na kami mapaghihiwalay. Higit pa ata kami sa hating kapatid na pinakita noon sa commercial ng biscuit. Sanggang dikit pa ang motto namin and I'm SO LUCKY to have them as my second family.

Naging maayos naman ang pakikitungo nila sa amin hang- gang sa kinailangan muna ni mama na umuwi sa Pilipinas na hindi ako kasama sa mismong bisperas ng pasko.

"Ayos lang naman na umuwi ka sa bansa niyo pero kailangan mong iwanan rito ang anak mo." narinig kong sabi noon ng mama ni Maki at nagtaka ang aking mudrakels kung ano ang dahilan nila.

Nakakapanindig balahibo iyon sa amin dahil seryoso talaga sila sa desisyon nila. "Ma'am, pero gusto ho kasi ng asawa ko na makita ng personal ang unica iha niya." nagmamakaawang sabi naman ni mama sa kanya.

"You know, as much as I want to let you both go ay hindi pa kami nakakabawi sa sales na nawala sa amin. Don't worry, we will make sure na safe dito si Sandy." malungkot nitong pahayag kay mama at wala naman siyang choice kundi pagbigyan ang gusto ng amo niya.

Time skipped when me and their son turned middle schoolers. Hindi namin inasahan ni mama ang pagkakasakit ng Dad kong royal blood na piniling manirahan kasama si mama noon sa Pilipinas at bigla siyang sinugod sa ospital dahil sa lumalalang kondisyon ng kanyang cancer. The same event of Christmas Eve ay hinintay ko ang pagkakataong makita si Dad at mayakap siya without any hesitation but the problem starts to arise as Shinichi told me about his parents' punny little secret na ikinagulat rin namin ng mama ko.

Nagsagawa pa si Mrs. Maki ng despedida party para sa aming dalawa ni mama at bigla akong sinama ni Shinichi palabas ng bahay nila nang makakuha ito ng pagkakataong tumakas sa magulong ingay sa loob ng kanilang malaresort na pamamahay.

Ikinuwento niya sa akin na bumisita ang abogado nila sa mama niya and out of excitement ay binigay niya sa akin ang envelope of documents na galing sa law firm ng lawyer na tinutukoy niya.

"Nakita ko ito mismong adoption papers sa cabinet ni mama. Ibig sabihin ba niyan eh magiging magkapatid na tayo?" Nalilito ngunit masaya ang ngiti sa akin ni Shinichi tungkol sa issue na iyon.

Tinignan ko kung sure talaga siya sa kinukwento niya but pranks have no excuse for now dahil selyado na ng pirma nila ang dokumento.

"If that's the case, syempre masaya ako sa naging resulta niyan." sabi ko na lang sa kanya at bigla kaming nagsitalunan nun kahit hindi pa New Year's Eve sa panahon na iyon.

I also hugged him tight before we left to visit my father in vain at that time. Maybe it's just an act of appreciating him but I can't believe myself na mas lalong magiging complicated ang aking behavior and feelings towards him after several years na hindi kami nagtagpo noon.

◄ ⏱End of Flashback⏱

Next chapter