webnovel

chapter 45

BATTLE OF TWO KINGDOM

ANG UNANG PAG-ATAKE:

SINABI ni tamberow laurhrim sa haring vinner na harangan ng mabibigat na bagay ang tarangkahan upang hindi agad na masira.

Maraming mga dwarves at mga mangangaso ang nagtulong-tulong na harangan ng malalaking bato ang tarangkahan ng reviin tur,tinutulak ng nga orcs ang tarangkahan gamit ang malaking bakal.

Ang mga dragon sa himpapawid ay sabay sabay na inatake ang mga tore sa reviin tur. Bumagsak ang dalawang tore ng reviin tur dahil sa pag-atake ng mga dragon .

Sinunog din nila ang mga bahay at ang ilang mga sundalong nakaharang sa tarangkahan. Nagsusumamo na ang mga dwarves na gumawa ng paraan ang kanilang hari na palayasin ang mga dragon.

Inakyat ni tamberow laurhrim ang toktok ng palasyo ng reviin tur upang kalabanin ang mga dragon sa himpapawid.

Mula naman sa ibaba makikita ang dalawang hari na inaalalayan ang kanilang hukbo laban sa mga orcs. Ang bilang ng kalaban ay aabot sa dalawang daang libo.

"Haring amner! haring vinner!huwag niyong hayaang masira ang tarangkahan!" Sigaw ni tamberow laurhrim habang nasa itaas ng tore.

Pinatunog ni haring vinner ang tambuli ng reviin tur,isang hudyat na kailangan na nilang lumabas ng kaharian upang tapusin ang mga kalaban.

Isa isang nagdatingan ang mga mangangaso at mga mandirigmang dwarves sa harapan ng tarangkahan.

"Buksan na ang tarangkahan!!"

Malakas na sigaw ni haring vinner gair habang nakasakay sa kabayo.

Tinulak nila ang mga ocrs palabas, ginamit ng mga mangangaso ang kanilang mga sibat upang itarak sa katawan ng mga orcs at nang matulak ito palabas.

Nagawa nilang alisin ang mga orcs sa harapan ng tarangkahan, ngunit sa kanilang paglabas bumungad sa kanila ang natitirang hukbo ng mga ocrs.

Sinugod ng mga ocrs ang kinaroroonan ng mga dwarves at mangangaso. Marami sa hanay ni haring vinner at haring amner ang napaslang,Wala pang dumarating na tulong mula sa mga kalapit nitong lupain.

"Kapatid ko!nasaan kana? kailangan ka namin dito at ang hukbo ng mga elfs!"

Pagkaraan ng ilang oras naramdaman ng mga ocrs ang pagyanig ng lupa, ang bundok ng reviin tur ay napuno ng mga elfs.

Nagdatingan ang mga elfs mula sa andican. Hindi nila kasama ang hari nito ngunit may kasama silang hindi nila inaasahan.

"Sino siya!?" Tinuro ni haring amner ang matandang nakasakay sa kabayo.

"Siya si aces tactirien ang manunulat at salamangkero mula sa balandor!" Saad ni tamberow laurhrim sa batang hari.

"Mga elfs!!!!!sugod!!!" Malakas na sigaw ni aces tactirien dahilan upang masindak ang mga ocrs sa kanila.

Sinugod ng mga elfs ang mga natitirang ocrs,ang dragon sa himpapawid ay isa isang umalis. Natalo ng mga elfs ang mga orcs sa reviin tur.

"Tignan niyo!"

"Kamahalan ang mga barbaro!"

Tinuro ng mga elfs ang isang pulotong na mga barbaro na nakasakay sa malalaking tigre.

Tinungo ng mga salamangkero at hari ang kinaroroonan ng mga barbaro upang alamin kung ano ang ginagawa nila sa reviin tur.

"Magandang araw!ano ang nais niyo dito sa reviin tur?hindi ba't mga barbaro kayo?ano ang ginagawa niyo rito?"

Hindi nagsasalita ang mga barbaro, imposibleng makita ang mga barbaro na gumagala sa hindi nila pag-aari. Naninirahan ang mga barbaro sa paanan ng bundok ng teruvron.

Tinignan ni tamberow laurhrim ang mga katawan nito at doon niya napagtanto na patay na ang mga barbaro at tanging ang mga tigre na lamang ang siyang buhay.

"Ginawa niyang alay ang mga barbaro na naninirahan sa lupain niya!ang tarzanaria! malapit lamang ang tarzanaria sa teruvron!" Saad ni haring vinner gair sa mga kasama niya.

Tinungo ni haring vinner ang kinaroroonan ng dalawang salamangkero at tinanong niya ang mga ito.

"Niloko niya tayo!ang pagsalakay dito sa reviin tur ay isa lamang pain!nalingat tayo at hindi natin napansin na ang kanilang pakay ay ang aking lupain!ang toretirim at tarzanaria ay sabay niyang sasalakayin!"

"Nagpadala ng mga elves si lady qenhrin sa tarzanaria!!"

"Hindi sasapat tamberow ang mga elves para depensahan ang pader ng tarzanaria! kailangan na nating bumalik!"

"Kung hindi ako nagkakamali tatlong araw ang ating lalakbayin para makarating sa tarzanaria!"

Isa isang nagsakayan sa mga kabayo ang hanay ni haring vinner gair habang nagpaiwan naman ang haring amner kasama ang kanyang hukbo.

Sinamahan sila ng mga elfs patungo sa tarzanaria mountain. Tatlong araw ang kanilang paglalakbay bago marating ang lupain ng mga tao.

-BATTLE OF TWO KINGDOM-