webnovel

chapter 42

Ang white counsel ay ang kunseho ng mga hari at diyos,ang white counsel ang pinakamataas na pulongan ng lahat.

Habang napapaligiran ito ng matataas na bundok at malalaking puno. Sa ibaba ng kunseho matatagpuan ang napakalawak na kastilyo ng mga elves,ang trono ay bakante at wala pang hari.

Sa loob ng ilang daang libong taon tanging ang mga namumuno sa white counsel ang siyang namahala sa white mountain kingdom. Naniniwala ang mga elves na darating ang tunay na hinirang na mauupo bilang hari nila.

Ngunit mahirap laman iyon dahil taon taon ay may mga bagong usbong na sanggol mula sa kanilang lahi ngunit hindi iyon nakikitaan na magiging hari nila. Tanging ang singsing ni haliya lamang ang makakakilala kung sino ang tunay na hari ng mga elves.

Ngunit sa kasamaang palad ang singsing ay nahati sa dalawa,ayon sa mga alamat walang nakaaalam kung nasaan naroroon ang singsing.

Matatagpuan ang white mountain sa pinakadulong bahagi ng nuhrim eartin, napapaligiran sila ng tubig at natatakpan ng ulap.

Sagana sa lahat ng bagay ang kaharian ng mga elves,ang naiiba sa kanila ay pinatatapon sa andican. Ang lupain ng mga elfs na pumapangalawa sa kanilang lahi.

"Lady qenhrin!ang hukbo ng randeror ay nasa labas kasama po nila ang kanilang hari!"

"

Papasokin mo ang hari sa aking bulwagan!"

"Masusunod po my lady!"

Pinapasok ng kawal ang hari sa kanilang kaharian, hanggang sa nagdatingan ang iba pang mga hari kaya't wala ng sinayang na oras ang punong diyos na pag-usapan ang mangyayari.

"Haring reviin sel ng randeror maligayang pagdating!"

"Gano'n din sa napakagandang elves na si lady qenhrin!"

Makalipas ang ilang sandali ay bumungad sa kanilang harapan ang dalawang batang hari.

"Patay na ang aking ama at ako ang hinirang na na reviin tur! My last! amner shiruner ang hari ng mga mangangaso!"

"Maligayang pagdating batang hari!"

Naupo ang dalawang hari sa mesang bato nang pumasok sa kunseho ang isa pang hari.

"My lady! Fiurin laktanger anak ni haring rieuin tiriin ng andican!"

"Elf!isang elf!tuloy ka aking anak!"

Nagdatingan na rin ang iba pang mga hari gaya ng sina vinner gair hari ng toretirim at haring staider burin high ng tarzanaria. Binati nila ang diyosa ng may tuwa at paggalang.

"Nabalitaan ko na may mga ocrs na dumaan sa lupain ni haring vinner gair!ibig sabihin nito nagmamadali ang teruvron pero sino naman ang mamumuno sa kanila?"

"Haring fiurin laktanger alam ko ang ibig mong sabihin!walang hari ang teruvron at sino naman ang mangangahas na may maupo sa trono nito na isang orcs para pamunuan ang malawak na lupain?"

"Tama!sino?" Sigaw ni haring vinner gair.

"Walang magtatangka ng trono nito!" Saad ni haring amner shiruner.

Natigilan ang mga ito sa kanilang sigawan nang biglang tumayo si lady qenhrin at tinungo ang bintana. Tinanaw niya ang malawak na lupain na nasasakupan ng white mountain.

"Ang dark lord at ang pitong summoners ang siyang namumuno ngayon sa teruvron!higit na malakas ang pwersa niya ngayon kumpara sa pwersa natin!ang pamumuno niya sa itim na lupain ay isang banta!"

Nagkatinginan ang mga hari at nag-usap usap kung ano ang kanilang mga gagawing hakbang upang pigilan ang masamang balak ng dark lord at ng pito nitong summoners.

"Si tamberow laurhrim ay nasa mga kamay nila!sabihan ang lahat ng mga espiya na bantayan ang kalagayan ng salamangkero!"

"Mahal na diyosa ano ang gagawin mo?"

"May pupuntahan lang ako!mga hari ng iba't ibang lupain! humanda kayo sa paparating na digmaan!"

Iniwan ni lady qenhrin ang mga hari na nag uusap sa mesang bato, Saad pa ni haring vinner gair ay handang lumusob ang mga dwarves sa teruvron upang wasakin ito habang si haring staider burin high ay iniisip ang kapayapaan ngunit kung dumating man ang digmaan ay hindi na magkakaroon ng kapayapaan.

-BATTLE OF TWO KINGDOM-

Next chapter