webnovel

Chapter 1

BATTLE OF TWO KINGDOM

ANG UNANG BAHAGI NG DIGMAAN

MAY anim na malalaking kaharian ang nuhrim eartin at sa katunayan may mga bagong kaharian ang umusbong na noo'y wala sa mapa, ito ang mga kaharian na may kanya kanyang gampanin sa aming mundo.

Bawat kaharian ay may mga dapat gampanan para mapanatili ang balansi sa nuhrim eartin.

Sa nuhrim eartin mayroong isang malaking akademya, ito ang retro akademya. Paaralan para sa lahat at sa mga nais maging mandirigma, sa paaralang ito dito sinasanay ang mga susunod na hari o reyna ng kanilang lupain.

Samantala ang white counsel ang punong tanggolan o kunseho ng mga hari, dito nagtitipon-tipon ang mga hari at reyna tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan. Pinamununuan ni lord airin enirin ang white counsel.

Ang puting bulwagan ni lord airin enirin ang highest counsel sa aming mundo. Tahanan ng mga diyos o may mga high elves.

Sa kabilang dako ng white counsel isang protektadong lugar ang binabantayan ng mga diwata binabantayan nila ang itim na aklat ng kadiliman.

Nilikha ng bathalang si sitan ang itim na aklat upang palaganapin ang mga masasama nyang balak sa nuhrim eartin. Noon pa man malaki na ang galit ni sitan sa pinuno ng zarapa (god's palace) na si bathala. Dahil sa inggit nagawang pagtaksilan ni sitan ang mga kasamahan nya sa zarapa at doon nya naisip na paglaruan ang mga nilikha ni bathala sa nuhrim eartin.

Nilikha nya ang itim na aklat at ipinagkaloob sa hari ng teruvron ang tahanan ng mga evilders.

Nang mahawakan ng hari ang itim na aklat doon nagsimula ang unang bahagi ng plano ni sitan ang pabagsakin ang mga kaharian sa nuhrim eartin.

Ginamit nya ang pinuno ng teruvron upang mapabagsak ang mga kalapit nitong kaharian.

Lumaganap ang kasamaan at ang karahasan ay patuloy na lumalaganap. Ang age of evilder ang isa sa matuturing na bangungot.

Dahil doon nagkaroon ng galit ang mga puso ng mga nilalang sa nuhrim eartin sa punong diyos. Hanggang sa sumpain nila ito kung bakit walang tumutugon sa kanilang mga panalangin.

Dahil sa kaguluhan at digmaan nagkaroon ng pagpupulong ang mga sinaunang hari sa white counsel. Ipinatawag ni lord airin enirin ang lahat ng mga hari at reyna upang pag-usapan ang tungkol sa digmaan.

Nagbanta si haring thron hari ng mga goblins na pababagsakin nila ang tarzanaria mountain, ang bundok kung saan naninirahan ang mga tao at mga mahihinang nilalang.

Tinungo ng mga goblins ang tarzanaria upang maghasik ng lagim ngunit ang hukbo ng reviin tur ay nakaabang na sa paanan ng bundok kaya't ang mga goblins ay hindi na nakaabot sa sentro ng tarzanaria.

Nalaman ng reviin tur counsel na sasalakay ang hukbo ni haring thron sa tarzanaria kaya't hiningi ng reviin tur king ang pagpayag ni lord airin na payagan siyang protektahan ang tarzanaria.

Sumiklab ang matinding digmaan sa pagitan ng reviin tur at teruvron kingdom hanggang sa ang buong paligid ay nag iba at ang lupa ay yumanig ng napakalakas.

Si haring thron ang hari ng mga goblins na umanib sa teruvron at siya rin ang naging hari ng itim na lupain at siya ang naging kanang kamay ng kadiliman.

Next chapter