webnovel

CHAPTER 82 - STRAWBERRY AND A CONDENSED MILK

CHAPTER 82 - STRAWBERRY AND A CONDENSED MILK

---------

PENELOPE THOMPSON POV

Nagising ako dito sa may living room namin. Sa may sofa bed lang kami ng asawa ko. Kwento niya sakin na ang himbing na daw ng tulog ko kagabi at hindi na daw ako kaya pang iakyat ni Ethan hanggang sa taas kaya nagpalatag nalang daw siya ng sofa bed dito.

Nakabihis ako ngayon at I am so happy dahil mamimili kami ng gamit. Excited ang ama dahil na open up ko lang yung topic na to kanina hanggang sa inaya niya na ako na mag mall pagkatapos naming kumaen.

Ready na din kaming umalis. Nag hire na din pala kami ng driver dahil busy na si Kuya Piolo dahil madami ding lakad sina Daddy Albert at Mommy Isabel.

"Tara na po, Kuya Dominic. Sa MOA po tayo."

Habang bumabyahe kame ang likot nitong kambal. Excited ang mga chikiting dahil bibili kami ng mga gamit nila.

Hawak hawak lang ng asawa ko ang tiyan ko hanggang sa makarating na kami sa mall.

Nagsuot na kami ng mask and cap ng asawa ko para wala nang aberya at mabilis lang kaming maka pamili.

ETHAN SMITH POV

Ang saya grabe. Ngayon nalang ulit ako makakapag mall. Pero this time hindi damit ko ang bibilhin. Ngayon nga lang akong sinipag na mamili. Dati kasi pinapautos ko lang or inoorder ko lang sa shop ni Mommy ang mga damit ko.

Naghahanap kami ng asawa ko ng damit na pang newborn. Grabe, ang cucute. Ang liliit ng mga damit. Kanya kanya kaming cart ng asawa ko. Dampot dito, dampot doon. Lahat ng sa tingin kong cute at bagay sa mga anak ko eh pinag dadampot ko na.

Magkahiwalay kami ng asawa ko at pinabantay ko lang si Kuya Dominic sa kanya para alalayan siya.

Uy sapatos, makuha nga to kailangan to ng kambal. Uy sombrero pwede din to. Aba may mini sunglasses pa pwedeng pwede. Pang porma to ng kambal.

At pag tingin ko sa cart ko halos mapuno na. Naku po, panu to. Alam kona. Kuha nalang ako ng bagong push cart.

Hanggang sa napuno ko na din yung isa. Hinahanap ko na yung asawa ko at pagtingin ko sa counter, nandun na pala siya.

"Ohh hon, andyan kana pala? Asan ang pinamili mo?" tanong ni Ethan na nagulat nang makita na inaantay nalang pala siya ng asawa niya.

sabay turo sa dalawang box na nasa sahig.

"Bat ang tagal mo hon ano ba yan binili mo?" nakasimangot na tanong ni Penelope.

"Hehehe. Kuya Dominic pasuyo."

Dalawang punong punong push cart ang nilabas namin ni Kuya Dominic.

"Jusko po Ethan Smith. Sana pala itong store na ang binili mo. Nagpaka hirap kapa." nakapamewang na sabi ni Penelope.

"578,699. pesos po ang bill sir." sabi ng kahera sa pinamili ni Ethan.

Tumalim bigla ang mata sa akin ng asawa ko. At inabot ko na ang credit card ko.

Paglabas namin pumunta na muna kami sa restaurant at kumaen.

Habang kumakaen kami, pansin ko ang asawa ko na nakatitig sa bata.

"Ang cute ng bata no hon?" wika ni Ethan sa nakatulala niyang asawa.

"Hon, gusto ko din nun."

"Huh? Ng bata? Eh meron na tayo a. Dalawa pa nga e." pilosopong tugon ni Ethan.

"Hon naman e. Yung kinakaen niya ang gusto ko." wika ni Penelope na natatakam pala sa kinakaen ng bata.

"Ano?? Strawberry tsaka ano yun? Ano yang sinasawsawan niya?" tanong ni Ethan sa asawa.

"Malay ko, bat di mo alamin?" pagsusungit ni Penelope.

Naku, naloko na. Nakakahiya naman tatanungin ko pa tuloy sa bata kung ano at saan niya nabili yung kinakaen niya.

"Seryoso kaba hon? gusto mo yun? Mamaya di pala masarap yun oh kaya baka bawal ka pala nun?" paliwanag ni Ethan.

"Okay, sige wag na lang." pagtatampo ni Penelope.

"Eh hinde hinde sige na itatanong ko na dyan ka lang ha." ngiting pilit ni Ethan.

Huminga na muna ako ng malalim bago pumunta sa lamesa nila.

Ehem ehem!

"Ahm, excuse me? Ahm anak niyo po siya ate? Heheh" awkward na pakikipag usap ni Ethan sa mga nagkakainan na pamilya.

"Opo sir. Bakit po?" nagulat na tanong ng nanay ng bata habang nakatingin lang din ang iba pang family members kay Ethan.

"Tatanong ko lang po kasi kung san niyo nabili yun." pagturo ni Ethan sa pagkaen ng bata.

Nakakahiya grabe, natawa sila bigla nang matanong ko yun. Buti nalang talaga na naka mask at cap ako.

"Eto bang strawberry?" pagtatakang tanong ng nanay ng bata.

"Opo yan po." tugon ni Ethan.

"Edi dun sa department store. Yung strawberry lang yun ha." wika naman ng nanay ng bata.

"Okay po, eh yang sawsawan po?" nanginginip pa na tanong ni Ethan.

Grabe halos lumubog ako sa kinakatayuan ko. Malamig dito sa resto pero pinagpapawisan ako ng husto.

"Ah eto ba? Condensed lang to. " matawa tawang sabihin ng nanay ng bata.

"Ahh ganun po ba. Salamat po ha."

Pagkatapos kong matanong dumiretso agad ako sa table namin.

Inaya ko na agad siyang umalis dahil tutal tapos na din naman kaming kumaen.

Paglabas namin, grabe, para akong nabunutan ng tinik. Ang ginhawa na ulit ng aking pakiramdam. Nagtungo na din kami agad sa department store para sa strawberry at condensed milk.

Matapos ng pag gagala ay umuwi na din kami. Yung mga pinamili namin na baby stuff ay pinadeliver nalang namin dito sa bahay dahil malabong magkasya sa dala naming sasakyan.

PENELOPE THOMPSON POV

Ang saya saya ko nang makauwi kami. Una kong kinaen yung pinabili ko sa asawa ko na strawberry. Kanina pa talaga ako natatakam dito kaso nakatulugan ko naman kanina sa sasakyan.

Ngayon na namin naisipan na mamili dahil bukas ay back to work na kami ng asawa ko.

--------

Kinabukasan..

--------

7:00 am palang ay nandito na kami sa Hospital.

Nakapag rounds na din si Ethan at meron siyang schedule ng operation sa isa niyang pasyente ngayon.

Nakapag rounds na din ako, meron din kaming tatlong pasyente na under observation pa. Pero hindi na ako pwedeng mag opera dahil nga sa kalagayan ko. Nag check nalang ako ng mga vital signs at nag examine sa ilang pasyente.

Matapos ang duty ko ay naglagi na muna ako sa office ng asawa ko. At inantay matapos ang operation ng isa niyang patient.

Nakatulog na ako kakahintay sa asawa ko.

--------

Makalipas ang ilang oras

--------

ETHAN SMITH POV

Pagkatapos ng operasyon ay dumiretso na ako sa office to check my wife.

At pag pasok ko,

"Tulong! Tulong!" sigaw sa takot ni Penelope.

"Hon? hon? nasan ka?" pag aalala ni Ethan.

Kinabahan ako nang marinig ko ang boses ng asawa ko na humihingi ng tulong. Tinignan ko agad sa bedroom ng office ko at nakita ko siya.

Ginising ko agad dahil mukhang nananaginip siya.

Pagmulat niya ay niyakap niya ako at pawis na pawis siya.

"Anong nangyare hon?" pag aalala ni Ethan habang yakap ang asawa na umiiyak.

"Nanaginip ako hon, may lalaking bumaril sa akin. Takot na takot ako hon." pag iyak ni Penelope habang nag kikwento sa asawa.

"Tahan na hon, nandito na ako. Wag mo na yun isipin. Panaginip lang yun. We'll just pray na hindi mangyare ang bagay na yun. Okay?" pag comfort ni Ethan sa asawa.

Napakalma ko din naman agad ang asawa ko. Nagpaorder na muna ako bago kami umalis.

At pagkatapos namin kumaen inayos na namin ang aming gamit para maka uwi.

------

MYSTERIOUS GUY POV

Ito na ang araw para makaganti ako sa inyo. At kung di ka lang din naman mapupunta sa akin, pwes! hayaan mong ako nalang ang magdala sayo patungo sa kabilang buhay. Muhaahaha! 

Next chapter