Now playing: If You Were Mine - Loving Caliber
Nicole POV
Tonight is the night with my poging boyfriend. Masyado na kasi siyang nagiging abala sa kanyang hardware eh.
Hardware ang negosyo na meron siya na pamana sa kanya ng kanyang mga magulang. Iyon din ang dahilan kung bakit madalas ngayon ay hindi kami magkasama, na dati-rati ay palagi akong hatid sundo.
Siya na lamang kasi ang tanging inaasahan dito kaya wala siyang nagawa kundi ang tutukan ito.
Sabi niya, babawi daw siya. Kaya heto, napagdesisyonan naming mag-dinner date sa paborito naming restaurant kung saan ko rin siya sinagot noon.
Sa isang restaurant kung saan, exclusive lamang sa mga couple, like us. Hindi rin kasi ito masyadong puntahin ng mga tao kaya tahimik at komportableng kainan.
Maaga rin ako nitong sinundo sa bahay after my school. Hindi na muna ako dumiretso sa Coffee Shop dahil syempre, minsan lang ang ganitong okasyon kaya dapat i-priority ko rin, 'di ba?
Isa si Chase sa priority ko na dapat kong unahin. Siya yung tao na palaging nandiyan para sa akin at alam ko na never akong susukuan kahit na anong mangyari.
At itong nararamdaman ko kay Nicole? I know it's just an admiration for her personality. Maybe because of her beauty, because I know she is a very responsible daughter and partner. She is like the dream of all the men and women I have met. Kaya gayo'n na lang talaga ang paghanga na nararamdaman ko sa kanya, which I shouldn't have let my admiration for her swallow me up before I drowned and couldn't get out from it.
At itong date ko with Chase, I know. I know isa ito sa mga paraan para mawaglit si Violet sa aking isipan at para na rin mas lalong sumilab pa ang apoy ng pagmamahalan na meron kami ni Chase for each other.
Pagpasok ng restaurant ay agad na iginaya kami ng waiter patungo sa ini-reserve ni Chase na table para sa aming dalawa. Nagtataka ako dahil medyo dim lamang ang light ng restaurant ngayon.
Pansin ko na iilan lamang din ang couple na nandito ngayon at pangatlo lamang kami ni Chase.
Hmmm. Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng palihim, I think this will be a perfect night for us? I hope so.
Pagdating namin sa aming table, hindi ko mapigilan ang mapasinghap nang makita na naka-arrange pa talaga ito, with petals of red roses scattered on the floor, the same on the table. There is also an arranged candle on the table that serves as our light throughout our dinner. And a bouquet of red roses that was placed on the table, Chase immediately took and handed to me.
"For you, beautiful." Pag abot niya sa akin habang nakangiti ng matamis.
"Awe! Love, thank you." Buong puso na tinanggap ko iyon, lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa kanyang labi.
Ipinaghila ako nito ng upuan pagkatapos atsaka siya umikot sa kabilang side ng table para maupo na rin. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang pagkain naming dalawa, na inorder na rin pala agad ng boyfriend ko.
"Alam ko kasing gutom ka na. Kaya nag-order na agad ako para pagdating natin ay kakain na lang tayo." Paliwanag nito habang inilalapag ng waiter ang huling putahe ng aming pagkain.
"Love, you really never fail to amaze me." Sagot ko sa kanya with appreciation look. "Thank you, love." Muling pasasalamat ko pa bago namin sinimulan na ang pagkain.
Nakakadalawang subo pa lamang ako ng kinakain ko, nang mapansin ko ang dalawang babae na kapapasok lamang ng restaurant. Kasama ng mga ito ang isang waiter kung saan iginagaya sila patungo sa kanilang lamesa.
Iyon ay walang iba kung hindi sina Violet at Katie.
Para bang nag-i-slow motion pa si Violet sa paningin k. Ang ganda niyang tignan at pagmasdan mula rito sa kinauupuan ko, lalo dahil bumagay sa kanya ang suot nitong black tight dress kung saan bumabakat din ang hubog ng kanyang katawan. Ngunit agad ding napaiwas ang mga mata ko sa kanila, noong makita ko na magkahawak kamay silang dalawa, ang lagkit ng mga tinginan nila sa isa't isa at gano'n din katamis ang mga ngiti nila.
In my mind, hindi ko maiwasan ang hindi mapatirik ng aking mga mata. Bago muling ibinalik ang aking atensyon sa aking pagkain at pati na rin kay Chase na medyo nawewerduhan na sa akin. Pansin ko kasi na panay sa pagkunot ang kanyang noo.
Bakit naman sa dinami-rami ng restaurant, dito pa talaga sila?
Nangti-trip ba talaga itong tadhana? Tanong ko sa aking sarili.
Pero may panaka naka pa rin akong pagsulyap sa kanika kahit na pilit na pinipigilan ko na ang aking sarili na huwag nang tumingin sa kanilang dalawa.
Hindi maalis ang mga mata ko especially kay Violet na ngayon ay sobrang napaka-gentlewoman niyang kumilos in front of her girl. Well, gentlewoman naman talaga siya palagi.
Alam kong hindi niya ako mapapansin mula rito sa kinauupuan ko dahil medyo nahaharangan ako ni Chase. Isa pa, dalawang table ang pagitan namin at medyo may kalayuan ang pagitan ng bawat lamesa.
Napapalunok ako ng mariin everytime na naririnig ko ang mga tawa ni Violet mula sa kanilang lamesa. At sa tuwing sumusulyap ako sa kanila, ang mga magagandang mga ngiti niya at kumikislap niyang mga mata ang nakikita ko, habang nakatitig ito sa kanyang girlfriend.
Muli na naman akong napaiwas ng tingin sa kanilang dalawa, nang makita na magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay mula sa ibabaw ng lamesa.
Hindi ko alam, hindi ko maintindihan kung bakit biglang may kung anong kirot akong naramdaman sa aking dibdib habang lihim na pinagmamasdan sila.
Napangiti ako ng mapakla sa aking sarili at muling ipinagpatuloy ang aking pagkain. Nagkatitigan kami ni Chase, pilit na binigyan ko ito ng isang matamis na ngiti kahit na sa loob ko ay para bang mayroong gustong sumabog dahil sa sama ng loob.
Hindi pa rin naman nagbabago, di ba? Straight pa rin ako at lalaki lang ang gusto ko, tama? Napakagat ako sa aking labi nang maisip iyon.
Isa pa, hindi naman ganoon ka-special si Violet sa akin. Halos mag-iisang buwan pa nga lang ang samahan namin eh, magmula nang maging empleyado siya ng Coffee Shop. Pero bakit ganito ako kung umasta ngayon?
Bakit pakiramdam ko pa kailangan kong makipagkompetensya sa girlfriend niya? Gosh! That's her girlfriend at labas na ako sa anumang mga pwedeng gawin nila!
Please, wake up, Nicole! Saway ko sa aking sarili.
Pilit kong ipinu-focus ang aking atensyon kay Chase, pero 'yung letseng mga mata ko, ayaw magpapigil sa pagsulyap sa kanila palagi. To the point na iniisip ko sana ako ang nagpapatawa at ang dahilan ng mga ngiti ni Violet ngayon.
Muli akong napahinga ng malalim habang napapailing at itigil na ang aking pagkain na halos hindi ko rin nagalaw.
I am so distracted.
"Love, are you okay?" Nag-aalala na tanong ni Chase. Agad naman na napatango ako. Tapos na ito sa kanyang pagkain.
"Are you sure? It looks like you've been restless for a while. Do you want us to go home now?" Tanong nitong muli.
"Please, love. Can we?" Tanong ko sa kanya dahil hindi na rin talaga ako komportable pang magtagal rito. "Baka pagod lang din sa school." Dagdag na pagdadahilan ko pa.
"Alright, love. I'm just going to the toilet for a moment." Paalam nito sa akin bago umalis.
Oh gosh! Mas lalo pa yatang lumakas ang kabog sa dibdib ko noong sandaling umalis si Chase dahil kitang-kita na ako ngayon ni Violet. Magkaharapan na kaming dalawa, habang nakatalikod naman mula sa akin ang girlfriend niya.
Noong sandali na muling aalisin ko na ang aking paningin sa kanya, ay siya namang biglang nagtama ang aming mga mata. Kaya naman lalong napako ang aking paningin sa kanya hanggang sa pormal na binigyan ako nito ng ngiti at pagkatapos ay muling ibinalik nito ang kanyang mga mata kay Katie.
Noon naman ay isang ideya ang pumasok sa isipan ko.
Tinawag ko ang waiter at sinabing magpahatid ng pinakamahal na wine para sa table kung saan sina Violet. Binayaran ko na rin agad at nagbigay ng isang maliit na note para sa kanya.
Muli itong napatingin sa akin noong sandaling maibigay na ng waiter sa kanila ang onorder kong wine. Binigyan niya ako muli ng pormal na ngiti atsaka agad din na nagbawi ng tingin mula sa akin. Walang nagawa na napahinga na lamang ako ng malalim.
Maya-maya lamang, habang naghihintay pa rin kay Chase ay may lumapit sa akin na isang matipuno, guwapo at maputing lalaki.
Nagpakilala siya at sinabi nito na classmate ko siya noon sa High school. And just now, he confessed his feelings for me, that he still has a crush on me.
Napatawa na lamang ako, lalo na noong sinabi ko sa kanya na may boyfriend na ako at siya ang kasama ko ngayon.
No hard feelings naman daw. Gusto niya lang talagang sabihin daw sa akin bago siya bumalik sa California.
I just thanked him for his courage and shook his hand. At pagkatapos noon ay umalis na rin siya kaagad.
Bagay na hindi ko alam, pinagmamasdan lamang pala kami ni Chase. At noong makabalik ito sa lamesa ay bigla na lamang ako nitong hinawakan ng mahigpit sa aking braso kaya napatayo ako mula sa pag-upo.
"C-Chase, ano ba?! Nasasaktan ako!" Agad na saway ko sa kanya.
"Sino yun, huh?!" Tanong nito sa akin habang may galit sa kanyang mga mata. I've never seen his side like this, ngayon pa lamang.
Agad naman na pinagtinginan kami ng ibang customer at kasama sa mga iyon si Violet.
"Just no one. He was my classmate in high school." Paliwanag ko sa kanya. Noong marinig niya iyon ay agad na binitiwan na niya ako at walang sabi na nag-walk out.
Nanginginig naman ang tuhod na napaupo akong muli habang ikinakalma ang sarili. Gusto kong maiyak sa biglang inasta ni Chase pero pinipigilan ko ang sarili.
Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakaupo nang mapansin ko na wala na sina Violet sa kanilang table. Maybe umalis na sila agad pagkatapos ng nangyari.
At swear, hindi ko alam kung paano haharap sa kanya dahil sa na-witness niya.
And for pete's sake, bakit ba siya pa rin ang iniisip ko gayong nangkakaletche-letche na nga kami ng boyfriend ko?!
---
Violet POV
Pagpasok na pagpasok pa lamang namin ni Katie ng restaurant ay agad na napansin ko na si Nicole, smiling and giggling habang nakikipag-usap sa kanyang boyfriend.
They look happy and cute together. Kaya naman nagkunwari na lamang ako na hindi sila nakita. At tulad nga ng sabi ko, when my girlfriend is around sa kanya lang dapat ang focus ko at siya lang ang concern ko. Isa pa, nirerespeto ko ang dinner date nila ng kanyang boyfriend.
I tried so hard not to look or glance at Nicole during the entire date with Katie. Pakiramdam ko kasi niloloko ko ang girlfriend ko ng harap-harapan.
But I can feel Nicole's glances and burning eyes on me, even though I'm not looking at her. I felt that she was secretly watching me even though her date was right in front of her.
Kaya noong sandali na muli ko na namang naramdaman ang mga mata niya sa akin, ay walang nagawa na at sinadya ko na salubungin ang mga tingin niya. Hindi ko mapigilan ang mapalunok ng mariin. Kaya pinilit ko na lamang ang aking sarili na bigyan siya ng pormal na ngiti at muling ibinalik ang aking mga mata kay Katie, bago pa man ako muling malunod sa mga titig ni Nicole.
Ugh! This is so uncomfortable.
I thought that was the first and last time our eyes would meet tonight, but I was wrong when a waiter approached us and gave us an expensive wine as a gift.
Mayroon itong kasamang maliit na note na mabuti na lamang ako ang unang nakakita at hindi si Katie. Agad na itinago ko iyon at binasa.
'Enjoy the date and make your girl happy and satisfied tonight.'
A small smile draw on my lips when I read the note. Dahil doon ay muli akong napatingin kay Nicole at binigyan siya muli ng pormal na ngiti bilang pasasalamat. Ngunit hindi iyon nagtagal nang muling ibinalik ko ang aking mga mata kay Katie.
Hindi nakaligtas sa aking paningin ang paglapit ng isang lalaki kay Nicole. Nag-usap sila na parang dati ng magkakilala, hindi ko man marinig mula rito ang kanilang pinag-uusapan ngunit kapansin-pansin sa lalaki ang lagkit ng mga tingin niya kay Nicole. And that moment I know he likes her. Nakipagkamay sila sa isa't isa hanggang sa umalis na nang muli lalaki.
Maya-maya lamang, habang ini-enjoy namin ni Katie ang wine na galing kay Nicole, ay bigla na lamang kaming nagulat dahil sa biglang pagtayo ni Nicole dahil sa mahigpit na paghawak sa kanyang braso ng kanyang boyfriend.
I can see in Nicole's eyes and in their conversation that she is in pain and wants to cry. Lalo na noong sandaling nag-walk out ang kanyang nobyo at iniwan siyang mag-isa.
"V, are you okay?" Concern na tanong sa akin ni Katie. Napatango ako at binigyan siya ng assurance smile.
"Can we go home na?" At kunwaring napatingin ako sa relo ko. "Baka hinahanap na rin ako sa Baylight eh." Dagdag na pagdadahilan ko pa.
"Sure!" Pagpayag nito at agad na ring tumayo.
Hindi ko na muling nilingon pa si Nicole dahil ayaw kong makita siya na ganoon. I want to punch her boyfriend but I know that I have no right at isa pa, away nilang magkarelasyon yun.
Pagdating sa sasakyan, napansin ko si Chase, ang boyfriend ni Nicole na inis pa rin habang naghihintay sa paglabas niya. Sandaling pinasakay ko lamang muna si Katie sa loob ng kotse bago nagpasyang lapitan ang boyfriend ni Nicole.
"Just a piece of advice." Panimula ko ng makarating sa tapat niya. Napalingon ito sa akin at magkasalubong ang mga kilay na tinignan ako. "If your girlfriend has done something wrong in public, please correct her in private not in a public place. Don't be an asshole, dude." Pagkatapos ay napatiimbagang na nakipaglabanan din ako ng titigan sa kanya.
"And who do you think you are?" Mayabang na tanong nito sa akin.
"Maswerte ka nga at dapat nga na maging proud ka pa, dahil kahit na maraming nagkakagusto at nagkakandarapa sa girlfriend mo, ikaw ang pinipili niya, ikaw ang boyfriend niya." Dagdag ko pa. Ngunit nginisian lamang ako nito na tila ba ang sarap burahin ngayon din.
"Violet." Rinig kong pagtawag ni Nicole sa pangalan ko kaya kapwa kami napalingon sa kanya ni Chase.
"Anong karapatan mo para pagsabihan ng ganyan ang boyfriend ko?"Tanong nito sa akin.
Nakita ko si Katie na bumaba rin ng sasakyan habang may pagtataka sa kanyang mga mata na humahakbang palapit sa amin.
"Mind your own business. Pwede?" Dagdag pa nito habang may seryosong mga tingin sa akin.
"Let's go, Chase." Sabay talikod nito at agad na sumakay na sa passenger seat. Sumunod naman agad si Chase sa kanya at mayabang na tinapunan muna ako ng tingin, bago tuluyang pumasok na sa sasakyan.
"V, what happened?" Tanong ni Katie. "Do you know them? Who are they?" Napahinga ako ng malalim.
"Let's go." Iyon na lamang ang tanging nasabi ko bago muling nagtungo sa aming sasakyan.
Sabi nga, we should know our worth. And we must find the courage to leave the table if respect is no longer being served. Minsan hindi natin makikita ang tunay na ugali ng isang tao or should I say their red flags, dahil nabubulag tayo sa katotohanan at mas pinaniniwalaan natin 'yung kung ano lang ang nakikita natin.
Nobody's perfect, hindi palagi mabait lang at sweet lang ang isang tao. Lahat tayo may mga bad attitudes and personality. Minsan kailangan din nating i-test ang isang tao para mas makilala pa natin ito ng lubusan. At hindi rin sapat ang mahabang panahon na samahan para masabi nating kilala na natin talaga ang isang tao.
Hindi lahat ng nakikita natin at pinapakita sa atin ng ay dapat na paniwalaan natin. Always remember, the candy is sweet but wrapped in plastic.
Pero kung hindi pa man bukas ang mga mata at isipan ni Nicole para makita ang mga bagay na nakikita ko kay Chase, na ang boyfriend niyang iyon ay isang pakitang tao lang, it's up to her. Hahayaan kong siya mismo ang maka diskubre ng mga bagay na yun.
Tss! Ang dami kong sinasabi. Concern lang naman ako sa kanya. Pero ako pa yata itong nagmukhang masama.