webnovel

34

NAPATITIG sa kaniya ang dalawa na tila hindi makapaniwala sa sinambit niya.

" Gusto mong makipagbalikan kay Toni, pare?" paniniyak ni Alex.

Hindi kaagad siya nakaimik. Pinakiramdaman niya muna ang sarili kung talagang sigurado na ba siya sa nararamdaman o baka epekto lang ng alak kaya niya nasambit ang mga bagay na iyon. Ayaw niyang magpadalos-dalos sa desisyon. Kahit mahal niya pa ang babae hindi ibig sabihin ay gagawin niya na ang bagay na hindi muna pinag-iisipan. May takot pa siya dahil sa nangyari sa nakaraan ngunit ayaw din naman niyang mapunta si Maritoni sa ibang lalaki.

" Paano si Darlene?"kunot ang noong tanong ni Andrew. " I guess, you have to tell her the truth para naman alam niya then you have to break-up with her."

" Ang totoo niyan h-hindi pa ko ako sigurado," nalilito niyang sagot.

" Well you have to make it sure! Don't be selfish, hayaan mo naman si Darlene na mahalin ng taong totoong nagmamahal sa kaniya!" tiim-bagang na sagot ni Andrew.

Sabay silang napatingin kay Andrew. Tila iba ang kinikilos nito, sabagay noon pa man ay nahahalata niyang espesyal si Darlene sa kaibigan at ngayon niya lang napatunayan na totoo ang hinala.

" Hoy, Andrew ano bang sinasabi mo?" Nagtatakang tanong ni Alex dito.

Tila naman natauhan si Andrew sa sinabi. Huminahon ito ngunit kuyom nito ang kamao habang tinungga ang bote ng alak. Para sa kaniya ay walang kaso kung maghiwalay man sila ni Darlene. Unang-una, hindi niya naman ito niligawan, basta na lang ito nag-claim na sila na at gumawa pa ng kwento na ikakasal sila. Hindi niya naman magawang kontrahin ang kagustuhan nito dahil nakatulong ito ng malaki kaya agad na nakarecover ang anak kaya nagpatangay na lang din siya sa agos.

" Anong plano mo?" muling tanong ni Alex sa kaniya.

Ang totoo ay wala pa siyang plano. Hindi naman porket mahal niya pa ang dating asawa ay agad-agad makikipagbalikan siya. Paano kung maulit na naman ang nangyari noon? Ang gusto niya lang sa ngayon ay hadlangan ito sa planong pagpapakasal.

At dahil magulo ang isip niya hindi siya magawang mag pokus sa trabaho. Mainit ang ulo niya ng umagang iyon dahil sa nangyaring problema sa site. Maging si Darlene ay napagbuntunan niya.

" Sinabi ko naman sa'yo 'di ba? Hindi mo na kailangang baguhin 'yung design ng landscape.Okay na 'yung una, hindi kailangang maging magarbo! Ano babaguhin na naman natin 'yung materials for this design? Remember, limited ang budget natin!"

" Okay, okay! Kailangan ba talaga magalit ka nang ganiyan? This is optional naman, pero kung hindi talaga kaya ng budget, fine!" Napabuntong-hininga ito. " Let's have a break nga muna, mag lunch na muna tayo."

" Hindi pa ko gutom, mauna ka na!" asik niya rito.

" It's already one pm, halika na!"

Wala na siyang nagawa ng hilahin siya nito. Lalo siyang nainis ng mamataan si Troy. Kararating lang nito at pababa ito sa sariling kotse. Naka casual outfit ang binata at nakasuot ng shades. Hindi niya maitanggi sa sarili na talagang gwapo ang binata, dumagdag sa sex appeal nito ang nakapony nitong buhok na animo hollywood actor. Itinaas nito ang shades at ngumiti ito sa kanila. Nakasimangot siyang umiwas ng tingin dito.

" Hi, Troy! Mag-lu-lunch lang kami,ah?" ani ni Darlene.

" O sige. Wait, late na,ah?" anito.

" Oo nga,eh! Hindi namin namalayan ang oras. Where's Maritoni? I notice na hindi na siya pumupunta dito?"

" Nasa office siya. Sobrang busy niya preparing for the needs of the branch."

" Including your wedding plans?" nangingiting tanong muli ni Darlene.

Kunot-noo siyang napasulyap sa lalaki na noon ay lumuwang ang ngiti.

" Yeah! By the way, invited kayo,ah?"pilyo ang mga ngiting tugon nito at tumitig sa kaniya.

" And what makes you think na papayag akong pakasalan mo si Maritoni? Over my dead body, damn you!" sigaw ng isip niya.

" Sure!" Abot tenga ang ngiting sagot ni Darlene.

" Let's go Darlene!" aniya sa babae at nauna nang maglakad.

Kailangan niyang makaisip agad ng paraan para hindi matuloy ang kasal ng dalawa. Hinding-hindi siya papayag na mapunta sa iba ang dating asawa. Babawiin niya ang dati niyang pag-aari! Sa papaanong paraan ay hindi niya rin alam. Paano nga ba niya makakausap ang babae kung tila naging mailap na ito sa kaniya? Ni hindi na nito magawang bumisita sa construction site at mukhang subsob na ang atensyon nito sa negosyo.

Sa hindi malamang dahilan ay napagpasyahan niyang puntahan ito isang araw. Hindi siya makapag-isip ng maayos ng araw na iyon dahil sobrang distracted siya sa kakaisip dito. Nang malingat si Darlene ay pasimple siyang tumakas para puntahan ang babae. Muli na naman siyang nag worry kung ano ang sasabihin sa babae pag nakaharap niya na ito. Balisa siya habang lulan ng kotse. Pasado alas kwatro na nang marating ang office ni Maritoni alanganin na para ayain itong magmeryenda. Nakabukas noon ang pinto ng office nang maabutan niya itong nakatutok ang mata sa screen ng laptop kaya marahan siyang kumatok upang ipaalam na naroon siya. Kunot-noong napalingon sa kaniya ang babae at bumakas ang gulat ng makita siya. Napansin niya rin ang biglaang pagsimangot nito kaya lalo siyang kinabahan.

" Hi!" bati niya sa babae.

" A-anong ginagawa mo rito?" tanong nito sa kaniya.

Hindi niya alam ang isasagot sa babae nang mga oras na iyon. Nag-init ang mukha niya lalo't nakatitig ito sa kaniya.

" Ahm, kasi-"

" Ano bang kailangan mo?" nayayamot nang tanong nito.

" Si Troy? Meron lang kasi akong i-co-consult sa kaniya about sa budget ng project."

Mabuti na lang at nakaisip agad siya ng isasagot dito. Sa tingin niya kasi ay mukhang mainit ang ulo nito dahil sa salubong nitong kilay.

" Si Troy? Eh, 'di ba nasa site siya?" anito at muling ibinalik ang tingin sa laptop. Ramdam niya ang malamig na pakikitungo nito sa kaniya.

" Eh, kasi kani-" naputol ang sasabihin niya nang itaas nito ang palad upang awatin siya sa pagsasalita. May kausap ito sa phone.

Bigla ay nanlumo siya sa pambabalewala na ginagawa nito sa kaniya. Hindi niya ma-imagine ang sarili sa ganoong sitwasyon,desperado at isang kaawa-awa. Bakit nga ba niya pilit itong hinahabol?

" Make sure lang na palaging fresh ang idideliver nilang product sa'tin,ah? Ayokong mapahiya kay Troy!"

Pinagmasdan niya ang dating asawa. Malaki na talaga ang pinagbago nito. Ang dating Maritoni na walang ibang alam kundi ang magselos at bungangaan siya. Bigla niyang na miss ang dating Maritoni, kung maibabalik niya lang sana.

" Okay,sige pupunta ako diyan para ma-confirm. Mahirap na baka ma-scam pa tayo!" anito at pinatay na ang cellphone.

Dali-dali nitong kinuha ang bag at hinanda ang sarili sa pag-alis. Hind niya alam ang sasabihin dito ngunit tila hindi na siya nito pansin.

" Aalis ka?"

" Oo, kailangan kong puntahan iyong supplier," tugon nito na hindi man lang tumitingin sa kaniya.

Tuluyan na siyang natameme at nawalan ng lakas. Lumabas na ito ng opisina ngunit napahinto ito.

" Tawagan mo na lang si Troy o kaya bukas mo na lang siya hintayin sa site," anito nang lumingon sa kaniya at muling tumalikod upang lisan ang lugar na iyon.

" Malapit ko nang sunduin ang anak natin!"mabilis niyang sambit.

Napahinto ang babae sa paglakad at agad na napalingon sa kaniya. Ang kaninang madilim na mukha ay agad na nagliwanag. Agad itong lumapit sa kaniya

" A-anong sabi mo? Pakiulit nga?"

Pinigilan niya ang mapangiti sa ikinilos nito. Kita niya ang kasabikan nito sa mukha. Tingin niya ay nahuli niya ang kiliti ng dating asawa

" Nakausap mo ba siya? Anong sabi, hinahanap ba ako?"

Hindi muna siya sumagot. Pumasok siya sa loob at tila kampanteng naupo sa upuan na naka de kwatro pa. Sinundan naman siya ng asawa at patuloy na inusisa.

" Hinahanap ba niya ako? Kumusta na siya?"

" Okay siya. Wala man lang ba kayong kape dito o kahit juice?" tanong niya

" Ha? Ah, wala,eh."

" Gusto ko sana kumain o kahit magkape man lang habang pinag-uusapan natin ang tungkol kay Angel."

" O-okay sige! May malapit na coffe shop dito. Tara, sakto gusto ko rin magkape."

Hindi niya napigilan ang mapangiti. Alam niya na kung paano kunin ang atensyon ng dating asawa. Tiyak na mawawala ang pagiging mailap nito kapag binanggit niya na ang pangalan ni Angel.

" So, ano na? Kelan mo siya balak sunduin, sasama ako,ah?"

Nasa isang coffe shop sila di kalayuan mula sa office nito.

" Okay, i will update you regularly about sa anak natin. Just make sure na isang tawag ko lang sa'yo gusto ko nandiyan ka na, okay?"

Nagtataka man ay napatango na lang ang babae na lubos niyang ikinasiya.

" If i call you to meet me i don't want to hear any complain, no buts, no excuse! Alalahanin mo, you need me para mapalapit sa anak natin."

Tumango-tango naman si Maritoni bilang pagsang-ayon sa kaniya.

" Anong exact date mo ba siya susunduin? Don't forget to remind me,ah, para maisingit ko sa schedule ko."

" Isingit? God, Maritoni! Make her your priority!" tila OA na paalala niya rito. " You have to prove yourself to her! Alalahanin mo kailangan mong bumawi sa kaniya. Kalimutan mo muna ang ibang bagay lalo na 'yung kasal-kasal na iyan!"

Napahinto si Maritoni sa paghigop ng kape at napatitig sa kaniya. Tumikhim siya bago muling nagsalita.

" Ahm. Sabi ng teacher niya, malapit nang matapos ang mga lessons niya kaya pwede ko na siyang sunduin."

Nakita niya ang magandang ngiti ng asawa na nagpabilis ng kabog ng dibdib niya. Hindi niya na maalala kung kelan niya huling nakita ang ngiting iyon ng babae at sigurado siyang araw-araw niya na iyon masisilayan. Wala na siyang pakialam kung lumalabas na ginagamit niya ang anak o maging unfair man iyon kay Darlene para lang mapalapit dito. Gagawin niya ang lahat huwag lang itong makuha ng ibang lalaki.

" Sobrang excited na ako, Kyle!" nangingiti nitong sambit.

" Ako rin. Excited na kong muli tayong magkasamang tatlo," aniya habang nakatitig sa mukha ng dating asawa.

Next chapter