webnovel

16

ABALA siya sa pag-aayos ng sarili,ngayon kasi ang meet-up nila ng engineer na pinadala ng construction company para sa gagawing branch nila. Suot ang eleganteng dress kung saan lalong lumitaw ang magandang hubog ng kaniyang katawan at ang mala porselana niyang kutis. Business woman na siya ngayon kaya dapat elegante siyang tignan.

" Wow! Ang ganda naman talaga ng anak ko!" Rinig niyang papuri ng Ina ng pumasok ito sa kwarto niya.

" Mana lang po sa inyo,Nay," nakangiti niyang tugon dito.

" Eh, anak kailangan ba talaga ganiyan ang suot mo? 'Di ba makikipag meeting lang naman kayo?"

" Kailangan po, business woman na ako ngayon kaya i have to look elegant."

Muli niyang sinipat ang sarili sa salamin. Ang dating alon-alon niyang buhok ngayon ay hanggang balikat na lang,para kasi sa kaniya ay abala iyon sa isang business woman na katulad niya. Na bumagay naman sa maamo at maliit niyang mukha. Hinawi pa niya ang bangs na humaharang sa kaniyang mukha.

" Susunduin ka ba ni Troy?"

" Hindi po, Nay! Magkikita na lang kami sa isang resto," aniya pa.

" Tingnan mo nga naman, oh. Noong umuwi ka rito sobrang lungkot at napakabigat ng awra ng mukha mo pero tignan mo ngayon, nababakas na ang kaligayahan sa mukha mo,anak," anito ng makalapit sa kaniya.

" Konting-konti na lang po kasi, Nay matutupad na ang pangarap ko," aniya ng humarap sa Ina.

" Natupad na anak, 'di ba?"

" Meron pa pong isa ang hindi natutupad, ang pagbawi ko sa anak ko, Nay."

" Oo nga pala, anak. Ano nga pa lang plano mo tungkol sa apo ko? Ikaw na rin ang may sabi na wala na kayong contact ng dati mong asawa."

Hindi kaagad siya nakasagot. Dummy account lang din kasi ang gamit niya para makita ang anak ngunit matagal na rin itong hindi active sa social media account nito.

" Bahala na po, Nay! Basta po, gagawan ko po ng paraan," aniya na tila hindi sigurado.

" Anong paraan naman iyon, anak?"usisa pa rin ng matanda.

" Pwede ko pong i-contact si Kyle."

Sa pagkakataong ito ay mukhang kailangan niya na talagang gawin ang bagay na iyon. Ito lang naman kasi ang guardian ng kaniyang anak. Kaya niya ng gawin iyon dahil sa loob ng tatlong taon ay tuluyan na siyang naka move-on sa dating asawa. Natitiyak na niya sa sarili na wala na siyang pagmamahal para rito.

Matapos na muling pagmasdan ang sarili sa salamin ay tumalikod na siya para umalis.

" Aalis ka na ba? Abay, kumain ka muna ng agahan nagluto ako ng sinangag."

" Hindi na po, Nay. Nakakahiya naman kay Troy kung paghihintayin ko siya doon,eh."

Bago tuluyang umalis ay dumako muna siya sa kwarto ng kaniyang anak na kung saan ay katabi lang din ng kwarto niya. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng kwarto na kung saan ay kumpleto na sa gamit. Maaliwalas ang kwarto na kulay pink ang pintura. Marami rin itong mga picrures na nakadisplay sa bedside table nito.

Naupo siya sa kama habang naluluhang hinaplos-haplos ang kama ng anak.

" Konting tiis na lang, anak ko magkakasama na rin tayo."

Gamit niya ang naipundar na kotse mula sa kaniyang nesgosyo. Nangako kasi siya sa sarili na oras na makagraduate siya ay bibigyan niya ng regalo ang sarili para magamit na rin sa kaniyang palagiang pag-alis. Nangingiti pa siya habang nangangarap na siya ang maghahatid sundo sa anak sa school. Titiyakin niyang magiging hands-on siyang Ina para kay Angel.

Nang marating ang resto na pinag-usapan nila ni Troy ay natanawan niya itong busy sa harapan ng laptop. Taas noo siyang naglakad palapit rito. Sumilay ang ngiti niya sa labi ng mapansing pinagtitinginan siya ng mga taong naroon. Feeling pretty talaga siya ng mga sandaling iyon

" Sorry, i'm late, kanina ka pa ba?" aniya ng makalapit na sa lamesa kung saan naroon ang binata.

" I'ts okay, wala pa naman 'yung ka meeting natin, eh," anito na sa laptop pa rin ang atensyon.

" Mag order ka muna ng gusto mong drinks or food. On the way pa kasi 'yung engineer na makakausap natin."

Kinuha niya ang book menu para sana makakain dahil hindi nga pala siya nag-agahan nang umalis ng bahay.

" Look at this, Maritoni. What can you say about this-" napahinto ito sa pagsasalita ng mapatingin sa kaniya. " Whoa! You look so gorgeous! Wait, totoo ba 'yang kilay mo?" curious pang tanong ng lalaki.

Sa dami ng pwedeng mapansin ay talagang sa kilay niya ito napatitig.

" Oo naman! Hindi ako nagkakalbo ng kilay tapos magdo-drawing ng artificial?Ano, maganda ba?"

" Yeah, i love it! You look sophisticated. By the way, look at this design. They are newly graduate but they're doing great! Nasunod 'yung designs na gusto natin." Iniabot sa kaniya ang laptop kung saan naroon ang design ng resto nila.

" Oh, that's good!" Aniya pa at tinawag ang namataang waiter.

At dahil baguhan lang siya sa ganoong business ay naging mabusisi siya sa pagpili ng menu na dapat nilang i-consider. Bawat resto na mapuntahan nila ay nagkakaroon sila ng mga idea. Ngunit mas prefer ni Troy ang pinoy foods kaya nag suggest din ito ng mga pinoy delicasies.

Smoked salmon bagel ang in-order niya at isang fruit juice. Habang si Troy naman ay tanging juice lang ang nasa harapan nito. Busy siya sa kakasubo ng magsalita si Troy.

" Okay, he's here!" Wika nito at tumayo bilang respeto sa dumating.

Mabilisan niyang sinubo ang huling kagat na sana ng sandwich ngunit malaki iyon kaya medyo nahirapan siyang nguyain. Bahagya siyang yumuko at hinawakan ang lalamunan.

" Hey! You must be, Troy Montenegro, right? I'm really sorry,i'm late medyo traffic kasi,eh." Anang baritonong boses.

" Yes! It's okay! By the way, this my business partner," rinig niyang sagot ni Troy na siya ang tinutukoy.

Lumagok muna siya ng juice upang ganap na bumaba ang kinain niya dahil mukhang nagmamartsa pa sa kaniyang lalamunan ang kinain at masakit iyon sa pakiramdam. Ngunit natigilan siya ng makita ang kaharap. Bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso. Hindi niya agad nalunok ang juice na ininom at nanlalaki ang mata habang nakatingin sa kaharap. Naubo siya kaya pumasok sa ilong niya ang juice kaya pakiramdam niya ay nalulunod siya.

" Are you okay, Maritoni?" nag-aalalang tanong sa kaniya ni Troy habang tinatapik ang kaniyang likod.

Pasinghap-singhap siya habang nanlalaki rin ang mata ng lalaking kaharap niya ng makita siya sa ganoong sitwasyon at hindi rin malaman ang gagawin.

" Hey, we need help here!" sigaw ni Troy sa mga staff ng restaurant.

Agad naman nagsilapitan ang mga ito para matulungan siya. Ngunit isang malakas na bahing ang pinakawalan niya na nagpahinto sa kanila at tila nagbigay ginhawa naman sa kaniya. Sa lakas ng bahing niya ay tila natanggal yata ang lahat ng nasa ilong niya.

" Oh, my God Mr. Kyle Guevarra! I'm really sorry for this!" bulalas ni Troy.

Si Kyle naman ang nilapitan at pinunasan ang suot nitong polo dahil natilamsikan ito gawa ng malakas na bahing niya.

Pakiramdam niya ay matutunaw siya sa sobrang hiya. Nakagat niya ang pang ibabang labi dahil sa nakakahiyang ginawa niya. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat na ang ka meeting pala nila ay ang dating asawa?

" No worries,i'm okay," anito na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya.

Halatang nasorpresa din ito ng makita siya.

" Okay, sige na tapos na ang palabas, back to work na!" sita niya sa mga staff na nakikiisyoso pa rin sa kanila.

" Hindi ko akalaing dito tayo magkikita," ani ni Kyle na nakasilay ang ngiti sa mga labi.

Lalong bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso ng muling masilayan ang makalaglag panty na mga ngiti nito. Lalong gumwapo ang dating asawa. Bagamat naging matured na ito ay hindi pa rin nababawasan ang taglay nitong kakasigan. Ang dating totoy na pangangatawan ngayon ay may malapad na dibdib na tila masarap sandalan. Bahagya pang nakabukas ang butones ng polo nito kaya tanaw niya ang mabalahibo nitong dibdib. In-fainess, yummy pa rin ang dating asawa. Napakurap-kurap siya sa naisip at hindi agad nakaimik.

Tila nagtataka naman ang expression ng mukha ni Troy habang nakamasid lang sa kanila.

" Kumusta ka na?" Muli ay usisa nito sa kaniya.

Gusto niya ng hampasin ang sariling dibdib dahil tila ito tambol sa lakas ng kabog.

" Did you know each other?" Si Troy na hindi nakatiis at nag-usisa na.

" She's my ex-wife."

" He's my ex-husband."

Magkasabay pa na wika ng dalawa na ikinalaki ng mata ni Troy. Tuluyan na siyang napatitig sa gwapong mukha ng asawa at ganoon din naman ito sa kaniya. Nakatitig ito na may ngiti sa mga labi.

Next chapter