webnovel

10

Nang makabawi sa pagkagulat ay agad na tinakbo ang asawa hinawakan niya ito sa bewang at hinila.

" Hey,hey,hey! Babe what are you doing?!" tarantang tanong sa asawa.

Ngunit hindi nagpatinag ang asawa patuloy lang ito sa paghampas sa motor at  pagwawala kahit hila-hila niya na ito sa bewang. Upang ganap na mapigilan ay mismong mga braso na ng asawa ang hinawakan niya. Kitang-kita pa niya ang galit na galit na expression ng mukha nito. 

" Hey! Why are you doing this,are you crazy?!" galit na niyang tanong rito habang hawak parin ang magkabilang braso ng asawa.

" Bitawan mo ako!" galit nitong tinuran habang pilit na nagpupumiglas.

" Hindi kita bibitawan hangga't di mo  pinapaliwanag kung bakit ka nagwawala riyan!" singhal niya rito.

Tinitigan siya nito ng matalim.

" Ah,so painosente ka ganon?" nang uuyam na tanong nito.

"  God,Toni! Diretsohin mo nga ako,huwag mo akong gawing manghuhula!"gigil niyang turan.

" Nanggigil ako sa'yo! Talagang napakasinungaling mo,ah!" sigaw nito habang nagpupumiglas na naman.

Pinilit nitong makawala sa pagkakahawak niya. At nang makawala ay may hinagilap ito sa bulsa. Kinakabahan siya habang pinagmamasdan ito. Naisip niyang baka baril na ang pilit na dinudukot nito at itutok sa kaniya. Sa kilos ng asawa  na sa tingin niya ay nalulukaret na ay hindi malayong magkatotoo ang iniisip. Ngunit isang cellphone ang inilabas nito at binagsak iyon sa dibdib niya. Kunot-noo niya itong kinuha. Namutla siya sa nakita sa screen ng cellphone. Picture nila ni Darlene,nakahawak ito sa braso niya at masayang nakangiti. Kuha nila ito sa mismong venue ng magkaroon sila ng practice sa racing. Nai-upload pala ito ng dalaga sa social media account nito.

"Shit!" sigaw ng isip niya.

Hindi kaagad siya nakaimik,napatitig lang siya sa cellphone.

" Ano magmamaang-maangan ka pa?" tanong nito na itinulak pa siya. "All this time,napaniwala mo ako na sinunod mo ko sa hindi pagsali sa racing! At ang masama pa,kasama mo pa lagi ang malanding babae na iyon!" panggagalaiti ng babae. Naniningkit ang mata nito sa galit.

Napabuntung-hininga nalang siya bago nakapagsalita.

" Okay,i'm really sorry for what i did. Pero hindi mo pa rin dapat ginawa iyan,"  mahinahon niyang sagot habang tinuturo ang wasak ng motorsiklo.

" Ang alin? Iyong pagwasak ko sa motorsiklo?Oh,common sa dami ng pera niyo,you can buy anytime you want!" 

" Look,Maritoni,alam ko galit ka but i think that's too much. Niregalo sa akin iyan nila Mommy. Dapat hindi mo ginawa iyon," paliwanag niya pa rito.

Tumawa ito ng pagak bago nagsalita. " Shit! Kyle hindi iyan ang issue rito! Huwag mong ibahin ang  usapan,may kasalanan ka sa akin at iyon ang pag-usapan natin,hindi 'yang lintik na motor na iyan!"sigaw pa nito na halos maputol na ang litid sa leeg.

 Nagpanting ang tenga niya sa sinabi ng asawa.

" Watch your words,wala akong ginagawang masama!" galit naring sagot niya.

Nauubos na ang pasensiya niya sa kasisigaw ng asawa. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang niya naranasan ang sigaw-sigawan. Nagmumukha tuloy siyang under ng asawa. Ngunit pipilitin niyang magpakahinahon dahil may kasalanan din naman siya.

" Nagsinungaling ka sa akin tapos sasabihin mo wala kang ginagawang masama?! Naririnig mo ba ang sarili mo, Kyle?"

" You force me to do that,remember? Friends na kami ni Darlene since young,kahit na noong wala ka pa. And it's not easy to give up dahil lang sa inutos mo. Please Maritoni,grow up. Tigilan mo na ang kakaselos kay Darlene!" pagsusumamo niya sa asawa.

" So,sinasabi mo ba na immature ako?! Hindi mo kayang i-give up ang friendship niyo kahit nagkakagulo na tayo? Friendship goal,ganon?! Wow!"

Napabuga siya ng hangin na tila inaalis ang inis sa dibdib.

" I never said that you're immature. Gusto ko lang ipaintindi sa'yo na hindi ganon kadali iyon!" 

" Pero ang saktan ako napakadali sa'yo?!P'wes mamili ka sa amin. Ako o si Darlene at ang pesteng racing na iyan!" singhal nito.

" God,Toni! Naririnig mo ba iyang sarili mo?" hindi makapaniwalang tanong niya rito.

" Answere me,Kyle! Ako at ang baby natin o si Darlene at ang pesteng racing na iyan?!"muli ay tanong nito.

Hindi siya nakasagot. Napapailing na lang siya at hindi makapaniwala sa sinasabi ng asawa. Nagpasya nalang siyang talikuran ito.

" Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag-usap!" Pahabol na sigaw nito ngunit hindi niya na ito nilingon. 

Bakas sa mukha nito ang galit.

Nagpasya siyang puntahan nalang ulit ang anak  na ngayon ay mag-iisang taon na. Nakipaglaro nalang ulit siya rito. Para sa kaniya ay hindi uubra ang ganoong pakulo ng babae. Hindi siya madidiktahan nito. Oo at may kasalanan siya ngunit hindi sapat iyon para palakihin pa nila ang ganoong para sa kaniya ay mababaw na isyu. Aminado naman siyang inaakit siya ni Darlene ngunit hindi niya ito papatulan at sapat na iyon para sabihing wala siyang ginagawang masama. Nahihirapan na siyang intindihin pa si Maritoni. Talagang napakalaki na ng ipinagbago nito at hindi niya alam kung hanggang kelan siya tatagal.

Nagtataka naman ang mga kaibigan  niya kung bakit ibang motorsiklo na ang ginagamit ng binata. At nabanggit nga niya sa mga ito ang ginawa ni Maritoni.

" Amazona pala iyang napangasawa mo pare,eh. 'Atapang a babae!"napapalatak na sambit ni Micoy. Hinayang na hinayang sa  nawasak na motorsiklo ng binata.

" Eh,bakit naman kasi hindi mo na lang siya sundin para hindi na kayo magkagulo ni Toni?" 

Suhestyon naman ni Andrew na napapailing pa.

" Kilala mo ako,Andrew hindi ako nagpapadikta kung alam kung wala naman akong ginagawang masama," aniya.

" Remember,you're  not a single anymore, meron ka ng asawa na kailangan mong pakisamahan," paalala ni Andrew sa kaniya.

Hindi nakaimik si Kyle may punto ang kaibigan. Hindi na siya binata na ginagawa ang mga gustong maibigan. Pero naisip niyang masyado pa siyang bata  para lumagay sa ganong sitwasyon. Ayaw pa niyang masyadong seryosohin ang mga bagay-bagay.

" I'm doing this to enjoy myself kahit na kasal na ako. Besides,i'm doing my responsibility,ano pa ba ang gusto niya?  Noong nabuntis ko siya,i did not abandoned her. Pinakasalan ko agad siya," pagtatanggol pa niya sa sarili.

Tumango-tango naman ang mga kaibigan bilang pagsang-ayon sa tinuran niya. Sa totoo nga ay bilib ang mga ito sa kaniya dahil hindi niya tinakbuhan kundi ay pinakasalan pa ang babae. Sa personalidad ni Kyle bilang mayaman,guwapo,playboy at matalino.

" Nagsisisi ka na ba pare na maaga kang nag-asawa?"tanong ni Jeero na seryosong nakikinig lang sa kaibigan. Himalang nawala ang pagiging alaskador nito.

" Kaya ako? Tikim-tikim lang muna,ayoko ng stress sa buhay," napapailing na sambit  naman ng babaerong si Alex.

" Ikaw kasi,eh! Masyado kang nagmadali,hindi mo ako hinintay!"

Boses iyon ni Darlene na biglang sumulpot sa may likuran nila. Kanina pa pala ito nakikinig sa usapan nila.

" Shit! Ang init here,bakit ba kayo nandito sa likod ng school?"naiiritang tanong nito at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay.

Napatitig sila sa dalaga na maarteng pinapaypayan ang sarili. Ang totoo ay sinisisi nila ito dahil sa nangyari sa kaniya. Ngunit wala siyang balak sumbatan ito. Nangyari na iyon at wala na siyang magagawa.

" Stop staring at me,guys!"naiirita nitong sabi.

Ngunit nakatitig pa rin ang mga kaibigan sa dalaga na may halong pagkairita.

" Bakit mo ba kasi ginawa iyon,Darlene?" Hindi natiis na sita sa kaniya ni Micoy.

" What? Posting my pictures to my account? Anong masama doon?" Kunwa ay tanong nito.

Alam naman ng mga ito ang sagot kung bakit ginawa iyon ng dalaga. Gusto nitong magkagulo ang dalawa. 

" I think it's too much,Darlene. Alam mo naman na selosa si Maritoni,'di ba?" sambit ni Andrew.

Napaisip ang dalaga at mukhang nahulaan agad ang ibig sabihin ni Andrew.

" Am i right? Base on your reaction guys,merong hindi magandang nangyari?" malapad ang ngiting sabi pa ng dalaga. 

Lumapit ito kay Kyle at isinukbit ang braso sa braso ng binata. Ngunit hindi na siya tumutol sa ginawa ng dalaga. Hindi rin naman siya nito pakikinggan. Si Darlene ang tipo na kapag pinipigilan ay lalong nanggigigil.

" Means nakita niya yung post ko? How? Stalker ko siya,ganon?" Dagdag pa ng natatawang dalaga. 

" Ay,sus! Parang proud ka pa,ah? Alam mo bang nagkagulo iyong dalawa dahil sa ginawa mo?" sita ni Micoy sa kaniya.

Kunwa ay nagulat pa ang dalaga.

" Oh,no really? Sad to hear that." Bumaling ito sa kaniya."Galit ka ba sa akin,Kyle? Sorry na,i'm not expected na makikita niya pala," paglalambing  ng dalaga sa kaniya na animo'y parang maamong bata.

" The damage is already done. So late to say sorry," wika naman ni Andrew.

" Ikaw kasi,eh,pasaway ka Darlene," sita naman si Jeero.

" Shut up! Stop blaming me!" anito na tangka pang hampasin ng bag si Jeero na bahagyang lumayo para di tamaan. Inirapan ito ng dalaga.

" Hilig gumawa ng eksena,eh! Papansin hindi naman celebrity!" patuloy nitong pang-aasar sa dalaga na napipikon na.

"  Excuse me, hindi ako papansin! I don't have to. 'Coz i've got all that i want!" inis nitong sagot.

"Hey,mali ka. Mayroong isang bagay na gusto mo na hindi mo naman makuha," panunukso naman Micoy.

" Alam mo,Micoy may mga bagay na hindi dapat minamadali. Siguro sa ngayon hindi pa sa akin,pero i know my time will come," kumpyansang  sagot ng dalaga.

" Means someday magiging sa'yo si Kyle? Ganun ka talaga kasigurado,ah?" pang-aalaska parin ni Micoy na ikinapula ng pisgi ni Darlene.

Napapailing na lang si Kyle sa takbo ng usapan ng mga kaibigan. Hindi niya naman masisisi ang dalaga dahil wala na rin naman siyang magagawa  na.

" Nakakainis kayo!Pinagtutulungan niyo ako! Sino ba ang una niyong naging friend? Di ba ako at hindi ang maarteng Maritoni na iyon?" inis na nitong  sita sa mga kaibigan.

Tuluyan na ngang nagtampo ang dalaga at nagwalk- out na nga ito. Naghagalpakan naman ng tawa ang mga kaibigan.Agad  sinundan ni Andrew ang nagtatampong kaibigan.

" Puro talaga kayo kalokohan!"wika niya.

" Tama lang sa kaniya iyon. Minsan kasi itong si Darlene wala sa lugar ang kaartehan,eh. Parang bata!" sagot naman ni Alex.

" Na-spoiled kasi ng barkada,eh. Kita niyo si Andrew,sinundan pa," puna pa  ni Jeero. 

" So,ano ng plano mo?Itutuloy mo pa rin ba ang pagsali?" tanong pa ni Micoy.

Hindi na nakasagot si Kyle. Sa totoo lang ay nagdadalawang isip na rin siya. Nakita niya kasi kung paano magwala ang asawa at alam niyang hindi ito titigil sa panggagalaiti. 

Kaya nga labag man sa kalooban niya pikit-mata niyang isusuko ang pangarap para sa kaayusan ng pagsasama nila.  Focus nalang muna siya sa pag-aaral at sa pamilya niya. Tama si Andrew,hindi na siya binata para gawin ang lahat ng gusto niyang maibigan. Ngunit ng araw ngang iyon ay nagpasya siyang huwag muna umuwi sa kanilang bahay dahil masama pa rin ang loob niya sa asawa. Isa pa,alam niyang sasalubungin na naman siya ng bunganga ni Maritoni. Doon muna siya nagpalipas ng gabi sa mga kaibigan. 

Kinabukasan pa siya umuwi sa kanila pagkagaling niya sa school ng gabing iyon. Ngunit nagulat siya nang hindi maabutan ang asawa pati ang baby nila. Agad niyang binuksan ang cellphone na kahapon pa niya in-off dahil iniiwasan niyang tawagan ng asawa. Di-niall niya ang numero ng asawa ngunit out of coverage kaya lalo siyang nagtaka. Hindi kasi ugali ng asawa ang magpatay ng cellphone. Maya-maya ay napaisip siya.

" Shit! Tinotoo nga kaya ni Maritoni ang sinabi  niya kahapon?" bulong niya sa sarili na pinagpapawisan na. 

Nanlalata siyang napaupo sa sofa at inis na nilamukos ang mukha. Naalala niyang bigla na pinamili nga pala siya ni Maritoni. At dahil hindi niya sinagot iyon malamang ay inisip nito na hindi sila ang pinili nito at nagpasya na nga itong layasan siya.

" God, Maritoni!" inis niyang turan.

Napatayo siya at hindi alam ang gagawin ng gabing iyon. Umalis ito at hindi niya alam kung saan nagpunta. Nagpasya siyang pumunta sa mga kaibigan para matulungan siyang hanapin ang asawa.

Sa totoo lang ay hindi niya alam ang gagawin kung paano at saan ito mahahanap. Wala naman kasi siyang kakilala na kamag-anak nito na puwede nitong mapuntahan. Ngunit naisip niya ang mga kaibigan nito na sina Carol at Jona. Iyon lang ang tanging kilala niya na puwedeng puntahan ng asawa.

Next chapter